You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Tarlac National High School


(2022-2023)

Mga Kasanayan sa Pampublikong Paaralan na Nakaapekto sa

Pakikipagtalastasan ng mga Estudyanteng Nagmula sa Pampribadong

Paaralan.

Isang Sulating Pananaliksik na iniharap kay

Binibining Jennylyn Nalda

Bilang Bahagi ng Pagtutupad sa pangangailangan sa Asignaturang

Pagbasa at Panaliksik ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Mary Claire E. Aldana


Maelyn I. Arias
Carla R. Binuya
Joe Chen S. Cano
Guillermo F. Reyes III

Address: San Roque Tarlac City


Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

PANIMULA

Ang komunikasyon ay tumutukoy sa anumang anyo ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon


sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Dahil nakakatulong ito sa paglilinaw ng ideya,
pagpapahayag ng saloobin, pag-unawa, at pagpapaunlad ng relasyon, ang epektibong mga
kasanayan sa komunikasyon ay mahalaga sa maraming aspeto ng buhay, kabilang ang pag-aaral,
trabaho, at personal na relasyon (Ki In Educational 2020). Tinutukoy ng pag-aaral na ito ang mga
kakayahan na nakuha ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na nagpabago sa kanilang
mga kakayahan sa komunikasyon. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy kung ano ang
naging epekto ng pampublikong edukasyon sa kanilang kakayahang makipag-usap. Sa
pamamagitan ng pag-aaral na ito, mas mauunawaan ang mga kasanayan sa pakikipagtalastasan ng
mga estudyante na nagmula sa pampribadong paaralan at kung paano ang mga ito ay maaaring
mabago sa pampublikong paaralan upang magbigay ng oportunidad sa mga estudyante na
magkaroon ng mas malawak na mga kasanayan sa pakikipagtalastasan. Ang pakikipagtalastasan
ay isang mahalagang kasanayan sa pag-aaral at sa buhay sa pangkalahatan. Ito ay nagbibigay-
daan sa mga indibidwal na magkaroon ng epektibong komunikasyon sa iba't ibang sitwasyon. Sa
pampublikong paaralan, mayroong mga estudyante na nagmula sa mga pampribadong paaralan na
kung saan mayroon silang mas maunlad at mas matataas na mga kasanayan sa pakikipagtalastasan
kumpara sa mga estudyanteng nagmula sa pampublikong paaralan. Ito ay maaaring magresulta sa
isang hindi patas na labanan para sa mga estudyanteng ito at maaaring humantong sa isang hindi
patas na pag-unlad sa buhay pagkatapos ng pag-aaral. (Zenaida Soriano Ph. D, 2018) Sa
pananaliksik na ito, ipapakita kung paano ang mga kasanayan sa pakikipagtalastasan ng mga
estudyante mula sa mga pampribadong paaralan at paano ito naapektuhan matapos lumipat sa
pampublikong paaralan. Sa pag-aaral ng mga estratehiya at Teknik ng mga kalahok sa
pakikipagtalastasana ay maaring maging daan ang paglipat sa pampublikong paaralan para sa
panibagong mga kasanayan sa pakikipagtalastasan di lamang sa loob ng klase pati narin sa labas
ng kanilan silid aralan ay maaring magkaroon ng epekto sa kanilang kakayahan sa
pakikipagtalastaasan dahil sa kanilang mga naririnig at mga taong nakakahalubilong tao. Ang
pananaliksik na ito ay magbibigay daan upang malaman at mailathala ng mabuti ang mga paraan
ng pagkaapekto ng kakayahan sa pakikipagtalastasan ng mga mag aaral na nagmula sa
pampribadong paaralan. Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay makasasagot sa mga
katanungan kung paano nga ba nagbabago, naaapektuhan, at napapalawak ang kanilang mga
kasanayan sa pakikipagtalastasan matapos lumipat sa ibang paaralan. At matapos masagot ang
mga katanungang nababalot ang mga mananaliksik, maaring maging daan ang mga resulta ng
pananaliksik ito na mailathala ng mabuti ang mga naging daan sa pagkabago ng paraan ng
pakikipagtalastasan. Kaya matapos ang masusing pag-aaral at konsiderasyon ay napagpasyahan
ng mga mananaliksik na bigyan ng sagot ang mga malalaking katanungan at koryusidad na
nababalot ang mga mananaliksik.

