You are on page 1of 4

KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekomedasyon


Pagkatapos makuha ang lahat ng datos tungkol sa pag-aaral, gumamit ang mga
mananaliksik ng pormula kung saan ang ginamit sa pagsususri at interpretasyon ay ang
pagbibilang, pagbabahagdan at pagraranggo.

Lagom
Ang pagsasaliksik na ito ay nakatuon upang ipaunawa sa mga negosyante atbb
kung ano nga ba ang business networking, ang advantages at disadvantages ng
pagpartisipa dito. Nabuo ang pananaliksik nito batay sa opinyon ng mga estudyante,
impormasyon mula sa internet at mga aklat. Batay sapag-aaral na isinagawa ng mga
mananaliksik, natuklasan ang mga sumusunod:
A. Karamihan sa mga estudyante ay may alam tungkol sa networking, ito ay may
porsyento na 41.86%. 34.88% ang nagsabing mayroon silang kaunting alam sa nasabing
usapin. Samantalang, 23.26% naman ang nagsabing wala silang ideya tungkol dito.
B. 32.56% ang nagsabing minsan na silang naaya sa networking at 67.44% naman ang
hindi pa kahit minsan naaya sa networking
C. 41.86% ng mga estudyante ang nagsabing payag silang sumali sanetworking
business. Habang 58.14% naman ang tumanggi.

D. 70.73%ang nagsabing may maaaring masamang dulot ang pakikilahok dito. 29.27%
naman ang nagsabing walang masaman maidudulot ang pagsali dito.
E. 36.84% ang nagsabing, ang networking ay isang uri ng panloloko. 63.16% naman
ang hindi sumang-ayon.
F. Nang tinanong kung bakit marami ang hindi sang-ayon sa mga business networkers,
46.94% ang nagsabing hindi totoo ang mga ipinapangako, 22.45% ang nagsabing
dahil silay nanloloko ng kapwa , 22.45% ang nagsabing aksaya lamang ng pera, at
8.16% naman ang nagsabi ng iba pang dahilan.
G. Nang tinanong kung sa palagay ba nilaano ang mabuting maidudulot ng networking,
16.67% ang nagsabing matututong humwak ng business, 16.67 % ang nagsabing
pagkakataong kumita, 11.90% ang nagsabing wala, habang 7.14% ang nagsabing extra
income at nagdedevelop sa self-confidence.
H. Nang tanungin kung bakit maraming naiingganyo sa networking, 14.28% ang
nagsabing mabilis yumaman, 11.90% para sa pera, 7.14% naman ang nagsabing dahil
maaring yumaman.
I. 30.23% ang nagsabing uunlad sila sa networking, 30.23% ang nagsabi ng hindi, at
11.63% naman ang nagsabing depende sa sitwasyon.
J. Nang tanungin bilang isang estudyante, nakikita ba nila ang sarili nila sa hinaharap na
nakikipagpartisipa sa networking, 80.95% ang nagsabing hindi, 9.52% ang nagsabing oo.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan, nabuo ang sumusunod na konklusyon:


1. Iilan na lamang na mga estudyante ang hindi pa nakakalam sa konsepto ng
Networking. Ayon sa datos ng mga mananaliksik, mas marami ang hindi papaya na
sumali sa mga networking business.
2. Mas marami ang nagtitiwala sa networking kaysa nag iisip na ito ay paraan ng
panloloko sa kapwa. Mas marami naman ang nag iisip na ang pakikiisa rito ay mayroong
masama dulot kaysa nagiisip na ito ay walang masamang epekto. Maraming naniniwala
na dahil hindi totoo ang mga pangako ang dahilan kung bakit marami ang hindi sangayon sa business networker.
3. Mas maunti ang bahagdan ng respondents ang minsan ng naaya sa networking
kaysa sa mga hindi pa naaaya.
4. Marami ang naniniwala na matututong humawak ng negosyo ay mabuting
naidudulot ng networking. Mabilis yumaman ang nakikitang dahilan ng respondents kung
bakit maraming naiingganyo sa networking. Pantay naman ang bahagdan ang
nagsasabing uunlad sila sa networking at hindi sila uunlad sa networking.
5. Higit na marami ang nagsabing hindi nila nakikita ang kanilang sarili na
nakikipagpartisipa sa networking.
Rekomendasyon
1. Linangin ang kaalaman ukol sa Networking. Ibahagi ang nalalaman sa iyong
mga kasama sa bahay, mga kaibigan, atbp.

2. Alamin kung ang networking business na balak na salihan ay ligal at hindi


isang uri ng scam.
3. Gumawa ng isang research background sa kumpanya upang makasigurong
hindi ito pangloloko lamang.
4. Huwag matakot na magtiwala sa mga networking business ngunit piliin at
suriin ng mabuti ang mga business na nais lahukan.

You might also like