You are on page 1of 24

Paksa: Modular Distance Learning

Pamagat:
KABISAAN NG MODULAR DISTANCE LEARNING SA AKADEMIKONG PAGGANAP
NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG LABING-ISA PANGKAT AURORA QUEZON NG
HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES NG GENERAL MARIANO ALVAREZ
TECHNICAL HIGH SCHOOL SA TAONG PANURUANG 2021-2022

Kabanata I
A. Introduksyon
Ang sakit na Coronavirus 19 (COVID-19), na nagmula sa lungsod ng
Wuhan ng China noong unang bahagi ng Disyembre 2019 ay mabilis na
lumaganap na may mga kumpirmadong kaso sa halos bawat bansa sa buong
mundo at naging isang bagong pandaigdigang krisis sa kalusugan ng publiko
(Mohan & Vinod, 2020). Ayon sa ulat ng Department of Health (2020) at San
Lazaro Hospital (2020), ang pinaghihinalaang kauna-unahang kaso ng sakit na
ito sa bansang Pilipinas ay inimbestigahan noong ika-22 ng Enero 2020 at ito ay
pumalo sa 633 hinihilang kaso noong ika-1 ng Marso sa parehas ng taon at sa
mga kasong ito, 183 ay matatagpuan sa Sa kanila, 183 ay nasa National Capital
Region ng Maynila, kung saan marami ang natanggap sa San Lazaro Ospital
(SLH) sa Maynila, ang referral hospital para sa mga pambansang nakakahawang
sakit sa bansa tulad ng cholera, influenza at COVID-19. Ito ay mabilisang
nakaapekto sa milyon-milyong tao sa buong mundo. Ang karamihan ay nakuha
ang sakit na ito at sa kasamaang palad, ang iilan ay nasawi mula rito.
Bukod dito, ito ay nagbunsod ng malawakang pagbabago sa pamumuhay
ng bawat isa sa araw-araw katulad na lamang ng mga paghihigpit sa pagbiyahe
papunta o palabas ng siyudad na pinanggalingan o maging ng bansa para sa
pagtatrabaho, negosyo o pamamasyal, pandaigdigan at dahan-dahang
pagbagsak ng ekonomiya, at higit sa lahat ay ang pagsasara ng mga paaralan
maging ang pagkakaroon ng pagsususpinde ng mga klase sa paraang face to
face. Noong ika-22 ng Agosto 2020, inihayag ng Kagawarang ng Edukasyon
(DepEd) na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase mula sa ika-24 ng Agosto
hanggang ika-4 ng Oktubre 2020 batay sa rekomendasyon ng kalihim ng
kagawarang si Leonor M. Briones at naging desisyon ni Pangulong Rodrigo
Duterte. Matapos nito ay muling nagbukas ang taong panuruang 2020-2021
subalit hindi na ito naisagawa sa mga paaralan katulad ng nakagawian dahil sa
sakit na COVID-19. Sa halip, ito ay isinagawa sa mga tahanan sa iba’t-ibang
paraan katulad na lamang ng online learning, modular distance learning at
blended learning. Ito ay isinasagawa pa rin hanggang sa kasalukuyan, taong
2022.
Ang mananaliksik ay sasaliksikin at aalamin ang kabisaan ng modular
distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa baitang
labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities at Social Sciences ng General
Mariano Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-2022. Ang

1
layunin ng papel na ito ay malaman kung nagkaroon ba ng epekto, positibo man
o negatibo, o walang epekto ang modular distance learning sa pagpapaunlad ng
akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Nilalayon ring malaman ng
mananaliksik kung mas mainam ba ang modular distance learning kaysa sa
face-to-face learning.
B. Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing suliranin sa pananaliksik na ito ay kung naging mabisa
ba ang modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral
ng baitang labing-isa humanities at social sciences ng General Mariano Alvarez
Technical High School sa taong panuruang 2021-2022.
Ang mga ispesipikong katanungan ay ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga demograpikong impormasyon ng mga respondente?
1.1. Sa mga ito, ilan ang babae? Ilan naman ang lalaki?
1.2. Ilang taon na ang mga ito?
2. Positibo, negatibo o wala bang naging epekto ang modular distance
learning sa akademikong pagganap ng mga respondente? Bakit nila
ito nasabi?
3. Mas naging mabisa ba ang modular distance learning kaysa face-to-
face learning sa akademikong pagganap ng mga respondente? Paano
o paanong hindi?
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang
kabisaan ng modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social
Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022.
Ang mga ispesipikong layunin ng pag-aaral ay ang mga sumusunod:
1. Malaman ang demograpikong impormasyon ng mga respondente
katulad ng kasarian at edad.
2. Matuklasan ang naging positibo, negatibo o walang epekto ang
implementasyon ng modular distance learning sa akademikong
pagganap ng mga respondente.
3. Mapag-aralan kung paano o paanong hindi mas naging mabisa ang
modular distance learning kaysa face-to-face learning.
Ang resulta ng pananaliksik ay magiging kapaki-pakinabang at mahalaga
sa mga sumunod:
1. Mga mag-aaral- Isinigawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang
kabisaan ng modular distance learning sa akademikong pagganap ng
mga mag-aaral. Magiging kapaki-pakinabang ito sa mga mag-aaral na
nakararanas ng suliranin sa pag-aaral sa pamamagitan ng modular
distance learning sa panahon ng pandemiya upang matulungan sila sa

2
kanilang pag-aaral. Pagkatapos ng pananaliksik, kanilang
matutuklasan ang kabisaan ng modular distance learning sa kanilang
akademikong pagganap.
2. Mga guro- Ang mga nakalap na datos ay maaaring maging gabay ng
mga guro kung paano masosolusyunan ang suliranin patungkol sa
mga mag-aaral na nahihirapan sa pag-aaral sa pamamagitan ng
modular distance learning. Kanilang malalaman ang mga dahilan kung
bakit at paanong hindi naging mabisa ang modular distance learning
sa akedemikong pagganap ng mga mag-aaral at maaari silang bumuo
ng mga paraan upang maging mabisa ang nasabing paraan ng
pagkatuto sa panahon ng pandemiya.
3. Mga magulang- Tulad ng mga guro, ang mga magulang ay malalaman
rin ang dahilan kung bakit nahihirapan ang kanilang mga anak sa
modular distance learning o kung paanong ito ay mabisa o hindi
mabisa sa kanilang akademikong pagganap bilang mag-aaral.
4. Paaralan- Ang pamahalaan ng paaralan ay magkakaroon ng kaalaman
sa pagbuo ng nararapat na mga hakbang upang matulungan ang mga
mag-aaral na nahihirapan sa modular distance learning at upang
gawing mabisa ang nasabing paraan ng pagkatuto sa akademikong
pagganap ng mga mag-aaral ng General Mariano Alvarez
D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay pansamantalang nagsara
ng mga paaralan at iba pang institusyong pang-edukasyon upang mapigilan ang
mga hawaan at pagkalat ng sakit na COVID-19 (Tria, 2020). Ang pagpasok ng
mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro sa mga ito ay sinuspinde rin. Ang
Pilipinas ay nasa proseso ng pakikibagay sa bagong kalakaran ng edukasyon
magmula ng tumama ang pandemiyang COVID-19. Para sa pagpapatuloy ng
edukasyon at upang matamo pa rin ng bawat paaralan ang kani-kanilang mga
layuning makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon sa bawat
Pilipinong mag-aaral, ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang
Distance Learning.
Batay kay Quinones (2020), ang distance learning ay tumutukoy sa isang
learning delivery modality, kung saan ang pag-aaral ay nagaganap sa pagitan ng
guro at ang mga mag-aaral na heograpikal na malayo sa isa't isa sa panahon ng
pagtuturo na may tatlong uri: Modular Distance Learning (MDL), Online Distance
Learning (ODL), at TV/Radio-Based Instruction. Sa tatlong ito, pinakapalasak at
pinakaginagamit ang modular distance learning. Dito sa Pilipinas, ang paaraang
ito ay ginamit ng lahat ng pampublikong paaralan dahil ayon sa isinagawang
survey ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ang pag-aaral sa pamamagitan
ng printed at digital modules ay umusbong bilang ang pinakapinusuang distance
learning method ng mga magulang na may mga anak na naka-enroll sa taong
panuruang 2020-2021 (Bernardo, 2020). Ito ay upang isasaalang-alang din ng
mga mag-aaral sa mga rural na lugar kung saan walang internet na maaaring

