You are on page 1of 19

1

Ang Resulta ng Pandemya sa mga magaaral sa unang Antas ng

Kolehiyo sa Bulacan State University-Bustos Campus

KABANATA I

Panimula

Ang pagsiklab ng COVID-19 at Virus ay nakapipinsala sa epekto ng mga

estudyante sa Pampublikong at Pribado na Unibersidad at Kolehiyo sa Pilipinas. Sa

panahon ng pagtugon sa outbreak, dapat nating palakasin ang gabay at regulasyon para sa

negatibong epekto at at bigyang pansin ang pagpapabuti ng positibong epekto ng mga

estudyante sa unibersidad at kolehiyo.

Ang COVID-19 ay ang nakakahawang sakit na dulot ng pinakahuling natuklasang

coronavirus. Ang pandemya ay nagdulot din ng hindi pang karaniwang stress sa mga mag-

aaral sa unang taon sa kolehiyo, simula sa paglipat sa online na pagtuturo sa spring break

2020 o bakasyon sa maraming unibersidad. Ito ay higit na pinalala ng mahabang tag-araw

ng panlipunang paghihiwalay mula sa pandemya para sa marami, nawalan ng trabaho, at

kawalan ng katiyakan tungkol sa istruktura ng mga kurso at pagsasaayos ng pamumuhay

sa taong akademikong 2020/21. Ang data na makokolekta sa parehong mga mag-aaral bago

at sa panahon ng pandemya, nagbibigay kami ng bagong ebidensya sa mga epekto ng

pandemya sa kalusugan ng mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo. Ang pananaliksik sa

resulta ng COVID-19 ay pangunahing nakatuon sa pagkabalisa, depresyon at stress na

naiulat sa sarili; hindi pa rin malinaw ang positive affect at negative affect ng pandemya

ito.
2

Rebyu ng mga kaugnay na Literatura

Dahil sa pandemya, Isa na nga ang sector ng edukasyon sa tuluyang naapektuhan.

“Online Classes,” ang nakikitang paraan ng gobyerno bilang alternatibo upang matuloy pa

rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na hindi na kinakailangang pumasok sa mga

paaralan. Bilang bahagi ng tinawatawag na ‘New Normal’ sa sistema ng edukasyon sa

bansa, ang online education ang nakikitang daan para maipagpatuloy ang taong panunuran

sa darating na pasukan. Humababa ang usapin patungkol dito at nahahati ang mga pananaw

kung ano nga ba ang dapat gawin.

-Vercide, Jhoemz, 29 May 2020, Online Classes: Epektibo nga ba para matuloy ang

pasukan?, Taguig City University.

Ang pag-unawa sa COVID-19 ay maaaring maging isang malaking tulong sa

pagbabawas ng mga resulta ng covid 19 at samakatuwid ang mga resulta ng mga sistema

ng edukasyon na bilang ng ilan ay naka- highlight sa maraming mga tampok. Ang sinabi

sa mga klase sa online ay kasing epektibo ng mga klase ng personal, na may sukat sa pag-

aaral ng mag-aaral sa mga tuntunin ng mga marka, pananaw ng guro sa pag-aaral, at

pananaw ng mag-aaral sa pag-aaral (Swan 2003). Gayunpaman, ang pagtangap na ito ay

hindi ipinaglalaban. bilang isang halimbawa, sinusunod ni Xu at Jaggars (2014) na ang

mga natuklasan na ang tagubilin sa online at pansariling tao ay nagbubunga ng katulad na

mga kinalabasan sa pag-aaral na karamihan ay mula sa mga pag-aaral na isinagawa sa mga

piling institusyon at mukhang hindi pangkalahatan sa mga kolehiyo sa pamayanan.

mukhang may kaugnayan dahil ang kasalukuyang senaryo ay sumusubok na hingin ang
3

aming mga kabataan mula sa normal na pormal na sistema ng edukasyon at magbigay ng

isang pagkakataon na umunlad sa kanilang pag-usisa dahil sa dramatikong pagbabago ng

kurikulum para sa Covid 19 Pandemic. ito ay madalas na totoo sa buong mundo at

nakakaapekto sa lahat ng mga mag-aaral bagaman sa iba't ibang mga puntos na pagtutuos

sa maraming mga kadahilanan kabilang ang rehiyon kung saan sila nakatira, gayundin sa

kanilang edad, pinagmulan ng pamilya, at antas ng edukasyon.