Paglalahad ng suliranin

 Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa oral na pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral


sa pampribadong paaralan matapos lumipat sa pampublikong paaralan?

Address: San Roque Tarlac City


Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

 Anong aspeto ng pakikipagtalastasan ang nahubog, naapektuhan, at nabago matapos


lumipat sa Tarlac National High School?
 Sa anong paraan nakaapekto ang paglipat ng pampublikong paaralan sa oral na
pakikipagtalastasan ng mga estudyanteng nagmula sa pribadong paaralan?
 Anu-ano ang mga maaring maging bunga nito sa
4.1 Pag aaral?
4.2 Pananalita?
4.3 Kaisipan?
 Sa paanong paraan nahubog, nabago, at naapektuhan ang pakikipagtalastasan ng mga mag-
aaral matapos lumipat sa pampublikong paaralan?

METODOLOHIYA
Ipinakikilala ng kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at inilalarawan ang
mga hakbang na isinagawa sa pagsusuri. Inilalarawan nito ang disenyo ng pag-aaral, lokal ng pag-
aaral, paraan ng pagpili ng mga respondante, intrumento sa pag-aaral, paraan ng pangangalap ng
datos, at ang konsiderasyong etikal na gagamitin sa pag aaral na ito.
Disenyo sa Pag-aaral
Ang pagsusuri na ito ay isang kuwalitatibong pag-aaral kung saan ay nais ilathala ng mga
mananaliksik ang mga karanasan ng mga kalahok sa pag-aaral at ang kanilang mga natutunan sa
mga espisipikong pangyayari sa kanilang buhay na konektado sa pag-aaral na ito (Kayl Ntinda,
2020). Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng hambing sanhi dahil nais malaman ng mga
mananaliksik ang pagkakaiba ng pamararaan sa pakikipagtalastasan sa pribadong paaralan at
paano nakakaapekto ang paglipat ng paaralan sa pakikipagtalastasan ng mga mag aaral.(Jeska,
2022)
Lokal ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Tarlac National High School sa siyudad ng Tarlac City,
Philippines. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa partikular sa Tarlac National High School dahil
ang mga kalahok na kinakailangan sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng TNHS. Ang mga
mananaliksik ay sapalarang pumili ng limang (5) mga mag-aaral mula sa Tarlac National High
School upang masuri ang kanilang kakayahang maunawaan, pag-aralan, at bigyang kahulugan ang
mga teksto. Ang pangunahing pag-iisip ng pag-aaral na ito ay upang suriin ang mga kasanayan sa
komunikasyon na nakuha ng mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan na
naiimpluwensyahan ang kanilang mga kakayahan sa pakikipagusap Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong matukoy kung ang mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay
may iba't ibang antas ng mga kasanayan sa komunikasyon.
Paraan ng Pagpili ng mga Respondante
Ang mga mananaliksik ay pumili ng mga taong handang ibahagi ang kanilang mga karanasan at
mga pananaw ukol sa kanilang pagiging mag aaral sa pribadong paaralan at kung paano
nakakaapekto ang kanilang pag lipat sa pakikipag talastasan sa mga mag aaral sa Tarlac National
High School . Sa pag-aaral na ito, nagtipon ang mga mananaliksik ng limang (5) kalahok
nanggaling sa pribadong paaralan at lumipat sa pampublikong paaralan. Ang bawat kalahok ay
dapat mula sa iba't ibang pribadong paaralan at maaaring layuning maipahayag ang mga
karanasan at pananaw mula sa mga indibidwal na may iba't ibang edad, kasarian, lahi, at katayuan
Address: San Roque Tarlac City
Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

