You are on page 1of 5

Talumpati

Isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na


ipinaparating sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.

May layunin itong:


 Tumugon
 Humikayat
 Mangatwiran
 Magbigay impormasyon/kaalaman
 Maglahad ng isang paniniwala

3 uri ng talumpati ayon sa pag hahanda


1. Dagli o impromptu speech - walang paghahanda
-walang paghahanda
-hindi nakapaghahanda ng ideya/impormasyon
-halimbawa: wedding toasts

2. Maluwag o extemporaneous speech


-may panahon para mag handa
-hindi binabasa o isinasaulo
-conversational style
-halimbawa: pagtatalakay ng guro sa klase

3. Pinag handaan / manuscript o prepared speech


-sinusulat, binabasa, o isinasaulo
-nangangailangan ng sapat na pag-aaral
-halimbawa: SONA

Iba pang uri ng talumpati


1. Talumpating pampalibang (entertaining speech)
-nagbibigay kasiyahan, aliw, at tawanan

2. Talumpating Nagpapakilala (introduction speech)


-nagpapakilala sa isang tao/organisasyon

3. Talumpating Pangkabatiran (informative speech)


-nagbibigay impormasyon

4. Talumpating Nagbibigay-galang (tribute speech)


-nagbibigay respeto, pag papahalaga, at pag kilala sa mga
taong may malaking kontribusyon sa isang organisasyon
5. Talumpating Nagpaparangal (acceptance speech)
-ginagamit upang mag pasalamat at mag bigay reaksyon sa
pag tanggap ng isang parangal

6. Talumpating Pampasigla (inspirational speech)


-nagbibigay inspirasyon at pag-asa

3 bahagi ng talumpati
1. Simula
-dito inilalahad ng tagapagsalita ng layunin ng kanyang
talumpati.
-Naglalayon din itong:
makuha ang atensyon ng tagapakinig
simulan ang paksa
Maiparating ang kabuluhan ng paksa

2. Gitna
-dito inilalatag ng tagapagsalita ang punto o ideya ng
kanyang paksa
-dito idinedetalye ang mga punto o argumento tungkol sa
paksa

3. Wakas
-dito ibinubuod ng tagapagsalita ang kanyang mga naging
argumento
-dito din ipinakikita ang kabuluhan ng argumento o punto sa
buong paksa

Mga hakbang sa paggawa ng talumpati


A. Pumili ng tema
-pumili ng paksa na ikaw ay interesado at makakapukaw ng
atensyon ng mga tagapakinig

B. Magsaliksik at pag-aayos ng outline


-mag-aral at maghanap ng impormasyon, datos, o estatistika
na konektado sa iyon paksa
-ayusin ang pag kakasunod sunod ng iyong arugmento/ideya
-gumawa ng simula, gitna, at dulong bahagi

C. Masulat ng script
-gumamit ng mga salitang madaling maintindihan, nakaka
kuha ng atensyon, at nakaka-aliw
-iwasan ang pag gamit ng jargon o mahihirap na salita
D. Mag-ensayo
-paulit-ulit na bigkasin ang talumpati upang maisaulo at
makuha ang tamang tono ng boses

E. Panatilihing maiksi at makabuluhan ang mensahe


-huwag pahabain ng labis ang iyong mensahe
-siguraduhing maikli ngunit puno ng impormasyon ang iyong
talumpati

Katitikan ng Pulong
Ang katitikan ng pulong o “minutes of the meeting” ay isang
akademikong sulatin na naglalaman ng rekord ng
mahahalagang impormasyon na napag-usapan sa isang pag
pupulong

Pangunahing gampanin ng katitikan ng pulong


1. ito ang opisyal na tala ng mga napag desisyonan sa
pulong

2. naidodokumento nito ang mga kapasyahan at


responsibilidad ng bawat miyembro

3. nagsisilbing paalala sa mga miyembro kung ano ang mga


gagawin nila at kung kailan ito inaasahang matapos

4. nakikita kung sino ang mga aktibo at hindi aktibo sa


pagpupulong

5. magsisilbi bilang reperensya sa susunod na pulong

5 pangunahing hakbang sa pag sasagawa ng katitikan ng


pulong
1. PAUNANG PAG PAPLANO
- Dito ginagawa ang pag sasaayos ng mga impormasyon na
kakailanganin sa pagpupulong tulad ng oras ng pulong, haba
ng pulong, lugar, mga usapin na bibigyang prayoridad at
mga desisyon na kailangang gawin.

