You are on page 1of 16

0

KULTURA SA PAGBOTO SA LUGAR NG BRGY.PANGPANG PALAPAG

HILAGANG SAMAR:ISANG PAGSUSURI

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga pangangailangan sa Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ipinasa Nina:

Borja,Sherly Mae P.

Colangan,Carlie J.

Ronato, Jonalyn G.

Ibarra, Lawrence

Cerbito,Angelyn

Cerbito,Mark Jonh

Mag-aaral sa Baitang 11 ng HUMSS-AMETHYST

Hunyo 2022
1

UNANG KABANATA

A.KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang pagboto ay isang responsibilidad ng mga tao O botante

upang makapili ng lider ng kanilang bansa.Bukod dito ito

rin ang paraan upang sag anon magkaroon ng Karapatan ang

isang botante na makapili ng lider ng bans ana naayon sa

kanyang kalooban.Kadalasan kapag panahon ng eleksiyon

nasusubok ang mga mamamayan o ang mga botante sa pagpili

ng mga sumusunod na pinino ng bansa.Nagiging kumpetisyon

ito hindi lamang sa mga kandidato kundi maging ang

kanilang mga taga-suporta.

Ngunit sa kabila nito,napapansin parin sa ating bansa ang

pagbebenta ng boto sa mga botante tuwing araw ng

eleksiyon.Ito ay isang pangit at nakakahiyang tradisyon

sa larangan ng pulitika ng pilipinas.

Ang usaping pagboto ay patuloy na pinagtatalunang

paksa.Napakarami ng mga kandidato o mga pulitiko ang

dumaan sa ating bansa subalit hindi o isang malaking

palaisipan at problema parin ang kalakalan sa

boto.Madalas na nalalathala ng mga pananaliksik ay ang

tungkol sa kung sino at paano bumili ng boto subalit

kakaunti lamang ang mga akda kung bakit nga ba may mga

taong nagbebenta ng kanilang boto.


2

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang malaman ang mga

dahilan sa likod ng pagbebenta ng ibang tao ng kanilang

boto sa brgy.Pangpang Palapag Hilagang Samar.Makakatulong

ito sa mas malawak na pag-unawa at maiwasan ang dagling

panghuhusga.Ang nakakaalarmang kalagayan ng talamak at

lantaran na transaksiyon ng pagbibili at pagbebenta ng

boto sa brgy.Pangpang ay ang dahilan kong bakit ito

nangyayari ay ang katotohanan na isang mahirap na

probinsiya ang brgy.pangpang.

Ang pagnanais na makatulong at magdala ng pagbabago sa

kasalukuyang Sistemang umiiral ay isa sa mga dahilan kung

bakit may nakitang saysay naipagpatuloy ito.Wika nga ni

Albert Szent Syong Yi na tumanggap ng “noble prize” sa

physiolohiya at medisina.Ang pananaliksik ay ang nakitang

din ng iba at mag-isip ng bagay na walang ibang

nakaisip.Marahil marami na ang nag-iisip ukol sa paksa

ng pagbebenta ng boto subalit kakaunti lamang ang mga

akda tungkol dito.


3

B.PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nagtangkang suriin at

masolusyonan ang nagiging kultura ng mga botante sa

pagboto sa eleksiyon(VOTEBUYING) sa lugar ng

brgy.Pangpang Palapag Hilagang Samar.

Sa katiyakan,sinikap nitong masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1.Ano-ano ang mga kultura tuwing eleksiyon sa

brgy.Pangpang Palapag Hilagang Samar?

2.Paano nakakaapekto ang mga kulturang ito sa eleksiyon?

3.Ano-ano ang persepsiyon ng mga mamamayan sa

brgy.Pangpang ukol sa tapat na lider?

C.LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang hangarin ng pag-aaralna ito ay masolusyonan ang

epekto ng nakasanayang nagiging kutura sa

pagboto(votebuying at voteselling)ng mga botante sa

brgy.pangpang ;At ang posibleng maging epekto nito sa

resulta ng halalan.

1.Malahad ang mga kultura tuwing eleksiyon sa

brgy.Pangpang Hilagang Samar.

2.Masuri ang epekto ng nagiging kultura ng mga mamamayan

tuwing eleksiyon.
4

3.Malaman ang persepsiyon ng mga mamamayan sa

Brgy.Pangpang Palapag Hilagang Samar.