sa lipunan. Ang mga potensyal na kalahok ay sasailalim sa isang konsultasyon upang matiyak na
nakuha nila ang mga kwalipikasyon na hinahanap ng nga mananaliksik. Hihilingan sila na
magbigay ng kasulatang pahintulot upang mapagtibay ang pananaliksik na isasagawa ng mga
mananaliksik.
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Bago simulan ang pakikipanayam sa mga kalahok, ang mga mananaliksik ay ipinaliwanag
kung tungkol saan and pananaliksik, gayondin ang mga hakbang ng pakikipanayam ng
pananaliksik, at humingi ng permiso sa mga kalahok. Ang mga mananaliksik ay nagsimulang
mangalap ng mga datos para sa pag-aaral na ito matapos na sumang-ayon ang mga kalahok. Ang
mga datos sa pag-aaral na ito na nakalap gamit ang pakikipanayam na disenyo ng pananaliksik.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Tarlac National High School, kung saan nag-aral ang mga
kalahok, at nakuha na rin ang pahintulot para dito. Gumamit ang mga mananaliksik ng di-
nakabalangkas na disenyo ng pag-aaral upang makakolekta ng higit pang datos para magamit sa
pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay nagtanong din ng iba't ibang mga katanungan, ngunit
hindi sila masyadong personal. Ginamit ng tagapagsalita ang Filipino sa pakikipagtalastasan dahit
ito ay tama at mas mabisa. Ang panayam na ito ay naitala sa pamamagitan ng kagandahang-loob
ng kalahok.
Ang napiling paraan sa pagaanalisa ng datos ay ang naratibong paraan upang mas maging
mabisa ang pakikipanayam at pagkuha ng datos dahil maisisiwalat ang lahat ng mga sinabi ng
mga kalahok at param at para walang makaligtaan na detalye na maaring gamitin sa pag aaral na
ito.
Instrumento sa Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam. Ang mga
mananaliksik ay lumikha ng mga tanong na ginamit bilang pangunahing kasangkapan sa
pananaliksik sa mga panayam. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan upang
itanong sa mga kalahok sa pag-aaral na makakalap ng mga kinakailangang datos at impormasyon
tungkol sa paksa ng pag-aaral. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga di-binalangkas upang
magtanong sa mga respondente na sinundan ng mga tanong na humantong sa mas malawak na
mga sagot.
Konsiderasyong Etikal
Ang konsiderasyong etikal ay isa sa pinaka importanteng parte ng pag lulunsad ng pananaliksik.
Ang mga mananaliksik ay may mga sinusundan ang mga batas upang masigurado ang kaligtasan
ng mga personal na datos ng mga kalahok at sinisigurado nito ang Kalayaan sa pagpili kung nais
ng mga kalahok na makibahagi sa pananaliksik na ito.
Sa pag-aaral na ito, ipinaliwanag ng mga mananaliksik sa mga kalahok kung tungkol saan ang
pag-aaral at layunin nito. Ang personal na impormasyon ng mga kalahok ay ituturing na
kumpidensyal sa mga mananaliksik at ang pribadong buhay ng mga kalahok ay igagalang.
Tiniyak ng mga mananaliksik ang kaligtasan ng mga kalahok sa lahat ng pagkakataon.
RESULTA

1. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa oral na pakikipagtalastasan ng mga


mag-aaral sa pampribadong paaralan matapos lumipat sa pampublikong paaralan?
Matapos matalakay ng mga mananaliksitk at ng mga kalahok ang mga hamon na kanilang
Address: San Roque Tarlac City
Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

kinaharap at mga resulta ng paglipat mula sa pribado patungo sa pampublikong paaralan. Para sa
unang kalahok, ang paglipat nya ng paaralan ay nagdulot ng pagpapalakas ng bokabularyo at
napadali ang kaniyang pagsasalita sa filipino. Para sa ikalawang kalahok, ang paglipat nya ng
paaralan ay naging paghihirap sa pakikipagkomunikasyon dahil sa iba’t ibang diyalek at wika na
kaniyang naririnig sa paaralan. Para sa ikatlong kalahok, ang paglipat ng paaralan sa kaniya ay
nagdulot ng nerbiyos sa pagsasalita at pakikibahagi sa oral na diskusyon kasama ng kanilang,
dahil sa mataas na antas ng kompetisyon at akademikong pangangailangan sa pampublikong
paaralan. Para sa ikaapat, walang gaanong epekto ang paglipat niya ng paaralan sa
pakikipagtalastasan naging madali ang kanyang pakikipagugnayan sa mga tao sa paaralan, gayon
rin ang ikalimang kalahok, walang malaking pagbabago sa kaniya ang paglipat niya ng paaralan
bagamat nadagdagan ang kaniyang bokabularyo ng ilang salitang Kapampangan dahil sa
pakikipag usap nito sa kaniyang mga kaklase.

2. Anong aspeto ng pakikipagtalastasan ang nahubog, naapektuhan, at nabago matapos


lumipat sa Tarlac National High School?

Ang mga mananaliksik ay nagtanong naman kung paano naapektuhan ang kanilang oral na
pakikipagtalastasan matapos lumipat sa Tarlac National High School, ayon sa unang kalahok ang
kanyang pananalita ay nabago dahil mas naging bokal siya sa pagsasalita ng filipino nung siya ay
lumipat sa Tarlac National High School. Ang ikalawang kalahok naman ay tila ba nahirapan sa
pakikipagtalastasan dahil marami ang mga dayalektong kanyang naririnig. Ayon naman sa
ikatlong kalahok siya ay kinakabahan lalo na sa pakikibahagi sa diskusyon sa looob ng klase. Para
sa ikaapat na kalahok mas gumaling sa pakikipagtasalan ang kalahok dahil mas maraming tao na
kanyang nakakahalubilu at nakakausap, kaysa sa kanyang paaralan na tinutuluyan noon. Ang
ikalamang kakahok naman ay sinabing meron siyang nalaman na mga panibagong mga salita sa
Kapampangan.

3. Sa anong paraan nakaapekto ang paglipat ng pampublikong paaralan sa oral na


pakikipagtalastasan ng mga estudyanteng nagmula sa pribadong paaralan?

Muling nagtanong ang mga mananaliksik ukol sa paanong paraan nakaapekto ang paglipat
nila sa pampublikong paaralan sa kanilang oral na pakikipagtalastasan. Ang unang kalahok ay
nagsabi na mas naging magaling siya sa pakikipagusap sa filipino. Ayon naman sa ikalawang siya
ay nahirapan dahil siya ay nasanay sa kanilang patakaran sa pampribadong paaralan. Ang ikatlong
kalahok naman ay tila bang may mga kahirapan dahil mas nagiging kompetisyon ang mga bagay
sa pampublikong paaralan. Ang ikaapat na kalahok naman ay walang mga kahirapan sa paglipat
ng pampublikong paaralan dahil parang magkapareho lamang ito para sakanya. Ang ikalimang
kalahok naman ay tila bang nanibago dahil sa kanyang mga nakaksalamuha na bago lamang sa
kanyang buhay.