2. PAGREREKORD NG MGA NAPAG-USAPAN


- Bago simulan ang recording, kailangan alamin muna kung
ano ano ang mga impormasyon na kailangan maitala, hindi
lahat ng nasabi sa pag pupulong ay kailangan itala lalo na
kung ito ay maliliit na bagay.
ang katitikan ng pulong ay nag lalaman ng
-iskedyul at oras ng pulong
-tala ng mga dumalo, hindi nakadalo, nahuli, at naunang
umalis;
-pagwawastong ginawa sa mga nakaraang katitikan ng
pulong;
-resulta ng mga kapasyahang isinagawa;
-mga hakbang na isasagawa;
-mga usapin mula sa nakaraang pulong at mga bagong
usapin; at
-iskedyul ng susunod na pulong.

4. PAGSULAT NG NAPAG-USAPAN O TRANSKRIPSYON


- Mainam na maisulat na ng kalihim ang mga impormasyon
batay sa recording pagkatapos ng pag pupulong.
-kailangan kompleto at tiyak ang impormasyong itatala,
dapat din ay gumagamit ng tamang panahunan o tenses
iwasan ang pag lagay ng mga pangalan maliban na lng kung
ang kanyang sinasabi ay isang mosyon
-Kailangan ay obhetibo ang pagtatala at iwasan ang
paglagay ng personal na opinion/obserbasyon

5. PAMAMAHAGI NG SIPI NG KATITIKAN NG PULONG


- dito ipinamamahagi ng kalihim ang katitikan ng pulong sa
mga opisyal ng samahan. Dapat ay nalag daan na ng kalihim
at nabatid na ng tagapamuno para sa pag titibay ng
kapulungan. ang pamamahagi ng sipi ay maaring hard copy,
digital copy, or shared copy

6. PAG-IINGAT NG SIPI O PAG TATABI


- responsibilidad ng kalihim na ingatan or itabi ang orihinal
na kopya ng katitikan bilang reprerensiya.

21 Gabay para sa Mabisang Pagsulat ng Ktitikan ng Pulong


1. Ihain ang mga usapin bago pa man simulan ang
nakaiskedyul na pulong.
2. Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong.
3. Ilatag ang mga usapin o agenda.
4. Piliin ang pinakamainam na metodo ( laptop, notebook,
recording, at iba pa).
5. Siguraduhing handa ang lahat ng kinakailangan.
6. Maglaan ng espasyo sa pagkuha ng mga detalye.
7. Itala ang lahat ng mga kalahok sa pulong.
8. Kilalanin ang lahat ng dadalo sa pulong, gayundin ang
kanilang
pangangailangan.
9. Bukod sa pangangailangan, mainam na gawaing pamilyar
ang sarili sa mga
tanggapan ng kanilang kinakatawan.
10.Gumawa ng template ng katitikan upang mas mapabilis
ang proseso ng
pagtatala.
11.Makinig ng may pag-iingat upang walang makaligtaang
detalye.
12.Itala lamang ang katotohanan at iwasan ang pagkuha sa
mga opinyong walang
tiyak na batayan.
13.Gawing simple at malinaw ang pagkakasulat.
14.Maging tiyak.
15.Itala ang mga mahahalagang mosyon.
16.Itala rin ang mga hindi natapos ng mga usapin, gayundin
ang mga nabinbing
talakayan.
17.Linawin ang iyong partisipasyon sa pulong.
18.Lagumin ang lahat ng mahahalagang detalye.
19.Sa oras na matapos ang pulong, gawin agad ang
katitikang upang walang
makaligtaang datos.
20.Basahing mabuti ang katitikan bago ito ipamahagi.
Mainam na tiyak at tumpak
ang lahat ng detalye gaya ng pangalan ng mga dumalo,
pagpapasya, at mga
mosyon.
21.Hingin ang aprubal ng tagapamuno ng pulong bago ito
ipamahagi

You might also like