You are on page 1of 2

Sa kabanatang ito ay isinaalang-alang ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Inilahad din ng mga


mananaliksik ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na higit na makatutulong sa ginawang
pagsusuri ng kakulangan sa pasilidad
Kaugnay na pag aaral
Ayon sa nalimbag na aklat “College and University Facilities” ni David J. Hueman
noong 2003 bawat pasilidad sa isang paaralan o unibersidad ay mahalaga. Malaki
ang naitutulong nito para mas madebelop ang mga kakayahan ng bawat mag-aaral. Tinalakay din
ditto na dapat angkop ang disenyo ng bawat gusali para mas maging kaaya-aya sa paningin ng
mga mag-aaral, kasama narin ang tibay ng mga ito.

Isa rin sa mahalaga at nakakaapekto sa pagkakaroon ng magandang pasilidad ay ang mga


tinatawag na “State Regulators”, na binaggit sa librong “Planning and Managing School
Facilities 2nd Edition ni Teodore J. Rowalski.noong 2003. Ang mga State Regulators ang unang
gumawa ng mga hakbangin para sa pagpaplano sa mga unibersidad at eskwelahan, halimbawa
nito ang kagawaran ng Edukasyon at Commision on Higher Education (CHED). Ayon pa kay
Kowalski malaki ang nagiging epekto nila sa pagkakaroon ng maganda at maayos na pasilidad
ng isang unibersidad dahil ang mga State Regulators na ito ang isa sa mga may hawak ng badyet
para sa mga unibersidad at paaralan.Ayon kay Lyod et al noong 1987 karamihan sa mga babaeng
mag-aaral ay hindi tiwala sakanilang abilidad sa paggamit ng kompyuter kumpara sa mga
kalalakihan, ayon ito sa aklat na“Education, Technology, Power” nila Hank Bromley at
Michael W. Apple, nalimbag noong1998. Mas maraming lalaki ang nagsasabi na madali lang
ang paggamit ng kompyuter. Tinalakaydin ang tinatawag na “computer anxiety” o takot sa
pagkatuto at paggamit ng kompyuter. Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Campbell noong 1988
mas maraming babae ang may computer
anxiety kumpara sa mga lalaki

kauganay na literatura
Ang edukasyon ay tinutukoy bilang isang paghahanda para sa epektibong pakikilahok sa
panlipunang relasyon. Ito ay malinaw na ang edukasyon ay pangunahing kadahilanan para sa
paglago ng ekonomiya. Ito ay ayon sa “Sociology: Focus on the Philippines” ni Isabel Procopio
at Adelisa Raymundo. Tinalakay din dito na sa pamamagitan ng internet nauugnay ang bawat
kompyuter sa buong mundo, dahilan ito para magkaroon ng epekto sa
impormasyong
teknolohikal. Ito ay tumutulong upang mabilis na makakuha ng mga akademikong impormasyon.
Ayon sa aklat na “Education Psychology” nila Gaudencio V. Aquino at Perpetua U.
Razon na nilimbag noong 2000, malaki din ang ginagampanang papel ng mga guro at dalubguro
para sa pagkatuto ng nga mag-aaral. Kailangan na maging bukas ang mga guro sa kanilang mga
mag-aaral para mas madali silang magkaintindihan. Mas mainam din kung ang mga guro at
dalubguro ang mangunguna sa paggamit ng mga teknolohiya sa pagtuturo mas nakadaragdag ito
ng kaalaman at mas nagiging malinaw sa mga mag-aaral ang kanilang pinagaaralan
Sa aklat naman na “Educational Psychology: textbook for college students in
psychology” ni Adelaida C. Gines et al. na nilimbag noong 1998, na ang mga aktibidad na
ginagawa sa isang paaralan ay nakadaragdag o nakakapagdebelop ng abilidad ng isang mag-
aaral. Tinalakay din dito na ang paggamit ng mga teknolohiya sa pag-aaral ay nakakabuti sa mag
mag-aaral, mas nabibigyan sila ng mga realistikong imahe.

You might also like