3
magamit para sa online na pag-aaral at sa kasalukuyang taong panuruang 2021-
2022, ito ay patuloy na ginagamit.
Ang paggamit ng mga modyul ay naghihikayat ng malayang pag-aaral.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Dangle at Sumaong (2020), ang mga
kabutihang dulot ng paggamit ng mga modyul para sa pagkatuto ay ang
pagkakaroon ng mas mahusay na pagkatuto sa sarili at ang pagkamit ng mga
kasanayan sa pagkatuto ng mga mag-aaral, pagiging mapanagutan sa
pagsasakatuparan ng mga gawaing ibinigay sa modyul, at maaaring mamili ang
mga mag-aaral ng nais unahing sagutan sa mga ibinigay na gawain at kung
anong oras nila ito maaaring sagutan. Kabilang sa mga suliraning maaaring
idulot nito sa mga mag-aaral ay ang pagkakaroon ng higit na displina at
panghihikayat sa sarili na gumawa ng mga gawaing nakalagay sa modyul at
karagdagang oras ng paghahanda (Dangle & Sumaong, 2020).
E. Teoretikal na Gabay at Konseptong Balangkas
Talaan 1. Ang pananaliksik ng kabisaan ng modular distance learning sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora
Quezon ng Humanities at Social Sciences ng General Mariano Alvarez sa taong
panuruang 2021-2022.
INPUT PROSESO AWTPUT
 Ano-ano ang mga  Kwalitatibong  Ang demograpikong
demograpikong pananaliksik impormasyon ng
impormasyon ng mga mga respondente
respondente?  Deskriptibong katulad ng kasarian
- Kasarian disenyo at edad.
- Edad
 Nakabalangkas na  Epekto ang modular
 Positibo, negatibo o Talatanungan distance learning sa
wala bang naging akademikong
epekto ang modular  Sarbey pagganap ng mga
distance learning sa respondente.
akademikong  Tematikong
pagganap ng mga Pagsusuri  Kabisaan ng
respondente? Bakit modular distance
nila ito nasabi? learning sa
akademikong
 Mas naging mabisa pagganap ng mga
ba ang modular respondente
distance learning
kaysa face-to-face
learning sa
akademikong
pagganap ng mga
respondente? Paano
o paanong hindi?

4
F. Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik ay nakatuon sa kabisaan ng modular distance learning
sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat
Aurora Quezon ng Humanities at Social Sciences ng General Mariano Alvarez
Technical High School na matatagpuan sa 688 Congressional Road, Barangay
Poblacion 5, General Mariano Alvarez, Cavite sa taong panuruang 2021-2022.
Ang mga respondente ng pag-aaral ay binubuo ng animnapu’t isang (61) mag-
aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon at pipili lamang ng sampung
(10) mag-aaral ayon sa paarang convenience sampling. Ang mga resulta ng pag-
aaral ay naaangkop lamang sa mga respondente at hindi maaaring gamitin
bilang panukat sa mga mag-aaral na hindi kabilang sa populasyon.
Kabanata II
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito ay ang kwalitatibong
pamamaraan ng pananaliksik. Ito ay isang paraan ng naturalistikong
pagtatanong upang magkaroon ng malalim na pang-unawa sa mga pangyayari
sa lipunan araw-araw, ginagamit upang maunawaan ang mga paniniwala,
karanasan, saloobin, pag-uugali, at pakikipag-ugnayan ng mga tao, at ito ay
binubuo ng mga datos na mga pangungusap. Deskriptibong disenyo naman ang
ginamit sa pag-aaral na ito. Ito ay isang boluntaryong disenyo ng pananaliksik na
naglalayong makakuha ng impormasyon upang sistematikong ilarawan ang
isang phenomenon, sitwasyon, o populasyon. Ginagamit ito sa tuwing kapag ang
nais lamang malaman sa pananaliksik ay ang isang hindi kumplikadong
paglalarawang nakatuon sa sa mga detalye ng kung ano, saan, kailan, at bakit
naganap ang isang kaganapan o karanasan.
B. Lokal at Populasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik ay isinagawa sa General Mariano Alvarez Technical
High School. Pinili ang paaralang ito sapagkat ito ay nagamit ng modular
distance learning bilang paraan ng pagkatuto para sa kanilang mga mag-aaral
kabilang ang populasyon ng pag-aaral na binubuo ng animnapu’t-isang (61)
mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and
Social Sciences. Pipili lamang ng sampung (10) mag-aaral na nakabatay sa
paarang convenience sampling.
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Ang mananaliksik ay gumamit ng nakabalangkas na talatanungan bilang
pangunahing kasangakapan sa paglikom ng datos para sa pananaliksik. Ito ay
angkop sa pag-aaral sapagkat ito ay naglalaman ng mga open-ended na tanong
na maaaring makapaglarawan ng sagot ng mga respondente. Ang talatanungan
ay mayroong dalawang (2) katanungan patungkol sa paksa ng pananaliksik na

5
ginawa at isinaayos ng mananaliksik. Nasa susunod na pahina ay mga larawang
nagpapakita ng nakabalangkas na talatanungan at ang paraan kung paano ito
ibinigay sa mga respondente upang sagutan.

Larawan 1: Ang pagsasagawa ng sarbey sa isang respondente sa pamamagitan


ng Messenger sa Facebook.

Larawan 2: Ang sagot ng parehong respondente sa sarbey bilang tugon sa


ipinadalang mensahe.

