You are on page 1of 2

"Stepping Stone sa Mga Balakid na Kahaharapin ng mga Guro at Magaaral sa Pagsabak

sa New Normal Education: S.Y. 2022-2023

KABANATA 1: SULIRANIN AT KASAYSAYAN

Noong nagsimulang kumalat ang pandemya noong taong 2019, ang pagpasok sa paaralan ng
mga estudyante ang unang kinansela ng ating pamahalaan upang mapangalagaan ang kanilang
kalusugan. Ngunit ang hindi inaasahan ng karamihan ay matatapos ang taunang 2019-2020 ng
maaga, at walang mga pagsusulit na. Ngayon, humigit isang taon ang nakalipas na, at nagbukas
na nga din ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa panibagong pamamaraan para sa kanilang
kapakanan.

Isa sa mga sektor na lubos na naapektuhan ng pandemya ay ang edukasyon. Dahil sa banta
na dulot ng Coronavirus, napilitan ang mga paaralan sa buong bansa na magsara at lumipat mula
sa on-campus face to face learning patungo sa distance learning. Ngunit, hindi ito naging madali
para sa lahat, lalo na sa mga estudyante, magulang, at guro.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol sa Learning


Continuity Plan o ang “bagong normal” na ipinakita sa mga guro at estudyante noong ika-5 ng
Mayo 2020. Samantalang para sa mga kolehiyo, naglabas din ang Commission on Higher
Education (CHED) ng Memo No. 04, series 2020, “Guidelines on the Implementation of Flexible
Learning.” Sa mga polisiyang ito, binigyang pansin ang mga alternatibong paraan upang
ipagpatuloy ang edukasyon sa new normal.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang paksa ng pananaliksik na Ito ay naglalayong mailahad at maipaalam sa mambabasa


kung ano ang mga pros and cons ng pakikipagsapalaran sa pagbalik eskwelahan ngayong new
normal. At nilalayon nitong sagutin ang mga sumussunod na tanong:

1. Sangayon ba ang mga magulang na sumabak sa limited face to face classes ang kanilang
mga anak?
2. Ano ang mas pinapaboran ng mga estudyante, modular/online learning o face to face
learning? Bakit?
3. Kung isakatutuparan ba ang face to face ay nasisigurado ba ang kaligtasan ng mga mag-
aaral at mga guro?
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Umaasa ang mananaliksik na mas mabuksan pa ang isipan ng mga mambabasa ng


pananaliksik na Ito. Naniniwala ang mananaliksik na ang pag-aaral na Ito ay Pomakatutulong sa
mga sumusunod:

Mga guro - Bukod sa mga estudyante at magulang ay lubos na naapektuhan ang mga tumatayong
pangalawang magulang sa mga eskwelahan, ang mga guro. Mas nahihirapan silang ipaintindi
ang mga lessons at hindi nila matutukan Ang mga estudyanteng nangangailangan ng pag-gabay.

Mga magulang - Sa panahon kung saan ang tahanan ang nagsisilbing paaralan, hindi maikakaila
na ang mga magulang din ay naaapektuhan ng bagong sistema ng edukasyon at iba’t ibang
pagsubok at karanasan ang kanila ring hinaharap.

Mga mag-aaral - Sa usapang distance learning, ang mga estudyante ang higit na nakakaalam
kung ano ba ang realidad sa loob ng sistema na ito. Sila ang pinakasentro ng implementasyon na
humaharap sa pagbabagong dala nito sa sektor ng edukasyon. Nararapat din na malaman na ang
bawat estudyante mula sa iba’t ibang katayuan at kalagayan sa buhay ay may mga sarili at
naiibang kwento na nararapat mapakinggan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang goal ng pag-aaral na ito ay ang maimulat ang mga mata at isipan ng bawat isa sa
kung paanong nakikipagsapalaran ang lahat sa pagbalik eskwela ngayong new normal.

Ang mga naging parte ng pananaliksik na Ito ay limitado sa mga estudyante, guro at mga
magulang.

Ang mga datos naman ay resulta ng pagtatanong tanong at pagsasama sama ng mga
kasagutan mula sa mga naging parte nitong pag-aaral.

FRAMEWORK

 Textbooks Paraan ng pagcope ng estudyante sa pagbabago


 Internet sa paraan ng pagaaral

DEFINITION OF TERMS

Learning Continuity Plan - tumutukoy sa bagong normal na paraan ng pagaaral or distance


learning/online learning.

You might also like