You are on page 1of 26

KABANATA I

KALAGAYANG PANGKAPALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Dulot ng modernisasyon, teknolohiya, at inobasyon, malayo na ang

naging transisyon sa pamumuhay ng mga tao. Mula sa payak at simpleng

pamumuhay noong unang panahon, napalitan ito ng industriyalisayon na siyang

kinamulatan na ng mga bagong henerasyon sa kasalukuyan.

Sa panahon ngayon, karamihan sa mga mamamayan ay umaasa na sa

Information, Communication, and Technology (ICT). Sa loob ng isang opisina o

saanmang pinagtatrabahuhan ng mga kawani, sa pagpapaunlad ng negosyo, sa

paghahanap at pagpapalaganap ng impormasyon, sa pakikipagkomunikasyon,

atbp., lahat nang ito ay nakaugnay sa isa sa mga pinakamalaking ambag ng ICT,

ang pagkatuklas ng internet. Masasabing malaki ang papel ng paggamit nito sa

buhay ng bawat isa sapagkat napakalawak ng saklaw nito at pinahihintulutan nito

ang mga indibidwal na alamin at gawin ang iba’t ibang bagay nang hindi

gumugugol ng maraming oras.

Isa sa mga naging positibong epekto ng internet ay ang pag-unlad ng

negosyo sa iba’t ibang panig o dako ng mundo kabilang na sa Pilipinas. Dahil sa

internet, nagkaroon ng sari-saring anyo at pagsasakatuparan ang mga bagong

konsepto tulad na lamang ng online business. Maliit man o malaki ang isang

negosyo, lokal man o internasyunal ang operasyon, hangga’t nagagamit ng

1
wasto ang internet at nilalangkapan ng epektibong estratihiya, nagiging kapaki-

pakinabang na instrumento ang internet sa pagpapalago ng negosyo.

Sa paglipas ng panahon, marami ang makapagpapatunay na ang internet

ay nakatutulong sa pagpapataas ng kita ng isang negosyo sapagkat ginagawa

nitong posible ang pagpapanatili ng interaksyon sa pagitan ng mga producer at

consumer (Apavaloaie, 2014). Isang halimbawa rito ay ang mga hotel na internet

ang nagiging tulay upang makita ng mga potensyal na kustomer ang kanilang

inaalok na serbisyo. Bukod pa rito, ang mga turista’y gumagamit din ng internet

sa pagpapareserba ng silid na tutuluyan sa oras na sila’y dumating sa lugar na

pagbabakasyunan.

Dagdag pa rito, ang mga kompanya sa iba’t ibang sektor tulad ng

telecommunication, entertainment, real estate, distribution, at banking ay

tinangkilik na rin ang benepisyong dala ng makabagong teknolohiya upang

makasama sa pag-angat at pag-angkin ng globalisayon sa mundo. Mula sa

tradisyunal na paraan ng pagnenegosyo, nakilala na ang online o electronic

business na nagbukas at nagbigay pagkakataon naman sa mga mamimili na

mapag-aralan ang iba’t ibang produkto at serbisyo ng walang limitasyon bago ito

bilhin sa pinakasimpleng paraan, sa loob man ng pamamahay, sa trabaho o kahit

saan pa man.