D. Paraan ng Pagsusuri ng Datos


Ang mananaliksik ay gumamit ng tematikong pagsusuri bilang paraan ng
pagsusuri ng datos na nakalap sa pamamagitan ng talatanungan. Ito ay isang
paraan upang suriin ang mga kwalitatibong datos na nangangailangan ng
paghahanap sa isang set ng data na maaaring tukuyin, masuri, at mag-ulat ng
mga paulit-ulit na ideya o tema sa mga sagot ng mga respondente. Ito ay isang
paraan upang ilarawan ang mga datos at mayroon din itong interpretasyon a
mga proseso ng pagpili ng mga code at pagbuo ng mga tema. Nasa susunod na
pahina ay ang talaang ginamit upang maisagawa ang tematikong pagsusuri.

6
Talaan 2: Tematikong pagsusuri sa kabisaan ng modular distance learning sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora
Quezon ng Humanities and Social Sciences ng General Mariano Alvarez
Technical High School sa taong panuruang 2021-2022.

Kwalitatibong Datos (Sagot ng


Tanong mga Respondente) Koda Tema

1. Positibo, Respondente bilang 1: - Kanilang karanasan at - Maluwag na


negatibo o Positibo ang naging epekto ng diskarte upang matapos iskedyul sa pag-
wala bang modular distance learning sa ang mga gawaing aaral
naging aking pag-aaral dahil maaari kong nakalagay sa mga
epekto ang sagutan ang aking mga modyul sa modyul.
modular oras na aking naisin at hindi ko
distance kinakailangang magmadali.
learning sa Tinitiyak ko lamang na aking
akademikong masasagutan ang lahat ng mga
pagganap ng ibinigay na gawain bago ito ipasa
mga sa tinakdang oras.
respondente - Malaking naitulong sa - Mura at abot-
? Bakit nila Respondente bilang 2: kayang
kanilang pag-aaral ang
ito nasabi? Positibo ang naging epekto ng edukasyon
pagiging tipid ng modular
modular distance learning sa akin
distance learning.
dahil mas nakatipid ako sa mga
kagamitang aking kakailanganin
sa pag-aaral at maging sa
pamasaheng gagamitin sana sa
pagpasok ng paaralan at pag-uwi
sa aming bahay. - Ang mabuting kalusugan - Malaking
ay mahalagang salik sa pagkakataong
Respondente bilang 3: paggawa ng mga maipasa ang
Positibo ang epekto ng modular gawaing nakalagay sa mga gawain sa
distance learning dahil tiyak akong modyul. tamang oras
ligtas ako sa laban sa COVID-19
habang ako’y hindi nalabas ng
tahanan upang mag-aral at
sagutan ang aking mga modyul.
Dahil dito, maaari kong matapos
at maipasa ang mga gawain sa - Malaking bilang
takdang oras. - Ang karanasan tungkol
sa pagkakaroon ng ng mga gawain,
napakaraming gawaing at kakulangan sa
Respondente bilang 4:
nakalagay sa mga nilalaman ng
Negatibo ang epekto ng modular
kagamitan sa pagkatuto bawat kagamitan
distance learning sa aking dahil
at ang kakulangan sa sa pagkatuto
nasisiguro kong mas marami ang
pinagagawa ngayon kaysa noong nilalaman nito
face to face classes. Kompleto

7
naman ang modyul para sa lahat
ng asignatura subalit ang ibang
nilalaman nito ay hindi sapat
upang matutunan ko ng husto ang
mga aralin at makompleto ko ang - Napamamahalaan ng - Mabuting
mga gawain sa takdang oras. maayos ng mga mag- pamamahala ng
aaral ang kanilang oras oras ng mga
Respondente bilang 5: sa pag-aaral mag-aaral
Positibo ang naging epekto ng
modular distance learning dahil
natuto akong balansehin ang
aking oras sa pag-aaral at
paggawa ng mga bagay na
walang kinalaman sa pag-aaral
tulad ng paggamit ng Facebook. - Ang mga impormasyong - Masusing
Mas natutunan ko ring pag-aralan nakalagay sa mga modyul impormasyong
ang aking mga aralin. ay nakatutulong sa makikita sa mga
maayos na pagsasagot at kagamitan sa
Respondente bilang 6: pagkatuto ng mga mag- pagkatuto
Positibo ang naging epekto ng aaral
modular distance learning sa akin
dahil nababasa ko sa aking
modyul ang karamihan sa
impormasyon na aking
kakailanganin upang masagutan
ng maayos ang mga gawaing - Hindi nakakapagbigay - Kawalan ng
ibinigay ng aking guro. Kung ito ng interes ang interes na
man ay kulang, maaari ko namang pagsasagot ng modyul at sagutan ang mga
hanapin ito sa Google. ang hindi maayos na gawain at
unawaan sa pagitan guro kakulangan sa
Respondente bilang 7: at mag-aaral sa interpersonal na
Negatibo ang epekto sa akin ng pagtuturo. komunikasyon o
modular distance learning dahil interaksyon sa
nawawalan ako ng interes sa pagitan ng guro
pagsasagot ng modyul. Kahit at mag-aaral.
naman may pagkakataong
nagkakaroon ng pagpapaliwanag - Katulad na
- Katulad na koda para sa tema para sa
ang mga guro sa kung ano ang
unang respondente unang
gagawin sa bawat asignatura,
hindi ko rin itong lubusang respondente
maintindihan.

Respondente bilang 8:
Positibo ang naging epekto sa
akin nitong modular distance
learning dahil hindi kinakailangang
ipasa agad ang mga gawain sa

8
loob ng isang araw. Maaaring - Hindi masasagutan ng - Katulad na
maisipan kong magsagot ng mga mga mag-aaral ang lahat tema para sa
modyul kinabukasan matapos ng kanilang mga modyul ikaapat at
ibigay ang mga gawain upang ng mag-isa kaya ang ikapitong
mapag-aralan ko pa ng mabuti gabay ng guro ay respondente, at
ang mga aralin. kinakailangan pa rin kakulangan sa
anumang oras, at ang nakukuhang
dami ng gawain ay suporta at tulong
nagiging dahilan ng mula sa mga
pagkalito ng isipan ng guro
Respondente bilang 9: mga mga-aaral.
Negatibo ang epekto ng modular
distance learning dahil
nahihirapan akong intindihin ang
ibang mga gawain lalo na sa
Math. Noong face to face classes
kasi, naiintindihan ko pa yung mga
tinuturo ng teacher ko noon eh
kasi naipapaliwanag niya ng
mabuti yung lessons. Ngayon
kasi, kami lang ang iintindi ng
gagawin. Kahit iexplain ng teacher
sa chat yung gagawin, hindi ko pa
rin maiintindihan kasi hindi ko - Katulad na koda para sa - Katulad na
naman nakita kung paano gawin ikaapat at ikasiyam na tema para sa
(yung computation sa Math). respondente, at ang ikaapat na
Sinubukan ko rin namang manood pangangailangan ng respondente, at
ng video sa Youtube kung paano malakas na koneksiyon ang kawalan ng
gawin kaya lang hindi ko rin ng internet bilang karagdagang
maintindihan kasi nakatuon yung karagdagang kagamitan sa
isip ko sa iba pang mga gawaing kasangkapan sa pagkatuto
hindi ko pa natatapos kaysa sa pagkatuto
kasalukuyan kong sinasagutan.