D.KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga

sumusunod:

Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay magiging gabay at

makakatulong upang lubos na mas maunawaan at mapalawak

ang isipan ng mag-aaral sapagkat magagamit nila ang

pananaliksik na ito sa isang malaking suliranin o

problema ng ating bansa at makakatulong upang maiwasan

ang ganitong suliranin.

Magulang. Ang pananaliksik na ito ay magiging instrumento

sa mga magulang na magabayan ang kanilang mga anak na

malaman ang mga suliranin ng ating bansa(kultura sa

pagboto)na kadalasang nangyayari sa buhay ng bawat

indibiduwal o mga botante.Ito ay lubos na makakatulong

upang nas maunawaan ng kanilang mga anak kung ito ay

nakakaranas ng pagkalito sa tamang pagboto sa eleksiyon.

Mga Botante. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay

kahalagan sa mga botante upang malaman at magkaroon ng

sapat na karunungan na kadalasang nangyayari sa buhay ng

bawat botante o mamamayan.Ito ay lubos na makakatulong

upang mas magabayan at maunawaan ang kanilang suliranin

sa nagiging kultura sa pagboto.


5

Mga Susunod Na Mananaliksik. Isang malaking tulong din

ang maipagpatuloy ang pananaliksik na ito sa pamamagitan

ng mga susunod na mananaliksik.Sa pamamagitan nito

mabibigyan at makakakuha sila ng mga impormasyon ukol sa

kung paano maiiwasan ang ganitong suliranin.

Mga Respodente. Higit na mahalaga ito sa mga mamamayan na

nakakaranas ng ganitong uri ng suliranin dahil sa

pamamagitan nito malalaman ng mga respondente kung paano

ito maaalis o maiiwasan at kung ano-anong mga bagay ang

kinakailangang gawin upang hindi na muling mangyari o

maranasan ang ganitong problema at suliranin.

E.SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sapaglalahad sa antas ng

nagiging suliranin ng ating bansa tungkol sa kultura sa

pagboto(votebuying at voteselling)tuwing eleksiyon

partikular sa lugar ng Brgy.Pangpang Palapag Hilagang

Samar sa taong 2021-2022.

Sumasaklaw rin ito sa layuning malaman ang mga kasanayan

hinggil sa maling pagboto tuwing eleksiyon.Kabilang dito

ang mga proseso o dahilan sa pagtanggap ng suhol o bayad

ng mga botante mula sa mga kandidato.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa lahat ng mga botante

sa lugar ng Brgy.Pangpang.Hinahanggad din ng pag-aaral na

ito na suriin o alamin ang antas ng kultura sa pagboto


6

tuwing eleksiyon.Sa huli bibigyan ng mga mananaliksik ng

mga mungkahing solosyon upang baguhin o siguraduhin ang

tamang pagboto at maiwasan ang naksanayang o maling

tradisyon sa pagbili ng kandidato sa halalan.

F.TEORITIKAL AT KONSEPTUWAL NA BATAYAN

Ang teoryang ng impormasyon ay sangay ng nilalapatan sa

pag-aaral ng kwantipikasyon o pagsasabilang ng isang

impormasyon.Ayon sa teorya ni Norman Bordadora ,isang

artikulo ang ibinahagi niya ang mga datos ng PPCRV.May

mga ulat tungkol sa talamak na botohan sa angeles

city,Nueva eciji,Aurora,Binangonan rizal,Mariveles in

bataan,Marikina City,Bacolod at Marawi.Sa kabila nitong

bentahan ng boto ay ang tanong kung bakit ba nakikilahok

ang mga tao sa ganitong transaksiyon.Para sa mga tao may

iba’t ibang pamantayan sila ng isang ideyal na lider.

Isang tsinong pilosopo na nagngangalang Lao Tzu ang

nagsulat noong 2,500 taon na ang nakakaraan na dapat

taglayin ng isang lider ang katangiang ng

kahinuhanan,imoy at pagiging mapagkumbaba sapagkat ito

ang mahalagang bagay na dapat taglayin niya angat sa

iba(pancer,1999).Ngunit sa kasalukuyang lumawak na ang

pananaliksik ukol dito at batay sa persepsiyon ng tao ang

mga katangiang na dapat taglayin ng isang lider.Ayon sa

pag-aaral nila Mark pancer,Steve Brown at Cathy Widdis


7

Barr na may pamagat na Forming Impression Of Political

Leaders:A Cross National Comparison may dalawang

dimension ang mayor na sangkip ng isang imahe ng

kandidato na nakakaapekto at nakakaimpluwensiya;Una,ay

ang kakayahan(competence) at pangalawa ay ang

katapatan,integridad(integrity)(pancer et.al 1999)Dagdag

pa ito ay ang ang dinamismo(dynamism)pamumuno,lakas at

kasunod nito ay ang hitsura,charisma,halina at

sigla(warmth)(pancer et.al,1999).

