You are on page 1of 17

Dahilan ng Pagpili ng “Strand” ng mga nasa Baitang 10 ng

Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang, Bayambang,

Pangasinan

Isang Aksyon Riserts na Iniharap sa Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino sa Institute of

Graduate and Professional Studies sa Lyceum Northwestern University,

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Sabjek na Learning Environment

in Action Research at Social Regards in Action Research

ni:

Aiko Mel P. Cunanan

1
Abril 2018

Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat ang nais ipabatid ng mananaliksik sa mga nagbibigay

tulong o/at nagbigay ng positibong punto at inspirasyon upang matapos ang

pananaliksik na ito.

Una sa lahat sa Poong Maykapal na nagsilbing pangunahing inspirasyon ng

mananaliksik, tagapatnubay, hugutan ng lakas at pananalig sa ikakasakatuparan ng

pananaliksik na ito.

Sa kanyang walang humpay at walang sawang umaagapay na tagapayo at guro

na si Dr. Maria Caridad D. Garcia para matapos ang riserts na ito.

Sa mga awtor at editor ng mga aklat at pag-aaral ng kanyang pinaghanguan ng

mga impormasyon na nakatulong nang malaki sa kanyang pag-aaral sa kanyang

pananaliksik.

Sa aking mga pamilya, minamahal na kasintahan, mga kaibigan at iba pang mga

tao na tumulong lalo na sa pinansyal na pangangailangan para sa proyektong ito.

Higit sa lahat at ninuman, sa kanyang butihing lola Lydia M. Cunanan na

nagbibigay lakas at determinasyon upang mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.

2
Mula sa kaibuturan ng kanyang puso, siya ay lubos na nagpapasalamat

Dahon ng Pagpapatibay

Inilalatag ang pananaliksik na ito bilang pagtupad sa isa sa mga


pangangailangan ng asignaturang Learning Environment in Action Research at Social
Regards in Action Research

“Dahilan ng Pagpili ng Strand ng mga nasa Baitang 10 ng Pambansang Mataas

na Paaralan ng Bayambang, Bayambang, Pangasinan

Isang pagsusuri na inihanda at iniharap ng mananaliksik na si:

Aiko Mel P. Cunanan

3
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat ……………………………………………… 2

Dahon ng Pagpapatibay ……………………………………………… 3

Talaan ng mga Nilalaman ……………………………………………… 4

Abstrak ……………………………………………….5

Kabanata 1: ANG MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon ……………………………………………… 6

2. Layunin ng Pag-aaral ……………………………………………… 7

3. Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………….. 8

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ………………………….. 9

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya ………………………….. 10

Kabanata 2: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA ……... 11

Kabanata 3: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK…………………12

1. Disenyo ng Pananaliksik ………………….………………….. 13

2. Mga Respondente ………………….………………….. 11

3. Instrumento ng Pananaliksik ………………….………………….. 11

4. Tritment ng mga Datos ………………….………………….. 11

Kabanata 4: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON ……….12

1. Lagom ………………….………………….. 13

2. Konklusyon ………………….………………….. 14

3. Rekomendasyon ………………….………………….. 14
4
Apendiks B ……………………………………….15

ABSTRAK

CUNANAN, AIKO MEL P., Abril 2018 “Dahilan ng Pagpili ng Strand ng mga

nasa Baitang 10 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang,

Bayambang, Pangasinan”. Master of Education- Filipino Medyor, Lyceum

Northwestern University, Institute of Graduate and Professional Studies, Tapuac

District, Dagupan City, Pangasinan.

Tagapayo: Dr. Maria Caridad D. Garcia

Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na ginagamitan ng

talatanungan at sarbey sa pagkuha ng mga datos. Ang mga kalahok ay may kabuuang

50 mag-aaral na nasa ika-10 baitang. Nilayong alamin ng mananaliksik ang kaugnayan

ng profayl ng mga piling mag-aaral sa dahilan ng pagpili ng strand bago tumuntong sa

Senior High School.

Sinuring maigi ng mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey-kwestyuner na

kadalasang dahilan ng mga mag-aaral ay ang kanilang pansariling interes na kung saan

doon sila mas nagiging panatag sa kursong kanilang kukunin pagtuntong sa kolehiyo.