- Picardal Enrique B. Jr, (2020), Ang mga epekto ng pag-aaral sa online na edukasyon sa

pagganap ng mga mag-aaral dahil ng covid 19 pandemic, Biliran Province State University,

Naval Province Biliran

Sintesis ng mga Kaugnay na literature at pag-aaral

Sa kadahilanan ng pandemenya nadamay ang Edukasyon natin at isa ito sa

malaking naaepektuhan. Ayon kay Vercide at Jhoemz (2020) “Online Classes” ang

nakitang paraan ng ating Gobyerno. Ito lamang ang Nakita nilang paraan upang maituloy

ang pag-aaral ng mga estudyante para sa taon na iyon. Dahil naging “New Normal” na ang

ating sistema kaya “Online Education” nalang ang naging daan ng lahat ng Eskwelahan

para makapagturo. Handa nga ba ang Pilipinas sa “Online Education”? Kaya ba nila

kaharapin ito? Ang madalas na tanong ng tao kaya humaba ang kanilang usapin.

Ayon kay Picardal Enrique B. Jr(2020) Ang mga klase sa online ay kasing epektibo

rin ng mga klase ng personal. Sa pamamagitan ng “Online Platform” na katulad ng Zoom,

Facebook, at google nagagawa at nakakapag usap ang mga estudyante at mga guro para

maituloy ang pag aaral ngayon pandemya. Sa mga Pinag pilian ang “Online Education”
4

ang pina Komportable at pinaka mabisa sa uri ng pag aaral marami mang itong

komplikasyon pero ito lang ang solusyon nila dito.

Theoretical nga balangkas

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa ilang konsepto na makikita sa, The

Lookout. Ito ay isang organisasyong itinatag upang maglabas ng mga makabagong balita

na nakatuon sa mga resulta at dulot ng pandemya sa mga estudyante.

Nakapaloob sa The Lookout ang iba’t ibang teorya na maaaring malaman kung

epektibo nga ba ang online classes sa napapanahong pandemya.

Ayon sa teorya ni Jhoemz Vercide(2020), ang edukasyon ay tanging yaman na

hindi mananakaw nino man. Napakahalaga ng edukasyon lalo na sa mga kabataan na

nakakaranas ng pandemyang ito. Ukol kay Jhoemz Vercide naging mainit ang usapin ng

pagbubukas ng klase kahit wala pamg bakuna at marami ring mga opinyon ang lumabas sa

pahayag ni Pangulong Duterte na hindi siya pabor sa nasabing pagbubukas ng klase habang

walang bakuna. Dahil iniisip niya ang kapakanan ng bawat mag-aaral.

Ayon pa sa teoryang ito, Online Classes ang naiisip bilang alternatibo upang

matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante. Ayon pa rito ang Online Education ang

nakikitang daan upang matuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. Humaba ang usapin dito

kung ano ba ang dapat gawin.

Ang mga teoryang nabanggit ay magsisilbing batayan ng pananaliksik na ito na

naglalayon na malaman ang resulta kung epektibo nga ba ang online classes sa

napapanahong pandemya sa mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo.


5

Depinisyon ng mga Termonolohiya

Lokal na Kaugnay na Literatura

Ang Buhay Kolehiyo

Ang pag-aaral sa kolehiyo ay isang napakalaking bagay na pinapangarapng mga

kabataan. Kahit ito’y puno ng hamon, marami pa rin ang sumusubok na malagpasan ito

dahil ito’y nagdadala ng isang magandang kinabukasan para sa ikakabuti ng buhay. Ang

kosentrasyon ang isa sa mga sangkap ng pag-aaral atnararapat na ipokus ng isang mag-

aaral ang kanyang sarili at isipan sa iisang bagay sapagkat sa kaparaanang ito ay matitiyak

na maibibigay ang isangdaang porsyento ng galing sa pag-aaral (Vanmark, 2013)

Epekto ng pandemya sa Pilipinas

Noong Marso 9, 2020, nabawasan ang indeks ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas (PSE) ng

457.77 puntos o 6.76%, ang kanyang pinakamatarik na bagsak mula noong krisis sa pananalapi ng

2007–08.Sa susunod na araw, bumagsak pa lalo ang mga kabahagi patungo sa ₱5,957.35

(US$117.54), na umabot sa ibaba ng antas 6,000 sukatan at pumasok sa teritoryo ng merkado

bahista. Pinakaapektado ang mga industriya ng pagmimina at langis na bumagsak ng 9.05%,

kasunod ng mga kumpanyang naghahawak na bumagsak ng 6.93%. Nanawagan ang mekanismong

circuit breaker ng PSE sa ikalawang pagkakataon mula noong kanyang pagpapakilala noong 2008,

kaya napatigil ang kalakalan nang 15 minuto.