4. Anu-ano ang mga maaring maging bunga nito sa


4.1 Pag aaral?
4.2 Pananalita?
4.3 Kaisipan?

Address: San Roque Tarlac City


Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

Matapos sagutin ng mga kalahok ang unang mga katanungan muling nagtanong ang mga
mananaliksik tungkol sa paano naapektuhan ang kanilang pag-aaral, pakikipagtalastasan, at ang
kanilang kaisipan. Ayon sa unang kalahok ang kanyang pinaka nangungunang sagot ay mas
naging magaling o nanaig lalo ang filipino sa kanyang pananalita dahil sa paglipat sa
pampublikong paaralan. Ayon naman sa ikalawang kalahok siya ay nahihirapan dahil nasanay ang
kalahok sa ingles, siya rin ay nabubulol sa filipino kapag ang mga salita ay parang kaparehas ng
ingles, at sa kanyang kaisipan tila hindi maintindihan ng ikalawang kalahok ang mga malalim na
salita. Ang ikatlong kalahok naman ay mas gumaling sa pakikipagtasan lalo sa mga agham na
nangangailangan ng ingles sa kanyang pananalita naman ay wala namang gaanong nabago sa
kanyang kaisipan naman ay mas gumagaling sa pag tatasa ng kanyang isip. Ang ikaapat na
kalahok ay mas gumaling sa pakikipag komunikasyon at tila bang wala rin naman siyang kahit
anong kahirapan o wala rin namang nabago. Ang ikalamang kalahok naman ay kahit wala siyang
gawin sa pampribadong paaralan ay papasa siya sinabi rin ng ikalimang kalahok ay parehas
lamang ang kanilang gawi sa pananalita sa pribadong paaralan at sa Tarlac National High School,
at ang sabi niya rin ay mas naging mahusat at may didikasyon siya sa pag aaral ngayon.

5. Sa paanong paraan nahubog, nabago, at naapektuhan ang pakikipagtalastasan ng mga


mag-aaral matapos lumipat sa pampublikong paaralan?

Tila ba ang mga kalahok ay may iba’t ibang pagbabago at ang iba naman ay wala kaya naman ang
mga mananaliksik ay nagtanong kung paano nila nagawan ng paraan ang mga pagbabagong ito at
paano sila gumawa ng paraan upang masanay sa mga gawing bago lamang sakanila. Ayon sa
unang kalahok ang paraan niya upang maging mas bihasa o para masanay sa gantong gawi ng
pakikipagtalastasan ay siya raw ay nag nanaliksik tungkol dito upang mas malaman niya kung ano
ang mga nais ipabatid ng mga kanayang nakakasalamuha sa loob ng klase gayon rin sa loob ng
paaralan. Ang tinugon ng ikalawa, ikaapat, at ikalimang kalahaok ang pinaka mabisang paraann
upang masamay sa gawi ng mga taga pampublikong paaraalan sa pakikipagtalastasan ay
makipagusap o makisalamuha sa iba pang mga tao ang mga taong tinutukoy nila ay ang kanilang
mga kaklase at mga kapwa kamagaral. At ang ikatlong kalahok naman raw ay nag ppractiice ng
kanyang paraan sa pakikipagtalasan sa kanilang bahay sa pakikipagusap
.
DISKUSYON

Batay sa pananaliksik, nakita na ang mga estudyanteng nagmula sa pribadong paaralan ay


nakaranas ng pagbabago sa kanilang kasanayang pakikipagtalastasan pagdating sa pampublikong
paaralan. Isang malaking hamon ang pagharap sa iba't ibang wika at dayalekto na hindi nila sanay
na marinig. Ito ay nagdudulot ng pagkakabahala at kakulangan ng kumpiyansa sa kanilang sarili
sa pakikipag-usap sa klase o sa labas ng paaralan. Nakita rin na ang mga estudyante ay
nahihirapan sa pag-unawa at paggamit ng malalalim na salita at pagsasalita sa Filipino. Sa
kadahilanang sa mga pribadong paaralan ay mas naka-focus ang paggamit ng Ingles (Bolatin,
Lacamento, Salcedo 2019), kaya't ang pag-aaral sa pagsasalita ng Filipino ay maaring mahubog sa
pamamagitan ng mga talakayan at pakikipagtalastasan sa pampublikong paaralan. Naging
malaking hamon sa mga kalahok, dahil ito ay nagdulot ng mga pagbabago sa kanilang kasanayang
pangwika at nagbigay ng oportunidad na mas lalo pang mapahusay ang kanilang kasanayan sa
Filipino. Subalit mayroon din namang natuklasan na ang ilan sa mga estudyante ay nagkaroon ng
Address: San Roque Tarlac City
Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

pagpapalawak ng kanilang bokabularyo at pagsasalita sa Filipino. Ito ay dahil sa pakikisalamuha


sa mas maraming tao at mas malawak na pangkalahatang paggamit ng wika sa pampublikong
paaralan. Nakita na nagbunga ito ng mas malalim na pag-unawa sa kultura at iba't ibang mga
konteksto ng pakikipagtalastasan sa ating lipunan.

