You are on page 1of 7

Distance Learning: Epekto ng Modular sa mentalidad ng mga estudyante

KABANATA I.

A. RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG AARAL

Batay sa isimusulong ng DepEd o Department of Education (2020), May alternatibong paraan


nang pag-aaral para sa mga estudyante, dahil sa banta ng (COVID-19), magbabago na ang paraan
ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante. Sa panayam ng teleradyo, ipinaliwanag ni
Education Unersecretary Diosdado San Antonio (2020), na magpapatupad naman ang kanilang
kagawaran ng iba’t ibang paraan para maihatid sa mga estudyante ang kanilang mga lesson sa
darating na school year. Ayon pa rin sa kanya, depende sa situwasyong pangkalusugan ng isang
lugar kung aling “Learning delivery modality” ang ipatutupad ng mga paaralan doon. Isa sa mga
delivery mode ay ang distance learning kung saan ang pisikal na magkasama o magkaharap ang
guro at estudyante. Sa ilalim nito, maaaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng online,
platform, printed module na ibibigay ng paaralan, at lesson na mapapanood sa telebisyon o
mapapakinggan sa radio.

Naitala ng Balud Municipal College (2020) sakanilang artikulo na ang modular learning ay
nakalimbag na material na maaring gamitin bilang alternatibo sa face-to-face na klase. Ang
module ay nakalimbag o printed na material na katumbas ng isang aralin o leksyon sa isang
asignatura. Ibig sabihin, ang isang mag-aaral ay maaring matuto gamit lamang ang module kahit
hindi niya kaharap o kasama ang guro at kahit wala siya sa paaralan.

Ayon pa rin sa DepEd o Department of Education (2020) karamihan sa mga magulang ay mas
pinipili ang modular kaysa sa online class, dahil ito sa kawalan ng gadgets at internet. Sa
pinakahuling resulta ng Learner Enrollment and Survey Form, lumabas na halos 9 na milyong
magulang at estudyante ang gustong gumamit ng self-learning modules.

Ang modular learning ay isang complex issue na dapat nating pagtuunan ng pansin. Ito ay may
factors sa mentalidad ng mga estudyate. Ito ay maaring biological, psychological, social o
emotional. Panayam ni Dr. Joan Rifareal of the Philippine Psychiatric Association. (2020)

I.B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay isinasagaea upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang sumusunod na
katanungan:

1. Ang modular ba ay may positibong epekto sa mentalidad ng mga estudyante?


2. Ang modular ba ay may negatibong epekto sa mentalidad ng mga estudyante?
3. Kung mayroong negatibing epekto ano-ano ang mga posibiling solusyon nito?

This study source was downloaded by 100000841536945 from CourseHero.com on 02-22-2022 16:00:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/86300647/Distance-Learningdocx/
I.C. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG -AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may pangkahatang layunin na mabatid kung may epekto ba ang modular
learning sa mentalidad ng mga estudyante partukular sa Imus, Cavite. Ang mga tiyak na layunin
nito ay ang mga sumusunod:

1. Upang malaman kung may positibong epekto ba ang modular sa mentalidad ng mga mag-
aaral ng baiting 11;
2. Upang malaman kung may negatibong epekto ba ang modular sa mentalidad ng mga mag-
aaral ng baiting 11;
3. Mabatid kung may solusyon ba ang mga negatibong epekto nito sa mentalidad ng mga mag-
aaral sa baiting 11;

I.D. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Positibing Epekto
Batay kay Dr. John Rifareal of the Philippine Psychiatric Association (2020),
ang stress ay “normal part of life”. Ito ay ilan sa positibong aspeto ng mga estudyante sa
kanilang pag-aaral. May mga estudyante sa distance learning ang dahilan ng kanilang stress,
ngunit ito rin ang naging dahilan kung bakit sila nag pupursigi pa lalo sakanilang pag-aaral.
“When we are stressed we are pushed to study hard, para magaling tayo sa exams and
recitations,” aniya sa isa sa kanyang interbyu.

Negatibong Epekto

“Kailangan inoobserbahan natin ang mga bata. Kailangan kinakausao natin sila,” ani ni Wilma
Banaga, advisor for child protection ng Save the Children Philippines (2020). May epekto uymano
ang modular learning sa mga bata. Nagiging malungkot, bugnutin at hindi makausap. Ayon sa
World Health Organization-Philippines (2020) umaabot sa higit 3 milyong Pilipino ang
nakararanas ng mental, neurological at substance use disorder sa unang bahagi pa lang ng taon.

Matthew Walker, isang sleep scientist at Google and professor of neuroscience at the University
of California (2020) naisaad sa kanyang librong “The sleep-derived human brain” na ang pag
bibigay ng maraming oras sa pag gamit ng gadgets ay nakakaapekto sa pag kulang ng tulog ng
isang estudyante. Mas marami ang kanilang oras sa pag gamit nito dahil sa online class o
modular learning.

