You are on page 1of 20

2.

1 Konseptuwal na Literatura

Ang kabanatang ito ay binubuo ng mga literatura at mga pag-aaral

na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik mula sa mga tesis,

pahayagan, disertasyon at internet tungkol sa epekto ng Online Learning

sa Academic Performance ng mga mag-aaral.

Ang pagpasok ng taong 2020, Hindi inaasahan ng lahat ang pagdating

ng nakakahawa at nakakamatay na “Covid-19” at naituturing na

matinding paghinto ng ng daigdig lalo na sa ekonomiya. Isa sa mga

naapektuhan ay ang sector ng edukasyon kung saan ay napilitang

magsara at ihinto muna ang pagsasagawa ng tradisyunal na pagtuturo

pansamantala. Ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ang

mainam na lunas ay ang pagpatupad ng Online Learning mode.

Ang online learning ang isang magandang pagbabago sa paraan ng

pag-aaral para madagdagan ang ating kaalaman at kasanayan dahil

maari itong gawin kahit saan, kahit kailan. Gumagamit ng internet at

hindi sa tradisyonal na silid-aralan sa pagtuturo ang online learning. Ito

ay isang kategorya ng distance learning na tinatawag din e-learning o

electronic learning. Dahil dito, halos lahat ng tao ay maaring magkaroon

ng access sa edukasyon, kahit nasaan pa sila, basta’t sila ay may

internet.
Kaysa mag-aksaya ng panahon kakagamit ng social media, isang paraan

para maging productive tayo online, ay sa pamamagitan ng online

courses.

Ang Online Learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at

maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa

tagisan at palitan ng kuro-kuro. Ayon sa mga pag-aaral, mas epektibo

para sa mga mag-aaral ang Online Learning kesa sa normal na kaharap

ang Guro sa Paaralan. Ito raw ay dahil kayang balik-balikan ng bata ang

aralin, pwedeng lumaktaw at umabante sa ibang konsepto batay sa

sariling kakayahan at hindi rin mababagot at mabilis matuto.

Ang Online Learning ay isang produkto ng makabagong teknolohiya

na naglalayong makapagturo ang mga propesor at matuto ang

mga estudyante sa p a m a m a g i t a n n g p a g g a m i t n g internet. S a

p r o s e s o n g i t o , a n g m g a m a g - a a r a l a y nangangailangan ng

mga electronic devices upang makakonekta o maka – acc es s sa

Internet.
Ayon kay Benson (2002) at Conrad (2002) Binigyan kahulugan ang

Online Learning na pinakabagong bersyon ng pag-aaral ng may distansya

na nagpapabuti sa pag-access sa mga oportunidad sa edukasyon para sa

mga nag-aaral na inilalarawan bilang parehong hindi tradisyunal at hindi

kinikilingan.

Ayon din naman kay Stacey (2004) hindi lamang sa tradisyunal na

klase nagkakaroon ng pagkatuto kundi pati na rin sa mga makabagong

teknolohiya tulad ng internet, natutulungan nito matuto ang mga

studyante kahit saan man sila naroroon.

Sinangayunan din ito nila E. Guevarra, J.E Perez, J.J Salas, R. Matuc

(2013) na ang pag-aaral na E-Learning: Digital Logic Design for

Freshmen. Ang paggamit ng teknolohiya upang makabagong modal ng

pagkatuto ay nagdudulot ng magandang epekto sa mga estudyante at

guro. Ang konsepto ng internet na nauugnay sa edukasyon ay mas

napabuti at napayabong.
Batay kay Beam at Micks (2001) ang Online class ay nagbibigay

kalamangan kumpara sa tradisyunal na klase na ginaganap sa klasrum

natatangal ang mga baryer o ang mga sagabal sa pagkatuto tulad ng oras

at espasyo, sa online learning mas natuto ang estudyante dahil walang

sinusunod na oras na nagbibigay oras sa mag-aaral.

Wika din ni Education Secretary Leonor Briones (2020), ang online

Learning ang solusyon upang ipagpatuloy ang pag – aaral kahit nasa

tahanan.May malaking gampanin ang mga magulang sapagkat sila ang

mag gagabay sa kanilang mga anak habang wala sa paaralan. Ang

distance learning ay naisagawa nang ibang paaralan at maging mga

kalapit na bansa. At ito ang solusyon upang maging ligtas ang mga mag–

aaral laban sa mga kalamidad at pandemya.

