You are on page 1of 21

MGA SALIK TUNGO SA

EPEKTIBONG
PAMAMARAAN NG
PAGTUTURO SA
MGA ESTUDYANTENG
NAG-AARAL NG RAMON
MAGSAYSAY
MEMORIAL COLLEGES
– MARBEL INC.
KABANATA I

Ang Suliranin at Saligan Nito

PANIMULA

Ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain. Ito ay

nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pag-unawa at masusing pag-

iisip. Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kanyang mga

estudyante. Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na

ituturo sa mga mag-aaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng

pagtuturo bilang tulay upang maunawaan ng lubos ng mga mag-aaral ang nais

na ibahaging impormasyon nito.

Ayon sa akdang Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo,

upang maging mabisa at mabilis ang pagkatuto, kinakailangan ang paggamit ng

mabubuting pamamaraan ng pagtuturo sapagkat nakabase sa mabuting paraan

ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.

Ibig sabihin, lubos na mauunawaan ng mga estudyante ang kanilang leksyon

kung ang pamamaraan ng pagtuturo ay nakakaengganyo at kapantay ng lebel

ng mag-aaral nang sa gayon sila ay mabilis na matuto.

Upang maging epektibo ang estratehiya ng isang guro, may mga dapat

itong bigyang pansin. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng

gagamiting pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante. Ang mga salik na ito


kapag nabigyan ng kaukulang atensyon ay magpapadali at magpapagaan ng

proseso ng pagkatuto ng mga estudyante at maaring maging tulay upang mas

maging mabisa ang estratehiya na ginagamit ng isang guro.

Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ang mga salik tungo sa epektibong

pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyanteng nag-aaral sa Koronadal Central

Elementary School-I gayundin ang epekto nito sa pagtuturo sa mga

estudyanteng ito. Mababatid din ang kahalagahan ng mga salik sa pagkatuto ng

mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin at Layunin

Ang pangunahing suliranin sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay: Anu-

ano ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa mga

estudyanteng nag-aaral sa Koronadal Central Elementary School.

1. Ano ang propayl ng mga respondente?

2. Ano-ano ang salik sa epektibong pagtuturo na ginagamit ng mga guro?

3. Ano-ano ang pamamaraan ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo?

4. Ano-ano ang epekto nito sa mga mag-aaral?


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy amg mga salik tungo sa

epektibong pamamaraan ng pagtuturo. Sa pamamagitan nito ay maaaring

mapalawak ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga mahahalagang

sangkap para sa mabisang pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga

sumusunod na indibidwal:

Sa mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magbigay ng karagdagang

kaalaman sa mga propesor sa mga aspetong dapat nilang bigyang pokus upang

maging mas mabisa ang pagtuturo sa mga estudyante.

Mga Mag-aaral ng Kursong Edukasyon. Ang mga kaalamang makukuha dito

ng mga estudyanteng may kursong edukasyon ay makakatulong upang

mabigyan sila ng mga ideya na maaari nilang isaalang-alang sa panahon na sila

na ang magtuturo.

Sa Administrasyon. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging tulay upang

mapaangat ang kalidad ng pagtuturo sa mga estudyante na may hatid na

magandang benepisyo sa administrasyon at lipunan.

Sa mga Mananaliksik. Ang mga impormasyong makakalap sa pananaliksik ay

magagamit ng mga susunod na mananaliksik bilang basehan ng pag-aaral na

may kinalaman sa mga salik tungo sa mabisang pagtuturo.


Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakasentro ang pananaliksik na ito sa epektibong pamamaraan ng

pagtuturo sa mga estudyante sa pamamagitan ng panayam sa mga piling guro

ng ibat ibang pangkat ng elementarya, nababatid ang mga salik na susi tungo sa

epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang mga

impormasyong nakalap ay nagmula sa karanasan, kaalaman at paliwanag ng

mga ito. Binibigyang diin din sa pag-aaral na ito ang mga salik na mahalaga sa

pagtuturo sa mga estudyante. Sasaklawin din ng pag-aaral na ito ang epektibong

pamamaraan sa pagtuturo, kahalagahan ng mga salik tungo sa mabisang

paraan ng pagtuturo at ang kahalagahan ng mga ito sa pagkatuto ng mga

estudyante.