Binago ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA) ang

kanyang palagay ng paglagong ekonomiko para sa Pilipinas sa 2020 mula 6.5% hanggang 7.5%

paglago ng kabuuan ng gawang katutubo (GDP) na inilista noong huling bahagi ng 2019 patungo
6

sa 5.5% hanggang 6.5% paglago ng GDP, kasunod ng pandemya. Sinipi ng NEDA ang pagbaba sa

mga pagluluwas ng serbisyo, lalo na ang turismo. Binawasan din ng Moody's Analytics ang

kanilang palagay ng paglago ng GDP para sa bansa, mula 5.9% sa 2019 patungo sa 4.9% kasunod

ng pandemya.

Kasunod ng mga direktiba mula sa pamahalaan ng Pilipinas, isinuspinde ng iilang tanikala

ng agarang pagkain at restawran ang kainan sa kani-kanilang lugar (dine-in) at nilimita ang mga

operasyon sa kuha-labas at paghatid. Kasunod ng pinagbuting kuwarentenang pampamayanan sa

buong Luzon, pansamantalang huminto ang mga serbisyo sa pagbili ng pagkain online tulad ng

GrabFood at Foodpanda ngunit kalaunan ay nagpatuloy ng operasyon sa Luzon noong panahon ng

kuwarantina.

Nagpamigay ang iilang restawran at kapihan sa buong bansa ng libreng pagkain at inumin

sa mga propesyonal sa unahan ng labanan na nakikilahok sa pandemya, lalo na ang mga

tagapangalaga ng kalusugan.

Bumagal ang produksyon at pamamahagi ng pagkain noong pandemya, lalo na sa Luzon,

pangunahin nang dahil sa kakulangan ng ayudang pera at kahirapan sa pagkarating ng

transportasyon na dulot ng mga ipinapatupad na hakbang sa kuwarentenang pampamayanan ng

iilang mga lokal na pamahalaan. Pinahinto ang paghahatid ng sariwang gulay mula sa lalawigan ng

Benguet, na nagtutustos ng higit sa 80 bahagdan ng pangangailangan ng bansa sa gulay-paltok dahil

sa pagpapatupad ng "matinding pinagbuting" kuwarentenang pampamayanan sa La Trinidad.

Pinayuhan din ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang mga lokal na magsasaka ng palay na

ipagbili ang kanilang mga ani sa kanila, at tiniyak na magtutulong sila sa pamamahagi sa kani-

kanilang mga pamayanan sa gitna ng mga paghihigpit ng hangganan.( Ivan P. Clarin, 2021)

Pampublikong Unibersidad sa Pilipinas


7

Ang terminong "pampublikong" ay nagpapahiwatig na ang pondo ng unibersidad ay

bahagyang mula sa mga nagbabayad ng buwis ng estado. Ito ay hindi totoo para sa mga pribadong

unibersidad (bagaman ang katotohanan ay ang karamihan sa mga pribadong institusyon ay

tumatanggap ng mga benepisyo mula sa kanilang katayuan sa non-profit tax at mga programang

pinansiyal na suportado ng gobyerno). Mahalaga rin na napansin na maraming mga estado ang

hindi, sa katunayan, pondo ang kanilang mga pampublikong unibersidad ng sapat, at sa ilang mga

kaso na mas mababa sa kalahati ng badyet sa pagpapatakbo ay nagmumula sa estado. ( Allen Grove,

2022)

Pagtuturo habang pandemya sa Pilipinas

Sa pangkalahatan, habang papalapit ang pinipilit na school opening ay lumalabas

ang maraming problema. Numero uno ang kung paano patatakbuhin ang klase na di

isinasaalang-alang ang kalusugan ng mga bata. Hindi pa malalaman ang resulta ng no face

to face na klase hanggang di nasisimulan ang full online scheme. May mga modules at

written lessons para sa mga di makasasabay dito. Ibang usapan pa ang sinasabing kulang

na kulang sa preparasyong ang bigat ay napunta sa balikat ng mga guro. Paano din ang

kalusugan ng mga guro na walang ibinibigay na hazard pay ang gobyerno. Napakaraming

pasanin ng mga guro lalo na sa publikong eskwelahan lalo na sa module development.