Batay kay McClelland (2001), E-Learning ay kayang makapagbigay ng

matibay na suporta pag-aaral ng mga estudyante dahil sila ay pwedeng

makisalamuha sa kanilang mga kaklase online, mabisita ang leksyon

online kahit anong oras at kahit nasaan man sila.


Ayon naman sa pag-aaral ni Scott (2000) ng Carnegie Milton

University,ang mga mag-aaral na kumukuha ng E-Learning ay nahihigitan

ang mga kapwa nila mag-aaral na hindi kumukha nito. Base sa kanyang

pag-aaral, ang E-Learning ay nagsisilbing-tulay para mas mahasa sila sa

kanilang kursong kinukuha. Napakalawak at napakadaming study material

na pwede mong pakinabangan, di kagaya ng tradisyunal na pagtuturo na

isa o dalawang aklatang ginagamit bilang materyal sa pag-aaral.

Sinabi naman ni Volery (2001) na ang mga mag-aaral na kumukuha

ng E-Learning ay nakakapagbigay sa kanila ng pagkamangha at saya

dahil na rin sa napakainteraktibo nito. Gayunpaman, kalahati ng mag-

aaral na kumuha nito ay hindi ito gusto dahil mas natututo sila kapag

pisikal nilang natunan ang isang leksyon at may interaksyon sa tao, hindi

ng kompyuter.

Dagdag pa nga ni Knowles (2005) ang online learning ay mayroong

hindi magagandang resulta sa mga mag-aaral tulad na lamang ng

pagkakaroon ng mahinang internet connection habang nagkaklase o kaya

naman ay hindi pagkaintindi ng mahusay dahil sa iba’t-ibang persepsyon

at pang-unawa ng mga mag-aaral.


Ayon kay (Anderson, 2008; Garrison, Anderson at Archer, 2006) Ang

pangunahing hindi magkakaugnay na likas na katangian ng pag-aaral sa

Online ay nangangahulugang ang mga pahiwatig ng paningin at pasalita

ay hindi madaling maunawaan at nauugnay na agarang pagtugon sa

pagwawasto ay hindi kinakailangang maliwanag. Ang “pag-aayos”,

pagpapaliwanag, paglilinaw ng hindi pagkakasundo at hindi

pagkakaunawaan ay mas mahirap sa pag-aaral sa Online.


2.2 Kaugnayan ng mga Pag-aaral

Sa pag-aaral ni Picardal (2020) “Ang mga epekto ng pag-aaral sa

online na edukasyon sa pagganap ng mga mag-aaral dahil ng Covid-19

Pandemic”. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito alamin kung

Nakakaapekto ba ang pag-aaral asa online sa mga mag-aaral na naging

marahas at may pagkabalisa na nagtatapos sa pagkawala ng sarili.

Lumabas sa pag-aaral karamihan sa mag-aaral ay nagsasabi na kahit na

naglalaro sila ng mga online game, hindi nila pinapabayaan ang kanilang

pag-aaral, kaya’t nagbago ang ugali ng mga mag-aaral ayon sa mga

panayam batay sa ipinakitang datos. Ang nagawang pag-aaral ni Picardal

(2020) ay may kaugnayan sa isasagawang pag-aarala pa lamang ng

mananaliksik sapagkat parehong pagkatuon sa epekto ng pag-aaral sa

online na edukasyon, ang pinagkaiba lamang ay nakatuon ang nagawang

pag-aaral ni Picardal (2020) sa pagtukoy sa mga epekto ng pag-aaral sa

online edukasyon sa pagganap ng mga mag-aaral dahil sa Covid-19

pandemic samantalang ang gagawing pag-aaral ng kasalukuyang


mananaliksik ay nakatuon sa epekto ng online learning sa academic

performance ng mag-aaral.

