You are on page 1of 2

Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Panimula
Ang mundo ay labis na hinamon ng pandemyang COVID’19, ito ay nagdulot ng
malubhang suliranin sa mga tao. Ayon kay Nikahku (2021), isa sa lubhang naapektuhan
ng pandemya ang sector ng edukasyon sa Pilipinas. Dagdag pa niya, mahigpit na
ipinagbabawal ang paglabas ng mga may edad na 21 pababa, kung saan malaking
porsyento ng mga ito ay mga mag-aaral. Bagaman mahirap, hindi ito ang panahon para
huminto ang mga kabataang Pilipino sa kanilang pag-aaral. Lahat tayo nahihirapan sa
sitwasyon, subalit ang pag-aaral o pagkatuto ay hindi dapat isawalang bahala (Pacleta,
2022). Ito ay sinang-ayunan naman ni Enriquez (2022) na nagsabing, lahat tayo ay
nagnanais na matuto, at magpatuloy ang edukasyon anoman ang ating kinahaharap.
Dagdag pa niya, ang mga paaralan ay gumawa ng mga Learning Continuity Plan at
iba’t ibang mga learning delivery modalities sa pagpapatuloy ng edukasyon.
Bilang tugon sa suliraning ito ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpahayag ng
pakikiisa sa pagsulong ng Edukasyong dekalidad sa gitna ng pandemya. Ibinahagi nila
ang iba’t-ibang mga learning delivery modalities, at isa na riyan ang Online Classes.
Ayon kay Jhoemz Vercide (2020), online classes, ang nakikitang paraan ng gobyerno
bilang alternatibo upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na
kinakailangang pumasok sa mga paaralan. Dagdag pa niya na tanging ang online class
lamang ang magiging tulay upang makapag-aral ang mga estudyante nang ligtas. Ayon
naman kay Jordan Friedman at Josh Moody (2020), ang online class ay halong bidyu
record o di kaya ay live na talakayan na may mababasang mga basahin at pasulit na
sasagutan ng mag-aaral sa kanilang sariling oras. Dagdag pa nila, ang mga mag-aaral
ay tatapusin ang kanilang mga gawain sa kanilang bakanteng oras ngunit kailangan pa
ring maipasa sa ibinigay na deadline.
Maraming mabubuting naidudulot ang pagpapatupad ng mga online classes
partikular sa isyung pangkalusugan at pagiging ligtas mula sa nakamamatay na virus.
Ayon kay Vanes Dumlao (2021) sa online class ay hindi na kinakailangang lumabas pa
ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga
kamag-aral. Ito ay sinang-ayunan naman ni Philip Baruela (2020) at sinabing, ang
online learning ay nagbigay pag-asa upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng
edukasyon sa mga bata, kahit pa sila ay nasa loob lamang ng kanilang mga tahanan.
Dagdag pa niya, bilang isang guro ay mas nadagdagan pa ang kanyang mga kaalaman
patungkol sa paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagkatuto at pagtuturo.
Kung dati ay hindi pamilyar sa kanila ang mga tools na gaya ng google sheet,
documents, powerpoint at kung anu-ano pa, ngayon ay mas nahasa na ang kakayahan
ng mga guro at mga mag-aaral sa paggamit nito. Nang dahil din sa online class, mas
magagawa na ng mga mag-aaral na sumabay sa pag-usbong ng teknolohiya sa bansa
at maging sa mundo.
Bagama’t maraming positibong epekto ang pagpapatupad ng online class, ito ay
nahaharap pa rin sa maraming mga negatibong isyu. Ayon kay Joey Umali (2021), ang
online learning ay nagreresulta sa mental stress sa mga bata na nawala ng oportunidad
na makipagkaibigan o makipaglaro sa kapwa bata. Dagdag pa niya dahil laging
Kompyuter ang kaharap, nadedebelop sa mga bata ang pagkamakasarili, nahihirapang
makipag-ugnayan sa kapwa at nangingibabaw sa isip na maaari naman siyang
mabuhay mag-isa at hindi niya kailangan ang iba. Sa kabilang dako naman, dahil sa
ang online class ay pinapatakbo ng internet at mga gadyet, ang kawalan ng mga ito ay
ang isa sa rason bakit pahirapan ito para sa marami nating mga mag-aaral. Ayon kay
Lorevie Caalaman (2020), nahihirapan silang makagawa ng mga gawaing pang-
akademiko dahil wala silang sapat na kagamitan sa gadyet at walang sapat na internet
connection. Ang kawalan ng gamit at internet connection ang talagang pangunahing
suliranin ng online class. Marami ang nawawalan na ng ganang mag-aral dahil sa
kakulangan ng mga online resources. Ito ay sinang-ayunan naman nina Romeo Salac &
Yun Seon Kim (2016), isa ang bansang Pilipinas sa may mahinang internet connection.
Ibig sabihin ay hindi lahat ng lugar sa Pilipinas may matatag at malakas na koneksyon,
may mga karatig-bayan na sadyang sobrang hina at minsan ay walang signal.
Ang akademikong pagganap ay tumutukoy sa kagalingan at kakayahan ng mga
mag-aaral sa klase. Ito ang basehan ng guro kung ang isang mag-aaral ay may
natutunan ba sa klase. Ito ay kinakailangan dahil isa sa mga basehan kung mag aapply
ng trabaho ay ang pang-akademikong pagganap na makikita sa mga marka sa
kolehiyo. Nakatuon sila sa marka dahil kung mataas ang marka ibig sabihin naging
mahusay, responsable at naging masipag sila na mag-aaral noong araw at magiging
ganito rin kapag naging empleyado.
Sa panibagong sistema ng pag-aaral, makakaya kaya ng mga mag-aaral na
makasali sa online na klase? Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Epekto ng Online
Class sa Pang-Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral ng Bachelor of Secondary
Education Major in Physical Education 3 ng Tagoloan Community College Taong
Panuruan 2021-2022. Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang epektong hatid
ng panibagong pamamaraan ng edukasyon na tinatawag na online class.

You might also like