You are on page 1of 7

FILIPINO

SA PILING LARANG

WEEK 3
MA'AM DHAILAH ROSE SALAS

COMIA, JEMYCA A.
G12 PHILIP CROSBY
FILIPINO SA PILING LARANG

Panimula

Panuto: Bago mo pa simulan ang mga gawain sa

modyul na ito, susubukin muna ang iyong kaalaman sa

paksa. Basahin at sagutin ang sumusunod na mga

katanungan, isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Isa sa maituturing na malaking kasalanan sa anumang

anyo ng sulatin ay ang pangongopya at walang pormal na

pagkilala sa tunay na awtor ng mga konseptong iyong

kinuha. Dahil dito, maaari kang patawan ng parusang:

A. Libelo B. Slander C. Forgery D. Plagiarism

2. Para maiwasan ang anumang uri ng kasalanan sa hindi

pagkilala sa tunay na awtor o may ideya sa orihinal na

konsepto, alin sa mga anyo ng sulatin ang dapat na

isaalang-alang?

A. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat

B. Malikhaing Pagsulat D. Reperensiyal na Pagsulat

3. Kung nais gamitin ang mga direktang pahayag o

mismong mga pangungusap (verbatim) ng hanguang

detalye, nararapat lamang na :


FILIPINO SA PILING LARANG

A. Isama ang awtor at petsa ng sulatin.

B. Lagyan lamang ng panipi (quotaion mark) ang

siping pahayag.

C. magkaltas ng ilang hindi mahahalagang salita.

D. sikaping baguhin ang mga salita sa orihinal na

teksto.

4. Hindi mo sinusukuan ang paghahanap ng

mahahalagang impormasyon para lamang maibilang mo

ito sa iyong akademikong pagsulat. Taglay mo ang

katangiang:

A. kritikal. B. matapat. C. matiyaga. D. sistematiko.

5. Walang paglalangkap ng anumang damdamin sa iyong

isinusulat, may pagtitimbang o walang biased, at obhetibo

sa lahat ng pagkakataon. Taglay mo ang katangiang

A. maingat. B. kritikal. C. matiyaga. D. sistematiko.


FILIPINO SA PILING LARANG

Gawain 1

Panuto: Ngayong nalaman mong may mga dapat na

isaalang-alang sa pananaliksik at paghahanda ng

akademikong sulatin, muling balikan ang inyong nakalipas

na mga pamamaraan sa pagkalap ng datos na sa tingin

mo’y dapat nang baguhin at palitan. Talakayin ito sa

pamamagitan ng malayang diskusyon kasama ang

kapartner na kamagaral na pinili mo sa tulong ng

messenger o text. Gawing batayan sa pagsagot at

pagtalakay ang talahanayan sa ibaba.


FILIPINO SA PILING LARANG

Gawain 2

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong maipapayo sa

iyong kamag-aaral na nagsasagawa ng pamantayan sa

pananaliksik at akademikong pagsulat? Ilahad mo rin kung

paano mo sila mahihikayat na maging responsable sa

pagsulat ng pananaliksik at iba pang mahahalagang

dokumento?

-Ang maipapayo ko sa aking kamag-aaral na

nagsasagawa ng pamantayan sa pananaliksik at

akademikong pagsulata ay maging maingat sa pagkuha

ng mga impormasyon o detalye dahil maaaring

makasuhan ang sino mang gayahin o kunin ang

impormasyon ng walang pahintulot ng mananaliksik o ng

nagsulat ngunit kung di maiiwasan ang pagkuha ng

impormasyon ay huwag kakalimutan ilagay ang pangalan

ng manunulat o ang pinagkuhanan ng impormasyon.

Mahihikayat ko ang mga estudyante o ang mga

mananaliksik na maging responsable sa pagsulat ng

pananaliksik at iba pang mahahalagang dokumento sa

pamamagitan ng paggawa ng sulatin tungkol sa

kahalagahan at mga kaalaman na makukuha ng mga

mambabasa sa kanilang pananaliksik at kung paano

maging responsableng mananaliksik.


FILIPINO SA PILING LARANG

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod

na mga katanungan. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik

ng tamang sagot.

1. Regular na tinitiyak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang

mga wikang kailangang sagipin sa iba’t ibang panig ng

arkipelago. Kaya naman, nagsasagawa sila ng

pananaliksik sa pamamagitan ng personal na pagtungo sa

mga lalawigan at liblib na pook upang kumustahin ang

native speaker ng partikular na wika. Taglay nila ang

katangiang:

A. maingat B. matapat C. matiyaga D. sistematiko

2. Walang sinasayang na panahon si Sandra Aguinaldo,

reporter ng GMA- 7 sa pagkalap ng mga datos at

impormasyon sa tiyak na panahon at pagkakataon. Alin sa

mga sumusunod na katangian ng mananaliksik ang

ipinamalas ni Sandra Aguinaldo?

A. Maingat B. Matapat C. Matiyaga D. Sistematiko

3. Sa tuwing magsasagawa ng live webinar si Prop. David

San Juan ng De La Salle University, lagi niyang

binabanggit ang orihinal na mga awtor at manunulat


FILIPINO SA PILING LARANG

ng isang partikular na konsepto o ideya. Anong katangian

ng mananaliksik ang taglay ni Prop. San Juan?

A. Maingat B. Matapat C. Matiyaga D. Sistematiko

4. Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-

alang sa pagsipi ng mga tala ang________________

A. hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng

pagkakataon.

B. pangalan at petsa ng orihinal na awtor.

C. wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala.

D. lahat ng nabanggit

5. Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa

pananaliksik at pagsulat ng mga akademikong tala

maliban sa______________.

A. bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na

pananaw.

B. magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito

kahirap.

C. kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na

awtor.

D. sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang

abiso.

You might also like