You are on page 1of 17

EPEKTO NG BLENDED MODE OF LEARNING SA KAKAYAHANG PANG

AKADEMIKO NG MGA MAG-AARAL NG 11 – GOODNESS TAONG 2022 – 2023

IPINASA NINA:

IMPERIAL, TYRONE RALF R.

COSTA, VINCE LAWRENCE D.

DIZON, JAMES KIRBY A.

EVANGELISTA, AERHON D.

JABAGAT, JUSTIN S.

SANCHEZ, OSCAR JOHN M.

SABADO, FAITH AZHLEY V.

11 – GOODNESS (TVL)

2022 - 2023

IPINASA KAY:

MR. ARVIN R. ANTIQUE

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

1
TALAAN NG NILALAMAN

I. PAKSA

II. LAYUNIN

III. PANIMULA

IV. PAGTATALAKAY

A. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

B. MGA KAUGNAY NA LITERATURA

V. PAMAMARAAN

VI. LAGOM

VII. TALAAN NG SANGGUNIAN

VIII. APENDIKS

A. PERSONAL NA IMPORMASYON NG MGA MANANALIKSIK

B. PASASALAMAT

2
I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto ng Blended Mode of Learning sa

Kakayahang Pang Akademiko ng mga Mag-Aaral ng 11 - Goodness taong 2022 – 2023

II. LAYUNIN

Ang paksa na napili ng mga mananaliksik ay mahalaga sapagkat hanggang ngayon ay

nakararanas pa rin ng pandemya ang mga Pilipino, at nais ng mga mananaliksik na matukoy ang

mabubuti at masasamang epekto ng blended mode of learning sa mga mag-aaral at kung paano

ito nakaaapekto sa kanilang kakayahang pang akademiko. Isa pa sa mga pangunahing layunin ng

pananaliksik na ito ay ang malaman kung mas mainam nga ba na blended learning ang

isinasagawa sa mga paaralan lalo na sa mga susunod pang mga taon upang matulungan ang mga

mag-aaral ng kasalukuyan. Naglalayon din ang pananaliksik na ito na matukoy ang

pinakamabisang paraan ng pag-aaral at pagtuturo sa paaralan sakali mang hindi maging epektibo

ang paraan na blended learning. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maliliwanagan ang

mga mambabasa ukol sa iba’t-ibang epekto ng blended mode of learning sa mga mag-aaral at sa

mga Pilipino.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga mabubuti at masasamang epekto ng blended mode of learning sa

pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral? Paano ito nakaaapekto sa

kanilang kakayahang pang akademiko?

2. Anu-ano ang mga suliraning nakakaharap ng mga mag-aaral ngayong blended mode of

learning ang isinasagawa sa paaralan?

3. Mainam bang ipagpatuloy pa ang blended mode of learning sa mga susunod pang mga

taon? Kung hindi, Ano ang pinakamabisang learning modality tatlong taon mula nang

magsimula ang pandemya?

3
III. PANIMULA

Halos tatlong taon na ang nakalipas nang lumaganap ang sakit na COVID-19. Isang

pandemya na nagkaapekto sa buhay ng bawat isa sa buong mundo. Isa sa mga higit na

naapektuhan sa pag-usbong ng pandemya ay ang mga paaralan at ang mga mag-aaral sa loob

nito. Upang maiwasan ang panganib na magkahawahan, minabuti ng gobyerno na ipasarado

muna ang mga paaralan at ang mga guro't mag-aaral ay lumipat sa distance learning modalities.

Sa taong panuruang ito, muli nang pinayagan ang mga mag-aaral na pumasok sa eskwela

ngunit limitado lamang ang araw na kanilang papasukan, at ang mga araw na hindi nila

papasukan ay isasagawa sa kanilang mga tahanan bilang synchronous o asynchronous na klase.

Ang paraan ng pag-aaral na ito ay ang tinatawag na “Blended Learning”.

Sa pagsisimula pa lamang ng implementasyon ng panukalang ito, maraming mga mag-

aaral at magulang na ang nahirapang makasabay sa pagbabagong naganap. Maging ang mga

guro ay lubusan ding nanibago. Ang mga gadyets gaya ng cellphone at laptop ang siyang

pansamantalang naging pangunahing kagamitan at nagsilbing kuwaderno at pisara upang

maisakatuparan ang blended learning. Ngunit, hindi lingid sa ating kaalaman na may ilan pa ring

pamilyang Pilipino ang hindi kayang tugunan ang pangangailangang ito, lalo pa’t maramiang

nawalan ng hanapbuhay nang dahil sa pandemiya. Isa rin sa mga itinuturing na pinakamalaking

suliranin talaga at dinadaing ng maraming mag-aaral patungkol sa online class ay ang mabagal

na internet connection sa bansa na higit na makasasagabal sa kakayahan ng mga mag-aaral na

matuto.

