You are on page 1of 28

ARALIN 8.

KATITIKAN NG
PULONG AT
MEMORANDUM
KATITIKAN NG PULONG
Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang
pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa
pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din
kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula at
nag wakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na
pinagganapan nito. Ito ang nag sisilbing tala ng isang
malaking organisasyon upang maging batayan at
sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.
KATANGIAN NG KATITIKAN NG
PULONG
 Ito ay dapat na organisado ayon
sa pagkakasunud-sunod ng mga
puntong napag- usapan at
makatotohanan. Ibig sabihin,
hindi pwedeng gawa-gawa o
hinokus-pokus na mga pahayag.
Ito ay
dokumentong
nagtatala ng
mahahalagang
diskusyon at
desisyon.
Dapat ibinabatay
sa agendang unang
inihanda ng
tagapangulo o
pinuno ng lupon.
Maaaring gawin ito ng kalihim
(secretary), typist, o reporter sa
korte.
Dapat ding maikli at tuwiran ito.
Dapat walang paligoy-ligoy, walang
dagdag-bawas sa dokumento, at
hindi madrama na parang ginawa ng
nobela.
Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at
hindi kakikitaan ng katha o pagka-
bias sa pagsulat
MAHALAGANG
BAHAGI NG
KATITIKAN NG
PULONG
1. HEADINGS
 Ito ay naglalaman ng
pangalan ng
kompanya,samahan,
organisasyon, o kagawaran.
Makikita ang petsa,
lokasyon at maging ang
oras ng pagsisimula ng
pulong.
2. MGA KALAHOK O
DUMALO
 Dito nakalagay kung sino ang
nanguna sa tagapagdaloy ng
pulong, gayundin ang pangalan
ng lahat ng mga dumalo kasama
ang mga panauhin. Maging ang
pangalan ng mga liban o hindi
nakadalo ay nakatala rin dito.
Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng
pulong ay napagtibay o may
pagbabagong isinagawa sa
mga ito

3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY
NG NAGDAANG KATITIKAN NG
PULONG
 Dito makikita ang
mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay.
Inilalagay rin sa bahging ito
kung sino ang taong nanguna
sa pagtalakay ng isyu at maging
ang desisyong nabuo ukol dito.

4. ACTION ITEMS O USAPING


NAPAGKASUNDUAN
Pabalita o Patalastas- hindi ito laging makikita sa
katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang
pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay
tulad ng halimbawa ng mga suhestiyong agenda
para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay
bahaging ito.
Iskedyul ng susunod na pulong- itinatala sa
bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
Pagtatapos- inilalagay sa bahaging ito kung
anong oras nagwakas ang pulong.
Lagda- mahalagang ilagay sa bahaging ito ang
pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito isinumite.
MEMORANDUM
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert,
sa kanyang aklat na English for the
Workplace 3 (2014), ang memorandum
o memo ay isang kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos
 Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng
gagawing miting. Sa pamamagitan nito,
naging malinaw sa mga dadalo ng pulong
kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung
ang layunin ng pulong na nakatala sa memo
ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng
kompanya o oraganisasyon, magiging
malinaw para sa lahat na hindi na kailangan
ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat
pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline
(2014) , ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay
kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga
memo tulad ng sumusunod:

Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang


kautusan, direktiba, o impormasyon

 Rosas – ginagamit naman para sa request o


order na naggagaling sa purchasing
department

 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa


mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department
MAHALAGANG TANDAAN NA ANG
ISANG MAAYOS AT MALINAW NA
MEMO AY DAPAT MAGTAGLAY NG
SUMUSUNOD NA MGA
IMPORMASYON:
 Makikita sa letterhead ang
logo at pangalan ng
kompanya, institusyon o
organisasyon gayundin
ang lugar kung saan
matatagpuan ito at minsan
maging ang bilang
numero ng telepono.
Ang bahaging “Para sa/Para kay/Kina”
ay naglalaman ng pangalan ng tao o
mga tao, o kaya naman ay grupong
pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na
memo mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung
ang tatanggap ng memo ay kabilang sa
ibang departamento, makatulong kung
ilagay rin ang pangalan ng
departamento. Hindi na rin kailangang
lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban
na lamang na napakapormal ng
memong ginawa.
 Ang bahaging “Mula kay‟ ay
naglalaman ng pangalan ng gumawa o
nagpadala ng memo. Isulat ang
buong pangalan ng nagpadala kung
pormal ang ginawang memo.
Gayundin mahalagang ilagay ang
pangalan ng departamento kung ang
memo ay galing sa ibang sekyon at
tanggapan. Hindi na rin kailangang
lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa
maliban na lamang na nakapapormal
ang memong ginawa..
 Sa bahaging Petsa, iwasan ang
paggamit ng numero gaya ng
11/25/15 o 30/09/15. Sa halip,
isulat ang buong pangalan ng
buwan o ang dinaglat na salita
nito. Tulad halimbawa ng
Nobyembre o Nob. Kasama
ang araw at taon upang
maiwasan ang pagkalito.
 Ang bahaging Paksa ay
mahalagang maisulat
nang payak, malinaw at
tuwiran upang agad
maunawaan ang nais
ipabatid nito.
 Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang
ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
Sitwasyon – dito makikita ang panimula o
layunin ng memo
Problema – nakasaad ang suliraning dapat
pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito
Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat
gawin ng kinauukulan
Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang
memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapakita ng paggalang
Ang huling bahagi ay ang
“Lagda‟ ng nagpadala.
Kadalasang inilalagay ito sa
ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula
kay …
PAGSASANAY 1
Panuto: Ayusin sa wastong pormat ang mga detalye ng memorandum sa ibaba.
 2016 Buwan ng Wikang Pambansa
 Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s. 2016
 Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbing batayan ng lahat
gawaing bubuuin at isagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi
ayon sa pagkakasunud-sunod upang magkaroon ng Kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng
programa.
 Para sa iba pang detalye o impormasyon , mangyaring makipag-ugnayan sa: Komisyon ng
Wikang Filipino(KWF) Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) Gusaling Watson, 1610
Kalye J.P. Laurel San Miguel , Maynila Telepono; (02) 736-2525-; (02) 736-2524 ; (02) 736 -
2519 Email: komfil@kwf.gov.ph Komisyonsawikangfilipino@gmail.com Website ;
www.kwf.gov.ph.
 Kagawaran ng Edukasyon
Ultra Complex , Meralco Avenue
Pasig City ,Metro Manila Philippines
 Enero 18,2016
PAGSASANAY 2:
Panuto: Ayusin ang isang halimbawa ng Katitikan ng Pulong, gawing gabay ang
mga bahagi nito sa ibaba.
Mga Dumalo:(11) Daisy Romero, Joselito Pascual, Atty.Ez Pascual, Nestor Lontoc,
Victoria Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene Posadas, Gemma
Abriza, Evangeline Sipat, Ricardo Martinez, Mga Liban (4), Joel Ceniza, Vivin
Abundo, Sherlyn Fercie, Onie Ison
Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran
Disyembre 5,2015
Conference Room, Academy of Saint John
Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School
Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap ng ika-9:00 n.u.
Tagapanguna: Daisy T. Romero (Prinsipal)
Inihanda at isinumite ni: Clea L. Bulda Mga
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa
pamamagitan ng pagtawag sa atensyon ng lahat.
 Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang tagapanguna ng
pulong.
 Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7,2015 ay binasa ni
Gng. Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard
Pineda at ito ay sinang-ayunan ni G. Nestor S. Lontoc.
 Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong: Magsagawa ng
isang pulong kasama ang mga inhenyero at arkitekto para sa pagpaplano ng proyekto
 Paksa: Badget sa pagpapatayo ng mga gusali para sa Senior High School, Loteng
kailangan sa pagpapatayo ng gusali, Feedback mula sa mga magulang hinggil sa SHS ng
ASJ
 Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang tatakayin at pag-usapan, ang
pulong ay winakasan sa ganap na lasa 12:00 ng tanghali. Iskedyul ng susunod na pulong
Disyembre 15,2015 sa Conference ng Academy of Saint John ,9;00 n.u.
 Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkakahalaga
ng tatlumpung milyong piso ngunit may halagang tatlong milyong piso na dapat
bayaran sa darating ng buwan.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Heading-

2. Mga Kalahok o dumalo-

3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-.

4. Action items o usaping napagkasunduan-

5. Pabalita o Patalastas-

6. Iskedyul ng susunod na pulong-

7. Pagtatapos-

8. Lagda-
GAWAING ASYNCHRONOUS
Panuto: Bumuo ng isang Memorandum. Bigyang
gabay ang halimbawang nasa ppt. Ang paksang
tatalakayin ay may kinalaman sa mga
napapanahong pangyayari sa panahon ngayon.

You might also like