Ang kalayaan ng mga mag-aaral na makapagpili ng kanilang nais na strand ay

nakakapagpataas ng kanilang kumpiyansa sa sarili at nahuhubog ang kanilang

kakayahang magkaroon ng wastong pagdedesisyon sa buhay upang pagdating ng

panahon ay marating nila ang kanilang minimithing propesyon.

Keywords: dahilan ng pagpili ng strand ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang

5
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa pagdaragdag ng dalawang taong pag-aaral sa hayskul na tinutukoy sa

Republic Act 10533 o mas kilala sa K-12 Kurikulum, isa sa mga suliranin ng mga mag-

aaral na nasa ika-10 baitang ay ang pagpili ng kukuning strand na nakasasakop sa

kursong kukunin pagdating naman sa kolehiyo.

Ang pagpili ng strand sa Senior High ay marapat lamang na pag-isipan nang

mabuti dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat mag-aaral na kukuha nito.

Bagamat sa pagpapasya at pagpili ng kung anong strand ang kukunin ay maraming

salik o mga dahilan ang nakaapekto. Ang kursong nais ay dapat na maging tugma sa

strand na kukunin mapa-ABM, STEM, GAS; HUMSS, H.E, ICT, SMAW, AGRI at iba pa.

Kung kaya’t kinakailangang magkaroon muna sa isipan ng partikular na kurso at/o

career na tatahakin.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang malaman ng mga mag-aaral ang

dahilan ng pagpili ng strand ng mga nasa baitang 10 ng Pambansang Mataas na

Paaralan ng Bayambang. Sinasagot nito ang mga sumusunod na katanungan:

 Ano ang profile ng mga respondente batay sa;

a. Hanapbuhay ng mga magulang

6
b. Interes/Hilig

c. Grado/Academic Performance

d. Paboritong asignatura?

Ano ang mga dahilan ng pagpili ng strand ng mga nasa baitang 10 ng Pambansang

Mataas na Paaralan ng Bayambang batay sa;

a. Magulang

b. Kaibigan/ Kamag-aral

c. Guro

d. Interes

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tinatalakay sa dahilan ng pagpili ng strand sa mga

nasa baitang 10 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang, Bayambang,

Pangasinan.

Layon nitong makatulong sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral lalo na sa baitang 10 Pambansang Mataas na Paaralan ng

Bayambang, Bayambang, Pangasinan, ito ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng

tamang strand para sa kanilang tatahaking landas.

 Sa mga mag-aaral, nakatutulong ang pananaliksik na ito sapagkat namumulat

sila sa maagang pagdedesisyon sa kung anong strand sila nabibilang.

 Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, natutukoy ang kahalagahan ng bawat

isa lalong lalo na ang mga magulang sa pagpili ng strand ng kanilang mga anak.

7
 Sa mga guro, nakatutulong din ang pananaliksik na ito upang lalong mapatibay

ang kanilang kaalaman sa pagtuturo ng iba’t ibang strand na kukunin ng bawat

mag-aaral. Gabay rin ito upang lalong maging mabisa ang kanilang gagamiting

estratehiya batay sa pangangailangan ng bawat mag-aaral.

 Sa mga mambabasa o magsasaliksik ng ganitong riserts, ito ay magsisilbing

gabay at daan upang lalong mapagtibay ang ganitong isyu at masagot ang mga

katanungan batay sa nakalap na impormasyon.

Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagsusuri ng mga kadahilanan

sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral na nasa baitang 10. Saklaw nito ang mga mag-

aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang sa taong panuruan 2017-

2018. Tinatalakay dito ang maaring dahilan o makaapekto sa pagpili ng mga mag-aaral

ng kanilang strand sa SHS.

8
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintidi ng mga mambabasa,

minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na

terminolohiya batay sa kung paano ginagamit ang mga ito sa pananaliksik.

1. Baitang 10- Tumutukoy sa antas ng mag-aaral sa hayskul; pinakahuling antas

ng Junior High School sa K-12 kurikulum.

2. Dahilan- Tumutukoy ito sa sanhi o bunga na kung saan natutulungan ang mga

mag-aaral upang pumili ng kursong kukunin sa Senior High School.