Hindi maikakaila na ang mga biglaang pagbabagong ito na idinulot ng pandemya ay

magkakaroon ng malaking epekto sa mga mag-aaral at pati na rin sa buong mamamayan. Ang

mga epektong ito na higit na makaaapekto sa kakayahang pang akademiko ng mga mag-aaral

ang nakapukaw ng interes ng mga mananaliksik na isagawa ang pamanahong papel.

4
IV. PAGLALAKAP NG KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang Blended Learning

Ayon sa nakalap na impormasyon sa pag-aaral ng Journal of Critical Reviews (2020),

Ang blended learning ay nilikha bilang isang kapaligiran na kumukuha ng mga halaga ng

parehong offline na tradisyonal na pag-aaral ng harap-harapan at online na pag-aaral. Ito ang

bagong kalakaran sa pagtuturo at pag-aaral ng mga pangunahing paksa kabilang ang agham.

Ang blended learning ay isang karaniwang ginagamit na paraan sa mga antas ng paaralan at

unibersidad. Gumamit na ang mga guro ng blended learning sa kanilang proseso ng pagtuturo

at pagkatuto. Gayunpaman, ang pagkakaiba ay ang diskarte sa disenyo ng karanasan sa pag-

aaral. Ang blended learning ay may iba't ibang mga kahulugan para sa iba't ibang tao. Binanggit

ng ilan sa mga mananaliksik na pinagsasama ng blended learning system ang face-to-face

instruction at computer-mediated learning

Epekto ng Blended Mode of Learning sa Pag-aaral ng mga Batang Pilipino

Batay sa pag-aaral ng Social Weather Stations (2020), Mas nakararaming mga

Pilipinong pamilya na may miyembro na naka-enroll sa taong panuruang 2020-21, ay

ikinokonsidera ang blended learning na “more difficult” o mas mahirap kumpara sa regular na

face-to-face setup. Ilang magulang ang nagsabi na sa kasalukuyang sistema, bagamat provided

ng mga paaralan ang printed materials at online support, kalimitang kailangang matuto mag-isa

ng mga estudyante. Ang iba namang mga ina at ama ay tumayo nang guro sa kanilang tahanan,

na mahirap para sa mga hindi naman full-time houseparents. Sa kabilang dako naman, ang

natitirang porsiyento ang nagsasabing mas-madaling ipasa ang blended learning kumpara sa

face-to face classes. Ukol naman sa gastos pangpinansiyal ngayong blended learning, mas

nakararaming mga Pilipinong pamilya ang nagsasabing nabawasan ang kanilang gastusin

samantalang at ang natitirang porsiyento naman ang nagsabing tumaas ito, mangilan-ngilan

5
lamang nagasabing walang nagbago sa kanilang mga gastusin,

Epekto ng Blended Mode of Learning sa Kalusugan ng mga Guro

Batay sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (2021), Mahigit kalahati ng lahat

mga guro sa pampublikong paaralan ang umaming nagkaroon ng negatibong epekto sa kanila

ang ‘blended learning’. Batay sa kanilang online survey, nakaapekto sa kaisipan at pisikal na

kalusugan ng mga guro ang napakaraming gawain sa blended learning. Mayroon ding mga guro

na umaming nagkakasakit na sila dahil sa mas mabigat na tungkulin ng bagong sistema ng

pagtuturo. Ayon pa survey, nakatanggap rin sila ng mga report na dumaranas ng matinding

hypertensiyon, sobrang stress, kulang sa pahinga, panlalabo ng mga mata, pananakit ng mga

muscle, pamamanhid ng mga kamay, pananakit ng likod at depresyon ang mga guro dahilan sa

sobrang dami ng trabaho sa blended learning bukod pa sa kulang ang suweldo ng mga ito.