Tunay ngang maraming oportunidad ang naihahain ng internet para sa

kaginhawaan ng mga negosyante. Sa pamamagitan ng internet, ang mga ideya,

impormasyon at balita ay mabilis na kumakalat saanmang sulok ng bansa at ng

mundo; hindi na rin ganoon kahalaga ang pagsasaalang-alang sa lokasyon sa


2
paggawa ng mga desisyon dahil na rin sa kompyuter na ang ginagamit na

midyum sa produksiyon at iba pang operasyon; sa ngayon, hindi na limitado ang

operasyon ng isang negosyo, maaari itong ma-access ng mga mamimili sa loob

ng dalampu’t apat na oras at pitong araw sa loob ng isang linggo; hindi na rin

mahalaga kung malaki o maliit ang isang negosyo, kung dati-rati’y malalaking

negosyo lamang ang may kakayahang magbigay ng mabibigat na serbisyo,

ngayon, kaya ng makipagsabayan ng maliliit na negosyo at; nagkaroon na rin ng

pagbabago sa pagbibigay-serbisyo sa mga kustomer. Subalit, sa kabilang

banda, mayroon ding mga negatibong epekto ang internet--- nag-uusbungan ang

iba’t ibang taktika upang mahalina ang mga mamimili kung kaya’t nagkakaroon

ng higit na mahigpit na kompetisyon sa merkado. Upang malamangan o

magawang makipagsabayan sa mga katunggaling negosyo, ang isang

organisasyon ay dapat na yakapin ang teknolohiya partikular ang paggamit ng

internet upang mas mapabilis ang bawat transaksyon at mapanatili ang

katapatan ng mga mamimili dahil sa serbisyong natatanggap. Lahat ng mga

nabanggit ay naging posible ngunit ito rin ay apektado ng isang baryante, ang

tulin o speed ng internet. Ang baryanteng ito ang nag-udyok sa mga

mananaliksik na magsagawa ng isang masusing pag-aaral ukol sa epekto ng

mabagal na internet sa paglago ng mga kabuhayan sa bansa.

KABANATA II

3
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na kunin ang kwantitabong datos

mula sa mga respondante ukol sa iba’t ibang epekto ng mabagal na internet sa

paglago ng mga pangkabuhayan sa Pilipinas:

a.) kita;

b.) serbisyo;

c.) komunikasyon at;

d.) pagtangkilik ng mamimili.

Sasagutin din sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1.) Mayroon bang ambag ang paggamit ng internet sa paglago ng mga

pangkabuhayan sa Pilipinas?

2.) Nakatutulong ba ang internet sa pagkuha ng tiwala ng mga mamimili?

3.) Nakatutulong ba ang paggamit ng internet sa pagtatag ng identidad o

pagkakakilanlan ng isang negosyo?

4.) Sa usaping kompetisyon sa merkado, mas lamang ba ang negosyong

gumagamit ng internet sa pagpapakilala ng kanilang negosyo at mga

produkto?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

4
Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “Pananaw ng mga Piling Mag-aaral

sa Kolehiyo ng Negosyo at Pagtutuos sa Pamantasan ng Palawan Ukol sa

Epekto ng Mabagal na Internet sa Paglago ng Pangkabuhayan sa Pilipinas”. Ang

resulta ng pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral ng tersiyaryo lalo’t higit ang mga kumukuha ng

programang may kinalaman sa pagnenegosyo, ang pag-aaral na ito ay

makapagbibigay-impormasyon na maaari nilang magamit sa kanilang

kapakinabangan sa oras na pipiliin nilang magtayo ng sariling negosyo.

Sa mga guro, ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaari nilang magamit o

maging patnubay sa mga pagkakataong ang leksyong ituturo sa klase ay may

kinalaman sa isyung tinalakay sa pag-aaral na ito.

Sa mga negosyante, ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kamalayan sa

kanila na ang tulin o speed internet ay isang mahalagang salik na dapat nilang

pagtuunang-pansin sa pagpapalago o pagpapaunlad ng kanilang negosyo at ng

interaktibong relasyon sa kanilang mga parokyano.

Sa iba pang mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay isa sa mga

pinakamagandang pagkunan ng kaugnay na pag-aaral. Maganda ring pagtuunan

ito ng ibayong pansin at karagdagan pang pag-aaral dahil malaki ang

maiaambag nito sa kabuuan ng lipunan.

KABANATA III

5
METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pamamaraan

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyong kwantitatibong

pananaliksik na kung saan gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey-

kwestyoneyr na nakalahad ang maaaring sagutan ng mga respondante. Ito ang

napiling disenyo ng mga mananaliksik dahil ito ang madaling paraan upang

ilikom ang datos na mula sa mga respondente ukol sa kanilang pananaw kung

ano ang epekto ng mabagal na Internet sa paglago ng pangkabuhayan.

B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga napiling respondente ng mga mananaliksik ay ang mga mag-

aaral sa Kolehiyo ng Negosyo at Pagtutuos ng Pamantasan ng Palawan. Sa

bilang na apatnapung respondente, na nasa edad na mula labing pito hanggang

dalawampu’t isa. Pinili ng mananaliksik ang mga estudyante sa kolehiyo

sapagkat karamihan sa mga estudyante, sila ang madalas na gumamit ng

Internet at bumubuo na rin ng sariling pangkabuhayan kung kaya’t sila ang

mabisang mapagkukunan ng pananaw ukol sa nasabing pananaliksik.

C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos


6
Ang ginamit ng mga mananaliksik ay ang instrumentong sarbey. Ang

sarbey-kwestyoneyr na ito ay inihanda ng mga mananaliksik upang

makapangalap ng mga datos nang sa gayon ay malinaw na malaman kung ano

ang pananaw ng mga estudyante ukol sa epekto ng mabagal na Internet sa

paglago ng pangkabuhayan sa Pilipinas.