Nililimitahan ang pananaliksik na ito sapagkat tanging mga guro lamang

ng Koronadal Central Elementary School-I ang respondente ng pag-aaral. Ang

mga guro ay may kasalukuyang tinuturuang mga estudyante na mula sa unang

baitang hanggang sa ika-anim na baitang. Hindi na sasaklawin pa ng pag-aaral

na ito ang persepsyon ng mga estudyante sa mabisang pagtuturo.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang higit na maunawaan ang mga nakapaloob na termino sa

pamanahong papel na ito, binigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita:

Edukasyon. Tumutukoy sa kursong kinukuha ng mga taong nagnanais

maging guro. Tumutukoy din sa pang-ademikong pag-aaral.

Epektibong Pagtuturo. Operasyonal, mga gurong nagtuturo sa

departamento ng koleheyo ng edukasyon.

Estudyante. Mga taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino, tinuturuan

ng guro at nangangailangan ng mga silid-aralan at mga kagamitang pang-

eskwela.

Propesor. Operasyonal, mga gurong nagtuturo sa departamento ng

koleheyo ng edukasyon.

Salik. Tumutukoy sa mahahalagang sangkap o elemento.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinaniniwalaang makatutulong sa mga

sumusunod:

Sa Paaralan

Ang pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa aralan, particular

na sa komunidad ng Ramon Magsaysay Memorial-Colleges of Marbel Inc. dahil

dito malalaman ang pinakamadaling sistema ng pagkatuto ng mga estudyante,

na kanila namang magagamit upang mas lalong mapabuti ang serbisyo at

istandard ng edukasyon sa nasabing institusyon.

Sa Komunidad

Ang pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa komunidad na

rin sa mga datos at iba pang mga impormasyon na kanilang magagamit para sa

ikabubuti ng mga mag-aaral.

Sa Kapwa Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa aming kapwa

mag-aaral, particular na sa departamento ng edukasyon, dahil sa pamamgitan

nito ay malalaman nila ang mga pinakamadaling paraan ng pagtuto.


Sa Mga Guro

Ang pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa mga guro

sapagkat dito ay magkakaroon sila ng angkop na kaalaman sa paraan ng

pagkatuto ng kanilang mga estudyante, sa pinakaangkop na paraan ng

pagtuturo.

Sa Mga Mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay itinuturing na nakakatulong sa mananaliksik

dahil dito ay magkakaroon sila ng basehan at ediya sa paggawa ng kanilang

pananaliksik.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Lebel ng Pagkatuto sa

Madaling Sistema ng Pg-aaral ng mga mag-aaral ng Ramon Magsaysay

Memorial Colleges- Marbel Inc. sa Departamento ng Edukasyon Unang Taon sa

kolehiyo sinasagawa upang malaman kung ano-ano ang mga paraan ng

pagkatuto ng mga mag-aaral sa unang taon sa kursong Bachelor of Elementary

Education.

Sila ay sasagot sa katanungan:

1. Ano-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga estudyante?

2. Ano-ano ang pinakamabisang paraan ng pagkatuto para sa bawat mag-

aaral?