Title

Ayon sa/kay

Iba't Ibang Learning Delivery Modalities sa Pagpapatuloy ng Edukasyon

Ayon sa Department of Education Philippines (2020), mayroong tatlong learning delivery

modalities sa pagpapatuloy ng edukasyon. Ang distance learning ay isang alternatibong paraan

upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral ngayon pandemya at ito ay nahahati sa

tatlong uri. Sa Modular Distance Learning (MDL), maaaring gumamit ng mga printed module o

mga module na nasa digital format gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet, o smartphone

ang mga guro at mag-aaral. Ang online distance learning ay ang pagtuturo ng mga guro at

pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access.

Ang mga self-learning module ay maaaring maituro at maipalabas sa pamamagitan ng

6
telebisyon at mapakinggan sa radyo. Ang blended learning ay kombinasyon ng iba pang delivery

mode o pinagsamang online distance learning, modular distance learning, at TV/Radio-based

Instruction. Dito ay maaaring gamitin ang mga printed module, iba’t-ibang digital format

kasabay ng pagkatuto sa TV at radyo. Ang home schooling ay pagbibigay pribilehiyo sa mga

magulang at mag-aaral na magkaroon ng home-based learning environment na

pangangasiwaan ng mga kwalipikadong magulang, guardian, o tutors na sumailalim sa training.

Mahigpit pang pinag-aaralan ito bago tuluyang mapalaganap.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang Blended Learning Approach

Ayon sa blog ni Ana Gonzales (2020), Ang blended learning approach ay nagbibigay sa

mga estudyante ng pagkakataon para maging aktibo sa mga interaksyon, hindi lang sa mga

kapwa nila estudyante kundi pati na rin sa kanilang mga kaklase. Nagiging mas interaktibo rin

ang pag-aaral dahil nabibigyan ang mga guro ng pagkakataong makagawa ng mga araling

engaging at masaya. Makakapamili ang mga guro sa pagitan ng mga interaktibong aktibidad

tulad ng mga talastasan, debate, at maging mga oral na presentasyon. Mas maginhawa din ang

schedule ng mga mag-aaral na sumusunod sa blended learning approach dahil ang ilang aralin

ay online, pwedeng pagtuunan ng pansin ang mga ito depende sa oras na pinaka akma sa kung

anong mayroon ang estudyante. Mas naiaakma rin ng mga guro ang mga itinuturo nila kapag

blended learning ang approach. Halimbawa, ang mga pagpapakilala sa sarili at ang mga

diskusyon na kailangang ng matalinong debate ay pwedeng gawin nang harapan o face-to-face.

Samantalang ang pagtalakay ng mga course informations o ang pag-aaral tungkol sa mga

basahin ay pwede nang gawin online. Maging ang mga quizzes at exams ay iba rin sa blended

learning approach. Ang ilang mga guro ay mas pinipili ang mga talastasan at presentations

bilang exams ng mga mag-aaral, samantalang ang iba naman ay nagpapagawa ng sanaysay o

7
essays.

Mga Epekto ng Blended Mode of Learning sa Paaralan

Ayon kay Carl Clemente (2022), ang epekto ng blended mode of learning approach sa

mga estudyante ay mas lalong natututo at mas magkakararoon ng kaalaman ang bawat

estudyante dahil nagkaroon ng face to face classes. Maganda rin ang dulot ng blended learning

sa mental health ng mga estudyante dahil nakaksalamuha nila ang mga ang mga kapwa

estudyante nila. Subalit meroong itong negatibong epekto dahil nagamit sila ng gadyet

pwedeng lumabo ang kanilang mga mata. Nakakaapekto rin ang pagka wala ng internet dahil

pwedeng hindi malaman o makaligtaan ng estudyante ang mga tinuturo ng guro. Pwede ring

mag dulot ng stress ang blended learning sa mga estudyante dahil sa mga internet issues, isyung

pangpinansiyal, at marami pang iba.

Ayon sa artikulo ng Balita Online (2021), Bagamat hindi bagong konsepto, hindi

naging madali and blended learning approach kung pag-uusapan ang pagpapatupad nito sa