3. Pagpili- Pagpapasya o pagdedesisyon sa isang partikular na bagay.

4. Respondente- Ang 50 piling mag-aaral mula baitang 10 ng Pambansang

Mataas na Paaralan ng Bayambang sa taong panuruan 2017-2018.

5. Strand- Tumutukoy sa mga kursong kukunin ng mga mag-aaral sa Senior High

School.

9
Kabanata 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang pagpili ng strand na kukunin ay para na ring pumipili ng kursong pag-aaralan

sa kolehiyo. Dapat itong pag-isipang mabuti bago gumawa ng desisyon, sapagkat

maaari itong makaapekto sa buhay ng isang tao sa hinaharap. Ang mga espiritwal na

bagay ang dapat na nangunguna sa ating mga desisyon dahil ito ay walang hanggan.

Ngunit ang mga materyal na bagay ay parte ng ating buhay kaya dapat timbangin natin

itong mabuti. (Tess, 2013)

Ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-

bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa iyong: talento, kasanayan (skills),...

(Peralta, Andaya, at Tuguinayo Jr, 2014)

Isipin kung ano ang interes mo, alamin kung saan ka magaling, mga

pinahahalagahan, trabahong makukuha, panahon, nilalaman, haba at mga

pangangailangan ng kurso, pinansiyal na abilidad at kalidad ng Unibersidad. Ito lamang

ang ilang bagay na dapat tandaan bago tuluyang magdesisyon. (wikiHow, 2014)

Sa mga nasabing pahayag, iisa lamang ang binibigyang-diin ng mga awtor o

may-akda na kailangang isaalang-alang ang kahihinatnan ng iyong magiging desisyon

lalo na’t sa kurso mo nakasalalay ang iyong kinabukasan.

10
KABANATA 3

Disensyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa paraang deskriptiv sarvey. Pangunahing

layunin ng paggamit ng deskriptiv sarvey na disenyo ng pananaliksik na ilarawan ang

kasalukuyang pangyayari at alamin ang sanhi ng partikular na kaganapan.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga dahilan ng pagpili ng “strand” ng

mga nasa baitang 10 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang,

Bayambang, Pangasinan.

Mga Respondente

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay limampung (50) mag-

aaral na nasa baitang 10 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang (PMPB)-

Bayambang, Pangasinan sa taong panuruan 2017-2018.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng deskritiv sarvey.

Naghanda ang mga mananaliksik ng deskriptiv-kwestyoneyr na siyang gagamiting

instrumento upang makakalap ng datos, matasa at ma-i-balweyt ang mga dahilan ng

pagpili ng strand ng mga nasa baitang sampu ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Bayambang. Ang mga mananaliksik ay nangangalap din ng mga impormasyon sa mga

11
naunang tesis, sa internet, at sa iba pang reperensiya at daluyan na maaaring

mapaghanguan.

Tritment ng mga Datos

Pag-tally at pagkuha ng porsyento ang gagawin ng mga mananaliksik sa pag-

aaral na ito.Hindi susuriin ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na

istatistika na pamamaraan sapagkat ito’y panimulang pag-aaral lamang.

12
Kabanata 4

LAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Lagom

Layunin ng pananaliksik na itong alamin ang mga dahilan ng pagpili ng strand ng

mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang batay sa

kagustuhan ng magulang, impluwensya kanilang kaibigan/ kamag-aral, payo ng

iniidolong guro, paboritong asignatura at batay sa kanilang interes. Layon ng pag-aaral

na ito na malaman ng mga mag-aaral ang dahilan ng pagpili ng strand ng mga nasa

baitang 10 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang batay sa kanilang

profayl.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay ang konklusyon:

1. Dalawampu’t walo (28) sa mga respondente ay pumili ng strand ayon sa kanilang

sariling kagustuhan o interes.

2. Labindalawa (12) sa mga mag-aaral ng ika-10 baitang ay nakadepende sa istatus ng

hanapbuhay ng kanilang mga magulang.

3. Walo (8) naman sa kanila ay dahil sa impluwensiya ng kanilang kaibigan at kamag-

aral.

4. Dalawa (2) naman sa kanila ay nakabatay ang kanilang dahilan sa nakuhang grado o

academic performance sa Junior High School.