Ayon kay Ray Schroeder (2020), hindi lamang mga estudyante ang nakakaranas ng emotional
breakdown dahil sa online o modular learning, pati narin ang mga faculty members. Bilang guro
o mga katulong sa pag bibigay ng mga modular sa mga estudyante ay isang malaking
responsibilidad na kanilang pasanin. Dahil sa sobrang daming gawin, naggiging sanhi ito upang
mag karoon ng emotional breakdown o pag collapse.

This study source was downloaded by 100000841536945 from CourseHero.com on 02-22-2022 16:00:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/86300647/Distance-Learningdocx/
Deni Mazrekaj (2020) batay sa kanyang artikulo, ang modular learning ay isa sa dahilan kung
bakit nais mag drop-out sa paaralan ang mga mag aaral. 2.5 porsyento na mataas ang resulta ng
pag drop. Dagdag pa rito na ang mga estudyanteng nag enroll sa modular education ay nais mag
drop-out sa kadahilanang mas nais nilang mag trabaho at kumite.

I.E. TEORETIKAL AT GABAY NA BALANGKAS

Tinalaky ni Moore (1989) ang tatlong uri ng pakikipag-ugnayan na mahalaga sa malayong


edukasyon. Ang pakikipag-ugnayan ng natutunan na nilalaman ay ang pamamaraan kung saan
nakakakuha ang mga mag-aaral ng impormasyon, ideya at dayalogo na nagaganap sa pagitan ng
mga mag-aaral tungkol sa kurso, mangyari man ito sa isang istraktura o hindi nabuo. Ang
konsepto ng pakikipag-ugnayan ay mahalaga sa pagiging epektibo ng mga programang pang-
distansya sa edukasyon pati narin sa tradisyunal na edukasyon.

I.F SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa pananaw ng mga mag-aaral sa baiting 12 sa
General Flaviano Yengko Senior High School, Imus, Cavite, sa pamamagitan ng pagbibigay ng
survey patungkol sa napiling paksa. Nangangailangan ng 10 babae o 10 lalaki, alin mang strand
sa Senior High School na nag modular learning. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at
iba pang mga empleyado sa paaralan. Ang mga nakalap na datos ay gagamitin upang
mapatunayan na ang pag-aaral na ito sa taong pampaaralan 2018-2019 ay lehitimo.

KABANATA II

II. A. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay nasa disenyong kuwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa
pamamagitan ng matematikal nat estadistikal na pamamaraan. Ang mananaliksik ay gumagamit
ng survey, isang metodolohiya na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong
pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik na susuriin ang datos sa
pamamagitan ng weighted mean.

II.B. LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa GK Maryville Subd. Imus, Cavite. Sa pagpapadala ng survey
questionnaire sa pamamagitan ng email at facebook account, nakapag kolekta ang mananaliksik
ng datos. Ang mga kalahok ng pananaliksik ay nagmula sa mga pilinh mag-aaral ng General Flavio
National High School, Imus, Cavite. KInabibilangan ito ng 20 na mag-aaral; 10 na babae at 10 na
lalaki na kabilang sa kahit anong strand na nag enroll sa modular learning.

This study source was downloaded by 100000841536945 from CourseHero.com on 02-22-2022 16:00:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/86300647/Distance-Learningdocx/
II.C. KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Ang napiling instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay survey questionnaire o
talatanungan. Ito ay naglalaman ng katanungan na naayon sa paksa, Distance Learning; Epekto
ng modular sa mentalidad ng mga estudyante.

II. D. PARAAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Ang mga survey questionnaire ay naipamahagi sa pamamagitan ng kanilang E-mail o Facebook


account upang doon sila mag sagot. Dahil nasa kani-kanilang gadgets naman ito ay binigyan ng
mananaliksik ang respondent o kalahok ng sapat na oras para sa kanilang pag sagot.

II.E. PARAAN SA PAG SUSURI NG DATOS

Kuwantitatibo ang pananaliksik kaya naman nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t -ibang
estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyin at pag susuri ng datos. Upang makuha ang
sagot kung may epekto nga ba ang modular learning sa mentalidad ng mga estudyante ay
ginamit ang weighted mean at ginawang batayan ang sumusunod na pamantayan at deskripsyon
sa pagbibigay ng interpretasyon dito.