Sina Rom et al., ( 2021) ay nagsagawa ng pag-aaral na

pinamagatang, “Mga negatibong Epekto ng Online Homeschooling o

Online Learning sa Junior High School ng mga estudyante ng SPM

Academy Inc.” na naglalayong mahanap ang iba’t-ibang negatibong

epekto ng pag-aaral na ito upang malaman ang mga disbentahe ng online

homeschooling at ang sanhi ng paghina ng akademikong performance ng

mga estudyante at gayundin ang mga sanhi ng mga negatibong epekto

ng Online Learning. Natuklasan sa pag-aaral na mas pabor ang mga

estudyante sa traditional face-to-face classes kaysa sa online classes dahil

mas epektibo raw ito. At base sa obserbasyon ng mga mananaliksik ay

mas lumalamang ang bilang ng mga negatibong epekto ng online learning

kaysa sa mga positibong epekto. Ang nagawang pag-aaral ni Rom et al.,

(2021) ay may kaugnayan sa isasagawang pag-aaral pa lamang ng

mananaliksik sapagkat parehong nakatuon sa gamit ng Online Learning

sa pagkatuto ng mga mag-aaral, ang pinagkaiba lamang ay nakatuon ang

pag-aaral ni Rom et al., (2021) sa pagtukoy sa negatibong epekto ng

online learning ng mag-aaral samantalang ang gagawing pag-aaral ng

kasalukuyang mananaliksik ay nakatuon sa epekto ng online learning sa

academic performance ng mag-aaral.


Sa pag-aaral na isinagawa nina Causing et al., (2020) na

pinamagatang “Epekto ng Online Platrform ng pag-aaral sa mga

estudyante ng pamantasan ng De La Salle- Dasmarinas sa taong 2019-

2020”. Ang layunin ng pag-aaral ay ang malaman ang epekto nito sa mga

mag-aaral ay makakatulong upang matukoy ang mga pagkukulang at

kabutihan nito. Natuklasan sa pag-aaral na mayroong positibong epekto

ang pagkakaroon ng Schoolbook sap ag-aaral ng mga estudyante sa

Pamantasan ng De La Salle-Dasmarinas. Napapadali daw nito ang mga

Gawain ng mga estudyante at guro. Ang naisagawang pag-aaral ni

Causing et al., (2020) ay may kaugnayan sa isasagawang pag-aaral pa

lamang ng mananaliksik sapagkat parehong nakatuon sa gamit ng Online

learning sa pag-aaral ng mga mag-aaral, ang pinagkaiba lamang ay

nakatuon ang nagawang pag-aaral ni Causing et al., (2020) sa pagtukoy

ng epekto ng online learning kung ito ba ay positibong epekto o

negatibong epekto samantalang ang gagawing pag-aaral ng kasalukuyang

mananaliksik ay nakatuon sa epekto ng online learning sa academic

performance ng mga mag-aaral.

Isang pag-aaral naman ang isinagawa ni Tus (2020) na

pinamagatang “Amidst the online learning in the Philippines: The parental


involvement and its relationship to the student’s academic performance”

na may layuning imbestigahan ng pag-aaral na ito ang ugnayan sa

pagitan ng pagkakasangkot ng magulang at ng akademikong pagganap

ng 493 kalahok sa mga pribadong paaralan sa Pilipinas. Ang pagsusuri ay

nagresulta sa isang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng

pagkakasangkot ng magulang at pagganap ng akademiko ng mag-aaral.

Kaya ang mga sumusunod na konklusyon ay nakuha: (1) Ang mga

magulang ay nasa proseso parin ng pagbuo ng kanilang paglahok sa

paaralan, particular, sa mapaghamong oras na ito. (2) Gayundin ipinakita

ang antas ng pagganap ng akademya na ang average na iskor ng

akademikong pagganap ng mga respondante ay lubhang kasiya-siya.

Isiniwalat nito na ang magaling na gumanap ang mga mag-aaral sa klase

sa panahon ng mga modalidad ng pag-aaral sa online. Ang naisagawang

pag-aaral ni Tus (2020) ay may kaugnayan sa isasagawang pag-aaral pa

lamang ng mananaliksik sapagkat parehong pagkatuon sa paggamit ng

Online sa pagkatuto ng mag-aaral ang pinagkaiba lamang ay nakatuon

ang nagawang pag-aaral ni Tus (2020) imbestigahan ng pag-aaral na ito

ang ugnayan sa pagitan ng pagkakasangkot ng magulang at ng

akademikong pagganap gamit ang Online samantalang ang gagawing

pag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik ay nakatuon sa epekto ng online

learning sa academic performance ng mga mag-aaral.