Pilipinas. Ang blended learning ay isang pseudo-virtual approach, pinagsasama sa blended

learning ang dalawang uri ng alternatibong edukasyon, upang mapagsilbihan nang maayos ang

mga mag-aaral na napilitang manatili sa bahay dahil sa pandemya. Nagpahayag nang matinding

pagkabahala ang mga eksperto para sa kinabukasan ng mga Pilipinong mag-aaral, sa usapin ng

kasalukuyang setup ng edukasyon. Minsang nang sinabi ng UNICEF education chief sa bansa, na

bagamat nakaapekto ang pandemya sa lahat ng mga paaralan sa buong mundo, ang epekto nito

sa Pilipinas ay “mas malala.” Binanggit din ng mga child psychologists ang kawalan ng physical

interactions sa mga mag-aaral na magkakaroon, anila, ng long term effect sa emotional

development ng mga bata. Ang mga pagsubok na makakaharap sa approach na ito ay hindi

lamang limitado sa mga magulang at mag-aaral. Nahihirapan din ang mga guro sa hirap na dala

ng blended learning, partikular sa information communication technology (ICT) infrastructure sa

8
bansa dahil hindi lahat ng mga guro ay may access sa internet at mga gadgets na kinakailangan

upang maisagawa ang blended learning na pagtuturo.

Hamon ng Blended Learning

Ayon sa editoryal na artikulo ng manilastandard.net (2021), Ang blended learning ay

isang approach sa edukasyon na pinagsasama-sama ang mga online na materyal na pang-

edukasyon at mga pakikipag-ugnayang online sa mga tradisyonal na pamamaraan sa silid-aralan

na nakabatay sa lugar, ay nangangailangan ng pisikal na presensya ng parehong guro at mag-

aaral. Ang pagbawas ng face-to-face na mga klase ay magkakaroon ng permanenteng epekto sa

mga kakayahan ng mag-aaral, lalo na kapag ang mga mag-aaral ay nagtatrabaho na. May ilang

hamon sa blended learning approach na kakaharapin ng ating mga guro, mag-aaral, at ang

kanilang mga magulang. Nabibilang dito ang gastos sa teknolohiya, hindi sapat na pagsasanay,

mga isyung teknolohikal, pagbabago ng mga aralin upang maging maayon sa blended learning,

kabawasan ng motibasyon, at hindi maayos relasyon sa pagitan ng mga mag-aaral at guro. Kung

hindi matagumpay ang pagpa-plano, ang blended learning ay maaaring magkaroon ng mga

problema sa mga teknikal na aspeto dahil ito ay nakadepende sa mga teknikal na gamit o mga

gadgets upang maisagawa. May mga malalaking hamon na kakaharapin ang mga mag-aaral sa

blended learning tulad ng pag-aaral sa kaniyang sarili, mahinang koneksyon sa internet, kawalan

ng tulog at oras upang gawin ang lahat ng mga gawain dahil sa napakaraming aktibidad, mga

distractions, at kawalan ng focus. Hindi maikakaila na mayroong mga kalakasan at kahinaan ng

blended learning, na nakasalalay sa pagpaplano, koordinasyon, pakikipagtulungan, at

komunikasyon sa mga silid-aralan, at ito ang dahilan kung bakit hindi ito madaling gawin.

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya Bilang Magulang, Guro, at Mag-aaral

Ayon sa blog ng Teach For The Philippines (2020), Malaki ang epekto sa pamumuhay ng

pandemyang COVID-19. Lahat tayo nahihirapan sa sitwasyon, subalit ang pag-aaral o pagkatuto ay hindi

9
dapat isawalang bahala. Karapatan ng mga kabataan na makapag-aral. Kaya kahit anong hirap ng

sitwasyon, marami namang paraan upang matugunan ang pag-aaral ng mga kabataan. Upang

matagumpayan ito kailangan magtulong-tulong ang bawat isa. Bilang magulang, malaki ang kanilang

responsibilidad upang maging maayos at magtagumpay sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Bilang guro,

kailangang ipagpatuloy ang pagtuturo kahit may pandemya dahil isa itong epektibong paraan upang

maiparamdam sa mga mag-aaral na hindi sila nakalimutan ng lipunan. Iba-iba man ang mga karanasan

nila sa loob ng kani-kanilang bahay, marami ang nasasabik na ang sa paaralan at gawin ang mga bagay

na madalas nilang gawin kasama ang mga kaklase at mga guro. Kung mabibigyan ang mga mag-aaral ng

mga makubuluhang gawain, mapaiintindi ang pinagdadaanan ng mundo sa ngayon, at maipadadamang