KABANATA III

III. RESULTA AT DISKUSYON

Mula sa katanungang may positibong epekto ba ang modular sa mentalidad ng mga estudyante
ay lumalabas na hindi apektado masyado ang estudyante dahil sa weighted mean nitong 1.77
lamang. Lumalabas naming pinaka apektado ang katanungang may negatibong epekto ba ang
modular sa mentaliudad ng mga estudyante dahil sa weighted mean nitong 3.57. Gayundin sa
katanungang kung may negatibong epekto, ano-ano ang mga posibleng solusyon na may
resultang pinaka apektado gahilsa weighted mean na 4. Ang total weighted mean ay 3.11 na
nangangahulugang mas marami ang sang-ayon sa negatibong epekto ng modular sa mentalidad
ng mga estudyante.

Ayon kay Keziel (2020), ang pandemikong ipinag-utos sa loob ng mga tahanan ay nagsisimulang
makaapekto sa kaisipan at kalusungan. Ang mga mas batang mag-aaral ay nagsimulang
makaapekto sa kaisipan at kalusugan. Ang mga batang mag-aaral ay nag sisimulang magkaroon
ng mga ideya tungkol sa nagbibigay at nagkuha ng kanilang sariling buhay. Dahil sa mga modyul

This study source was downloaded by 100000841536945 from CourseHero.com on 02-22-2022 16:00:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/86300647/Distance-Learningdocx/
na sinasagot sa bahay kung saan maaring magkaroon ng maraming pag-igting, ang mga bata ay
maaring magkaroon ng pagkakabalisa dahil sa kawlan ng kapayapaan sa kanilang pag-aaral na
kapaligiran. Lalo na ang mga mag-aaral na abala sa iba pang mga obligasyon maliban sa mga
gawaing pang-paaralan, mayroon ding mga mag-aaral na kulang sa suporta ng magulang at
kailangang dumaan sap ag-aaral nang mag-isa.

KABANATA IV

IV. A. LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid kung epekto ba ang modular
learning sa mentalidad ng mga estudyante particular sa General Flaviano Yengko Senior High
School, Imus, Cavite; (1) Upang malaman kung may positibong epekto ba ang modular sa
mentalidad ng mga mag-aaral sa baiting 12; (2) Upang malaman kung may negatibong epekto ba
ang modular sa mentalidad ng mga mag-aaral sa baiting 12; (3) Mabatid kung may solusyon ba
ang mga negatibong epekto nito sa mentalidad ng mga mag-aaral sa baiting 12;

Ang pag-aaral na ito ay nasa disenyong kuwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa
pamamagitan ng matematikal at estadistikal na pamamaraan. Ang mga kalahok ng pananaliksik
ay nagmula sa mga piling mag-aaral ng General Flaviano Yengko Senior High School.
Kinabibilangan ito ng 20 na mag-aaral; 10 na babae at 10 na lalaki na kabilang sa kahit na anong
strand na nag enroll sa modular learning. Ang mga survey questionnaire ay naipamahagi sa
pamamagitan ng kanilang email at facebook account upang duon sila mag sagot.

Mula sa katanungang may positibong epekto ba ang modular sa mentalidad ng mga estudyante
ay lumalabas na hindi masyadong apektado ang mga estudyante dahil sa weighted mean nitong
1.77 lamang. Lumalabas naman na pinaka apektado ang mga katanungang may negatibong
epekto ba ang modular sa mentalidad ng mga estudyante dahil sa weighted mean niton 3.57.
Gayundin, sa katanungang kung may negatibong epekto, ano-ano ang mga posibleng solusyon na
may resultang pianka apektado dahil sa weighted mean na 4. Ang total weighted mean ay 3.22
lamang nangangahulugang mas marami ang sang ayon sa negatibong epekto ng modular ng mga
estudyante.

IV. KONGKLUSYON

Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang mga sumusunod:

1. Ang modular ay mag positibong epekto sa mentalidad ng mga estudyante nang baitang 11.
2. Ang modular ay may negatibong epekto sa mentalidad ng mga estudyante nang baitang 11.
3. May mga posibleng solusyon ang mga negatibong epekto nang modyular sa mentalidad ng
mga estudyante, katulad ng time-management, do not sleep late and give yourself a time to

This study source was downloaded by 100000841536945 from CourseHero.com on 02-22-2022 16:00:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/86300647/Distance-Learningdocx/
reflect or a peace of mind.

IV. C. REKOMENDASYON

1. Magdagdag ng iba pang mga posibleng solusyon ng negatibong epekto ng modular sa


mentalidad ng estudyante.
2. Mas linawin ang pagpapakita ng paraan sa pag-susuri ng datos.
3, Magdagdag pa nang iba pang positibong epekto ng modyular sa mentalidad ng mag
estudyante.

This study source was downloaded by 100000841536945 from CourseHero.com on 02-22-2022 16:00:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/86300647/Distance-Learningdocx/
This study source was downloaded by 100000841536945 from CourseHero.com on 02-22-2022 16:00:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/86300647/Distance-Learningdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like