Kaya kung may mabasang status na laban sa mga guro ay ganoon ko na lang ipagtanggol.

(Francisco Montesena,2020)

Covid at Virus sa Pilipinas

Lagpas isang taon na ang pandemya sa Pilipinas. Mataas pa rin ang bilang ng mga

kaso ng coronavirus infection, pati na rin ang bilang ng mga problemang hatid nito sa iba’t

ibang sektor sa bansa. Isa sa marahil ay pinakaapektadong sektor ang mga manggagawa.
8

Marami na ang nawalan ng trabaho dahil sa ilang beses na lockdown dahil sa malalang

sitwasyon sa Pilipinas. ( Ralf Rivas, 2021)

Foreign na Kaugnay na Literatura

Positive Effect of Pandemic

Sa kadahilanan ng Covid 19 na itigil ang mga normal na aktibidad ng ekonomiya, ang mga

tao ay obligadong nasa bahay laman, ang mga krimen na nangyayari sa kalsada kagaya mg

pananakit at pagnanakaw ay bumaba, pero ang domestikong violence ay tumaas, ang mga traffic

ay bumaba n a naging dahilan para ang pollusyon sa hangin ay naging 20 -30%. (Bryn Nelson,

2020)

Negative Effect of Pandemic

Ang Covid-9 pandemic ay humantong sa isang dramatiko pagkawala ng buhay ng isang

taosa buong mundo na hinamon ang mga bagay kasangkot sa pampubliko kalusugan, sistema ng

mga pagkain at trabaho. Ang kaguluhan sa ekonomiya at lipunan ay dulot ng pandemya ay

nakakasira: sampu sa milyon na tao ay nasa dulo na napagiging mahirap. Halos kalahati ng mga

trabaho sa 3.3 bilyon buong mundo workforce ay nasa paganib na mawawala ang livelihood. Ang

pandemya ay na apektuhan ang buong sistema ng pagkain, ang border closures, restrikto sa trade

at ang confinement measures ay nagpapapigil sa mga magsasaka na makaaccess sa mga market na

pinagbibilang nila ng pananim at sa pagbenta nila nito. (Kimberly Chriscaden, 2020)

Nationwide Pandemic
9

Ang novel coronavirus disease (COVID 19) ay naging dahilan umunlad ang global

pandemic, nung 15 ng Disyembre 2020, humigit umabot ng 70 milyon na reported na kaso. Ang

naging sagot ng mga gobyerno ay nagtala sila ng mga batas na makakatulong sa pagbawas ng kaso

kagaya ng border closures, pag-sara ng mga eskwelahan, pag-ban ng mga akitibidad nakatulad ng

mga social gathering. (Joel Persson, Jurriaan F. Parie, & Stefan Feuerriegel, 2021)

Covid-19 in Other Countries

Ang Covid-19 ay patuloy na kumakalat sa buong mundo, umaaboot na ng 300 milyon na

konfirmadong kaso at mahigit pa na 5 milyon na patay ang naulat sa mga ibat- ibang parte ng 200

na bansa. Ang Covid-19 ay unang nadiskubrehan sa lungsod ng Wuhan, China sa taon ng 2019

pero ang outbreak ay kumalat ng napakabilis sa buong globo sa unang buwan ng 2020. Nadeklara

ang global na pandemic ng WHO nung 11 March 2020. (BBC, 2020)

Online Classes During Pandemic

Ang Covid-19 ay nagresulta ng pagsara ng mga eskwelahan sa buong mundo. Hingit

umabot ng 1.2 bilyon na bata ay di umaattenda sa klase. Naging resulta nito ang bigla pagbabago

sa normal na edukasyon, na buhay ang e-learning kung saan ang mga guro ay nagtatalakay

paggamit ng digital devices. Sa bigla pag-iba ng uri na pagtuturo sa classroom ang iba ay nagtataka

kung ang online learning ay matutuloy paring sa post-pandemic, at kung paano makakaepekto ito

sa market ng edukasyon sa buong mundo. (Cathy Li & Farah Lalani, 2020)

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pananaliksik na ito a hindi laman na buo para sa paksa na ito ngunit dahil na

rin sa mga taong mausisa tungkol sa mga naging resulta ng pandemya sa Unang antas sa
10

Kolehiyo ng Bulacan State of University. Nang dito na rin ang mga katanungan na

kadalasan tinatanong ng mga tao tungkol sa epekto ng pandemya.