Ang sarbey-kwestyoneyr ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang

bahagi ng sarbey kwestyoneyr ay ang pagkakakilanlan ng mga taga-tugon.

Nakasaad dito ang kanilang pangalan na pwedeng opsyunal at ang kanilang

edad. Ang pangalawang bahagi ay ginamitan ng 3 point likert scale. Ito ay

binubuo ng hindi sumasang-ayon, katamtaman, at sumasang-ayon. Sa paraan

na ito, makukuha ng mga mananaliksik ang lebel ng kanilang pananaw ukol sa

epekto ng mabagal na Internet sa pag-unlad ng pangkabuhayan sa Pilipinas.

E. Paraan sa Paglikom ng Datos

                      Naghanda muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at

pinasagutan sa mga estudyante sa Kolehiyo ng Negosyo at Pagtutuos.

Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang

bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa

bawat tanong sa talatanungan. Masusing  pinag-aralan at ginawan ng

pagbubuod at konklusyon ang mga sagot ng mga respondente.  Sa paraang ito

ay nakuha kung ano ang pananaw ng mga estudyante epekto ukol sa nasabing

pananaliksik.

KABANATA IV

7
PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng resulta ng mga epekto ng mabagal

na Internet sa paglago ng pangkabuhayan sa Pilipinas ng mga piling mag-aaral

sa kolehiyo ng negosyo at pagtutuos sa pamantasan ng Palawan.

TALAHANAYAN 1
ANG EPEKTO NG MABAGAL NA INTERNET SA PAGLAGO NG
PANGKABUHAYAN
Katanungan Bilang ng mga sumagot
Di sang- Katamtaman Sang-ayon
ayon
Bumababa ang kita 3 16 21
Nababawasan ang bilang ng mga mamimili. 4 27 9
Mahirap makipagkomunikasiyon sa mamimili. 5 14 21
Hindi natatangkilik ng ibang mamimili ang 5 20 15
negosyo.
Mabagal ang pagtakbo ng negosyo. 4 17 19

TALAHANAYAN 2
KAUGNAYAN SA PAGITAN NG MAMIMILI
Kaugnayan sa pagitan ng mamimili, negosyo, at Di sang- Katamtaman Sang-ayon
paggamit ng internet: ayon
Nakatutulong ang paggamit ng internet sa paglago 1 12 27
ng pangkabuhayan sa Pilipinas.
Nakatutulong ang Internet sa pagkuha ng tiwala ng 4 20 16
mga mamimili.
Ang internet ang nakatutulong sa pagtatag ng 2 21 17
identidad o pagkakakilanlan ng isang negosyo.
Sa usaping kompetisyon sa merkado, 2 13 25
nakalalamang ba ang negosyong gumagamit ng
internet sa pagpapakilala ng negosyo at mga
produkto?

PIGURA 1

8
BUMABABA ANG KITA
Sang-ayon Katamtaman Di Sang-ayon

8%

40% 52%

Makikita sa unang grap na ito ang bahagdan ng mga mag-aaral na

sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon sa pagbaba ng kita ng negosyo

na isa sa mga epekto ng mabagal na Internet sa Pilipinas.

Mayroong limampu’t dalawang bahagdan (52%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong apatnapung

bahagdan (40%) ng di sumang-ayon at katamtaman ang pinakamaliit na umabot

lamang sa walong bahagdan (8%) na bilang ng sumagot. Ito ay

nangangahulugan lamang na malaki ang epekto ng mabagal na internet sa

kikitain ng isang negosyo.

PIGURA 2

9
NABABAWASAN ANG BILANG NG MGA MAMIMILI
Sang-ayon Katamtaman Di Sang-ayon

10%
22%

68%

Ang ikalawang grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga mag-

aaral na sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon sa pagbawas ng bilang

ng mga mamimili na isa sa mga epekto ng mabagal na Internet sa Pilipinas.

Mayroong animnapu’t walong bahagdan (68%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang mayroong dalawampu’t

dalawang bahagdan (22%) ng sumang-ayon at ang mga di-sumang-ayon ang

may pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa sampung bahagdan (10%). Ito

ay nangangahulugan na katamtaman lamang ang epekto ng pagbawas ng bilang

ng mamimili kung mabagal ang internet.

10
PIGURA 3

Ang ikatlong grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga mag-aaral

na sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon sa mahirap

makipagkomunikasyon sa mga mamimili na isa sa mga epekto ng mabagal na

Internet sa Pilipinas.

