You are on page 1of 3

Mental Health Awareness

Mission

Upang magbigay ng tulong sa pagkamit ng pangkalahatang kagalingang pangkalusugan


sa pag-iisip upang lumikha ng ibang halaga at makatuon sa pangangasiwa ng kabutihan sa
pamamagitan ng mga kasanayan sa pag-iwas at interbensyon. Magbigay ng kaalamanan sa
pamayanan upang magkaroon sila ng kamalayan patungkol sa mga sintomas ng mayroong sakit
sa pag-iisip

Vision

Ang pagbibigay ng iba't- ibang serbisyo. na nakatuon sa kalusugan na nagbibigay ng


kalidad ng pangangalaga at pagpapaunlad ng katayuan ng pasyente. Upang suportahan ang
kanilang pakikipagsapalaran tungo sa mabuti at positibong kalusugan sa pag-iisip.

Posisyong Papel: Sistema ng Mental Health sa Pilipinas: Nakabuti o Nakasama?

Sa patuloy na paglaganap ng pandemya sa ating bansa ay kaliwa't kanan din ang pag-
usbong ng mga problema. Maraming naapektuhan mula sa mga ordinaryong indibidwal
hanggang sa iba't - ibang sektor ng lipunan. Hindi lamang kalusugang pisikal ang kinahaharap ng
bansa gayundin ang kalusugang pangkaisipan na patuloy na tumataas ang bahagdan sa paglipas
ng panahon dahil sa pag-usbong ng iba't-ibang salik na nagiging sanhi ng pagtaas nito. Ito ay
maaring dahil sa mga salik na biyolohikal na kadahilanan, mga karanasan sa buhay, o namana sa
kapamilyang may kondisyon din sa pag-iisip.

Ang kondisyon ng kalusugang pangkaisipan sa Pilipinas ay kalimitang hindi nabibigyan ng


atensyon at hindi gaanong naiintindihan dahil sa paniniwala na ang depresyon at ano pang sakit
na konektado rito ay gawa-gawa lamang ng isipan ng tao at hindi totoo. Batay sa pag-aaral nina
Tanaka et al. (2018) isiniwalat na ang stigma ay kinokonsiderang epekto ng paniniwala ng
publiko sa sakit sa pag-iisip na nagkakaroon ng samu't saring konotasyon. Dahil sa paglaganap
nito, nabibigyan lamang ng kaunting atensyon ng gobyerno at mga piling sektor ng lipunan na
may kaugnayan dito ang isyu patungkol sa pangkalusugang pangkaisipan dahil na rin sa
kakulangan ng pondo na nakalaan rito. Hindi rin nabibigyan ng sapat na atensyong sosyal at ng
ekonomiya kahit na maraming naglipanang adbokasiya, seminar, at mga pag-aaral patungkol
rito. Nitatalang ang sakit sa pag-iisip ay pangatlo sa pangkaraniwang kapansanan sa Pilipinas na
kung saan halos anim (6) na million na Pilipino ang nakararanas ng depresyon at anxiety. Batay
sa datos ng Philippine Statistics Authority (2010) labing apat na porsyento ng populasyong isang
milyon at apat naraang ang mayroong kapansanan sa ilalim ng sakit sa pag-iisip. Noong taong
2018 ay nagkaroon kaunaunahang batas para sa kalusugang pangkaisipang tinawag na "Mental
Health Act" kung saan binibigyang proteksyon at karapatan and mga indibidwal na may sakit sa
pag-iisip at itinataguyod nito ang iba't- ibang benepisyal na serbisyo at edukasyon na nakatuon
sa kalusugang pangkaisipan na nagbibigay ng kalidad ng pangangalaga at pagpapaunlad ng
katayuan ng pasyente. Sinusoprtahan din nito ang kanilang pakikipagsapalaran tungo sa mabuti
at positibong kalusugan sa pag-iisip sa pamamagitan ng pagpapatupad ng pinakamainam na
pangangalagang pangkalusugan na pangkaisipan. Sa ilalim din ng batas na ito ay binibigyang
karapatan at proteksyon ang mga indibidwal sa diskriminasyon, at hindi makataong gawain.
Taliwas sa pagkakaroon ng batas ay nanatili ang mga hamon patungkol sa isyu ng
pangkalusugang pangkaisipan na hindi nabibigyang pantay na pansin at mga pasilidad ang
bawat lalawigan dahil karamihan ng pasilidad at mga kagamitan ay matatagpuan lamang sa
National Capital Region kaya't hindi lahat ay may akses sa may kalidad na serbisyo dahil na rin sa
hindi pagkakapare-pareho sa paghahatid ng pangangalagang pangkalusugan. Bukod dito,
karamihan ng medical schools ay hindi nag-aalok ng mga programa na may kaugnayan sa
serbisyo ng psychiatric treatments kung kaya't naghahanap na lang sila ng ibang specialties sa
ibang larangan ng medisina.

Ang sistema ng mental health sa Pilipinas at ang pagkakaroon ng batas ay hindi sapat
upang mabigyan ng karapatdapat at tiyak na atensyon ang kalusugang pangkaisipan. Hindi ako
sumasang-ayon sa sistema ng pangkalusugang pangkaisipan dahil hindi rin husto ang mga
alituntunin kung hindi nabibigyan ng sapat na pondo at kamalayan ang gobyerno at iba pang
sektor na inaasahan sa isyung ito upang matugunan ang kalusugang pangkaisipan. Nararapat
ring pagtibayin ang mga organisasyon na inaasahan rito nang may malinaw na istraktura at
plano, mga tauhan at sapat na badyet upang suportahan ang pagtataguyod ng kalusugang
pangkaisipan sa buong bansa. Hindi lang din sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko,
kamalayan ng bawat pamilya at mga seminars natatapos ang lahat dahil nararapat din na bigyan
ng panteknikal na suporta ang mga proyekto at mga pasilidad na makakaugnay sa pangangalaga
ng kalusugang pangkaisipan.

References:

Tanaka, C., Tuliao, M., Tanaka, E., Yamashita, T., and Matsuo, H. (2018). A qualitative study on
the stigma experienced by people with mental health problems and epilepsy in
the Philippines. BMC Psychiatry 18:325. doi: 10.1186/s12888-018-1902-9

WHO-AIMS Report on Mental Health System in The Philippines, WHO and Department of
Health, Manila, The Philippines, 2006.

Philippines Statistics Authority (2010). Highlights of the Philippine Population 2010 Census of
Population. Philippines Statistics Authority.

You might also like