Una sa lahat, ang mga pampublikong paaralan ay karaniwang may mas malaking bilang ng mga
mag-aaral kumpara sa mga pribadong paaralan. Dahil dito, ang mga bagong mag-aaral mula sa
pribadong paaralan ay maaaring maharap sa higit na maraming tao na kanilang kailangang
makausap at makisalamuha. Ito ay maaaring maging sanhi ng kakulangan ng tiwala o kaba sa
pakikipag-usap sa mga bagong kaklase. (Lozano 2002). Ang mga dating mag-aaral mula sa
pribadong paaralan ay maaaring bihasa sa mas maliit na bilang ng mga mag-aaral at mas personal
na pakikipag-ugnayan. Pangalawa, ang mga pampublikong paaralan ay nag-aalok ng mas
malawak na hanay ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang mga antas ng buhay at kultura. Ang mga
bagong mag-aaral na nagmula sa pribadong paaralan ay maaaring makaranas ng pagkakaiba sa
wika, at mga kasanayan ng ibang mag-aaral. Ito ay maaaring maging isang hamon sa kanilang
pagpapahayag ng kanilang sariling ideya at kahusayan sa pakikisalamuha sa mga mag-aaral mula
sa iba't ibang pinagmulan. Panghuli, ang mga pampublikong paaralan ay maaaring magkaroon ng
iba't ibang mga patakaran at proseso sa komunikasyon kumpara sa mga pribadong paaralan na
may patakaran na ingles lamang ang madlaas na gamitin (Bolatin, Lacamento, Salcedo 2019).

Maraming mga kasanayan sa oral na pakikipagtalastasan ang nagbago sa mga mag-aaral o


kalahok na nagmula sa pribadong paaralan matapos sila ay lumipat sa pampublikong paaralan,
ngunit dahil rito sila rin ay kailangang gumawa ng paraan upang sila ay masanay at mahubog.
Dahil hindi naman lahat ay magaling kaagad sa pakikipagkomunikasyon dahil mayroong mga
nahihiya at meron naman ay hindi sanay sa panibagong mga taong nakikita o pati narin sa
kanilang ginagalawan na lugar. Kaya ang mga kalahok ng pag aaral na ito ay may mga iba’t ibang
paraan kung paano nila naayos o kung paano sila nagsanay. Isa sa mga kalahok ay nagbanggit na
mainam raw sa kanya ang pananaliksik ng mga panibagong mga salitang kanyanng naririnig at
inaaral ito para raw maintindihan at mas malaman kung paano ito gamitin. Mayroon rin naming
nagsabi na siya raw ay nag eensayo magisa sa kanilang bahay sa paraan na pakikipagusap sa
kanyang mga pamilya o minsan naman ay mag isa. At syempre ang pinaka epektibong paraan sa
pagsasanay o paghahasa sa pakikipagkomunikasyon sa panibagong paaralan ay ang pakikipag sa
mga iba’t ibang taong nakakasalamuha dahil napaka halaga at importante nito dahil dito mahahasa
ang aking galing ng mga mag aaral sa pakikipagusap pa oral at mawawala rin ang kanilang mga
hiyang kanilang nararamdaman dahil sila ay mas nagiging komportable sa mga taong kanilang
nakakasalamuha. Sabi ng isang mananaliksik na nagmula sa ibang bansa maraming mga paraan
kung paano makakagawa ng paraan para maramdaman nila na parte sila ng isang komunidad at
grupo ito ay ang makipaghalubilo ng mas madalas upang ang mga mag aaral ay mas mahasa at
maging komportable sa pakikipagtalastasan ayun ito kay (Lesw, 2020)