Mayroong limampu’t dalawang bahagdan (52%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong tatlompu’t

limang bahagdan (35%) ng katamtaman at hindi sumang-ayon ang may

pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa labingtatlong bahagdan (13%).

Nangangahulugan lamang ito na malaki ang epekto ng internet sa pagkakaroon

ng komunikasyon sa pagitan ng mga mamimili at negosyante.

PIGURA 4

11
Ang ikaapat grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga mag-aaral

na sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon sa hindi natatangkilik ng ibang

mamimili ang negosyo na isa sa mga epekto ng mabagal na Internet sa Pilipinas.

Mayroong limampung bahagdan (52%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang mayroong tatlompu’t pitong

bahagdan (37%) ng sumang-ayon at hindi sumang-ayon ang may pinakamaliit

na bilang na umabot lamang sa labingtatlong bahagdan (13%).

Nangangahulugan ito na katamtamang bilang lamang ng mga mamimili ang hindi

tumatangkilik sa isang negosyo kung mabagal ang internet.

PIGURA 5

12
Ang ikalimang grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga mag-aaral

na sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon sa mabagal na pagtakbo ng

negosyo na isa sa mga epekto ng mabagal na Internet sa Pilipinas kung

mabagal ang internet.

Batay sa pigurang ito, mayroong apatnapu’t pitong bahagdan (47%) na

nagpapakita ng pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong

apatnapu’t tatlo bahagdan (43%) ng katamtaman at hindi sumang-ayon ang may

pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa sampong bahagdan (3%).

Nangangahulugan ito na malaki ang epekto ng mabagal na internet sa pagtakbo

ng isang negosyo.

PIGURA 6
13
Ang ika-anim na grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga

mag-aaral na sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon kung nakakatulong

ang paggamit ng Internet sa paglago ng pangkabuhayan sa Pilipinas na kabilang

sa isa sa mga kaugnayan sa pagitan ng mamimili, negosyo, at paggamit ng

Internet. Batay sa pigurang ito, mayroong animnapu’t pitong bahagdan (67%) na

nagpapakita ng pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong

tatlompung bahagdan (30%) ng katamtaman at hindi sumang-ayon ang may

pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa tatlong bahagdan (3%).

Nangangahulugan ito malaki ang papel ng internet sa paglago ng mga

pangkabuhayan sa Pilipinas.

PIGURA 7

14
Ang ika-pito na grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga mag-

aaral na sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon kung nakakatulong ang

internet sa pagkuha ng tiwala ng mga mamimili na kabilang sa isa sa mga

kaugnayan sa pagitan ng mamimili, negosyo, at paggamit ng Internet.

Batay sa pigurang ito, mayroong limampung bahagdan (50%) na

nagpapakita ng pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang mayroong

apatnapung bahagdang (40%) sumasang-ayon at ang mga hindi sumang-ayon

naman ang may pinakamaliit na umabot lamang sa sampung bahagdan.

Nangangahulugan lamang ito na hindi gaanong malaki ang ambag ng internet sa

pagkuha ng tiwala ng mga mamimili.

PIGURA 8

15
Ang walo na grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga mag-

aaral na sumang-ayon, katamtaman at di sumang-ayon kung ang internet ang

nakatutulong sa pagtatag ng identidad o pagkakakilanlan ng isang negosyo na

kabilang sa isa sa mga kaugnayan sa pagitan ng mamimili, negosyo, at paggamit

ng Internet.

Batay sa pigurang ito, mayroong limampu’t dalawang bahagdan (52%)

ang nagpapakita ng pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang

mayroong apatnapu’t tatlong bahagdan (43%) sumasang-ayon at ang mga hindi

sumang-ayon naman ang may pinakamaliit na umabot lamang sa limang


SA USAPING KOMPETISYON SA MERKADO,
NAKALALAMANG
bahagdang (5%). BA ANG NEGOSYONG
Ito ay nangangahulugang GUMAGAMIT
katamtaman lamang NG
na nakatutulong
INTERNET SA PAGPAPAKILALA NG NEGOSYO AT MGA
ang internet sa pagtatag ng identidad o PRODUKTO
pagkakakilanlan ng isang negosyo.

Sang-ayon Katamtaman Di Sang-ayon

5%
PIGURA 9

33%

16
62%
Ang ika-siyam na grap na ito ay nagpapakita ng bahagdan ng mga mag-

aaral na sumang-ayon, katamtaman at di sumansang-ayon sa usaping

kompetisyon merkado, nakalalamang ba ang negosyong gumagamit ng Internet

sa pagpapakilala ng negosyo at mga produkto na kabilang sa isa sa mga

kaugnayan sa pagitan ng mamimili, negosyo, at paggamit ng Internet.