1. Paano na ka epekto ang pandemya sa Unang antas sa Kolehiyo ng Bulacan State of

University

2.Ano ang naging dulot sa pag-aaral ng mga estudyante habang may pandemya

3.Paano napagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral habang may pandemya

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang ginawang pananaliksik ay may kabuluhan dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Upang malaman ang tunay na resulta ng pandemya sa mga mag aaral noong senior

High at ngayon ay nasa unang taon ng Kolehiyo sa Bulacan State University-Bustos

Campus.

Upang magbigay ng kamalayan at malaman ang dapat na gawin na aksyon kung

sakaling ang dulot nito ay negatibo.

Upang magsilbi na sanggunian ng mga susunod na mananaliksik. May adhikain na

punan ang puwang ng pananaliksik na ito

Upang malaman kung pabor ba ang naging epekto ng pandemya sa mga estudyante

Upang malaman kung epektibo ba ang mga naging solusyon para maituloy ang pag-

aaral ng estudyante habang pandemya.

Saklaw at Limitasyon ng mga Pag-aaral

Para sa Saklaw ng pag-aaral:


11

Ang paksa ng pananaliksik na ginawa ay nakatuon sa resulta ng pandemya sa mga

mag-aaral ng Bulacan State University- Bustos Campus na nasa unang antas ng kolehiyo

ngayon.

Para sa limitasyon ng pag-aaral:

Sino, ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga estudyante ng Bulacan State

University-Bustos Campus na nasa unang antas ng Kolehiyo.

Saan, ang pananaliksik na ito ay kasalukuyang ginagawa sa Bulacan State

University-Bustos Campus.

Kailan, ang pananaliksik ay sisimulan sa kalagitnaan ng unang semestro sa

Kolehiyo taong dalawang libo’t dalawang put dalawang, taong kasalukuyan.

KABANATA II

Metodolohiya ng Pananaliksik

Malinaw at tiyak na tinukoy ng kabanatang ito ang mga pamamaraan ng

pananaliksik na gagamitin sa pagsasagawa ng pag-aaral ng mga mananaliksik. Gayundin,

ang mga kadahilanan at katwiran sa likod ng disenyo ng pananaliksik na magiging

pundasyon ng pag-aaral, ang mga respondente na may malaking papel sa pag-aaral,

instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng pangangalap ng datos, at pagsusuri ng mga

datos.

Disenyo ng Pananaliksik
12

Ang disenyo ng mananaliksik ay tumutukoy sa pangkalahatang stratehiya na pinili

ng mga mananaliksik upang isama sa bahagi ng pag-aaral. Ito ay nagsisilbing batayan at

gabay para sa koleksyon, pagsukat, at pagsusuri ng mga datos.

Ang disenyo na ginamit ng mga mananaliksik ay ang deskriptibong metodolohiya

ng pananaliksik. Ang pamamaraang ito ay mas nakatuon sa "ano" ng paksang sinasaliksik

kaysa sa "bakit" ng paksang pinag-aaralan (Bhat, 2018).

Mga kalahok sa pag-aaral


Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng isang-daan (100) na magaaral

na nagmula sa Unang Taon ng Kolehiyo sa Bulacan State University-Bustos Campus taong

kasalukuyan. Ang metodo na ginamit sa pagpili ng tagatugon ay Purposive Sampling kung

saan ang mga mananaliksik ay pipili ng mga tagatugong makakapagbigay ng

impormasyong naaayon sa pag-aaral. Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-aarl sa

Unang taon ng Kolehiyo na naka ranas ng ibat ibang resulta sa Pandemya habang sila ay

nag aaral.