3. Ano-ano ang epekto ng madaliang sistema sa pag-aaral ng mga mag-

aaral ng RMMC-MI?
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Saklaw ng pag-aaral na ito ang “Lebel ng Pagkatuto sa madaling sistema

ng pag-aaral ng mga mag-aaral ng RMMC-MI” na kung saan may 30

respondente ang kalahok sa pag-aaral na pawing nagmula sa nasabing

Departamento ng Edukasyon sa Unang Taon ang pag-aaral na ito ang pag

dedetermino sa iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang

pagbibigay ng mga katanungan sa mga estudyante bilang basehan ng mga

datos.
PARAAN NG PAGKATUTO

Lebel ng Pagkatuto Istilo ng Pagkatuto

 Memorizing  Visual Learners

(pagmememorya)  Tactile/Kinesthetic

 Identify (paglalarawan) Learners

 Recognize (pagkilala)  Auditory Learners

 Define  Antas ng Interes

(Pagpapakahulugan)  Teknolohiya

Propayl ng Respondente

 Mga Mag-aaral
BALANGKAS NG KAISIPAN

Propayl ng Respondente

 Mga Guro na
nagtuturo sa RMMC-
MI.

Salik ng Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo


Pagtuturo
 Paglilipat-baybay
 Walang Itinatangi (GrammarTranslation)
 May positibong pag-  Direktang
Pamamaraan (Direct
uugali
Approach)
 May kahandahan  Pagbasang
 May haplos-personal Pamamaraan (Reaing
Approach)
 Masayahin
 Audiolingualism
 Malikhain  Oral-Sitwasyonal
 Marunong tumanggap  Kognitiv
ng pagkakamali  Roundtable
Discussion
 Baryedad sa gawaing  Brainstorming
pagkatuto  Role Playing
(Variety in the  Socio Drama
 Case Study
learning activities)
 K-W-L Technique
 Kaligirang sosyal  Storytelling
(social climate)  Debate
 Individual/Group
 Ipinapadaramang
Study
kabilang ang bawat  Library and field
mag-aaral research
 Creativity and Mind
games
Kabanata II

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa aklat ni Dr. Lizette F. Knight (2009) na Maximum Learning and

Teaching, isinaad niya na isang salik na mahalaga sa proseso ng pagkatuto ay

ang kapaligiran. Ang paghahanda ng isang magandang kapaligiran ay

nakakaapekto sa motibasyon ng pagkatuto.

Ayon sa lathala ni Maria Merlisa V. Manuel (2012) na pinamagatang

Guro: Tagahubog ng Kinabukasan ng Sambayanan, malaki ang impluwensya ng

mga guro sa kanyang mga estudyante maging sa personal na buhay man ito o

kinabukasan. Kaya naman, nararapat na pahalagahan ng isang guro ang

kanyang propesyon hindi lamang bilang isang trabaho kundi isa ring misyon na

may kaugnayan sa kinabukasan.

Tinalakay din dito ang iba’t-ibang gampanin ng isang guro gaya ng

pagbabahagi ng kaalaman. Ayon dito, hindi maibabahagi ng isang guro ang

isang kaalaman kung wala itong lubusang kaalaman. Kaya naman, pangunahing

Gawain nito ang patuloy a pangangalap ng mga bagong impormasyon na

makakatulong sa kanyang propesyon.

Sa isang aksyon riserts na isinagawa ni Saydee (2015) na naglalayong

tukuyin ang mga salik sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ng mga linggwaheng

Dari at Pashto, natukoy ng mga guro ang mga bagay na naghahadlang sa


paglinang ng kakayahan at kahusayan sa pagsasalita ng Dari at Pashto ng mga

masinsinang klase.

Kaugnay pa rin sa nasabing pag-aaral, napagdesisyunan ng mga guro na

linangin pa ang magkaugnay na kurikulum at gabayan at tugonan ng kaukulang

pansin ang implementasyon nito sa pamamagitan ng pagkuha ng bidyo sa klase,

pagbigay pansin sa mga pamamaraan ng isa’t-isa at pagbigay komento,

pagkaroon ng repleksyon sa isinagawang pamamaraan at sa mga nakuhang

resulta ng mga estudyante nang madalas gamit ang pormat na PLC.