Sa isang banda,sa akdang The Simplest Shortcut Of

All:Sociodemographic characteristic and electoral choice

ni Fred Cutler;Sinabi niyang ang isang huling desisyon na

gagawin ng isang botante sa pagpili ng isang resonableng

dahilan sa diwan a kapag ang isang kapares mo ay nahahal

sa gobyerno,ang kilos niya ay magsisilbi sa interes

mo(cutter,2002).Sa isang sarbey naman na ginawa ng

National Public Radio o NPR marami ang nagsabi na ito ang

listahan ng mga katangiang na dapat taglayin ng isang

lider:katapangan,sinseridad,kredibilidad,katapatan at

integridad.Gayundin dapat may malasakit ang mga lider sa

kanilang pinamumunuan at maging inspirasyon para gumawa

ng tama.
8

G.PARADIM

KULTURA SA PAGBOTO TUWING

ELEKSIYON

MASAMANG EPEKTO MABUTING EPEKTO

SA MGA BOTANTE SA MGA BOTANTE

EPEKTO SA MGA MAMAYAN SA

LUGAR NG BRGY.PANGPANG

PALAPAG HILAGANG SAMAR


9

H.KATUTURAN NG KATAWAGAN

Eleksiyon. Ang ekesiyon o halalan(election)ay isang

pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang

bansa ay pumipili ng mga indibiduwal na hahawak ng isang

publikong opisina.Ang halalan ang karaniwang mekanismo

kung saan ang modernong kinatawan ng demokrasya ay

isinasagawasimula ika-17 siglo.Ang halalan ay maaring

humalal ng sangay na ehekutibo,mga miyembro ng

lehislatura,at minsan ay hudikatura gayundin ng mga

miyembro ng pangrehiyon at local na gobyerno.Ang

prosesong ito ay isinasagawa rin sa maraming mga pribado

at pang-negosyong mga organisasyon.

Botante. Ang benepisyo na natatamo ngisang botante ay ang

kalayaang pumili ng isang kandidato na para sa kanya ay

nararapat sa katungkulan.Ang kandidato na magbibigay

tulong sa kapwa at komunidad.Kung ikaw ay isang

botante,bahagi ka ng lipunan,bahagi ka sa maaring takbo

at tagumpay ng iyong sariling bansa.


10

Botohan. Ito ang paghalal o pagpili ng mga mamamayan ng

isang estado o bansa ng kanilang pinuno o sinong

mamumuno.Dito pumapasok ang mga kandidato at mga botante.

Gobyerno. Ang gobyerno o pamahalaan ay isang organisasyon

na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa

isang bansa o sa isang teritoryo.Ito ay may kapangyarihan

magbigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga

nasasakupan.Ito rin ay isang institusyong kumikilos upang

maisakatuparan ang lahat ng mga adhikain ng isang bansa

at ng mamamayan.Isang sektor rin ito na nagpapanatili ng

kapayapan at kaayusan.Ang mga mamamayan sa isang gobyerno

ay isa sa nagpapatupad,gumagawa at nagpapaganap ng mga

batas.

Lider o Pinuno. Ang pamumuno (leadership)ay ang proseso

ng impluwensiyang panlipunan kung saan ang isang tao ay

nakakapangalap o nakakahingi ng tugon,tulong, at

pagtangkilik ng ibang tao para sa pagsasagawa ng isang

pangkaraniwang Gawain.Ang taong namumuno o nangunguna ay

tinatawag na isang pinuno o lider,isang tao na

itinuturing din bilang kinatawan ng isang pangkat ng mga

tao.
11

IKALAWANG KABANATA

A.KAUGNAYAN NA BABASAHIN

Ayon sa Omnibus Election Code ,ang vote buying ay

pagbibigay o pangangako ng salapi o anumang may halaga

(noodles,de lata,cellphone load atbp)pati na ang

pangakong pagbibigay ng trabaho,lisemsya,o permit kapalit

ang pagboto o ang hindi pagbboto para sa isang

kandidato.At malinaw na nakasaad sa Omnibus Election Code

ng bans ana hindi pinahihintulutan ang kahit anong uri ng

serbisyo sa isang tao kapalit ng boto ay maaring patawan

ng karapatang parusa.