Mga Respondente Bilang ng Respondente

BSIT 1A 25

BSBA 1D 25

BSBA 1C 25

BSBA 1A 25

TOTAL 100
13

Lugar ng pag-aaral
Ang lugar ng aming pag-aaral ay sa Bulacan State University-Bustos campus kung

saan dito namin makukuha ang aming datos at mga tigatugon upang magamit namin para

sa aming gagawing pananaliksik tungkol sa Ang Resulta ng Pandemya sa mga magaaral sa

unang Antas ng Kolehiyo sa Bulacan State University-Bustos Campus.

Instrumento ng Pananaliksik

Para sa hangarin ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksikay napiling gamitin

ang self-administered questionnaire bilang instrumento ng pananaliksik. Ang self

administered questionnaire (SAQ) ay tumutukoy sa isang palatanungan na sadyang

dinisenyo upang makumpleto ng isang tagatugon nang walang interbensyon ng mga

mananaliksik (e.g. isang tagapanayam) na nangongolekta ng datos (Lavrakas, 2008). Sa

tulong ng Google Forms ay ito’y masagutan ng mga tigatugon sa panahon ng pandemya

Ang palatanungan ay nahahati sa dalawang seksyon:

A- Sa seksyong ito, kinakailangan na sagutin ng mga sumasagot ang mga tipikal na

katanungan sa isang palatanungan sa sarbey tulad ng pangalan, edad, kasarian, atbp.

B- Sa bahaging ito, naglalaman ito ng mga tanong na ibinigay ng mga mananaliksik upang

tipunin ang mga datos na kailangan nila para sa pananaliksik. Ang mga sagot ay ibinigay,

at tinitiyak ng mga mananaliksik na ito ay walang pinapanigan at hindi

nakakasakit sa mga tagatugon.

Panggangalap at pagtitipon ng datos


Para sa pamamaraan ng pagkalap ng datos, ang mga mananaliksik ay kailangan na

kumuha ng permiso para sa mga potensyal na tagatugon ng ginagawang pananaliksik. Isang


14

obligasyon ng mga mananaliksik na protektahan ang identidad at kompidensiyal na

impormasyon. Sa pagkolekta ng mga datos na kailangan, minabuti ng mga mananaliksik

na kuhanin ang datos ng kabuuang bilang ng mga nasa unang taon ng kolehiyo sa Bulacan

State University-Bustos Campus. Ginamit ng mga mananaliksik ang talatanungan sa

pagkuha ng mga datos mula sa tagatugon upang mapadali hindi lang para sa mga

mananaliksik kung hindi maging sa mga tagatugon ang pagsagot.

Pagsusuri ng datos
Ang mga nakalap na datos ay pinagsama-sama, isinaayos at inalisa upang masahot

ang mga suliranin ng pag-aaral. Para ilarawan ang mga sagot ng mga tagatugon ginamit ng

mga mananaliksik ang Nominal Scale kung saan ay ito ay makakapag labas ng datos gamit

ang mga visual aid katulad ng bar at pie chart.

Talasanggunian

-Allen Grove, 2020, Kahulugan ng Pampublikong Unibersidad, Estado, eferrit Retrieved from

https://tl.eferrit.com/kahulugan-ng-pampublikong-unibersidad

-Amanda Farnsworth, 2020, Coronavirus around the world, World, BBC NEWS: Retrieved from

https://www.bbc.com/news/world-51235105

-Bryn Nelson, May 4, 2020, The positive effects of covid-19, UK, thebmj: Retrieved from

https://www.bmj.com/content/369/bmj.m1785

-Bhat, A. Descriptive research: Definition, characteristics, methods, examples and

advantages. Retrieved from https://www.questionpro.com/blog/descriptive

research.
15

-Cathy Li & Farah Lalani, April 29 2020, The COVID-19 pandemic has changed education forever,

Denmark, World Economic Forum: Retrieved from

https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global-covid19-online-digital-

learning/

-Francisco Montesena, June 2020, Ang Pagtuturo ay Isang Tuldok sa Pandemya, Agono,

Rizal, National Book Development Board. Retrieved from

https://booksphilippines.gov.ph/ang-pagtuturo-ay-isang-tuldok-sa-pandemya.