“nandito ang mga nakatatanda para turuan at gabayan sila”, sigurado gagaan ang loob ng mga mag-

aaral at mas iigting ang kagustuhan nilang matuto at mapalawak ang kanilang kaalaman kahit pa nasa

loob lang sila ng bahay at naghihintay na matapos ang pandemya. Bilang mag-aaral, mahalagang

ipagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng pandemya dahil kailangang may malaking pagpapahalaga sila sa

edukasyon. Ito ay isang hakbang upang umunlad ang pamumuhay at Hindi sapat na rason ang pandemya

para matigil ang pagkatuto. Ang edukasyon ay responsabilidad ng bawat isa – hindi lamang ng mga mag-

aaral, guro, at magulang kundi ng isang komunidad na handang sumuporta at gumabay sa pangarap ng

isang batang nag-aasam na makapag-aral. Noon pa man ay masasabing buhul-buhol na ang mga

problema sa edukasyon sa ating bansa. Gayunpaman, kung patuloy lamang tayong magtutulungan at

magkakaisa sa isang adhikain, hindi malabong mangyari na ang inaasam nating magandang bukas para

sa bata at para sa bayan ay atin nang makamit sa gitna man ng pandemyang COVID-19.

V. PAMAMARAAN

Sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng kwalitatibong pamamaraan

at gagamit ng interbyu upang makakalap ng naaayong impormasyon. Ang interbyu ay isasagawa

sa pamamagitan ng isang survey o palatanungang papel na naglalaman ng iba’t ibang mga tanong

patungkol sa pang-indibidwal na epekto ng blended mode of learning sa mga mag-aaral na

makikilahok dito. Ginamit ng mga mananaliksik ang pamamaraang ito dahil ito ang

10
pinakamabisang paraan upang makakalap ng naaayong impormasyon sa loob ng silid-aralan.

VI. LAGOM

Bilang pagbubuod,

VII. TALAAN NG SANGGUNIAN

11
 KAUGNAY NA PAG-AARAL: THE EFFECT OF STATION ROTATION MODEL ON STUDENTS’

ACHIEVEMENT ng Journal of Critical Reviews

http://eprints.utm.my/id/eprint/92585/1/

NoorDayanaAbd2020_OverviewofBlendedLearningtheEffect.pdf

 KAUGNAY NA PAG-AARAL: SOCIAL WEATHER STATIONS’ SURVEY ON

LEARNING DELIVERY MODALITIES ng SWS

https://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20210313193538

 KAUGNAY NA PAG-AARAL: ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS'

SURVEY ABOUT THE IMPACT OF BLENDED LEARNING ON TEACHERS

CITED BY JOURNAL NEWS

https://journalnews.com.ph/impact-of-blended-learning-on-teachers-cited/

 KAUGNAY NA PAG-AARAL: IBA'T IBANG LEARNING DELIVERY

MODALITIES SA PAGPAPATULOY NG EDUKASYON ng Department of

Education Philippines

https://m.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/posts/alamin-ang-ibat-ibang-learning-

delivery-modalities-sa-pagpapatuloy-ng-edukasyon-/3748956655164001/?

_rdr.&zero_e=3&zero_et=1673119963&_rdc=1&_rdr&paipv=0&eav=AfbDOIYv0C3EDalNt26

AzOjam3pVEN8vREErvJM0BSCNpR-ceMLiZtt8U4dP4sVAaoY

 KAUGNAY NA LITERATURA: MAS MAGANDA NGA BA? ANO ANG BLENDED LEARNING

APPROACH AT PAANO ITO GAWIN ng SmartParenting (Ana Gonzales)

12
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/mas-maganda-nga-ba-ano-

ang-blended-learning-approach-at-paano-ito-gawin-a00307-20200920

 KAUGNAY NA LITERATURA: EPEKTO NG BLENDED MODE OF LEARNING

APPROACH SA MGA MAG-AARAL ni Carl Clemente

https://m.facebook.com/story.php?

story_fbid=pfbid034pt3yTahwjHVVWoqKiXXGPCnyJ59yNs8oZtkiYCzbVaqTuQvodGqiPtbZav

Gfx8jl&id=100010430882087&mibextid=Nif5oz

 KAUGNAY NA LITERATURA: EPEKTIBO BA ANG BLENDED LEARNING SA

NEW NORMAL NA SISTEMA? ng Balita Online

https://balita.net.ph/2021/06/09/epektibo-ba-ang-blended-learning-sa-new-normal-na-

sistema/

 KAUGNAY NA LITERATURA: CHALLENGES IN BLENDED LEARNING ng

manilastandard.net

https://manilastandard.net/opinion/editorial/364754/challenges-in-blended-learning.html

