You are on page 1of 5

Kabanata 1

Ang suliranin at Kaligiran nito

Panimula
Sa panahon ngayon, pamahal nang pamahal ang mga bilihin at palobo nang
palobo ang bilang ng mga miyembro kada pamilya. Isang hamon para sa mga bata
na gumanap sa paaralan na walang iniisip na gastusin at bayarin. Sa kabilang
banda hindi maitatangi na pagdating sa edukasyon tunay na mahalaga ang
matibay na pananalapi sa araw araw na pamumuhay ng mga bata bilang isang
mga mag-aaral. Simula sa pagpasok hanggang sa tanghali at uwian kasangkot ang
salapi. Dagdag pa dito ang iba’t ibang bayarin at gastusin na kailangang bayaran sa
paaralan. Kaya naman isang pasakit ito para sa mga bata na gampanan ang kani-
kanilang mga tungkulin sa paaralan na sa halip naka pokus na sana lamang sila sa
pag- aaral ngunit patuloy at patuloy parin nagiging problema ang kakulangan nila
pagdating sa pinansiyal.

Ang kakulangan sa pinansiyal ay isa sa mga mabibigat na pasanin na maaring


kaharapin ng sinumang nag-aaral. Hindi madali para sa mga mag-aaral na mag-aral
lalo na’t kung kapos palad ito at walang kakayahan sa pananalapi. Sa kabilang
banda malaki naman ang maituturing na ginagampanan ng mga magulang sa
pagganap ng mga mag-aaral sa paaralan sa kadahilanang sila ang pangunahing
nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa pagtung-tong pa
lamang sa paaralan. Kaya naman kung ang magulang ay marunong pagdating sa
pananalapi, mabibigyan nito ng mataas na kalidad na edukasyon ang kanyang
anak ngunit kapag naman walang trabaho ang magulang at walang pumapasok na
salapi sa kanilang pamilya, naapektuhan nito ang akdemikong pagganap ng
kanyang anak na maaring magdulot ng iba’t ibang epekto na maaring makasama
sa sosyal, mentalidad at pisikal na apeto ng buhay nito.
Sa pagdaan ng panahon, marami nang mga bata ang naagtatrabaho o nagbabanat
ng buto sa murang edad palamang. Mas pinipili nilang maging praktikal sa buhay
na humahantong sa pagtigil sa pag-aaral para lamang matugunan ang
pangunahing pangangailangan nila. Dulot ng problemang pinansiyal, mayroon
parin naman na pinipili paring mag-aral sa kalagitaan ng kakapusan. Patunay
lamang ito na gustong gusto nilang makapagtapos pero ang kakulangan sa
pinansiyal ay isa parin sa magiging hamon sa pagtupad ng kanilang mga pangarap
at maaring magdulot ito ng masasamang epekto sa kanilang akademikong
pagganap.

Balangkas Konseptuwal

Input Process Output


Process

Ito ay Pananaliksik ukol sa Ang pag-aaral na ito ay


Epekto ng problemang isang kwantitatibong pag- Ang pananaliksik na ito
pinansyal sa Akademikong aaral na sasailalim sa ay inaasahang
Pag-ganap ng mga piling serbey bilang metodo sa magbibigay ng mga
mag-aaral sa baitang labing pagkalap ng mga datos kasagutan at soulusyon
dalawa sa Dalubhasaang Rizal mula sa mga piling mag- patungkol sa epekto ng
College of Taal. Ang aaral sa baitang labing problemang pinansiyal sa
pananaliksik na ito ay may dalawa sa Dalubhasang akademikong pagganap
layunin na matugunan ang Rizal ng Taal. ng mga piling mag-aaral
mga sumusunod; sa baitang labing dalawa
Magbibigay ang mga sa Dalubhasang Rizal ng
I. “Demographic” profayl mananaliksik ng mga Taal.
ng mga tagatugon talatanungan at ito ay
sasagutan ng mga
II. Paano nakakaapekto ang
kwalipikadong respondate
problemang pinansiyal
mula sa baitang labing
sa mga mag-aaral sa
dalawa. Ang dami ng oras
baitang labing dalawa?
na gugulin ng mga
III. Ano-ano ang mga sanhi respondante ay
ng kakulangan sa nakdepende sa kanila
pinansiyal ng mga mag- bilang paggalang sa oras na
aaral? mayroon sila.
Ang batayang koseptuwal sapag-aaral na ito ay ginamitan ng input-process-output
model. Inilalahad sa bawat kahon ang mga hakbang na gagawin ng mga
mananaliksik; Pagbibigay ng mga talatanungan at pag aanalisa ng mga datos na
makakalap mula sa mga responte na magmumula sa mga piling mag-aaral sa
baitang labing dalawa na nakararanas ng problema sa pinansiyal

