You are on page 1of 2

Ang strand ng Accountancy, Business at Management (ABM) ay tumutukoy sa mga pag-accountancy,

negosyo, at pamamahala ng mga programang pang-akademiko na tungkol sa mga pagpapatakbo ng


kumpanya, pangunahing konsepto ng pamamahala sa pananalapi, pamamahala sa negosyo at mga
operasyon sa korporasyon. Ito rin ay naghahanda sa mga estudyante para sa kursong may kinalaman sa
negosyo, angkop na pamamahala ng pera at angkop na pangangasiwa ng isang kompanya.

Ang strand ng ABM ay maaaring magdala sa iyo sa isang direktang landas sa mga karera sa accounting at
management gaya ng pagiging sales management, human resources, marketing director, bookkeeper,
project officer, accounting clerk, internal auditor at marami pang iba. Ang Accountancy, Business at
Management (ABM) ay nagbibigay ng mas malalim na pagpapahalaga sa kamangha-manghang mundo
ng pamamahala ng accounting at negosyo nang hindi na kailangang pag-aralan ang mg Algebra,
Geometry, Trigonometry, at iba pang dalubhasang paksa ng matematika na hindi mo kailangan.

Ang mga paksa sa ABM ay magbibigay ng mga kakailanganin sa tagumpay sa mundo ng


korporasyon.Asahan ng pag-aaralan ang accounting at pamamahala sa accounting kasama ang mga legal,
negosyo, at mga konteksto ng organisasyon na makikita sa negosyo. Sa pagkuha ng strand na ito,
magagawa mapag-aralan ang mga assets, kung paano kumita, maunawaan ang mga posisyon sa
pananalapi, at ihanda ang mga account sa pag-audit. Ang pagkuha ng accountancy ay hindi ang pagiging
isang accountant lamang. Pwede ring maging isang accounts payable clerk, bookkeeper, budget analyst,
internal auditor, chief financial officer, administrative assistant, community-service manager, market-
research analyst, financial adviser, at pwede ring maging isang statistician. Ang ibig sabihin nito na ang
mga mga aktibidad na nauugnay sa agrikultura na naglalagay ng mga magsasaka, mga prosesor,
tagapamahagi, at mga mamimili sa loob ng isang sistema ng merkado ng mga produktong pang-
agrikultura. Nakikita ng Department of Trade and Industry ang pagbabago ng pagsasaka ng agrikultura sa
isang umunlad na sektor na hinihimok ng agribusiness. Maraming mga estudyabte ang gustong kumuha
ng ABM sa kadahilanan ng kagustuhan nilang yumaman, tamang tama ang strand na ito para sa
pagyaman. Hindi lamang kaalaman mula sa libro ang mapupulot sa strand na ito kundi pati narin ang
mga kinakailangang life skills na magagamit upang magamit at maibudget nang ayos ang pera.
Kaalinsabay ng naunang rason, tanging 1% lamang ng populasyon ng Pilipino ang may kaalaman sa mga
bagay na pinansyal. Sa tulong ng ABM strand, maikakalat ang mas malawak na impormasyon ukol sa
tamang pagwawaldas at pagiipon ng pera. Sa usapin ng pagiging praktikal, mabuting piliin ang ABM
strand sapagkat madami itong naibibigay na mga trabaho na mayroong malalaking halaga na sweldo.
Syempre hindi doon natatapos ang pagkatuto ng mga estudyante. Tungo sa mga specialized subjects ng
ABM, matututo din ang mga estudyante kung paano ang dapat pagkilos o pagsagot sa mga interviews
para mas mabisa ang pagaaply nila sa mga trabaho. Ang pinakahuling rason ay inihahanda ng ABM ang
fresh grads nito upang umangat sa market at manguna sa mga job employment sa tulong ng mga
subjects sa ABM na lumilinang sa resourcefulness o pagiging madiskarte ng mga estudyante. Karamihan
sa mga highschool na mag-aaral ay kumukuha ng accountancy kahit galing sa ibang strand. Kahit gaano
kakumplikado ang accountancy marami parin ang nakikipagsapalaran sa kadahilanang ang trabaho
mismo ang hahanap sa iyo kapag nakapasa ka ng CPA board exam at mas magkakaroon ng mataas na
sweldo. Sa pagpasok sa kolehiyo ay maraming mga iba't ibang kurso ang maaaring pagpilan. Sa bawat
kursong ito ay hatid nila ay magandang kinabukasan. Isa sa mga salik sa pagpili ng kurso ay ang pangarap.
Kahit ano pang strand ka galing o ang iyong kinuha basta nakapagtapos ka sa senior high school maari
kang matanggap sa kolehiyong iyong nais pasukan. Kung nangangarap ang isang tao na maging CPA ay
mag-aaral siya ng Pagtutuos o Akawnting. Ang Accountancy ay isa sa mga pinakasikat na kurso sa
kasalukuyan, ito ay dahil sa maraming mga posibleng trabaho

na maaaring pasukan kapag natapos ang kursong ito. Narito ang mga iba't-ibang kurso kapag kinuha mo
ang ABM Applied Economics, Business Ethics and Social Responsibility, Fundamentals of Accountancy,
Business, and Management Fundamentals of Accountancy, Business, and Management 2, Business
Math, Business Finance, Organization and Management, Principles of Marketing, Work Immersion /
Research /Career Advocacy / Culminating Activity.

Dahil ang ABM ay nakapokus sa pagnenegosyo at sa accounting. Alam naman natin na ang pag ne-
negosyo ay isa sa mga pinaka maraming trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakakatulong ito
sa pagpapalago ng isang bansa, lalong-lalo na sa pang-ekonomikong kalagayan ng bansa. Ang benepisyo
mong makukuha sa pagpili ng ABM ay napakarami, at isa na rin dito ang pagkakaroon ng time

management o pamamahala ng tamang oras sa bawat bagay. Ang ideyang ito ay direktang naituturo sa
strand na ito. Ibig sabihin ay likas ang pagkakaroon nito dahil

kinakailangan ang time management lalong lalo na kung ikaw ay mayroon nang

isang negosyo. Hindi lamang ito makakatulong sa iyong nga gawain, ngunit pati na rin sa iyong sarili. Ang
mga mag-aaral mula sa ABM ay maaaring matutunan at malaman kung paano magpatakbo ng isang
negosyo. Ito naman ay masasabing mahalaga sapagkat hindi lamang sa mga bagay na may konkesyon sa
negosyo magagamit ang pagpapahalaga sa oras, ngunit sa maraming bagay din, kung sakaling ang
kursong iyong kukunin sa

kolehiyo ay wala nang koneksyon sa pagnenegosyo. Naituturo din dito ang pagiging responsable. Ito ay
isa ring katangian na dapat meron ang isang negosyante. Ngunit katulad ng nabanggit ay hindi lamang
diro nagagamit ang pagiging responsable. Kung ABM ang pipiliin ng isang mag-aaral, mas marami pa
siyang matututunan dito na magagamit hindi lamang sa pagnenegosyo o pangangasiwa, ngunit kasama
na rin ang lahat ng bagay na ating ginagawa. Dapat itong kunin ng mga kabataang katulad mo para sa
Senior High School dahil mas maraming makikinabang sa pagaaral mo nito hanggang sa makapagtapos
ka at makahanap ng trabaho o negosyo. Isa pang magandang dahilan kung bakit mahalaga ang pagpipili
ng ABM ay ito ay nakahanay sa mga in demand na trabaho sa ating bansa. Kaya napakarmaing
negosyante sa ating bansa.

You might also like