You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


BICOL UNIVERSITY
Bicol University Polangui Campus
Teacher Education Department

Mga Pagbabagong naganap sa mga mag-aaral sa kursong Bachelor

in Elementary Education 2A ng Pamantasan ng Bikol, Campus

Polangui kumpara noong Online Learning taong 2020-2021

Albia, Nanette S.
De La Cruz, Key AnnV.
Malapo, Daisy T.
Mga Mananalik

Gng. Mary Joy Reburiano


Propesor sa
Proposed Title:

Mga Pagbabagong naganap sa mga mag-aaral sa kursong Bachelor in Elementary

Education 2A ng Pamantasan ng Bikol, Campus Polangui kumpara noong Online

Learning taong 2020-2021

RESEARCH DISCIPLINE

Sa nakalipas na mahigit dalawang taon, sa pag-usbong ng krisis na ating kinakaharap ang

rason kung bakit ang lahat ay pinagbawalang lumabas na nagging sanhi upang magpatupad ang

departamento ng edukasyon na magkaroon ng iba’t ibang alternibong solusyon para matugunan

ang pangangailang ng mga mag-aaral na matutuo. Ang online learning ay isa sa nakitang

solusyon. Inirekomenda ng DepEd o Department of Education na gamitin bilang Alternative

online Learning dahil sa kinakaharap nating pandemya ngayon.

Dayuhang mga Literatura

Isa sa naging solusyon ay ang Online Learning na binigyang depenisyon ng U.S.

Department of Education (2010), na ang “pag-aaral na nagaganap sa internet”. Ito isang

magandang pagbabago sa paraan ng pag-aaral para madagdagan ang kaalaman at kakayahan ng

mga mag-aaral. Isang halimbawa ay ang distance learning, kung saan ang pag-aaral ay hindi

nangyayari sa isang tradisyunal na silid aralan. Paliwanag pa ni Chaney (2010), ang Distance

Learning ay nagbibigay-daan sa kakayahan na umangkop sa kahit anong sitwasyon at oras. Ito

rin ay kilala sa tawag na e-learning dahil sa paggamit ng internet.

Ayon naman kay R. Miller (2001) ang pagkalumbay ay naiuugnay sa damdaming malungkot

o nagdadalamhati, na may dagdag na kondisyon na ang emosyon ay tila wala sa proporsyon sa


aktwal na pinsala o pagkawala. Marami sa mga layunin na pamatayan ression ay ng depression

ay gumagana o katumbas sa pag-uugali sa nalumlumbay na kondisyon at nakakaapekto:

mababang enerhiya, pagtaas ng timbang o pagkawala, pagkawala o pagtulog, paghihirap sa

pagtuon o naaalala ang mga karaniwang bagay.

Ngunit ayon sa panlipunang konstruktibismo, ang epektibong pagtuturo at pagkatuto ay

lubos na nakadepende sa interpersonal na interaksyon at talakayan, na may pangunahing diin sa

pag-unawa ng mga mag-aaral sa talakayan (Prawat, 1992) at mga magulang, samantalang ang

mga guro ay nagpapasigla at nagpapadali sa pag-uusap sa silid-aralan sa pamamagitan ng

paggamit ng natural na daloy ng pag-uusap (Powell & Kalina, 2009). Kahit na ang social

connectivity ay matatagpuan online (Grieve et al., 2013), karamihan sa mga mag-aaral ay

naniniwala na ang face-to-face contact ay kinakailangan upang bumuo ng isang pakiramdam ng

komunidad (Conole etal., 2013). Ang aspeto ng komunidad ng harapang komunikasyon ay

nauugnay sa kahalagahan ng direktang pakikipag-ugnayan ng grupo (Chen, 1997).

Lokal na mga Literatura

Ang teknolohiya ay makapag-aambag rin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng pagtuturo

at pagkatuto. Ayon sa Artikulo ni Vercide (2020) tungkol sa kung gaano ka epektibo ang

makabagong paraan ng pagkatuto ng mga mag-aarall at tinatawag na “E-learning”. Una sa mga

bentahe ay ang pagyakap sa makabagong teknolohiya, sinasabing ang online education ang

magiging daan upang matuto ang mga kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Hindi

lahat ng mga mag-aaral ay may pribilehiyong magkaroon ng maayos na koneksyon sa internet at

isa pang problema nito ay ang mga lugar na wala ring maayos na signal. Ngunit ang

pagkakaroon ng limitadong interaksyon sa kamag-aral ay isa din sa mga hindi magandang epekto
ng E-learning. Dahil ayon sa ilang mga pag-aaral, ang sistemang ito ay maaring makapagdulot sa

mga bata ng “feeling of isolation” o tila naka puwesto sa isang lugar na kung saan hindi maaring

umalis o lumabas.