Batay sa pigurang ito, mayroong animnapu’t dalawang bahagdan (62%)

na nagpapakita ng pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang

mayroong tatlompu’t tatlong bahagdan (33%) ng katamtaman at hindi sumang-

ayon naman ang may pinakamaliit na bahagdan na umabot lamang sa limang

bahagdan (5%). Ito ay nangangahulugang nakalalamang ang negosyong

gumagamit ng internet sa pagpapakilala ng negosyo at produkto.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


17
Lagom

Ang pag-aaral na ito’y tumatalakay sa iba’t ibang epekto ng mabagal na

internet sa paglago ng mga pangkabuhayan sa Pilipinas:

a.) kita;

b.) serbisyo;

c.) komunikasyon at;

d.) pagtangkilik ng mamimili.

Nilalayong sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na

katanungan:

1.) Mayroon bang ambag ang paggamit ng internet sa paglago ng mga

pangkabuhayan sa Pilipinas?

2.) Nakatutulong ba ang internet sa pagkuha ng tiwala ng mga mamimili?

3.) Nakatutulong ba ang paggamit ng internet sa pagtatag ng identidad o

pagkakakilanlan ng isang negosyo?

4.) Sa usaping kompetisyon sa merkado, mas lamang ba ang negosyong

gumagamit ng internet sa pagpapakilala ng kanilang negosyo at mga

produkto?

Ang kwantitatibong paraan ang ginamit sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng

pagsasarbey ng mga mananaliksik sa mga respondante na nagmula sa Kolehiyo

ng Negosyo at Pagtutuos ay nalikom ang mga kinakailangan na datos.

18
Kongklusyon

Batay sa nilalaman sa lagom ng pananaliksik, ang mga sumusunod na

kongklusyon ay nabuo:

a. Mayroong limampu’t dalawang bahagdan (52%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong

apatnapung bahagdan (40%) ng di sumang-ayon at katamtaman ang

pinakamaliit na umabot lamang sa walong bahagdan (8%) na bilang ng

sumagot. Ito ay nangangahulugan lamang na malaki ang epekto ng

mabagal na internet sa kikitain ng isang negosyo.

b. Mayroong animnapu’t walong bahagdan (68%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang mayroong

dalawampu’t dalawang bahagdan (22%) ng sumang-ayon at ang mga di-

sumang-ayon ang may pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa

sampung bahagdan (10%). Ito ay nangangahulugan na katamtaman

lamang ang epekto ng pagbawas ng bilang ng mamimili kung mabagal

ang internet.

c. Mayroong limampu’t dalawang bahagdan (52%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong

tatlompu’t limang bahagdan (35%) ng katamtaman at hindi sumang-ayon

ang may pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa labingtatlong

bahagdan (13%). Nangangahulugan lamang ito na malaki ang epekto ng

internet sa pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng mga mamimili at

negosyante.

19
d. Mayroong limampung bahagdan (52%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang mayroong tatlompu’t

pitong bahagdan (37%) ng sumang-ayon at hindi sumang-ayon ang may

pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa labingtatlong bahagdan

(13%). Nangangahulugan ito na katamtamang bilang lamang ng mga

mamimili ang hindi tumatangkilik sa isang negosyo kung mabagal ang

internet.

e. Mayroong apatnapu’t pitong bahagdan (47%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong

apatnapu’t tatlo bahagdan (43%) ng katamtaman at hindi sumang-ayon

ang may pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa sampong bahagdan

(3%). Nangangahulugan ito na malaki ang epekto ng mabagal na internet

sa pagtakbo ng isang negosyo.

f. Mayroong animnapu’t pitong bahagdan (67%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang mayroong

tatlompung bahagdan (30%) ng katamtaman at hindi sumang-ayon ang

may pinakamaliit na bilang na umabot lamang sa tatlong bahagdan (3%).