Respondente bilang 10:


Negatibo ang naging epekto sa
akin ng modular distance learning
dahil bukod sa maraming gawain
kailangan sagutan sa ilang
asignatura, ang iba rito ay hindi ko
kayang tapusin sa loob ng isang
araw dahil nahihirapan akong
intindihin ang ilang salitang
ginamit sa modyul sa tuwing hindi
ko ito kayang isearch sa Google
dahil na rin may mga
pagkakataong nawawalan ng

9
internet sa bahay namin. Kung
wala namang internet, nagdedata
(mobile data) lang ako pero
minsan ang bagal naman ng
koneksiyon. Hindi kasi kaya kapag
lahat ng gawain ibabase ko lang
sa modyul.

2. Mas - Hindi pa tuluyang - Ang kahirapang


naging Respondente bilang 1: nasasanay ang mga mag- makiangkop ng
mabisa ba Mas mainam pa rin ang face to aaral sa bagong sistema mga mag-aaral
ang modular face classes. Mas marami akong ng edukasyon sa sa sitwasyong
distance natutunan sa pagpasok sa panahon ng pandemiya at hindi nila
learning paaralan habang nagtuturo ang hindi gaanong nakasanayan at
kaysa face- mga guro. Kung hindi lang talaga nadidisiplina ang sarili pagkakaroon ng
to-face pandemic ngayon, mas pipiliin ko higit na disiplina
learning sa yung face to face classes. Mas sa sarili
akademikong sanay kasi ako mag-aral kapag
pagganap ng nasa school ako at mas
mga nadidisiplina ko ang sarili ko sa
respondente paggawa ng mga gawain.
- Hindi madali ang - Kahirapan sa
? Paano o
Respondente bilang 2: pagkakaroon ng pokus, pokus, interes, at
paanong
Mas mabisa pa rin naman yung interes at konsentrasyon konsentrasyon
hindi?
face to face (learning) kaysa sa ng mga mag-aaral sa ng mga mag-
modular distance learning kasi paggawa ng kanilang aaral dulot ng
kahit naman nakatipid ako sa mga gawain bunsod ng mga pandaliang
gastos sa pag-aaral, mas kaunti mga bagay na gumugulo antala
naman ang distraction sa paaralan sa kanilang paligid.
kaysa sa bahay. Kahit naman
maingay sa classroom minsan at
hindi ako makapagconcentrate sa
pagtapos ng mga gawain,
madalas naman akong nagkaka-
interes gumawa ng mga gawain
kapag nakikita kong may mga
kasama akong katulad kong
estudyante. Nararamdaman kong
hindi ako nag-iisang nakatuon sa - Katulad na koda para sa - Katulad na
pag-aaral. ikalawang respondente, tema para sa
at sa hindi pagiging ikalawang
Respondente bilang 3: mabisa sa pagganyak ng respondente, ang
Mas mabisa pa rin para sa akin mga mag-aaral sa kawalan ng
ang face to face (learning). Kahit kanilang sarili. labis na pagganyak sa
naman hindi ako nagkakasakit at kahabaan ng mga sarili, hindi kawili-
lagi akong may oras upang babasahin, hindi pagiging wili at hindi

10
sagutan ang mga gawaing kawili-wili, at hindi interaktibo at
nakalagay sa modules sa tamang pagiging interaktibo ng mahabang
oras, madalas natitgil ako sa mga kagamitan sa impormasyong
pagsasagot kasi nakararamdam pagkatuto nakalagay sa
ako ng pagkabagot sa pagsasagot mga kagamitan
ng maraming gawain at sa pagkatuto.
pagbabasa ng mahabang
impormasyon tungkol sa aralin.
Minsan naman ay uutusan ako ng
mama ko para bumili sa labas
- Ang karanasan tungkol - Malaking bilang
malapit sa bahay o hindi naman
sa pagkakaroon ng ng mga aktibidad
kaya uutusan akong gumawa ng
napakaraming gawaing sa bawat
ilang gawaing bahay.
nakalagay sa mga kagamitan sa
Respondente bilang 4: kagamitan sa pagkatuto pagkatuto
Mas mabisa yung face to face
(learning). Hindi nga ipapasa agad
yung mga gawain pero
dinagdagan naman nila yung mga
gagawin sa bawat asignatura.
Kung sa face to face (classes),
isang gawain lang yung gagawin
na minsan pinauuwi pa ng mga
teacher sa bahay upang matapos,
ngayon (modular distance
learning) ay nasa tatlo hanggang
limang gawain pa ang
pinagagawa. Yung ibang
asignatura minsan nasa sampu pa
yung mga gawain. Maganda sana - Katulad na koda para sa - Katulad na
itong modular distance learning ikalawang respondente tema para sa
kasi may COVID-19 (pandemic) ikalawang
nga at hindi ligtas pumasok sa respondente
paaralan subalit para sa akin,
tambak talaga ang mga gawain.

Respondente bilang 5:
Kahit naman may natutunan ako
sa modular distance learning, mas
mainam pa rin ang face to face
learning. Kapag may mga oras na
nagsasagot ako ng mga modyul,
bigla ko na lang maiisipang
gumamit ng FB (Facebook) upang - Hindi nakatutugon sa
mawala yung pagkabagot ko sa - Naantalang
tamang oras ang mga tugon mula sa
pagsasagot hanggang sa hindi ko guro sa mga mag-aaral.
na lang namalayang naubos na mga guro

11
pala yung oras ko sa paggamit ng
FB (Facebook) dahil labis na
akong nalibang.

Respondente bilang 6:
Mas mainam pa rin naman ang
face to face learning kaysa
modular distance learning.
Mayroon akong mas malaking
pagkakataon na matagumpay na
makumpleto ang mga gawain
kung ito ay maituturo sa akin ng
aking guro ng harapan. Maaari
akong magtanong sa aking mga
guro kahit abala siya sa mga
gawain niya sapagkat nasa
classroom lang siya, hindi tulad
ngayong malayo sila at sa chat
lang namin sila nakakausap. - Katulad na koda para sa - Katulad na
Minsan ay inaabot pa ng isa o una at ikaanim na tema para sa una
higit pang araw upang tumugon respondente at ikaanim na
sila sa aking mensahe. Yung iilan respondente
naman, kakausapin ka lang sa
tuwing malapit na ang gawaan ng
marka o may hinahanap silang
gawaing naipasa mo naman na sa
paaralan.

Respondente bilang 7:
Mas mabisa talaga ang face to
face (learning) kaysa sa modular
distance learning. Naninibago pa
rin ako sa set-up na ito kahit na
dalawang school year ko na itong
nararasanan. Iba pa rin kasi
talaga kapag may
mapagtatanungan kang natugon
sa tamang oras. Sa bahay kasi - Hindi lubusang - Kahirapan sa
walang may alam kung paano ako napapaunlad ang pagkatuto ng
tulungan sa mahirap na gawain. akademikong pagganap mga mag-aaral
Hindi na ako naglakas ng loob na ng mga mag-aaral na gamit ang
magchat sa mga guro dahil abala nakabatay sa kakayahang kasalukuyang
na rin naman sila sa ibang gawin magawa ng buong ang kagamitan sa
bukod sa pag-aasikaso sa aming mga gawain sa mga pagkatuto
mga mag-aaral at tiyak ko ring kagamitan sa pagkatuto
natatambakan sila ng mga
mensahe kaya hindi agad sila

12
nakatutugon ng mabilis kung
minsan.