Kung kaya’t ikinatuwa ng Commission on Human Rights o CHR ang inanunsyo ng

Department of Education (DepED) na magbabalik na sa face-to-face classes ang lahat ng

paaralan sa bansa ngayong darating na pasukan. Ayon kay CHR Executive Director Jacqueline

Ann De Guia, ang naturang hakbang ng DepED ay sagot upang mas madaling ma-access ng mga

mag-aaral ang edukasyon sa bansa.

Ayon sa“DepEd pabor sa pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes” (2020,para.1-

12) na muling iginiit ng Department of Education na pabor ito sa pagkakaroon ngface-to-face

classes, lalo na sa mga lugar na itinuturing na "low risk" sa banta ngcoronavirus disease

(COVID-19). Ang harapan ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na magkaroon ng

agarangkasiyahan sa mga sagot at tulong. Ang face-to-face na edukasyon ay nagbibigay-daan

samga mag-aaral na matuto tungo sa isang mas personal na kalikasan ng ina na

maaaringnauugnay sa proseso ng pag-aaral na mas madali at mas kasiya-siya. (“Face to Face

Classes,” 2021).

Ayon pa kay Seneator Sherwin Gatchalian, makakatulong sa mental health ng mga

estudyante ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan. Naniniwala si Senetor Gatchalian na may

positibong epekto sa mga mag-aaral sa low risk areas ang harapang pakikipag-ugnayan ng mga

mag-aaral sa kanilang kapwa estudyante at mga guro.

SCIENTIFIC/ THEORETICAL BACKGROUND OF THE STUDY

Teoryang Social Learning


Ang isa pang teorya na nagbibigay ng tulong sa pag-aaral na ito ay ang teorya ng social

learning ni Albert Bandura na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagmamasid, pagmomodelo,

at paggaya sa pag-uugali, saloobin, at emosyonal na reaksyon ng iba. Ang teorya ng panlipunang

pag-aaral ay nababahala sa pakikipag-ugnayan ng mga salik sa kapaligiran at nagbibigay-malay

na nakakaapekto sa pagkatuto at pag-uugali ng tao. Sa teorya ng pag-aaral ng lipunan, sinabi na

madalas itong tinutukoy bilang 'tulay' sa pagitan ng mga tradisyonal na teorya ng pag-aaral (i.e.,

behaviorism) at mga pagdulog sa kognitibo. Ito ay dahil binibigyang-diin nito ang papel ng

mental (cognitive) na mga salik sa pag-aaral. Sa kaibahan sa Skinner, naniniwala si Bandura

(1977) na ang mga tao ay mga proactive na tagaproseso ng impormasyon na isinasaalang-alang

ang kaugnayan sa pagitan ng kanilang mga aksyon at kanilang mga kahihinatnan.

Naoobserbahan ng mga bata kung paano kumilos ang kanilang mga kapantay sa iba't ibang

paraan. Ito ay ipinakita sa kilalang Bobo doll experiment (Bandura, 1961).

Teoryang Online Learning through Technology

Ang teoryang Online Learning through Technology ito ay nagsilbing balangkas ng pag

aaral upang mas mapatotohananang pag aaral na ito. Sa panahon ngayon, masasabing madaming

bansa na ang high-tech. Talamak ang paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil sa mga

ito, mas napapadali ang ating mga gawain. Dahil dto naimpluwensyahanna halos lahat ng

larangan ng pantao, isa na dito ang edukasyon. Ang Online Learning through Technology ay

binubuo ng konsepto tungkol sa interaksyon ng mga mag aaral pagdating sa pamamaraan

ngmakabagong edukasyon sa ngayo. Nakapaloob dto ang isang site na kung saanmay

interaksyon ang guro pati na rin a ng estudayante.

Teoryang Behaviorism
Ipinahahayag nito na ang mga bata na ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang

kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang

kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa

tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito. Binibigyang-diin ni Skinner (1986), isang

pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan

ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.

Teoryang Kognitib

Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong

dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing

may saysay ng bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at

mailipat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga kognitibist ang

pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at

tuwirang iwinawasto. Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na

bahagi ng pagkatuto.