Sa pag-aaral ni Smith et al., (2010) na pinamagatang “ Overcoming

student resistance to group work: Online versus face to face” Ang pag-

aaral na ito ay may layuning matukoy kung anong mga kadahilanan ang

nakakaimpluwensiya sa mga karanasan sa pangkatang Gawain ng mag-

aaral at paano nakakaapekto ang mga salik na ito sa face to face

kumpara sa mga Online na kapaligiran. Natuklasan sa pag-aaral na ito ay

nagmumungkahi na ang mga isyu sa komunikasyon, personal na

damdamin tungkol sa mga miyembro ng pangkat at pakikilahok at may

gampanin sa kilalang pananaw ng mag-aaral tungkol sa pangkatang

gawain, kaysa sa mga mag-aaral sa mga seksyon ng face to face. Dahil

sa mga pamantayan ng Online Learning na mag-isang nag-aaral at hindi

magkasabay, ang mag-aaral ng Online ay hindi gaanong kuntento sa

pangkatang gawain. Gayundin, dahil mas kaunting mga channel ng

komunikasyon kakulangan ng direktang pagpupulong face to face at iba

pang pagkakaiba sa dalawang mga kapaligiran sa pag-aaral, ang mga nag

Online Classes ay hindi gaanong nalutas ang mga paghihirap sa

logistikong nauugnay sa pangkatang gawain. Ang naisagawang pag-aaral

ni Smith et al., (2020) ay may kaugnayan sa isasagawang pag-aaral pa


lamang ng mananaliksik sapagkat parehong pagkatuon sa paggamit ng

Online sa pagkatuto ng mag-aaral ang pinagkaiba lamang ay nais alamin

ng mananaliksik kung paano nakakaapekto ang ang mga salik na ito sa

face

to face kumpara sa mga Online na kapaligiran samantalang ang gagawing

pag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik ay nakatuon sa epekto ng online

learning sa academic performance ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral din ni Moore et al., (2010) na pinamagatang “ E-

Learning, Online Learning, and distance learning environments: Are they

the same?” Ang pag-aaral na ito ay may layuning matuklasan kung paano

nila tinukoy ang kapaligiran sa pag-aaral, sinuri ang 43 katao. Natuklasan

sa pag-aaral na ito na mayroong hindi pare-pareho na paggamit ng

terminolohiya para sa iba’t-ibang uri ng paghahatid ng mode. Ang

naisagawang pananaliksok ni Moore et al., (2010) ay may kaugnayan sa

isasagawang pag-aaral pa lamang ng mananaliksik sapagkat parehong

pagkatuon sa Online Learning ng mag-aaral ang pinagkaiba lamang nais

matuklasan ng mananaliksik kung magkapareho ba ang paggamit ng

terminolohiya para sa iba’t-ibang uri ng paghahatid ng pagkatuto

samantalang ang gagawing pag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik ay

nakatuon sa epekto ng online learning sa academic performance ng mga

mag-aaral.
Sina Yang et al., (2004) ay nagsagawa ng pag-aaral na

pinamagatang “Student’s Perceptions towards the Quality of Online

Education: A Qualitative Approach” na naglalayong siyasatin ang mga

pang-unawa ng mga mag-aaral mula sa dalawang unibersidad at isa sa

kolehiyo ng pamayanan hinggil sa kalidad ng online. Natuklasan sa pag-

aaral na ito na nasuri ang positibo at negatibong karanasan ng mga mag-

aaral. Mga kadahilanan na nag-aambag sa mga karanasan nakilala din.

Ang mga natuklasan sa pananaliksik na ito ay isiniwalat na kakayahang

umangkop, epektibo sa gasto, electronic na pananaliksik ang

pagkakaroon, kadalian sa koneksyon sa Internet, at mahusay na

dinisenyo na interface ng klase ay positibo ng mga mag-aaral mga

karanasan. Ang mga negatibong karanasan ng mga mag-aaral ay sanhi

ng naatala na feedback mula sa mga nagtuturo, hindi magagamit

panteknikal na suporta mula sa mga nagtuturo, kakulangan ng self-

regulation at pagganyak sa sarili, ang pakiramdam ng paghihiwalay,

walang pagbabago ang tono mga pamamaraan sa pagtuturo, at hindi


maganda ang disenyo ng nilalaman ng kurso. Ang mga natuklasan ay

maaaring gamitin ng mga nagtuturo upang maunawaan ang pananaw ng

mga mag-aaral hinggil sap ag-aaral sa online, at sa huli ay napapabuto

ang kanilang mga kasanayan sa pagtuturo sa online. Ang naisagawang

pananaliksik nila Yang et al., (2004) ay may kaugnayan sa isasagawang

pag-aaral pa lamang ng mananaliksik sapagkat

pareho itong pag-aaral na gamit ang Online ang pinagkaiba lamang nila

ay ang pag-aaral nila Yang et al., (2004) ay malaman ang kalidad ng

Online, ang positibo at negatibong epekto nito. samantalang ang

gagawing pag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik ay nakatuon sa epekto