 KAUGNAY NA LITERATURA: TULOY ANG PAGKATUTO, ANG

PILIPINONG MAG-AARAL SA GITNA NG PANDEMYA ng Teach For The

Philippines

https://teachforthephilippines.com/tuloy-ang-pagkatuto/

VIII. APENDIKS

13
PERSONAL NA IMPORMASYON NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Tyrone Ralf R. Imperial

Edad: 18

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Bacoor, Cavite

Pangalan: Faith Azhley V. Sabado

Edad: 17

Kasarian: Babae

Tirahan: Imus, Cavite

Pangalan: Aerhon D. Evangelista

Edad: 16

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Imus, Cavite

Pangalan: Vince Lawrence D. Costa

Edad: 16

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Imus, Cavite

Pangalan: Oscar John M. Sanchez

14
Edad: 16

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Bacoor, Cavite

Pangalan: James Kirby A. Dizon

Edad: 17

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Imus, Cavite

Pangalan: Justine S. Jabagat

Edad: 17

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Imus, Cavite

Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat ang nais ibigay ng mga mananaliksik sa mga sanggunian na

pinagkuhanan ng naaayong impormasyon upang maisagawa ang pananaliksik na ito. Nais ding

pasalamatan ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral na makikilahok sa kanilang interbyu na

palatanungang papel. Higit ding nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa kanilang guro sa

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na si Ginoong Arvin R. Antique

para sa walang sawang paggabay at suporta upang makagawa ng makabuluhang konseptong

papel.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Konseptong Papel

15
Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Inaasahan Bahagyang Nakamit Hindi Nakamit ang
(4) (3) ang Inaasahan Inaasahan
(2) (1)
Napapanahon Higit na Napapanahon ang paksa Hidi gaanong Hindi napapanahon
napapanahon ang ng pag-aaral napapanahon ang ang paksa ng pag-
15% paksa ng pag-aaral paksa ng pag-aaral aaral
Katiyakan ng Tiyak na tiyak ang Tiyak lamang ang paksa Hindi ganoong Tiyak Hindi Tiyak at may
Paksa paksa ng pag-aaral ng pag-aaral ang paksa ng pag- kakulangan sa
aaral paksa ng pag-aaral
25%
Higit na maayos ay Maayos at sistematiko Hindi gaanong Hindi maayos at
Sistematiko sistematiko ang lamang ang pagkakabuo maayos at sistematiko lamang
pagkakabuo ng ng pag-aaral sistematiko lamang ang pagkakabuo ng
pag-aaral ang pagkakabuo ng pag-aaral
20% pag-aaral
Napakahusay at Mahusay at malinaw Hindi ganoong Hindi mahusay at
napakalinaw ng lamang ang kabuuang mahusay at malinaw malinaw ang
Nilalaman kabuuang nilalaman at ilang lamang ang kabuuan kabuuang
nilalaman ng pag- bahagi ng pag-aaral ng pag-aaral at nilalaman ng pag-
aaral ng paksa mayroong aaral
30% kakulangan
Wastong-wasto at Wasto at angkop na Hindi gaanong wasto Hindi wasto at
angkop na angkop angkop ang at angkop ang angkop ang
Paggamit ng ang pagkakagamit pagkakagamit ng wika, pagkakagamit ng pagkakagamit ng
wika ng wika, mga mga salita, wika, mga salita, wika, mga salita,
salita, pagbabaybay, at pagbabaybay, at pagbabaybay, at
pagbabaybay, at paggamit ng bantas sa paggamit ng bantas paggamit ng bantas
paggamit ng pagbuo ng pag-aaral sa pagbuo ng pag- sa pagbuo ng pag-
10% bantas sa pagbuo aaral aaral
ng pag-aaral
Kabuuan 100 puntos

Bigyan ng marka ang iyong miyembro base sa kontribusyon nila sa pagbuo ng inyong Pinal na Awtput. 30
ang pinaka mataas at 5 ang pinaka mababa.

Group Leader: IMPERIAL, TYRONE RALF, R.

16
Buong Pangalan Grado (30-5)
1. COSTA, VINCE LAWRENCE D.

2. DIZON, JAMES KIRBY A.

3. EVANGELISTA, AERHON D.

4. JABAGAT, JUSTIN S.

5. SANCHEZ, OSCAR JOHN M.

6. SABADO, FAITH AZHLEY V.

17

You might also like