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nais tukuyin ang mga epekto ng problemang pinansiyal
sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa baiting labing dalawa sa
Dalubhasang Rizal ng Taal

Nilalayon ng pananaliksik na ito na sagutin ang mga sumusunod na ispesipikong


katanungan:

1. Paano nakakaapekto ang problemang pinansiyal sa mga mag-aaral sa baitang


labing dalawa?
2. Ano-ano ang mga sanhi ng kakulangan sa pinansiyal ng mga mag-aaral?
3. Ano ang pinaka komon na epekto ng problemang pinansiyal sa akademikong
pagganap ng mga mag-aaral sa baitang labing dalawa?
4. Gaano kahirap ang pagkakaroon ng kakulangan sa pinansiyal sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa baitang labing dalawa?
5. Sa paanong paraan o gawain ang maaring imungkahi upang lutasan ang
problema sa pinansiyal ng mga mag-aaral sa baitang labing dalawa?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa panahon ngayon, tumataas na ang mga bilihan sa bansa. Ang mga gastusin sa
paaralan ay tumataas na rin. Ang kakulangan sa pinansyal ay masasabing isa sa
mga pinakamahirap na problemang hinaharap ng sinuman , partikular na ang
magaaral. Kaya't makakatulong ang pananaliksik na ito upang mailahad ang
nagiging epekto ng problemang pinansyal sa akademikong pagganap ng mga piling
mag-aaral sa baitang labing isa sa Dalubhasang Rizal Ng Taal. Layunin din ng
pananaliksik na ito na mabigyang solusyon at maipaintindi kung paano ito
nakakaapekto. Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga sumusunod:
Sa mga mag aaral: Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag aaral
upang maintindihan at mabigyang pansin ang kanilang mga nararanasan ukol sa
mga nagiging epekto ng problemang pinansyal sa kanilang akademikong pag
ganap.
Sa mga magulang: Makakatulong din ang pananaliksik na ito sa mga magulang
upang maintindihan nila at malaman ang nagiging epekto ng problemang
pinansyal sa akademikong pag-ganap ng kanilang mga anak.
Sa mga Guro: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mas magiging
mulat din ang mga guro sa nagiging epekto ng problemang pinansyal na
kinakaharap ng kanilang mga estudyante.
Sa mga susunod pang mananaliksik: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa
mga susunod pang mananaliksik dahil pwede nila itong maging batayan at
pagbasehan sa kanilang gagawing pa lamang na pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga piling mag-aaral lamang sa baiting


labing dalawa at bibigyang pokus ang epekto ng kakulangan sa pinansyal sa
Akademikong Pagganap sa Dalubhasaang Rizal ng Taal, sangay ng Batangas taong
panuruan 2022-2023.
Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay hanngang tatlong pu (30). Mamamahagi
ng mga talatanungan ang mga mananaliksik at surbey ang gagamiting metodo
para sa pagkalap ng mga Datos. Ang dami ng oras ay limitado lamang bilang
pagrespeto sa oras na mayroon sila.
Depinisyon ng mga Termenolohiya

Matibay na Pananalapi –

You might also like