ng online learning sa academic performance ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral nu Nguyen (2015) na pinamagatang “The effectiveness

of Online Learning: Beyond No Significant Differences and Future

Horizons” Sinuri ng pag-aaral na ito ang katibayan ng pagiging epektibo

ng online na pag-aaral sa pamamagitan ng pag-oorganisa at pagbubuod

ng mga natuklasan at hamon ng online na pag-aaral sa positibo,

negatibo, at invalid na mga natuklasan. Ang partikular na pansin ay

binabayan sa mga meta-analysis sa bisa ng pag-aaral sa online. Ang

kinalabasan ng pag-aaral ng mag-aaral at ang endogenous isyu ng pagpili

ng kapaligiran sa pag-aaral. Mayroong matatag na katibayan upang

magmungkahi ng online na pag-aaral ay karaniwang hindi bababa sa


epektibo bilang tradisyunal na format. Bukad dito iminungkahi ng pangkat

ng panitikan na ito dapat lumipat ang mga mananaliksik sa “walang

makabuluhang pagkakaiba” at isaalang-alang ang susunod na yugto ng

pag-aaral sa online. Ang isinagawang pananaliksik ni Nguyen (2015) ay

may kaugnayan sa isasagawang pag-aaral pa lamang ng mananaliksik

sapagkat parehong pag-aaral na ginagamit ang Online ang pagkakaiba

lamang ay ang isinagawang

pananaliksik ni Nguyen (2015) ay ang alamin ang katibayan ng pagiging

epektibo ng Online sa pag-aaral samantalang ang gagawing pag-aaral ng

kasalukuyang mananaliksik ay nakatuon sa epekto ng online learning sa

academic performance ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral naman ni Nambiar (2020) na pinamagatang “The impact

of online learning during COVID-19: student’s and teachers’ perspective”

na naglalayong magsagawa ng isang online na survey tungkol sa pang-

unawa ng guro at mag-aaral at karanasan na nauugnay sa mga klase sa

online. Ang paghahatid ng mga klase sa pamamagitan ng online medium

ay naging isang kamakailang pagbabago na inilabas ng Sistema ng

edukasyon sa India sa kalagayan ng kasalukuyang sitwasyon ng

pandemic. Sagayon, inilalarawan ng survey na ito ang pananaw at

alalahanin ng mga guro at kolehiyo at unibersidad tungkol sa pagkuha ng

mga klase sa online na ginawang mandatory sa kalagayan ng COVID-19.


Natuklasan sa pag-aaral na ang mga sumusunod na lugar ay mahalaga

para sa kasiyahan ng guro at mag-aaral sa mga klase sa online, ang mga

lugar na ito ay: kalidad at napapanahong pakikipag-ugnayan sa pagitan

ng mag-aaral at propesos, pagkakaroon ng suportang panteknikal,

nakabalangkas na mga modyul na klase sa online, at mga pagbabago

upang mapaunlakan ang pagdadaloy ng mga praktikal na klase. Ang

isinagawang pananaliksik ni Nambiar (2020) ay may kaugnayan sa

isasagawang pag-aaral pa lamang ng mananaliksik

sapagkat parehong pag-aaral na ginagamit ang Online sa pag-aaral ang

pagkakaiba lamang ay ang isinagawang pananaliksik ni Nambiar (2020)

ay nagsagawa ng isang online na survey tungkol sa pang-unawa ng guro

at mag-aaral at karanasan na nauugnay sa mga klase sa online.

Samantalang ang gagawing pag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik ay

nakatuon sa epekto ng online learning sa academic performance ng mga

mag-aaral.

Sa pag-aaral naman nina Alawamleh et al., (2020) na pinamagatang

“The effect of online learning on communication between instructors and

students during Covid-19 pandemic” nilalayon ng pag-aaral na ito na

tuklasin kung ang pag-aaral sa online ay may epekto sa komunikasyon sa

pagitan ng mga guro at mag-aaral sa isang negatibong paraan, kung ang

pag-aaral sa online ay nakakaapekto sa antas ng pagiging produktibo ng


mga mag-aaral at suriin at imungkahi ang mga paraan ng pagpapabuti ng

mabisang komunikasyon sa online sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.

