You are on page 1of 2

MGA URI NG PAGSULAT

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)-Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukas ng


damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na
isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-
isip lamang. Mabibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay,
gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)- Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.
Bagama’t maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na
makauunawa lamang nito ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may
kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the
Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City, at
Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.
3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)- Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating
may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binigyang-pansin nito ang
paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Gaya halimbawa ng
guro, mahahalagang matutuhan nila ang wastong pagsulat ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum,
pagsulat ng mga pagsusulit o assessment. Ang mga tao naming kabilang sa larangan ng medisina kagaya ng mga
doctor at nars ay kinakailangang magkakaroon ng sapat na kaalaman sa paggawa ng medical report, narrative
report tungkol sa physical examination ng isang pasyente.
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)- Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa. Mahalagang ang mga
taong sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap
ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang
isusulat sa mga pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radio at telebisyon.
5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential na Pagsulat)- Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel. Tesis at Disertasyon. Layunin din ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman
hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling bahagi ng isinasagawang
pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL). Ang RRL o
kaugnay ng mga literatura ay mga pag-aaral na pinaghanguan ng mga prinsipyo o batayan upang
makapagbalangkas ng mha konsepto sa pagbuo ng isinasagawant pananaliksik.
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)- Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat.
Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon
kay Carmelita Alejo et al. (2005), sa aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang akademikong
pagsulat ay may sinusunod na particular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang
pinangangatwiranan. Layunin nitong maipakita ang resulta g pagsisiyasat o ng ginagawang pananaliksik. Ayon
naman kay Edwin Mabilin et al. (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng
akademikong pagsulat. Lubos ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t
ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

ANG PAGGAMIT NG AKADEMIKONG FILIPINO


SA PAGSASAGAWA NG AKADEMIKONG PAGSULAT
 Akademya- tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na
kasanayan at karunungan.
 Mga Elementong bumubuo ng Akademya
a. Mag-aaral
b. Guro
c. Administrador
d. Gusali
e. Kurikulum at iba pa
 Wika-instrumento upang mapakilos at maganap ang mga mithiiin at misyon.
 Akademikong Filipino- ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-
araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alintuntunin o
prinsipyo sa paggamit ng Filipino. Sa paggamit ang akademikong Filipino, malinaw sa gumagamit nito ang
kahalagahan ng pagsunod ng alintuntunin sa paggamit ng wikanag Filipino upang maging istandard at magamit
bilang wika ng intelektuwalisasyon.
 Vivencio Jose (1996)-isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng Mga
Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa
larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa
akademya.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN


NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Obhetibo- una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat. Kailangang
ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginagawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang
pagiging subhetibo o pagbibigay ng sariling opinion o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang
paggamit ng mga pahayag na batay s aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
2. Pormal- Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino,
nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal. Sa
halip, gumamit ng salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad
ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.
3. Maliwanag at Organisado- ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at
organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito
dapat masamahan ng mga kaisipang hindi nakakatulong sa pagpapaunlad ng paksa.
4. May Paninindigan- mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-
aralan, ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na misagawa ito ay
mahalagang mapninidigan niya hanggang sa matapis niya ag kanyang isusulat. Maging matiyaga sa
pagsasagawa ng pananalksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.
5. May Pananagutan- Ang mga ginagamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay
dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng
mga ginagamit na sanggunian.Bukod sa ito ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong
naktulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay
makatutuong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa.

IBA’T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Abstrak
2. Sintesis/Buod
3. Bionote
4. Panukalang Proyekto
5. Talumpati
6. Adyenda
7. Katitikan ng Pulong
8. Posisyong Papel
9. Replektibong Sanaysay
10. Pictorial-Essay
11. Lakbay-Sanaysay

You might also like