Respondente bilang 8: - Katulad na koda para sa - Katulad na


Kung pakaiisipin, mas mainam ikalawa at ikaapat na tema para sa
ang modular distance learning sa respondente at hindi ikalawa at
panahong ito kung saan may mabisang paraan upang ikaapat na
pandemiya tayong nararanasan ituro ang ilang asignatura respondente at
sa pang araw-araw. Subalit, face katulad ng Math dulot ng ang kakulangan
to face learning pa rin talaga ang hindi pagbibigay ng sa detalyado
pinakamabisang paraan ng detalyado ngunit ngunit madaling
pagkatuto para mapaunlad ko pa madaling maunawaang mauunawaang
lalo ang aking akademikong paliwanag sa mga paliwanag sa
pagganap at magawa ko ng kagamitan sa pagkatuto. mga kagamitan
buong husay at kakayahan ang sa pagkatuto.
mga gawain.

Respondente bilang 9:
Mas mainam pa rin ang face to - Katulad na koda para sa - Katulad na
face learning kaysa sa modular ikatlo, ikaapat, at ikaanim tema para sa
distance learning. Mas kakaunti na respondente ikatlo, ikaapat, at
kasi yung mga gawain (noong ikaanim na
face to face classes) kaya hindi respondente
madaling mahati yung atensyon
ko sa ibang gagawin. Mas
madaling magsagot ng mga
gawain sa Math kapag nakikita ko
kung paano masagutan at i-
compute ang mga gawaing
kinakailangang sagutan sa
pamamagitan ng computation.

Respondente 10:
Mas mabisa ang face to face
learning kaysa modular distance
learning. Nag-aalok ito ng mas
malaking pakikipag-ugnayan sa
mga guro at mag-aaral upang mas
maging kasiya-siya at hindi
nakababagot ang pag-aaral. Hindi
rin masyadong marami ang
pinagagawa noon (face to face
classes) kaysa ngayon (modular
distance learning). Kung hindi
naman maintindihan ang ilan sa
mga bahagi ng aralin, madaling
lapitan ang mga guro hindi tulad

13
ngayong (modular distance
learning) sila rin ay abala sa iba
pa nilang gawain bukod sa
pagtuturo. Matatagalan pa siguro
akong gawin ang mga gawain
kung darating ang oras na ang
lahat ng ito’y hindi ko na
maintindihan at kayang gawing
mag-isa at kung maghihintay pa
akong tumugon ang aking mga
guro sa mensaheng iniwan kong
maaaring natabunan na rin ng iba
pang mensahe mula sa aking mga
kamag-aral o kapwa mag-aaral
mula sa ibang pangkat, maging ng
kanyang kapwa-guro.

Kabanata III
A. Resulta at Diskusyon
Habang ang COVID-19 ay nanatiling banta sa buhay ng mga tao sa
mundo, nakakaapekto rin ito sa iba't ibang sektor ng lipunan. Ang sektor ng
edukasyon ay isa sa mga ito at patuloy itong gumagawa ng paraan upang
malagpasan ang hamon ng pandemiya. Sa sistemang pang-edukasyon sa
Pilipinas, ang mga pampublikong paaralang sekondarya na pinamumunuan ng
Kagawaran ng Edukasyon ay nagpatupad ng modular distance learning modality
kung saan ang mga guro ay nagbibigay ng mga modyul ng bawat asignatura sa
mga mag-aaral upang sagutan at ipasa sa tinakdang araw. Ang layunin ng
pananaliksik na ito ay ang malaman ang kabisaan ng modular distance learning
sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat
Aurora Quezon ng General Mariano Alvarez Technical High School na
nakabatay sa kanilang karanasan sa pag-aaral sa pamamagitan ng modular
distance learning.
Unang Bahagi: Ang Demograpikong Impormasyon ng mga respondente ng baitang
labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng General
Mariano Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-2022.
I. Kasarian ng mga Respondente
Sa sampung respondente, lima ang babae at lima rin ang lalake.
II. Edad ng mga Respondente
Sa sampung respondente, lahat ay labing-pitong taong gulang
Ikalawang Bahagi: Kabisaan ng modular distance learning sa akademikong pagganap
ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and

14
Social Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022.
1. Ang epekto ng modular distance learning bilang palatandaan ng kabisaan nito:
A. Bilang ng gawain
Natuklasan ng pananaliksik na ito na bilang ng mga gawain sa bawat
kagamitan sa pagkatuto ay isa sa mga palatandaang may epekto ang modular
distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang
labing- isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng
General Mariano Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-2022.
Dalawang respondente ang nagsabi at nagbigay-diin na ang kanilang karanasan
tungkol sa pagkakaroon ng napakaraming gawaing nakalagay sa mga kagamitan
sa pagkatuto tulad ng modyul at mga learning packet ay may negatibong epekto
sa kanilang akademikong pagganap bilang isang mag-aaral.
Respondente bilang 4: “…...nasisiguro kong mas marami ang pinagagawa
ngayon kaysa noong face to face classes”.

Respondente bilang 9: “……. nakatuon yung isip ko sa iba pang mga gawaing
hindi ko pa natatapos”. “Hindi rin masyadong marami ang pinagagawa noon
(face to face classes) kaysa ngayon”.
B. Oras sa pag-aaral
Nalaman ng pag-aaral na ito na ang maluwag na oras sa pag-aaral gamit
ang modular distance learning ay kinikilala bilang isang palatandaang mayroon
itong epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa
pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng General Mariano
Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-2022. Dalawa sa mga
respondente ay may parehong saloobin na positibo ang epekto ng modular
distance learning sapagkat mayroon itong maluwag na oras upang planuhin ang
kanilang mga gagawin at mag-aral sa sarili nilang oras.
Respondente bilang 1: “…...maaari kong sagutan ang aking mga modyul sa oras
na aking naisin at hindi ko kinakailangang magmadali”.
Respondente bilang 8: “…...hindi kinakailangang ipasa agad ang mga gawain sa
loob ng isang araw. Maaaring maisipan kong magsagot ng mga modyul
kinabukasan matapos ibigay ang mga gawain upang mapag-aralan ko pa ng
mabuti ang mga aralin”.
Dalawang iba pa ang nagpatunay na ang maluwag na oras sa pag-aaral
ay may kinalaman sa malaking pagkakataong maipasa ang mga gawain sa
tamang oras at sa mabuting pamamahala ng oras ng mga mag-aaral.
Respondente bilang 3: “…..maaari kong matapos at maipasa ang mga gawain sa
takdang oras”.
Respondente bilang 5: “…..natuto akong balansehin ang aking oras sa pag-aaral
at paggawa ng mga bagay na walang kinalaman sa pag-aaral tulad ng paggamit
ng Facebook”.