13
Rekomendasyon

Batay sa mga konklusyon, ang mga sumusunod ay ang rekomendasyon:

1. Bago mag-enrol sa Senior High School, marapat lamang na piliin kung ano talaga

ang gustong strand na babagay sa kakayahan ng mga mag-aaral.

2. Dapat na maging sigurado sa pagpili ng strand at isaalang-alang din ang profayl ng

mga respondente batay sa istatus ng pamumuhay

3. Ang mga magagandang karanasan sa ganitong pag-aaral ay nakapagpapabuti para

sa mga mag-aaral ng nasa ika-10 baitang dahil magiging handa sila sa kanilang

kukuning strand sa Senior High School.

4. Iwasan ang padalos-padalos na pagdedesisyon patungkol sa kung ano ang kukuning

strand o magiging kurso sa Senior High School.

14
Apendiks B

Marso 12, 2018


Dr. Mary Ann J. Payomo
Principal IV
Tanggapan ng Punong-guro
Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayambang

Madam:

Pagbati!

Ako po ay mag-aaral ng Lyceum Northwestern University, Master of Education


major in Filipino at kasalukuyang nakatala sa klase ni Dr. Maria Caridad G. Garcia sa
sabjek na social regards in action research at learning environment in action research.
Isa sa mga pangangailangan ng sabjek ay pagsulat ng isang Papel Pananaliksik.

Sa kasalukuyan, ako po ay nagsusulat ng isang pamanahong papel na may


pamagat na Dahilan ng Pagpili ng “Strand” ng mga nasa baitang 10 ng Pambansang
Mataas na Paaralan ng Bayambang.

Sanhi nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang
kami’y makapamahagi ng sarvey-Kwestyoner sa ilang piling mag-aaral ng nasa baitang
10 sa taong 2017-2018. Ang makakalap naming datos sa sarvey ay makatutulong po sa
aming pag-aaral.

Inaasahan po namin ang inyong positibong tugon hinggil sa aming kahiligan.

Lubos na gumagalang,

Aiko Mel P. Cunanan


Mananaliksik

Binigyan-pansin ni:

Dr. Maria Caridad G. Garcia


Propesor

15
CURRICULUM VITAE

AIKO MEL P. CUNANAN


Brgy. Palaming
Carlos City, Pangasinan, 2420
(099) 509-9217
aikocunanan23@gmail.com

Summary

 Graduating Student as Master of Education Major in Filipino in Lyceum


Northwestern University-April 2018
 Graduated Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino-PSU San Carlos
Campus (Batch 2014)
 Editor-In-Chief of Farm Breeze Publication in PSU San Carlos Campus (2013-
2014)
 Awarded as Journalist of the Year (2012-2013)
 Awarded as Journalist of the Year (2013-2014)
 4-year Former Governor Amado T. Espino Provincial Scholar
 2-year Private School Teacher and School Paper Adviser ar San Carlos
Preparatory School-Ilang, San Carlos City, Pangasinan (2015-2016, 2016-2017)
 Secondary School Teacher II in Bayambang National(Senior High School)

Education

 Graduating in Master of Education Major in Filipino- Lyceum Northwestern


University
 Bachelor of Secondary Education Major in Filipino December 2014
Pangasinan State University-San Carlos City, Pangasinan
 Valedictorian-Pangalangan National High School(Batch 2009-2010)
 With Honors- Pangalangan Elementary School (Batch 2005-2006)

Employment History

 Secondary School Teacher II in Bayambang National(Senior High School)-June


5, 2017-Present
 2-year Private School Teacher and School Paper Adviser ar San Carlos
Preparatory School-Ilang, San Carlos City, Pangasinan (2015-2016, 2016-2017)

16
Memberships/Awards Received
 Editor-In-Chief of Farm Breeze Publication in PSU San Carlos Campus(2013-
2014)
 Awarded as Journalist of the Year (2012-2013)
 Awarded as Journalist of the Year(2013-2014)
 4-year Former Governor Amado T. Espino Provincial Scholar(2010-2014)
 School Paper Adviser/Winning Coach in San Carlos Division School's Press
Conference
 Consistent winner in the Regional Higher Education Press Conference and
National qualifier in the Luzonwide Higher Education Press Conference

17

You might also like