Nangangahulugan ito malaki ang papel ng internet sa paglago ng mga

pangkabuhayan sa Pilipinas.

g. Mayroong limampung bahagdan (50%) na nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang mayroong

apatnapung bahagdang (40%) sumasang-ayon at ang mga hindi sumang-

ayon naman ang may pinakamaliit na umabot lamang sa sampung

20
bahagdan. Nangangahulugan lamang ito na hindi gaanong malaki ang

ambag ng internet sa pagkuha ng tiwala ng mga mamimili.

h. mayroong limampu’t dalawang bahagdan (52%) ang nagpapakita ng

pinakamaraming bilang ng katamtaman samantalang mayroong

apatnapu’t tatlong bahagdan (43%) sumasang-ayon at ang mga hindi

sumang-ayon naman ang may pinakamaliit na umabot lamang sa limang

bahagdang (5%). Ito ay nangangahulugang katamtaman lamang na

nakatutulong ang internet sa pagtatag ng identidad o pagkakakilanlan ng

isang negosyo.

i. Batay sa pigurang ito, mayroong animnapu’t dalawang bahagdan (62%)

na nagpapakita ng pinakamaraming bilang ng sumang-ayon samantalang

mayroong tatlompu’t tatlong bahagdan (33%) ng katamtaman at hindi

sumang-ayon naman ang may pinakamaliit na bahagdan na umabot

lamang sa limang bahagdan (5%). Ito ay nangangahulugang

nakalalamang ang negosyong gumagamit ng internet sa pagpapakilala ng

negosyo at produkto.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, inilalahad ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod na mungkahi:

1. Ang mga impormasyong nakalap sa pag-aaral na ito ay dapat na gamitin

ng mga negosyante upang magkaroon ng sapat na kamalayan ukol sa

epekto ng mabagal na internet sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

21
2. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay dapat gamitin bilang patnubay sa mga

ng mga guro sa klase lalo’t higit kung ang leksyon ay may kinalaman sa

isyung tinalakay sa pag-aaral na ito.

3. Base sa resulta ng pag-aaral na ito, dapat na pagtuunan ng gobyerno ang

mga proyektong may kinalaman sa pagpapabilis ng internet sa Pilipinas

sapagkat ang tulin o speed ng internet ay isang mahalagang salik na sa

pagpapalago o pagpapaunlad ng mga negosyo sa bansa na siyang

bumubuhay sa ekonomiya.

4. Pagtuunan ng ibayong pansin at karagdagan pang pag-aaral ang isyung

ito dahil malaki ang maiaambag nito sa kabuuan ng lipunan.

BIBLIYOGRAPIYA

22
Apavaloaie, Elena I. (2014). “The Impact of the Internet on the Business

Environment” Retrieved www.researchgate.net/publication/27541081_

The_Impact_of_the_Internet_on_the_Business_Environment/download

APENDIKS
23
A. MGA MANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENTE

Talatanungan

24
Sa aming mga respondente,

Magandang Araw po sa inyong lahat! Kami po ang mag-aaral ng Palawan


State University na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy.
Kami po ay gumagawa ng pananaliksik ukol sa “Pananaw ng mga Piling Mag-
aaral sa Kolehiyo ng Negosyo at Pagtutuos sa Pamantasan ng Palawan
Ukol sa Epekto ng Mabagal na Internet sa Paglago ng Pangkabuhayan sa
Pilipinas”. Naghanda kami ng mga katunungan upang kunin ang inyong
saloobin o sagot na kinakailangan namin sa nasabing pananaliksik.
Hinihingi po namin ang inyong partisipasyon at sinisugurado po naming
ang inyong mga kasagutan at impormasyon ay mananatiling kumpedensyal.
Maraming Salamat po!

Mga Mananaliksik

Pangalan (Opsyunal): ___________________________________


Edad: _______________________________________

Ang epekto ng mabagal na internet sa paglago ng Di sang- Katamtaman Sang-


pangkabuhayan: ayon ayon
Bumababa ang kita
Nababawasan ang bilang ng mga mamimili
Mahirap makipagkomunikasyon sa mamimili.
Hindi natatangkilik ng ibang mamimili ang negosyo.
Mabagal ang pagtakbo ng negosyo.
Kaugnayan sa pagitan ng mamimili, negosyo, at
paggamit ng internet:
Nakatutulong ang paggamit ng internet sa paglago ng
pangkabuhayan sa Pilipinas.
Nakatutulong ang Internet sa pagkuha ng tiwala ng
mga mamimili.
Ang Internet ay nakatututulong sa pagtatag ng
identidad o pagkakakilanlan ng isang negosyo.
Sa usaping kompetisyon sa merkado, nakalalamang
ang negosyong gumagamit ng Internet sa
pagpapakilala ng negosyo at mga produkto.
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ikaw ay di sang-ayon, katamtaman, sang-
ayon alinsunod sa mga nakasaad na mga tanong.

25
26

You might also like