You are on page 1of 3

ONOFRE, MARY ROSE P.

PCED-03-501A

Photocredits: Phil Star at sa may-ari na si Rene A.

Dry run ng Face-to-Face Classes, mabuti nga ba?

NAPAKARAMING pagbabago magmula ng magkaroon ng hindi inaasahang


Pandemya. Lahat ng tao ay apektado at maraming nawalan ng trabaho. Dahil sa
masalimuot na pangyayari tinigil ang Face to Face Classes ng mga estudyante ngunit
ito ay pinalitan ng tinatawag na “New mode of Learning”, ito ay ang online class. Sa
pagpapalit ng bagong moda ng pag-aaral ay halos dumami ang mga nagpapatiwakal na
mga estudyante dahil hindi nila kaya ang ganoon kalagayan, maraming mga
estudyanteng hindi kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho kaya mas
pinili na lang na huminto at hindi makasabay, maraming mga estudyante ang walang
kagamitan na gagamitin sa online class dahil hindi lahat ng tao kayang bumili ng mga
gadgets at ang mga magulang ay hindi lahat nakapag-aral kaya paano nila matuturuan
o matutulungan ang kanilang mga anak kung sila mismo wala silang kaalaman sa pag-
aaral. Ilan lamang yan sa mga rason kung bakit maraming estudyante ang hindi na
makasabay sa pagbabago ng moda ng pagkatuto.

Ngayon ay nagpaplano na magkaroon ng dry run para sa face to face classes na


gaganapin sa Enero. Lunes ng gabi ng inanunsiyo ng Malacañang na inaprubahan na
ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng DepEd o Department of Education sa
pagsasagawa ng dry run o pilot implementation para sa face-to-face classes na
gaganapin sa susunod na taon ng Enero, 2021. Mayroong mga taong aprubado at
mayroon naman hindi aprubado. Ngunit kung titignan ito ay talaga nga namang hindi
malabong mangyari na dumami ang kaso ng may sakit na Covid-19 kung ipagpapatuloy
ito sapagkat magtitipon-tipon na naman ang mga tao o ang mga estudyante. Hindi
maiiwasan na hindi makasagap ng sakit kung ipagpapatuloy ito dahil madalas nga hindi
naman nagagawa ang isang kilometrong layo mula sa mga tao. Kahit pang sabihin na
boluntaryo naman ang pagpapapasok ng mga estudyante at kinakailangan ng may
written constent dapat ng magulang at susunod sa health standards sa paaralan,
tahanan at transportasyon. Ayon nga kay Education Undersecretary Nepomuceno
Malaluan, may checklist ding dapat sundin ang mga paaralan para matiyak na
masusunod ang health standards kontra COVID-19. Kasama umano rito ang physical
distancing sa mga classroom, at availability ng face masks, face shield, at hand-
washing facilities. Kahit pa sabihin ng mga nasa itaas na iingatan nila ang mga
estudyante at papanatilihin ang pagkakaroon ng “social distancing” ay hindi ito
masisiguro dahil hindi naman nakikita kung sino ang kalaban dito. Sabi nga ng isang
magulang na tutol sa pagkakaroon ng Face to Face classes sa Enero ay “Kasi po 'yong
virus talaga hindi mo talagang maiiwasan po talagang kahit na mag-ingat ka. Kung may
sinasabi nilang gobyerno na may vaccination na, doon na po siguro mag-face-to-face."
ani Oroña. Kung magkaroon ng sakit ang mga bata, sino ang magpapagamot? Sino ba
ang dapat sisihin kapag nangyari yun? Hindi ba kayang pagtiisan muna ang bagong
moda ng pagkatuto hanggang sa maitala na pwede ng lumabas dahil Covid-free na ang
Pilipinas. Akala ko ba bawal lumabas ang mga bata tapos sasabihin ayon daw sa
studies mas high risk ang mga bata kapag nasa bahay. Paano magiging high risk an
gang bata kung hindi sila lumalabas sa bahay? Kapag ba pumasok sa paaralan, ligtas
na ba sila? Maraming factors kung paano makakakuha ng virus ang mga bata kasama
na rito ang pagpasok sa paaralan at pag-uwi sa bahay. Napakadelikado nito at hindi mo
mapipigilan ang paglapit sa isa’t isa lalo na ang mga bata.

Mag-isip ng maayos upang makagawa ng maayos na desisyon. ‘Wag


magpaligoy-ligoy sapagkat maraming mapapahamak kung ito’y ipagpapatuloy.
Pakinggan ang mga hinaing ng mga estudyante at magulang. Isa lang ang buhay ng
tao, ‘wag gawing eksperimento. Mas magandang magbukas ng Face-to-Face Classes
kapag may gamot na at kapag wala ng kaso ng naturang sakit. Mas mahalaga ang
kalusugan ng mga bata kaya wag madiliin. Ang proseso ng pag-aaral ay mahalaga
ngunit magiging matagumpay ito kung ang kalusugan ay maayos at walang sakit.

You might also like