15
C. Komunikasyon
Natuklasan ng pananaliksik na ito na ang komunikasyon ay isang
palatandaang may epekto ang modular distance learning sa akademikong
pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng
Humanities and Social Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High
School sa taong panuruang 2021-2022. Pinanindigan ng dalawang respondente
na negatibo ang epekto ng modular distance learning sa kanilang akademikong
pagganap dahil sa kakulangan sa interpersonal na komunikasyon o interaksyon
sa pagitan ng guro at mag-aaral.
Respondente bilang 7: “Kahit naman may pagkakataong nagkakaroon ng
pagpapaliwanag ang mga guro sa kung ano ang gagawin sa bawat asignatura,
hindi ko rin itong lubusang maintindihan”.
Respondente bilang 9: “Kahit iexplain ng teacher sa chat yung gagawin, hindi ko
pa rin maiintindihan kasi hindi ko naman nakita kung paano gawin (yung
computation sa Math)”.

D. Suporta at Tulong
Nalaman ng pag-aaral na ito na ang suporta at tulong ay isang
palatandaang may epekto ang modular distance learning sa akademikong
pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng
Humanities and Social Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High
School sa taong panuruang 2021-2022. Isa sa mga respondente ang nasabing
negatibo ang epekto ng modular distance learning sa kanyang akademikong
pagganap sapagkat mayroong kakulangan sa nakukuhang suporta at tulong
mula sa mga guro. Hindi masasagutan ng mga mag-aaral ang lahat ng kanilang
mga modyul ng mag-isa kaya ang gabay ng guro ay kinakailangan pa rin
anumang oras.
Respondente bilang 9: “Noong face to face classes kasi, naiintindihan ko pa
yung mga tinuturo ng teacher ko noon eh kasi naipapaliwanag niya ng mabuti
yung lessons. Ngayon kasi, kami lang ang iintindi ng gagawin”.
E. Kagamitan sa pagkatuto
Natuklasan sa pananaliksik na ito na ang kagamitan sa pagkatuto katulad
ng mga modyul at mga learning packet ay palatandaang may epekto ang
modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng
baitang labing- isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences
ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-
2022. Isa sa mga respondente ang naniniwalang positibo ang epekto ng modular
distance learning sa kaniyang akademikong pagganap sapagkat may mga
masusing impormasyong makikita sa mga kagamitan sa pagkatuto.
Respondente bilang 6: “…...nababasa ko sa aking modyul ang karamihan sa
impormasyon na aking kakailanganin upang masagutan ng maayos ang mga
gawaing ibinigay ng aking guro”.

16
Subalit dalawang respondente ang tumugong negatibo ang epekto ng
modular distance learning sa kani-kanilang akademikong pagganap. Ang
kakulangan sa nilalaman ng bawat kagamitan sa pagkatuto ang nakikitang
dahilan ng isa.
Respondente bilang 4: “Kompleto naman ang modyul para sa lahat ng
asignatura subalit ang ibang nilalaman nito ay hindi sapat upang matutunan ko
ng husto ang mga aralin at makompleto ko ang mga gawain sa takdang oras”.
Samantala, ang kakulangan naman sa karagdagang kagamitan sa
pagkatuto katulad ng pawala-pawalang access sa internet, mabagal na
koneksiyon ng mobile data at kawalan ng gadyet tulad ng smartphones na
maaaring makatulong upang maunawaan ng mga mag-aaral ang ilang salitang
ginamit sa mga modyul ang sinabing dahilan ng isa pang respondente.
Respondente bilang 10: “…...nahihirapan akong intindihin ang ilang salitang
ginamit sa modyul sa tuwing hindi ko ito kayang isearch sa Google dahil na rin
may mga pagkakataong nawawalan ng internet sa bahay namin. Kung wala
namang internet, nagdedata (mobile data) lang ako pero minsan ang bagal
naman ng koneksiyon. Hindi kasi kaya kapag lahat ng gawain ibabase ko lang
sa modyul”.

F. Interes sa pagkatuto
Nalaman ng pag-aaral na ito na ang interes sa pagkatuto ay isang
palatandaang may epekto ang modular distance learning sa akademikong
pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng
Humanities and Social Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High
School sa taong panuruang 2021-2022. Isa sa mga respondente ang
nakaramdam na negatibo ang epekto ng modular distance learning sa kanyang
akademikong pagganap dahil sa kawalan ng interes sa pagsasagot ng modyul.
Respondente bilang 7: “…...nawawalan ako ng interes sa pagsasagot ng
modyul.”
G. Abot-kayang edukasyon
Natuklasan ng pananaliksik na ito na ang abot-kayang edukasyon ay isa
sa mga palatandaang may epekto ang modular distance learning sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora
Quezon ng Humanities and Social Sciences ng General Mariano Alvarez
Technical High School sa taong panuruang 2021-2022. Isa sa mga respondente
ang nagsabing positibo ang epekto ng modular distance learning sa kanyang
akademikong pagganap sapagkat mura at abot-kaya ang edukasyon sa
panahong ito.
Respondente bilang 2: “…...nakatipid ako sa mga kagamitang aking
kakailanganin sa pag-aaral at maging sa pamasaheng gagamitin sana sa
pagpasok ng paaralan at pag-uwi sa aming bahay”.
2. Kabisaan ng modular distance learning kumpara sa face-to-face learning:

17
A. Pokus at konsentrasyon sa pag-aaral
Nalaman sa pag-aaral na ito na ang pokus at konsentrasyon ay salik sa
kabisaan ng modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social
Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022. Lima sa mga respondente ang nagsasabing hindi mabisa
ang modular distance learning sa kanilang akademikong pagganap kaysa face-
to-face learning kung titingnan ang pokus at konsentrasyon bilang batayan. Ang
kawalan ng pokus at konsentrasyon ng mga mag-aaral ay palatandaang hindi
mabisa ang modular distance learning kaysa face-to-face learning. Ang
pagkabagot, kawalan ng interes sa pagkatuto at pagganyak sa sarili, nahahating
atensyon, at mga panandaliang antala sa pag-aaral katulad ng pagtulong sa mga
gawaing-bahay tulad ng pagluluto, paglalaba, pagwawalis o paghuhugas ng
pinagkainan, at paggamit ng social media habang nag-aaral ay salik sa kawalan
ng pokus at konsentrasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Respondente bilang 2: “…...mas kaunti naman ang distraction sa paaralan kaysa
sa bahay. Kahit naman maingay sa classroom minsan at hindi ako
makapagconcentrate sa pagtapos ng mga gawain, madalas naman akong
nagkaka-interes gumawa ng mga gawain kapag nakikita kong may mga kasama
akong katulad kong estudyante. Nararamdaman kong hindi ako nag-iisang
nakatuon sa pag-aaral”.
Respondente bilang 3: “……madalas natitgil ako sa pagsasagot kasi
nakararamdam ako ng pagkabagot sa pagsasagot…… Minsan naman ay
uutusan ako ng mama ko para bumili sa labas malapit sa bahay o hindi naman
kaya uutusan akong gumawa ng ilang gawaing bahay”.
Respondente bilang 5: “…... Kapag may mga oras na nagsasagot ako ng mga
modyul, bigla ko na lang maiisipang gumamit ng FB (Facebook) upang mawala
yung pagkabagot ko sa pagsasagot hanggang sa hindi ko na lang namalayang
naubos na pala yung oras ko sa paggamit ng FB (Facebook) dahil labis na
akong nalibang”.
Respondente bilang 9: “(Sa face-to-face classes) …... hindi madaling mahati
yung atensyon ko sa ibang gagawin”.
Respondente bilang 10: “……… hindi nakababagot ang pag-aaral. (kapag face
to face classes)”.
B. Bilang ng Gawain
Natuklasan din ng pananaliksik na ito na ang bilang ng gawain ay salik sa
kabisaan ng modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social
Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022. Tatlong respondente ay naniniwalang hindi mabisa ang
modular distance learning sa kanilang akademikong pagganap kaysa face-to-
face learning kung isasaalang-alang ang bilang ng gawain bilang pamantayan.