-Ivan P. Clarin, May 2021, Pandemya ng COVID-19 SA PILIPINAS, Wikipedia. Retrieved from

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-19_sa_Pilipinas

-Joel Persson, Jurriaan F. Parie, and Stefan Feuerrigel, June 29, 2021, Monitoring the COVID-19

epidemic with nationwide telecommunication data, USA, National Academy: Retrieved from

https://www.pnas.org/content/118/26/e2100664118

-Kimberly Chriscaden, October 13, 2020, Impact of COVID-19 on people's livelihoods, their health

and our food systems, World Health Organization. Retrieved from

https://www.who.int/news/item/13-10-2020-impact-of-covid-19-on-people's-livelihoods-their-

health-and-our-food-systems

-Lavrakas, P. (2008). Encyclopedia of survey research methods. DOI: Retrieved from

http://dx.doi.org/10.4135/9781412963947

- Picardal Enrique B. Jr, (2020), Ang mga epekto ng pag-aaral sa online na edukasyon sa pagganap

ng mga mag-aaral dahil ng covid 19 pandemic, Biliran Province State University, Naval Province

Biliran: Retrieved from Ang_mga_epekto_ng_pag_aaral_sa_online_na.pdf


16

-Ralf Rivas, May 7, 2021, Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya, Rappler.: Retrieved

from https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-problems-coronavirus-

pandemic-employment-labor-sector-philippines.

-Vanmark B. Gonzaga, Disyembre 20, 2013, Buhay ng mga Mag-aaral, Zamboanga Del Norte,

Academia: Retrieved from https://www.academia.edu/6339311/Buhay_ng_mga_Mag_aaral

-Vercide, Jhoemz, 29 May 2020, Online Classes: Epektibo nga ba para matuloy ang pasukan?,

Taguig City University. Retrieved from https://thelookout.com.ph/article/online-classes-epektibo-

nga-ba-para-matuloy-ang-pasukan

TALATANUNGAN

I. Impormasyon ukol sa Talatanungan

Ang Talatanungan na ito ay inihanda para sa mga mga-aaral ng Bulacan State

University- Bustos Campus na nasa unang taon ng Kolehiyo. Naglalaman ito ng mga

katanungan na sasagot sa Resulta ng Pandemya sa mag aaral.

Ang Self-administered questionnaire na ito ay espesipikong dinisenyo para kumpletuhin

ng mga tagatugon ng walang pakikialam ng mga mananaliksik (Lavrakas, 2008). Kapag na tapos

mo ng sagutan ang mga katanungan, maari mo na I click ang submit button na nasa dulo ng Google

Form. Makakaasa ka na kompidensyal ang iyong magiging sagot.


17

A. Propayl ng Tagatugon

Pangalan: __________________________ Kasarian: ____________________________

Edad: ______________________________ Kurso at Sekyon: _____________________

B. Inisyal na Reaksyon

1. Naging mahirap ba ang pag-aaral ngayon dahil sa pandemya?

•Oo

•Hindi

2.Mas madali mag-aral sa onlayn na klase kaysa sa harapang klase.

•Oo

•Hindi

3.Nahihirapan ako magfocus sa onlayn na klase kaysa sa face to face klase.

•Oo

•Hindi

4. Ang trabaho ng aking magulang ay nagbago na resulta ng pandemya.

•Oo

•Hindi

5. Ang badyet ng aming tahanan ay mas limitado ngayon na resulta ng pandemya.


18

•Oo

•Hindi

6. Ako ay naging produktibo bilang isang mag-aaral kahit na nasa gitna ng pandemya.

•Oo

•Hindi

7. Hindi na ako pumupunta kung saan-saan dahil sa takot na mahawaan ng virus.

•Oo

•Hindi

8.Dahil sa onlayn na klase, nagagawa ko ang mga aktibidad kahit saang lugar

•Oo

•Hindi

9.Mas lumuluwag ang oras sa pag gawa ng mga aktibidad at iba pang gawain dahil sa

onlayn na klase

•Oo

•Hindi

10.Mas nakatulong ang onlayn na klase sa mga mag-aaral sa panahon ng pandemya.

•Oo

•Hindi
19

Output:

Aming napagdesisyunan na ang aming gagawing awtput ay, kami ay gagawa ng booklet

na nag papakita kung pano naapektuhan ang mga mag aaral at kung ano anong mga positibo

na idulot sa kanila ng pamdemya para makita na hindi lamang puro negatibo ang naging

epekto nito satin.

Grupo 4

Batal, Angelo S.(lider)

Batal, Angela S.

Canceran, Angel Nicole B.

Manugay, Elmina D.S.

Yabut, Carlos Miguel D.

You might also like