You are on page 1of 23

YUNIT 10

MABISANG
PAGPAHAYAG
Aralin 1: Mabisang Paraan ng Pagpapahayag:
Kalinawan, Kaugnayan, at Bisa
• pagpapahayag- isang uri ng komunikasyong nagbabahagi ng sariling kaalaman
batay sa sariling karanasan, napiling teorya, o paniniwala sa isang napiling paksa.
• Mga Katangian ng Manunulat- 1. Analitikal 2. Kritikal

Mga Katangian ng Mabisang Pagpapahayag


• Malinaw na layunin
• Akademikong tono
• Kongkretong batayan ng impormasyon/datos
• Tukoy ang framework
• Nakapagbibigay ng mungkahi
• Alam ang target na mambabasa
Pagtuklas ng Lasa, Pagtuklas ng Karanasan
Ang sanaysay na “Why Sinigang?” ni Doreen Fernandez ay tumatalakay sa mga katangian ng
sinigang na nagpapalitaw sa mga katangian ng mga Pilipino—dahilan para sabihing mas
mainam itong representasyon ng mga Pilipino kaysa sa adobo. Ayon kay Fernandez, mabisang
naipakikilala ng sinigang ang dulang ng pamilyang Pilipino. Angmga sangkap sa pagluluto nito ay mula sa mga gulay na
mayroon sa paligid. Gayundin, nagkakaiba ang uri o pagluluto ng sinigangbatay sa lugar kung saan ito iniluluto.
Halimbawa, karaniwang iniluluto ang sinigang na baboy sa kapatagan,samantalang isda o hipon ang pangunahing
sangkap ng sinigang sa mga lugar na malapit sa ilog, lawa, o dagat. Anglasa ng sinigang ay magkakaiba rin batay sa
lugar. Walang nakatakdang alat o asim para masabing masarap ang pagkaluto nito. May ilang lugar kung saan
napakaasim ng sinigang, samantalang mayroon din naming masasabing matabang ang asim nito. Kaugnay nito,
magkakaiba rin ang sawsawang kalakip sa pagkain ng sinigang—patis, bagoong o alamang, may sili o wala. Dulot din
ito ng pagkakaiba-iba ng mga likas na yamang mayroon sa partikular na lugar sa bansa.Sa kabuuan, masasabing ang
pagluluto at pagkain ng sinigang ay kumakatawan sa pagkatao at kultura ng mga Pilipino. Ang magkakaibang karanasan
ay nakaiimpluwensiya sa inaasahan nating lasa at linamnam ng sinigang. Ang asim at alat ay maaaring kumatawan sa
mga pait at pagsubok sa buhay. Ang kilig na dulot ng paghigop ng maasim na sabaw ay nagpapaalala sa mga karanasang
nais nating maalala—marahil kasama ang mga taong nagbibigay kabuluhan sa iyong buhay. Kaya, sa susunod na
magluluto ng sinigang, isipin mo ang mga bagay o karanasang nagdudulot ng lasa at linamnam sa iyong buhay
Aralin 2 Pagsasaling-wika/Pagsasalin
Ang pagsasalin o pagsasaling-wika ay isang
proseso ng paglilipat ng ideya o kaalaman mula
sa isang wika tungo sa iba pang wika.

1. ang source language at 2. target language


Dalawang Estilo ng Pagsasalin-ayon kay Leonard Newmark
Ang pagsasalin ay maaaring may diin sa source language o may diin sa target language.
May Diin sa Source Language Kung ang diin ay nasa source language, may apat na paraan para isagawa ang pagsasalin:
● word-for-word
● literal
● malaya
● semantiko
May Diin sa Target Language Kung ang diin naman ay nasa target language, ang mga paraan ng pagsasalin ay: ●
komunikatibo ● idyomatiko matapat ● adaptasyon
Diin sa Source Language: Word-for-word

Peter bought fried chicken.


Peter bumili pritong manok.
Diin sa Source Language: Literal

Peter bought red roses.


Si Peter ay bumili ng pulang mga rosas.
Diin sa Source Language: Malaya
Peter drank iced tea.
Si Peter ay uminom ng napakalamig na iced tea.
Diin sa Source Language: Semantiko
Peter danced gracefully.
Sumayaw si Peter na parang isang dahong nahuhulog mula sa sanga.

Diin sa Target Language: Komunikatibo


Peter ate sauteed mix vegetables.
Kumain si Peter ng chopseuy.
Diin sa Target Language: Idyomatiko
Peter’s bread and butter is driving.
Pagmamaneho ang hanapbuhay ni Peter.
Diin sa Target Language: Matapat
If Peter will go dancing, I will go, too.
Kung si Peter ay pupunta para sumayaw,ako ay pupunta rin.