18
Respondente bilang 4: “…... Kung sa face to face (classes), isang gawain lang
yung gagawin na minsan pinauuwi pa ng mga teacher sa bahay upang matapos,
ngayon (modular distance learning) ay nasa tatlo hanggang limang gawain pa
ang pinagagawa”.
Respondente bilang 9: “…... Mas kakaunti kasi yung mga gawain (noong face to
face classes)”.
Respondente bilang 10: “…... Hindi rin masyadong marami ang pinagagawa
noon (face to face classes) kaysa ngayon (modular distance learning)”.
C. Komunikasyon
Nalaman din ng pag-aaral na ito na ang komunikasyon ay salik sa
kabisaan ng modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social
Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022. Tatlo sa mga respondente ang nagsabing hindi mabisa
ang modular distance learning sa kanilang akademikong pagganap kaysa face-
to-face learning kung komunikasyon ang gagawing pamantayan. Ang naantalang
pagtugon ng mga guro sa mga katanungan ng mga mag-aaral ang naging
pamantayan nila upang masabing hindi mabisa ang modular distance learning sa
kanilang akademikong pagganap kung ikukumpara ito sa face-to-face learning
bago ang pandemiya.

Respondente bilang 6: “…... Maaari akong magtanong sa aking mga guro kahit
abala siya sa mga gawain niya sapagkat nasa classroom lang siya (noong face
to face classes), hindi tulad ngayong (modular distance learning) malayo sila at
sa chat lang namin sila nakakausap. Minsan ay inaabot pa ng isa o higit pang
araw upang tumugon sila sa aking mensahe”.
Respondente bilang 7: “…... Iba pa rin kasi talaga kapag may mapagtatanungan
kang natugon sa tamang oras…… (ang mga guro) abala na rin naman sila sa
ibang gawin bukod sa pag-aasikaso sa aming mga mag-aaral at tiyak ko ring
natatambakan sila ng mga mensahe kaya hindi agad sila nakatutugon ng mabilis
kung minsan”.
Respondente bilang 10: “…... Kung hindi naman maintindihan ang ilan sa mga
bahagi ng aralin (noong face-to-face classes), madaling lapitan ang mga guro
hindi tulad ngayong (modular distance learning) sila rin ay abala sa iba pa nilang
gawain bukod sa pagtuturo. Matatagalan pa siguro akong gawin ang mga
gawain kung darating ang oras na ang lahat ng ito’y hindi ko na maintindihan at
kayang gawing mag-isa at kung maghihintay pa akong tumugon ang aking mga
guro sa mensaheng iniwan kong maaaring natabunan na rin ng iba pang
mensahe mula sa aking mga kamag-aral o kapwa mag-aaral mula sa ibang
pangkat, maging ng kanyang kapwa-guro”.
D. Kagamitan sa pagkatuto

19
Natuklasan din sa pananaliksik na ito na ang kagamitan sa pagkatuto
katulad ng mga modyul at mga learning packet ay salik sa kabisaan ng modular
distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang
labing- isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng
General Mariano Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-2022.
Tatlong respondente ang ipinagpalagay na hindi mabisa ang modular distance
learning sa kanilang akademikong pagganap kaysa face-to-face learning kung
pamantayan ang mga kagamitan sa pagkatutong ginagamit sa kanilang pag-
aaral. Ang pagbabasa ng mahabang talata at teksto, kakayahang magawa ang
gawain gamit ang mga kagamitan sa pagkatuto, hindi interaktibong kagamitan, at
ang kakulangan sa detalyado ngunit madaling maunawaang ang mga salik na
kanilang nakikita upang ipagpalagay na hindi mabisa ang modular distance
learning sa kanilang akademikong pagganap kung ikukumpara ito sa face-to-face
learning bago ang pandemiya.
Respondente bilang 3: “…... pagbabasa ng mahabang impormasyon tungkol sa
aralin”.
Respondente bilang 8: “…... magawa ko ng buong husay at kakayahan ang mga
gawain (gamit ang mga modyul)”.
Respondente bilang 9: “…... Mas madaling magsagot ng mga gawain sa Math
kapag nakikita ko kung paano masagutan at i-compute ang mga gawaing
kinakailangang sagutan sa pamamagitan ng computation”.

E. Sistema ng edukasyon
Nalaman ng pag-aaral na ito na ang sistema ng edukasyon ay salik sa
kabisaan ng modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral ng baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social
Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022. Dalawang respondente ang nagsabing hindi mabisa ang
modular distance learning sa kanilang akademikong kaysa face-to-face learning
kung isasaalang-alang ang sistema ng edukasyon bilang pamantayan. Ang
kahirapang makiangkop ng mga mag-aaral sa sitwasyong hindi nakasanayan
ang salik sa bagong sistema ng edukasyon na kanilang isinaalang-alang upang
masabing hindi mabisa ang modular distance learning sa kanilang akademikong
pagganap.
Respondente bilang 1: “…... Mas sanay kasi ako mag-aral kapag nasa school
ako”.
Respondente bilang 7: “…... Naninibago pa rin ako sa set-up na ito kahit na
dalawang school year ko na itong nararasanan”.
F. Disiplina

20
Natuklasan sa pananaliksik na ito na ang disiplina ay salik sa kabisaan ng
modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng
baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences
ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-
2022. Isang respondente ang naniniwalang hindi mabisa ang modular distance
learning sa kanyang akademikong pagganap kaysa face-to-face learning kung
disiplina ang isasaalang-alang. Ang kawalan ng higit na disiplina sa pag-aaral ay
salik upang kanyang masabing hindi mabisa ang modular distance sa kanyang
akademikong pagganap kung ikukumpara ito sa face-to-face learning bago ang
pandemiya.
Respondente bilang 1: “…... mas nadidisiplina ko ang sarili ko sa paggawa ng
mga gawain (noong face-to-face classes)”.
Kabanata IV
A. Lagom
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang kabisaan ng
modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng
baitang-labing isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences
ng General Mariano Alvarez Technical High School sa taong panuruang 2021-
2022. Kwalitatibo ang ginamit na paraan ng pananaliksik at deskriptibo ang
naging disenyo ng pananaliksik. Nakabalangkas na talatanungan ang ginamit na
kasangakapan sa paglikom ng datos. Animnapu’t isang mag-aaral ang naging
populasyon ng pag-aaral at sampung mag-aaral ang ginamit bilang sample na
naging respondente ng isinagawang pag-aaral.