KABANATA III

Mga Pamamaraan ng Pag-aaral

Paraan ng Pananaliksik

Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo at paraan ng

pangangalap ng mga datos sa pananaliksik. Nakapaloob dito ang mga taga-

tugon ng pag-aaral, instrumentong ginamit sa pag-aaral at ang paraan ng

pagkuha ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pagtukoy ng mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng

pagtuturo, ang pag-aaral ay gumamit ng Checklist Questionnaire bilang dulog ng

pag-aaral. Ito ay pamamaraan ng pagkuha ng mga impormasyong hindi

nasusukat. Ang mga impormasyon na ito ay ang mga salik tungo sa epektibong

pamamaraan ng pagtuturo.

Ginamit ng mga mananaliksik ang Checklist Questionnaire bilang disenyo

ng pag-aaral. Ito ay isang Desciptive na pamamaraan ng paglalahad ng mga

datos o impormasyon ukol sa kasalukuyang panahon. Ito ay gumagamit ng mga

talatanungan upang mas mapadali ang paglikom ng mga datos, ang mga

respondente ay sasagot sa mga hanay na mayroong Sumasang-ayon at Hindi

Sumasang-ayon. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang ganitong uri ng


pamamaraan ay angkop na gamitin sa isinasagawang pag-aaral sapagkat mas

mapabilis ang pagkuha ng mga datos mula sa mga respondente.


Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng instrumentong checklist kung saan

ang mga respondent ay sasagot ng check lamang. Ang ganitong uri ng pagkalap

ng mga datos ay angkop sa isinasagawang saliksik sapagkat nakaayon ang mga

kalahok sa pananaliksik sa mga nakatakdang katangian ng mga pananaliksik. Sa

ganitong pamamaraan ay mainam sapagkat naipaparating kaagad sa

mananaliksik ang bawat sagot ng mga respondent.

Sa pagsagawa ng pakikipanayam, gumamit ang mga mananaliksik ng

questionnaire guide upang magkaroon ng gabay sa tanong at nang sa gayon ay

hindi malihis sa mga suliranin ng pananaliksik. Nakapaloob dito ang labin-limang

katanungan na kailangang sagutin ng mga respondente. Bago binigyan ng

interpretasyon gumamit ang mga mananaliksik ng formula na __________ sa

pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap.


Mga Respondente/Tagasagot

Sa pagpili ng mga respondente, gumamit ang mga mananaliksik ng non-

probability sampling. Sa pamamaraang ito, ang pagpili ng mga kasangkot ay

hindi na ginagamitan ng estadistika, ito ay nakadepende sa sitwasyon.

Ang mga napiling kasangkot sa pag-aaral na ito ay ang mga propesor ng

Ramon Magsaysay Memorial Colleges- Marbel Inc. na pasado sa board

examination at kasalukuyang nagtuturo sa hindi bababang isang pangkat ng mga

estudyanteng kumukuha ng kursong batsilyer ng edukasyong pangsekondarya at

pangelementarya.

Sa pagpili ng mga respondent, gumamit ang mga mananaliksik ng

sampling na may layunin o purposive sampling. Ito ay isang uri ng sampling kung

saan nakadepende sa desisyon ng mga mananaliksik ang bilang ng

kakasangkutin sa pananaliksik. Maliban dito, napili ang mga impormante ayon sa

mga katangiang itinakda ng mga mananaliksik.


Local na Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay nagtungo sa mga guro ng

Koronadal Central Elementary School. Ang isinagawang kikipanayam sa 30

respondente ay ginamitan ng sampung mga katanungan na nakaayon sa mga

suliraning nabanggit sa unang bahagi ng pamanahong papel. Ang mga tanong

na ito ay pinaghandaan ng mga mananaliksik upang maging epektibo ang

pagkuha ng mga impormasyong kailangan.

Mga Kagamitan

Sa pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay gumamit nang mga

kagamitan na tulad nang papel, ballpen, bond paper, internet na pinagkukunan

ng mga impormasyon. Laptop o computer na tinataypan sa pag-aaral na ito.

Folder na nilalagyan ng mga papel.

You might also like