Ang mga resulta ay nagsiwalat na ang karamihan ay sumasang-ayon sa

mga katanungan ng pag-aaral. Mas gusto pa rin ng mga mag-aaral ang

klase sa silid-aralan o face to face kaysa sa mga klase sa online dahil sa

maraming mga problema na kinakaharap nila kapag kumukuha ng mga

klase sa online, tulad ng kawalan ng pagganyak, pag-unawa sa material,

pagbasa sa antas ng komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral at

kanilang mga nagtuturo at ang kanilang pakiramdam ng paghihiwalay na

sanhi ng mga klase sa online. . Ang isinagawang pananaliksik nina

Alawamleh (2020) ay may kaugnayan sa isasagawang pag-aaral pa

lamang ng mananaliksik sapagkat parehong ginagamit ang Online na

pagkatuto sa pag-aaral ang pagkakaiba lamang ay ang isinigawang

pananaliksik nina Alawamleh (2020) ay tuklasin kung ang pag-aaral sa

online ay may epekto sa komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mag-

aaral sa isang negatibong paraan. Samantalang ang gagawing pag-aaral

ng kasalukuyang mananaliksik ay nakatuon sa epekto ng online learning

sa academic performance ng mga mag-aaral.


2.3 Teoretikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ya nakasalig sa teorya ni Siemen (2004) na

Connectivism na tumatalakay sa bagong pamamaraan ng pagkatuto

gamit ang teknolohiya. Sa pamamagitan ng network, web, o internet ang

isang mag-aaral ay; (a) makakakuha ng napapanahong paksa, (b)

makatutukoy ng mapansaligan ng tamang impormasyon, at (c)

nahihinuha ang kawastuhan sa mga impormasyon. May kalayaan din ang

mga mag-aaral mula sa pantradisyonal na pamamaraan sa pagkatuto

sapagkat sa pamamagitan ng teoryang ito ay nagiging bahagi ang

teknolohiya sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa sistema ng

edukasyon ngayon na nakasalig sa distance learning at nagiging bahagi

ang teknolohiya sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral


at umiikot sa ganitong proseso ang sistema ng pagtututo; mag-aaral-

guro-network-nilalaman. Susubuking mapatunayan ng gagawing pag-

aaral ng mananaliksik kung ang teoryang connectivism ay nakakatulong

sa pagtamo ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay isinalig sa teoryang ni De Vera et al., ()

online learning through technology na tungkol sa modernong paggamit ng

teknolohiya sa edukasyon. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag kung

paano ang teknolohiya naapektuhan ang edukasyon.

At kung anong persepsyon sa araw-araw na paggamit ng estudyante

ng Online Learning sa eskwelahan. Makikita sa mga pahayag na mahalaga

ang konseptong ito, dahil dito maipapakita din ang pananaw ng mag-aaral

sa pamamagitan ng negatibong epekto at positibong epekto nito sa mag-

aaral. Kaya naman sa panayam na isinasagawa sa mga mahahalaga ng

pag-aaral na ito, bukod sa persepsyon ng estudyante ukol sa ganitong

pamamaraan ng pag-aaral ay napakahalaga.


Ayon sa mga mag-aaral, makakatulong ito upang makapag self-study

sila dahil pwedeng makapag access nito sa bahay o computer shop.

Magiging mabilis daw ang pagtuturo ng mga guro. Ngunit, karamihan ay

mas pabor parin sa aktuwal na nagtuturo ang guro. Ngunit, isa din sa

masamang epekto ng modernong pamamaraan ng edukasyon ay

napapadali din nito ang pandadaya o pangongopya para sa iba, kaya

naman nawawalang ng silbi ang pag-aaral sa ganitong sitwasyon.

Ang pag-aaral na ito ay isinalig sa Teroryang Online Learning through

technology ito ay magsisilbing balangkas ng pag-aaral upang mas

mapatotohanan ang pag-aaral na ito. Sa panahaon ngayon, masasabing

madaming bansa na ang gumagamit ng teknolohiya ngayon. Mabilis ang

paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil dito

naimpluwensyahan na halos lahat ng larangan ng pantao isa na dito ang

edukasyon.

You might also like