Teoryang Makatao

Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay din sa kahalagahan ng mga salik na

pandadamin at emosyonal. Ito’y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari

lamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may positibong

saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga kondisyong ito’y hindi

matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay maaaring hindi magbunga ng

pagkatuto.
Teoryang Social Learning

Teoryang Online Learning


through Technology

Teoryang Makatao Teoryang Behaviorism Teoryang Kognitib

Mga Pagbabagong naganap sa ng mga


mag-aaral sa kursong Bachelor in
Elementary Education 2A ng
Pamantasan ng Bikol, Campus
Polangui kumpara noong Online
Learning taong 2020-2021

Pigura 1: Balangkas Teoretikal


KNOWLEDGE GAP TO BE FILLED

Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID-19 Crisis,

nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang

pag-aaral gamit ang computer. Ang online distance learning ay ang pagtuturo ng mga guro at

pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang iba't ibang teknolohiya na mayroong internet access at

idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang

lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga

kamag-aral. Ngunit isa sa mga tinitingnang feature ng 'limited face-to-face learning' ay ang

pagsasagawa lamang nito nang isa o hanggang dalawang araw sa isang linggo at paglilimita sa

mga pinakamahahalagang lesson lamang.

Sa dalawang taong na nagkaroon ng pagbabagong naganap sa paraan ng pagkatuto, lalo

na sa mga mag-aaral sa aspektong emosyonal, mental at sosyal kumpara noong “online

learning”. Hindi maikukubli na sa kabila ng mga pagbabago na nahahati pa rin sa positibo at

negatibong epekto sa mga estudyante. Hanggang ngayon maraming mag-aaral ay naninibago pa

rin sa bagong sistema ng edukasyon, na nakaapekto sa pagbabago sa aspektong emosyonal,

mental at sosyal ng mga estudyante na nakatulong na mas maging handa sa pagharap ng hamon

sa buhay. Kailangang magkaroon ng tunay na kamalayan ang mga estudyante sa mga

pagbabagong nagaganap sa kanilang sarili bilang indibwal na parte na ng isang matatag na

lipunan at ang lahat ng ito ay nagiging saksi ang paaralan na kung saan ito ang kanilang bahay ng

karunungan. Mga programang makapagbibigay ng mga pinagkukunan mga impormasyon, gaya

ng mga counceling reading materials sa self-care activities at mental health management na

maaring hingin upang maibahagi sa mga mag-aaral sa pagbabago sa aspektong emosyonal,

mental at sosyal.
MAIN RESEARCH OBJECTIVES

Para maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral na ito, narito ang mga espisipikong layunin ng

pag-aaral na ito:

1. Malaman ang mga pagbabagong naganap sa mga mag-aaral sa kursong Bachelor in

Elementary Education ng Pamantasan ng Bikol, Campus Polangui kumpara noong Online

Learning taong 2020-2021 sa aspetong;

a. emosyonal;

b. mental; at

c. sosyal

2. Matukoy kung ang mga dahilan sa kanilang ng pababago sa;

a. emosyonal;

b. mental; at

c. sosyal

3. Masuri kung sa anong aspeto ang nagkaroon ng pagbabago

4. Makapagbigay ng suhestiyon o rekomendasyon hingil sa kalalabasan ng pananaliksik.

RESEARCH DESIGN, METHODS AND MATERIALS

Ang pananaliksik na ito ay nasa anyong kuwalitatibo. Ang mga mananaliksik ay gagamit

ng sarbey/tseklist at interbidyo upang makalikom ng mga datos at mas maging epektibo ang

pagsukat ng pangunahing layunin ng pagsasaliksik na ito. Sa paglikom ng impormasyon gagamit

ng tseklist bilang instrumento sa pagsagot sa mga pangangailangang datos. Maliban sa personal


na impormasyon kinakailangang itong isulat ngunit ang pangalan ay opsyonal. Ang tseklist ay

binubuo ng apat na haliga at mahigit sa 20 hilera.

MOST RELEVANT REFERENCES

Pagbabalik ng face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa bansa ngayong darating na pasukan,

ikinatuwa ng CHR

By RadyoMaN Manila -May. 31, 2022 at 6:25pm5400

ReferencesAdnan, M., & Anwar, K. (2020). Online learning amid the COVID-19 pandemic:

Students’ Perspectives. Journal of Pedagogical Sociology and Psychology, 2(1),

45-51.Doi.org/10.33902/JPSP. %202020261309Agung, A. S. N., Surtikanti, M. W., & Quinones,

C. A. (2020). Students’ perception of online learning during COVID-19 pandemic: A case study

on theEnglish students of STKIPAsanov, I., Flores, F., McKenzie, D., Mensmann, M., &

Schulte, M. (2021). Remote-learning, time-use, and Mental health of Ecuadorian high-school

students during the COVID-19 quarantine. World Development, 138, 105225. Retrieved from

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7581322/Azzahra, Nadia F. (2020). Addressing

distance learning barriers in Indonesia amid the Covid-19 pandemic.Center for Indonesian Policy

Studies. Doi:10.35497/309162

You might also like