Diin sa Target Language: Adaptasyon


Peter danced whole-heartedly the whole night.
Umindak nang umindak si Peter.
Pagsusuri ng
Pagkakasalin ng
Teksto
“A nation that destroys its soil destroys itself. Forests are the
lungs of our land, purifying the
air and giving fresh strength to our people.”
“Ang isang bansa na sira ang lupa nito sira mismo. Kagubatan
ang mga baga ng aming
lupa, paglilinis ng hangin at pagbibigay ng mga sariwang lakas sa
ating mga tao.”
Aralin 3: Panunuring Pampanitikan

Ang panunuring pampanitikan ay isang uri


ng paglalahad na nagtitimbang, nagbibigay ng
mahahalagang punto, o kaya ay kumikilatis
sa isang akdang binasa.
Ilan sa halimbawa ng akdang pampanitikan ay
ang maikling kuwento, tula, sanaysay, nobela,
at dula.
Mga Teoryang Pampanitikan
Ang pagsulat ng panunuring pampanitikan ay hindi lamang
pagpapahayag ng pagkagusto
o pag-ayaw sa isang akda o teksto. Ang pagsusuring ilalahad ay
dapat na nakasandig o
batay sa isang teoryang pampanitikan. Ito ay mga pananaw o
dulog sa kung paano
babasahin ang isang akdang pampanitikan. Ilan sa mga ito ang
Pormalismo, Kontekstuwal,
Usaping Kasarian, Marxismo, at Realismo.
Pormalismo
Ang pormalismo ay teorya kung saan ang tuon ng pagsusuri ay
ang mga elemento o
bahagi ng isang akda. Masasabing teknikal ang pagsusuri nito,
dahil titingnan lamang ang
estruktura o kung paano nabuo ang akda.
• Sa pagsusuri ng tula ay titingnan ang sukat at tugma nito, ang
pagpapantig o ang porma nito, pati na rin ang haba at ang ginamit
na mga salita.
• Sa sanaysay naman ay bibigyang pansin ang simula, katawan, at
wakas nito.
• Ang tuon sa pagsusuri ng maikling kuwento, nobela, at dula ay
nakatuon sa mga elemento nito tulad ng tauhan, tagpuan, banghay,
at tunggalian.
Kontekstuwal
Gamit naman ang kontekstuwal na teorya, tinitingnan ang
panitikan na repleksyon ng
panahon at lugar kung kailan at saan ito isinulat. Kung gayon,
itinuturing nito ang panitikan
bilang produkto ng lipunan—batay sa usaping ekonomikal,
pulitikal, panrelihiyon, at
sosyal.
Ang romantisismo o paglalahad ng magandang buhay sa bukirin,
na
sumikat noong panahon ng pananakop ng mga Hapones, noong
dekada
’40 ay kumakatawan sa pagnanais ng mga Pilipino na makaranas
ng
maginhawang buhay sa gitna ng digmaan.
Ang mga akdang feminista ay nagpapakita ng babaeng tauhan
bilang
malakas, matapang, at may kakayahang mabuhay nang hindi
umaasa sa
isang lalaki.
Marxismo
Sa Marxismo, tinitingnan naman kung paano pinalitaw ang
tunggalian ng socio-economic
class sa isang akdang pampanitikan. Ibig sabihin, sinusuri kung
ano ang ugnayan ng mga
may kapangyarihan at karaniwang uring manggagawa.
Sa nobelang “Mga Ibong Mandaragit,” maaring suriin kung
paanong ang
isang utusan na si Mando ay nagkaroon ng kakayahang
makapaglakbay sa
buong mundo at magkaroon ng yamang gagamitin niya para
tulungan ang
mga manggagawa upang labanan ang mayayamang ganid sa
kapangyarihan
Realismo
Ang Realismo ay teorya kung saan ay sinusuri ang pagpapakita
ng katotohanan ng buhay—
maganda man ito o hindi.

Sa kuwentong “2=25” ay inilahad kung paanong ang mga tao sa


siyudad ay
palaging nagmamadali, katulad ng pangunahin nitong tauhan.
ARALIN 4: Pagsulat ng Panunuring Pampelikula

Ang panunuring pampelikula ay pagsusuri ng


isang pelikulang napanood at ng mga elemento
nito.
Ang pelikula ay isang uri ng sining kung saan
may gumagalaw na mga imahen at naririnig na
diyalogo para ilahad ang isang kuwento o
naratibo
Sa aspektong pampanitikan, tinatalakay at
sinusuri ang mga elemento ng kuwento, diyalogo, at tagpuan ng
pelikula.
Sa kabilang banda, saklaw naman ng aspektong teknikal ang
editing, disenyo ng set,
damit o costume, paglalapat ng musika, at sinematograpiya

You might also like