You are on page 1of 2

Stefhanie Botalon

STEM 12-C

PERSEPSYON NG MGA KABATAAN EDAD 15-18 NG CALAMBA CITY

SENIOR HIGH SCHOOL UKOL SA PANANAMIT NG MGA

KABABAIHAN AT ANG KAUGNAYAN NITO

SA ISYU NG PAMBABASTOS.

Mga Mananaliksik:

Comia, Jamie Faye T.

Honra, Ralf Daniel S.

Perez, Gregorio Jose A.

Pusta, Hazel Anne S.

Valenzuela, Alyssa Mae C.

Abstract

Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman ang persepsyon ng mga kabataan edad 15-18 ng CalSen
ukol sa pananamit ng kababaihan at kaugnayan nito sa isyu ng pambabastos sa mga kababaihan.

Sa modernong panahon makikita na sa pamamagitan ng pananamit ay nilalahad ng mga kababaihan ang


kanilang sarili. Dito sila nakakakuha ng kumpayansa mula sa mapanghusgang mata ng lipunan. Ngunit kaakibat
ng ganitong persepsyon ay makikita na ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga kababaihan ang
nababastos. Ang pagsutsot, pagsipol, pagbating may malisya, at ilan pang paraang sexual harassment ay
nararanasan nang karamihan ng mga Pinay sa mga pampublikong lugar.

Ang nilalayon ng pag aaral na ito ay matukoy kung may kinalaman ang pananamit ng kababaihan sa
isyu ng pambabastos. Hinahangad din na makuha ang panig ng mga respondante tungkol sa isyung nabanggit.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disensyo ng paraang deskriptibo na pananaliksik. Binigyang
halaga ng pag-aaral na ito ang mga karanasan at mga pamamaraang isinagawa ng mga mananaliksik mula sa
baitang 11 ukol sa paghahanda sa mga eksamisnasyon sa pagpasok sa kolehiyo sa pamamagitan ng panayam o
interbyu upang malikom ang mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang angkop na disenyo para
sa alinsunod din sa dami ng kalahok. Suniguro ng mga mananaliksik na maisagawa ang saliksik sa natural na
kapaligiran ng tagatugon, upang masiguro na mataas ang kalidad at totoo ang mga a tugon na nalakap.

Batay sa kinalabasan ng pag-aral na ito, ang mga sumusunod ay ang mga konklusyon na hinuha: Ayon
sa mga respondante ang pambabastos ay ang hindi paggalang at paggawa ng kamalian sa kapwa tao. Ang
pananamit ay walang kinalaman sa pambabastos. Malinaw rin na sinasabi, ito ay isang uri ng malayang
pagpapahayag ng mga kababaihan sa kanilang sariling persipsyon sa pananamit. Dagdag pa rito ang problema,
ayon sa mga respondande ay nasa mga tao ang nambastos, o piniling mambastos. Marami pa rin ang nababastos
na mga kababaihan kahit ano pa man ang kasuotan nito, kahit sa modernong panahon na.

You might also like