You are on page 1of 6

Epekto ng Allowance sa Paaralan sa Akademikong gawain ng

Mag-aaral

Group 3
Members :

Mark Ian J. Lazaro


Nikka Paula Miranda
Gwenzel Giya Dionisio
Crystalyn A. Villadarez
Introduksyon

Ang allowance ay maaaring ibigay ng mga magulang o kahit sino sa pamilya at ng

gobyerno sa mga mag-aaral na iskolar. Ang allowance ay pera na gagastusin o badyet sa

isang linggo o buwan ng estudyante. Nakatutulong ito ng malaki sa mga estudyante para

sa araw araw nilang gastusin lalo na sa mga proyekto na kailangan nilang gawin. Isa ito

sa mga mahalagang kailangan ng isang estudyante bukod sa papel, ballpen at notebook

dahil kung minsan ay hindi maiiwasan ang paggastos ng mga mag aaral sa paaralan tulad

ng mga proyekto na kinakailangan nilang gawin upang makapasa at magkaroon ng grade.

Malaki rin ang epekto ng allowance sa pagganap ng isang mag aaral kaya naman kung

ang isang estudyante ay may kakulangan sa pinansyal ay nagiging mahirap sa kanila na

makagawa o makatapos ng ilang mga kailangan sa paaralan dahil kadalasan ay hindi nila

nabibili ang mga kailangan sa eskwelahan. Kaya naman isa rin na malaking tulong ang

pagiging scholar lalo na sa mga kapos at kulang ang pangpaaral, dahil dito ay mas

nagagampanan ng mga estudyante ang kanilang obligasyon bilang mag-aaral dahil may

sapat na silang pera para makababawas. Dahil dito hindi na iisipin ng isang mag aaral ang

kakulangan nila sa pera at makaka bawas na din ito sa mga ini-isip nya.

Kaligirang Pangkasaysayan

Marami sa mga mag aaral ang mayroong kakulangan sa pang pinansyal sa kanilang

pag aaral kaya sila napipilitang huminto. Ang iba naman ay sustentado ng kanilang mga

magulang kaya hindi problema sakanila ang allowance. Marami sa atin ay hindi pare-

pareho ng buhay o nakasanayan kaya swertihan lamang dahil ang iba ay natutong mag

trabaho o piniling mag trabaho para lamang magkaroon ng sustento ang kanilang sarili.

Ilan lamang ito sa mga nagiging dahilan kung bakit hindi nagiging maayos ang pagganap
ng ilang mga estudyante sa tungkulin nila bilang mag aaral dahil dito ay bumababa ang

kanilang mga marka dahil imbis na pag aaral nalang ang kanilang gagawin, problemahin

pa rin nila kung saan sila kukuha ng kanilang pambaon. Kaya naman isa sa mga

importanteng kailangan upang makapag aral ay ang allowance o baon. May iba rin na

mag- aaral na nakagagawa ng mga masasamang gawain para sa kanilang pag-aaral. May

mga iba’t iba ang mga gastusin sa paaralan kaya gumagawa ang ibang mag-aaral ng

paraan upang matugunan ang mga gastusin sa paaralan. Marami din nagiging problema

ng dahil sa kanilang mga pamilya sa panahon ngayon palaki na nang palaki ang mga

miyembro ng isang pamilya bawat kilos ay may karampatang kapalit na pera at sa

paglobo ng pamilya ay nakaaapekto na ang mga gastusin sa pag-aaral ng mga bata dahil

sa kakulangan sa pinansyal ay maaring maging sanhi ito ng pagkawalang-gana sa pag-

aaral ng mga estudyante. Gayunpaman may mga mag aaral na nagsusumikap para

makapa tapos sa pag aaral. Ang kakulangan sa pinansyal ay lubos na nakaaapekto sa mga

estudyanteng handang makapag tapos at matupad ang kanilang mga pangarap.

Paglahad ng suliranin

Ang pag aaral na ito ay may paksang " Epekto ng Allowance sa Paaralan sa

Akademikong gawain ng Mag-aaral " ay naglalayon sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ano ang maaring mga pinakakagastusan ng mga mag aaral sa paaralan?