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga pagbabago ng pananalita ng mga kalahok
na nagmula sa pribadong paaralan matapos lumipat sa publikong paaralan. Ang nangungunang
sagot ng mga kalahok ay ang kanilang pakikipagtalastasan ay mas nahasa at sila ay mas
Address: San Roque Tarlac City
Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

gumaling sa wikang filipino, ngunit katulad ng isa sa mga kalahok ay mayroon paring mga
nahihirapan sa pakikipag komunikasyon sa pampublikong paaralan dahil nasanay ang mga mag-
aaral sa pakikipagusap ng ingles sa kanilang paaralan noon . Ang oral na pakikipagtalastasan ng
mga mag-aaral ay naapektuhan sa iba’t ibang paraan, marami ang nagsabing mas gumaling sila
sa kanilang pakikipagtalastasan, ngunit hindi parin mawawala ang mga nahihirapan dito dahil
mayroon paring mga nahihirapan at nahihiya. Nakaapekto ang paglipat ng eskwelahan sa
kanilang oral na pakikipagtalastasan ang mga kalahok ay sumagot at sinabi na sila ay nahirapan
o nanibago dahil sa ibang paraan ng pakikipagtalastasan, ngunit may gumaling at walang kahit
anong nabatid na kahirapan ukol sa kanilang oral na pakikipagtalasan. Nalaman ng mga
mananaliksik na ang pag-aaral, pakikipagtalastasan, at kaisipan ay isa rin sa mga naaapektuhan,
at nalaman ng mga mananaliksik na maraming mga mag-aaral ang mas gumaling sa
pakikipagkomunikasyon at sa kanilang pag-aaral, pero hindi parin mawawala ang mga
nahihirapan rito. At kung sa kanilanng pakikipagtalastasan naman ay tila ba walang nabago,
ngunit mayroong paring mga nahihirapan na estudyante. Ang mga estudyante ay paniguradoong
may kahirapan at ayon sa pag-aaral na ito ang paraan nila upang mahasa at matuto ay sila raw ay
nakikipagkomunikasyon pa sa iba pang mga tao para sila ay mahasa, ngunit mayroon
nangangailangan ng mga iba’t ibang paraan ng pagsasanay katulad ng pananaliksik at ang
pageensayo ng magisa, dahil hindi lahat ng mga mag-aaral ay may kalakasan ng loob katulad ng
iba pang mga mag-aaral.

Kaugnay sa ginawang pananaliksik buong pagpapakumbabang imumungkahi ng mga


mananalik ang mga sumusunod:
Para sa mga guro, Maaring magsilbing gabay ang pag-aaral na ito sa mga guro upang
malaman ang mga iba’t–ibang kahirapan sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral na nagmula sa
pampribadong paaralan, at sila ay mabigyang pansin at mas matutukan ng mga guro.
Para sa mga Magaaral, Maaring makakatulong sa mga mag-aaral na bago lamang sa
pampublikong paaralan na nais gumawa ng paraan upang malinang ang kanilang kasanayan sa
pakikipagtalastasan
Para sa Pamilya, Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga pamilya tungkol sa mga
maaring kaharapin ng kanilang mga anak matapos lumipat sa bago o pampublikong paaralan
Para sa mga Mananaliksik, Magsagawa ng pananaliksik na katulad ng pag-aaral na ito nang
makatulong upang mapalawak ang kaalaman kung patuloy itong mapapalawig para sa kabataan
patungo sa makabagong mundo

DAHON NG PASASALAMAT

Taos-puso ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa mga kalahok na tumulong sa pag-aaral


na ito. Pati narin saaming guro na walang sawang nagturo ng mga paraang ginamit upang
maging mabisa ang pag-aaral na ito at nagturo sa saamin ng mga wastong gawi, para sa
matagumpay na pagsulat ng pananaliksik na ito. Lubos din ang pasasalamat ng mga mananaliksik
sa panginoon na nagbigay lakas at determinasyon sa mga mananaliksik sa pagsulat ng pag-aaral
na ito.