B.KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Atty.Noel Del Prado,mahigpit na

ipinagbabawal sa batas ang Vote-buying at ,maituturing

itong election offense,batay sa Omnibus Election

Code.Ayon pa kay Del prado,sakop ng vote buying

anganomang bagay na may halaga maging ang mga bolpen na


12

ibinibigay sa mga botante.Paparusahan din ang mga

tatanggap ng pera mula sa sa mga

kandidato(votebuying),pero nilinaw ni Del Prado na

bibigyan sila ng immunity kung isusumbong nila ang

umano’y nagbenta ng kanilng boto.Kailangan lang aniyang

magbigay ng Affidavid sa korte ang mga tumanggap nito.

C.PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG MGA PAG-AARAL NA

NABANGGIT AT NG ISINAGAWANG PAG-AARAL

Ang mga nabanggit na pag-aaral at ang

isinagawang pag-aaral ay may pagkakatulad sapagkat ang

pamamaraang ginamit ay ang kwantitatibong palarawan

pagsusuring tekstwal na siya ring ginamit ng

mananaliksik.Maliban dito ,may pagkakatulad at pagkakaiba

ang mga natala o nabanggit na pag-aaral sa ginawang

pananaliksik.May pagkakatulad ang pag-aaral ng Omnibus

Election Code at ang isinagawang pag-aaral sapagkat

parehong sampol ng pananaliksik ang ginamit.Magkaiba

naman sapagkat nakatuon ang pagsusuri ng Omnibus Election

Code sa pamimigay,pag-aalok at pangangako ng pera kapalit

ng boto ng isang botante.

Ang pag-aaral ni Atty.Noel Del Prado at ang

isinagawang pag-aaral ay may pagkakatulad sapagkat

parehong gumamit ng tema sa pagsusuri ng tula.At magkaiba

naman ang mga ito sapagkat si Atty.Noel Del Prado ay


13

nakatuon sa pagsususri sa magiging parusa sa mga lalabag

sa kaso ng Vote Buying .

IKATLONG KABANATA

A.DISENYO NG PANANALIKSIK

Descriptive-Status ang disenyong gagamitin sa pag-

aaral na ito.Ang pamamaraang ito ng pagsagot ng mga

katanungan ay naglalayong sagutin ang mga tanong tungkol

sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at ang

kasalukuyang kondisyon.Ito ay isang paraan ng

kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga

umiiral na kondisyon ng grupo ng mga usaping pinili para

sap ag-aaral.Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa

pagmulat sa mata ng mga mamamayan ukol sa masamang epekto

ng bayaran o bentahan ng mga boto tuwing eleksiyon at

kung paano naging kultura ang ganitong transaksiyon sa

ating bansa.Ang pananaliksik na ito ay maaaring

makatulong sa mga botante o mamamayan na maiwasan ang

ganitong suliranin.Makakapagbigay ito ng mga ideya kung

papano o paano nila pangangalagaan ang kanilang Karapatan

sa pagboto at sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,ang mga

mananaliksik ay makakakalap ng impormasyon na

makakatulong kung paano makakaiwas sa mga hindi

magagandang epekto ng pagbebenta o pagbili ng boto ng mga


14

kandidato.Makakatulong rin ito sa pagsasakatuparan ng mga

mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na

tumulong sa kapwa.

B.RESPONDENTE

Ang naturang surbey at ipamahagi sa 10 na mga tagatugon

na kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:

a.)Mga Botante sa lugar ng Brgy.Pangpang

b.)Mga nakaranas ng kahirapan sa panahon ng eleksiyon.

C.INSTRUMENTO

Ang instrumenting gagamitin sa pagkuha ng mga

kakailanganing datos sap ag-aaral ay isang sarbey

kwestyuner. Ang mga botante ay gagawing sabjek ng sarbey.

Sila ay pasasagutin sa kwestyuner at pagkatapos ay

magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa kanilang

Karapatan bilang isang botante.

D.PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula

sa paggawa ng talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa

instrumento para maiwasan ang kaayusan ng mga tanong at

upang matiyak ang kaangkupang mga tanong sa mga

problemang nais lutasin ng mga mananaliksik.Ang paghingi

ng pahintulot sa bawatkalahok ang sumunod.Personal na


15

pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga

talatanungan sa bawat kalahok at ibinigay ang tamang

panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na

tugon.Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang mga

sagot ng bawat kalahok at binigay ang kabuuan.

You might also like