Ang lagom ng pag-aaral ay ang mga sumusunod:


 Nahahati ang mga mag-aaral sa babae at lalaki , at ang kanilang
edad ay labingpitong taong gulang.
 Natuklasan ng pananaliksik na positibo ang epekto ng modular
distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng
baitang-labing isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities and
Social Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High School
sa taong panuruang 2021-2022 na nangagahulugang mabisa ang
modular distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral ng baitang-labing isa pangkat Aurora Quezon ng Humanities
and Social Sciences ng General Mariano Alvarez Technical High
School sa taong panuruang 2021-2022.
 Kung ikukumpara naman ang modular distance learning sa face-to-
face learning, hindi mabisa modular distance learning sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitanglabing isa
pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng

21
General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022.
B. Kongklusyon
Ang kongklusyon ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:
 Batay sa nakalap na datos, mabisa ang modular distance learning
sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa
pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng
General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022 dahil sa positibo nitong epekto sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa
pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng
General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2021.
 Subalit, hindi mabisa ang modular distance learning sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa
pangkat Aurora Quezon ng Humanities and Social Sciences ng
General Mariano Alvarez Technical High School sa taong
panuruang 2021-2022 kung ito naman ay ihahambing sa face-to-
face learning.
C. Rekomendasyon
Ang mananaliksik ay iminumungkahi ang mga sumusunod:
 Para sa mga susunod na mga mananaliksik, ang masusing
pananaliksik ng kabisaan ng modular distance learning sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral, ang paggamit ng
kwantitatibong pananaliksik upang malaman ang bahagdan ng
nagsasabing mabisa o hindi mabisa ang modular distance learning
sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral hindi lamang sa
baitang labing-isa pangkat Aurora Quezon kung hindi maging sa
buong baitang labing-isa o buong senior high school na nakabatay
sa epekto nito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral at
pahahambing nito sa face-to-face learning. Maaaring din masusing
saliksikin kung ang kaligtasan, karampatang access, kalidad,
kaugnayan, at kumpiyansa ay salik sa kabisaan ng modular
distance learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Iminumungkahi ring magsagawa ng pananaliksik na mayroong
mahigit isang daang respondente upang magkaroon ng masusi at
akmang resulta. Hindi na nakalap ng karagdagang datos ang
mananaliksik dahil sa kakulangan ng oras at sampung respondente
lamang ang ginamit ayon sa desisyon ng mananaliksik.
 Para sa mga guro at sa paaralan, iminumungkahi ang mga paraan
upang pagbutihin pa ang pagsasagawa ng modular distance
learning. Isa sa mga ito ay ang pagbabawas ng mga gawain mula
sa mga araling nakalagay sa mga kagamitan sa pagkatuto tulad ng
mga modyul at mga learning packet mula tatlo hanggang limang

22
gawain, gawin na lamang itong dalawa hanggang tatlong gawain
para sa mga araling madali lamang ang gawain at isa na lamang
para sa mga araling mahirap ang gawain. Kung hindi ito
maisasakatuparan, maaaring bawasan na lamang ang mga aralin
at kuhain na lamang ang mga araling may mga pinakamahalagang
kasanayan upang maituro sa mga mag-aaral. Ang iba pang paraan
upang pagbutihin ang pagsasagawa ng modular distance learning
ay ang higit pang mga halimbawa para sa bawat paksa at mga
masusing paliwanag ngunit maikli at madaling nauunawaan ng mga
mag-aaral, palalagay ng larawang malinaw at may kulay sa mga
modyul at mga learning packet at ang maayos na pagkakagawa
nito, pagiging maagap sa pagtugon sa guro hanggang maaari sa
pamamagitan ng Messenger, ang pagsisikap na laging
paalalahanan ang mga mag-aaral na gumawa ng mga gawain, at
ang pagbibigay ng higit pang konsiderasyon ng mga guro sa
pagpapasa ng mga natapos na gawain ng mga mag-aaral lalo na
sa mga mag-aaral na walang karagdagang kagamitan sa pagkatuto
tulad ng mobile phone, mobile data o koneksyon sa Internet
 Para sa mga magulang, sikaping payuhan ang mga anak na
gumawa ng mga gawain sa paaralan, madalas na pagtatanong sa
mga anak tungkol sa proseso ng kanilang ginagawa tulad na
lamang ng pagtatanong kung natapos na ba nila ang gawain sa
lahat ng asignatura o kung kasalukuyan silang nagawa ng gawain
sa isa sa mga asignaturang kanilang inaaral, at ang pagsisikap na
tulungan ang mga anak sa kanilang ipapasang gawain tulad ng
paghahatid nito sa paaralan sa abot ng makakaya.
 Para sa mga mag-aaral, sikaping magawa at maipasa lahat ng mga
gawain sa mga asignatura. Kung hindi ito magagawa, gawin na
lamang ang mga gawaing kayang sagutan mag-isa at maging
matiyaga sa paghihintay sa tugon ng guro sa inyong katanungan.
Kung bigo mang tumugon ang guro bago ang pasahan ng mga
gawain, mabuting gawin na lamang ito ayon sa inyong
pagkakaunawa o huwag na lamang itong gawin kung hindi talaga
ito kayang gawin. Ang mahalaga lamang ay ang paggawa ng mga
gawain ng buong husay at kakayahan at ang pagpapasa nito sa
mga guro. Para sa mga mag-aaral na nagnanais ng mataas na
marka at makapasa ngayong taong panuruan, iminumungkahi ang
pagbubuti sa pag-aaral at ang pagtitiyak na ipapasa ang mga
gawain sa tinakdang oras o kahit bago matapos ang mga markahan
upang hindi ibagsak o bigyan ng mababang marka ng mga guro.
Sanggunian:
Bernardo, J. (2020). Modular Learning most preferred parents: DepEd. ABS-CBN
News. https://news.abs-cbn.com/news/07/30/20/modular-learning-most-
preferred-by-parents-deped

23
Dangle, P., & Sumaoang, J. (2020). The Implementation of Modular Distance Learning
in the Philippine Secondary Public Schools. https://www.dpublication.com/wp-
content/uploads/2020/11/27-427.pdf
Mohan, B., & Vinod, N. (2020). COVID-19: An Insight into SARS-CoV2 Pandemic
Originated at Wuhan City in Hubei Province of China. Journal of Infectious
Diseases and Epidemiology, 6(4). https://doi.org/10.23937/2474-3658/1510146
Republic of the Philippines Department of Health. (2020) 2019-NCOV CASE
TRACKER. Available from: https://www.doh.gov.ph/node/19197.
Tria, J. Z. (2020). The COVID-19 Pandemic through the Lens of Education in the
Philippines: The New Normal. ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/341981898_The_COVID19_Pandemic_
through_the_Lens_of_Education_in_the_Philippines_The_New_Normal

24

You might also like