2. Ano ano ang mga dahilan ng kalulangan ng allowance ng mga mag-aaral sa mga

sumusunod?

2. Finacial status

2. Mataas na bilihin
3.Ano-ano ang mga epekto ng kakulangan ng pinansyal sa mga mag aaral?

4.Paano nagdudulot ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa mga estudyante?

Kahalagahan ng pag-aaral

Sa mga mag-aaral. Mahalaga rin na tandaan na ang epekto ng allowance sa

akademikong gawain ng mga mag-aaral ay maaaring magiba-iba depende sa iba't-ibang

mga salik tulad ng laki ng allowance kaayusan ng paggamit nito at iba pang personal na

sitwasyon ng mga mag-aaral. makatutulong din na isaalang-alang na ang epekto ng

allowance sa akademikong gawain ng mga mag-aaral ay maaaring magkakaiba depende

sa ibat-ibang konteksto tulad ng ekonomikong kalagayan ng pamilya at kultura ng

paaralan.

Sa Mga Guro. maaari ring gamitin ng mga guro ang allowance upang mas mapabuti

ang mga pasibilidad at kagamitan sa kanilang mga silid-aralan sa pamamagitan din ng

allowance. Mahalaga rin na tandaan ng ang epekto ng allowance sa akademikong gawain

ng mga mag-aaral ay maaaring mag-iba depende sa iba't ibang salik tulad ng kung paano

ito ginagamit ng mga guro at maaaring makinabang mula sa mas aktibo at mas nakatutok

na mga mag-aaral na mas madaling matuturuan at maaaring magdulot ng mas malalim na

diskusyon at interaksyon sa loob ng silid aralan.

Sa mga Magulang. Upang gumabay sa mga anak at ituro kung paano gamitin o kung

paano ito gastusin upang magkaroon ng palagay ang kanilang mga anak sa paggamit ng

allowance. Upang malaman din ang kahalagahan ng baon o kung paano ito maging sapat

sa kanilang mga anak. Bilang unang guro ng mga anak ay makakapag isip isip na
maipapayo at maitutulong sa kanilang mga anak kasabay ng paggabay tungo sa maayos

at magandang pamamaraan kung paano gumamit ng allowance.

Sa mga Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang maging batayan

sa mga susunod na mag-aaral at magkaroon ng karagdagang kaalamanan. Maging gabay

ito kaugnay sa kanilang gagawing paksa. Makakuha ng ideya sa mga bagay bagay na

hindi nila maintindihan.

Saklaw at limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na "Epekto ng Allowance sa Paaralan at sa

Akademikong gawain ng nga Mag-aaral" ang saklaw ng pananaliksik ay kung ano ang

mga nagiging epekto ng allowance sa mga mag-aaral. Dito sisiyasatin kung ano ano ang

mga nagiging epekto ng allowance sa pagganap ng mga estudyante sa akademiko ito ay

limitado sa mga kinakailangan datos mula sa mga mag-aaral ng Accountancy Business

Management (ABM) baitang 11 sa ACLC Collage Baliuag.

Katuturan ng mga salitang ginamit

Financial status. Ito ang katayuan ng isang tao o pamilya pag dating sa

pera.

Iskolar. Isang taong pinalad na maging bahagi ng isang programang

pangtulong sa mag-aaral sa pinansyal.

Konteksto. Sa mas malawak na kahulugan ang konteksto ay maaaring

sumangguni sa anumang aspeto ng isang okasyon na kung saan ang isang

pagsasalita ay kumikilos kabilang ang panlipunan na setting at katayuan ng

parehong tagapagsalita at ang taong natugunan.


Pag-ganap. O performance sa ingles kung tawagin ito ang pagganap o

paggawa ng mga estudyante sa kanilang gawain sa eskwelahan dito rin naka base

ang kanilang mga grado.

Proyekto. Isang bagay na kinakailangang ipasa ng mga estudyante bago

mag tapos ang isang semester o quarter ito rin ay isa sa mga bagay na

kumukumpleto sa kanilang grado.

You might also like