Address: San Roque Tarlac City


Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

SANGGUNIAN

[1] Ano ang Pakikipagtalastasan? (Eksaktong Kahulugan). (2018, March 22). Literature 30661.
https://www.affordablecebu.com/pakikipagtalastasan
[2] Bolatin, M. A., Lacamento J., Salcedo M. A. (2019)- Epekto ng Paggamit ng Wikang
Filipino at Wikang Ingles sa Larangan ng Pagtuturo at Pagkatuto. www.studoco.com.
https://www.studocu.com/ph/document/notre-dame-of-dadiangas-university/bs-industrial-
engineering/epekto-ng-paggamit-ng-wikang-filipino-at-wikang-ingles-sa-larangan-ng-
pagtuturo/16242422?
fbclid=IwAR0CyZ79NCECnbbvRa8tjA6j6NSgB7lE2bswHOgJcph3iv5Jbco0G9n7YF0
[3] Grosjean, F. Ph. D. Stuttering in Bilinguals: What We Know. www.psychologytoday.com.
https://www.psychologytoday.com/us/blog/life-bilingual/201907/stuttering-in-bilinguals-
what-we-know#:~:text=The%20different%20manifestations%20of%20stuttering%20across
%20languages%20have,find%20increased%20stuttering%20in%20the%20less
%20proficient%20language.
[4] “Jeska. (2022, June 9). Uri ng Pananaliksik - Aralin Philippines. Aralin Philippines.
https://aralinph.com/uri-ng-pananaliksik/
[5] Kennedy, R. Paghahambing ng Pampublikong at Pribadong Paaralan. www.tl.eferrit.com
https://tl.eferrit.com/paghahambing-ng-pampubliko-at-pribadong-edukasyon
[6] Ki. (2020, November 17). Ano Ang Komunikasyon Kahulugan At Halimbawa Nito.
Philippine News. https://philnews.ph/2020/11/17/ano-ang-komunikasyon-kahulugan-at-
halimbawa-nito/
[7] Lcsw, A. M. (2020). Helping Teens Adjust to a New High School. Verywell Family.
https://www.verywellfamily.com/help-your-teen-adjust-to-a-new-high-school-4053132
[8] Nicio, J. (2018). Thesis ko -current. www.academia.edu.
https://www.academia.edu/37796359/Thesis_ko_current
[9] Ntinda, K. (2019). Narrative Research. https://philpapers.org/rec/NTINR
[10] Reducing Challenging Behaviors during Transitions: Strategies for. (n.d.). NAEYC.
https://www.naeyc.org/resources/pubs/yc/sep2018/reducing-challenging-behaviors-during-
transitions#:~:text=Difficulty%20with%20transitions%20can%20occur%20for%20a
%20number,or%20intellectual%20disabilities%20%28Hemmeter%2C%20Ostrosky%2C
Address: San Roque Tarlac City
Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

%20%26%20Corso%202012%29.
[11] Schwartz, A. E., Stiefel, L., & Cordes, S. A. (2016). Moving Matters: The Causal Effect of
Moving Schools on Student Performance. Education Finance and Policy, 12(4), 419–446.
https://doi.org/10.1162/edfp_a_00198

Address: San Roque Tarlac City


Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

Dokumentasyon

Kalahok #1 Kalahok #2

Kalahok #3 Kalahok #4

Kalahok #5

Address: San Roque Tarlac City


Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Tarlac National High School
(2022-2023)

Address: San Roque Tarlac City


Telephone Number: (045) 800 7735, (045) 982 3565
Email Address: tarlacnhs@deped.gov.ph

You might also like