You are on page 1of 3

2019-00060-MN-0 Filipino sa Piling Larang

Flojo, Jorge A. G. Christopher Pasion


STEM 12-3

PANGWAKAS NA GAWAIN

Posisyong Papel hinggil sa Online Class bilang New Normal Set-up sa lahat ng
Paaralan sa Bansa

Naging hamon ang pandemya hindi lamang sa kalusugan at kabuhayan ng mga


Pilipino sa bansa kundi pati na sa edukasyon. Maraming mga establisyimento ang
nagsara bunsod ng kawalang-kita dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Isa rin sa hamon ng
mga paaralan ay ang pag-adapt sa new normal set-up na iminungkahi ng Kagawaran ng
Edukasyon upang maipagpatuloy ang pagbubukas ng klase at hindi mahuli ang mga
kabataan sa pag-aaral sa gitna ng pandemya. Kaya naman inanunsyo ng Kagawaran ng
Edukasyon na sa Oktubre 5, 2020 na ang pagbubukas ng klase sa pribado at
pampublikong paaralaan sa bansa sa halip na Agosto 24 upang mas mapaghandaan pa
ang mga kakailanganing gamit para sa pagtuturo ng mga guro at sa pag-aaral ng mga
mag-aaral.

Lingid sa kaalaman ng nakararami ay ang mga guro na hindi alam kung papaano
ang gagawing pag-adapt dahil sa new normal set-up na iminungkahi ng kagawaran at
ang mga mag-aaral na walang kakayahang bumili ng mga gamit para sumabay sa
pagbubukas ng klase. Bukod dito, mas may kakayahan ngayon ang mga may internet at
mga online gadyets na sumabay sa takbo ng pag-aaral habang ang iba ay nahihirapan
dahil sa hina ng signal na kanilang natatanggap sa kanilang lugar o kaya naman ay
malayo ang kanilang nilalakbay para lamang makagawa ng kanilang mga aralin.

Sa hakbang na ito, tila hindi maganda ang ganitong uri ng mode of learning para
sa lahat dahil sa iba’t ibang sitwasyon na kanilang pinagdadaanan at pati na ang mga
kabataan. Higit pa rito, ang mga gastusin na kakailanganin hindi lamang sa pag-aaral
kundi sa pang-araw-araw na pamumuhay kasama na rin dito ang kalusugan na dapat
pagtibayin ngayong pandemya.
Sa panahong kumakaharap ang buong bayan ng isang pandemya, naniniwala
ako na dapat ay magkaroon muna ng konkretong plano kung paano lalabanan ang
kinakaharap na pandemya bago ang planong new normal set-up para sa mga mag-aaral.
Dahil sa lumalang epekto ng pandemya sa ating lipunan, ito ay nagdala ng pangamba sa
mga kabataan at pati na sa mga kaguruan. Sa ipinatutupad na quarantine restrictions ay
naging mahirap ngayon para sa lahat ang makaaccess ng kanilang kakailanganin para
sa klase. Bukod dito ay ang kanilang kalusugan at kakulangan sa gadyets.

Distance learning ang magiging sistema. Sa halip na pisikal na klase kaharap


ang mga guro sa mga paaralan, tuturuan ang mga estudyante sa pamamagitan ng
printed modules, online learning, at mga leksiyon sa TV o radyo.

Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines sa paparating na pasukan ay base sa


isang survey. Ngunit ayon kay Magsambol: "Ang concern ko sa survey na ito, sino ba ang
makaka-access ng surveys na ito na ginawa nila online? Iyong mga may internet access
din. Paano natin mabibigyan ng boses iyong mga walang access sa internet? Paano sila
makakapag-participate doon di ba?"

Ayon sa December 2019 data ng DepEd, 67% lamang ng mga Pilipino ang may
access sa internet. Paano ang natitirang 33%? Ayon sa DepEd, bibigyan ng printed
modules ang mga walang access sa internet.

Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at pisikal na


diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay
malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa unang buwan ng panibagong
school year.

Ayon naman kay Gavilan, dapat alalahanin ng gobyerno ang iba't ibang
pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante: "Dito talaga makikita iyong
inequality sa mga bata kasi parang… kahit na sabihin na lahat ay same lessons din per
grade level, iyong access nila sa resources hindi pare-pareho. May mga bata na available
agad ang computer, habang may mga batang aalalahanin pa ng parents kung saan
kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer para sa online
classes."
Maraming tutol sa desisyon ng DepEd na ituloy ang school opening. Ayon sa
mga magulang at estudyante, naaapektuhan ng lockdown ang kanilang kabuhayan at
hindi nila kakayanin ang gastusin. Marami ring pamilyang walang access sa kompyuter
o internet. May mga batang ang magulang ay hindi sapat ang kaalaman para tumayong
guro sa tahanan.

Ilan lamang ito sa mga katotohanan na nakuha tungkol sa new normal set-up na
iminungkahi ng Kagawaran ng Edukasyon para sa pagbubukas ng klase nitong Oktubre
5. Iminumungkahi ko rin na dapat ay magkaroon muna ng sapat na panahon para
pagplanuhan o magkaroon ng konkretong plano para sa paglaban sa COVID-19 upang
masugpo ito at mas mabilis na bumaba ang mga kaso nito sa bansa. Bunsod nito, mas
magiging ginhawa para sa karamihan at hindi mangangamba para sa pagbubukas ng
klase kung makikita na may pagpapaplano para sa kalusugan ng lahat. Ito ang realidad
sa Pilipinas na kung saan dapat tayong tumindig at magsalita para sa kapakanan ng
nakararami. Kung hindi ngayon, kalian pa? Kung hindi tayo, sino pa? Ito na ang oras para
ipakita na may magagawa upang magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa paglaban
natin sa kasalukuyang sitwasyon.

You might also like