You are on page 1of 3

Kabanata I

Noong huling araw ng Disyembre 2019, naitala ang pagkalat ng isang sakit na
nakakahawa’t nakakamatay na tinatawag na “Corona Virus”, sa probinsya ng Wuhan,
China. Ito ang dahilan ng pagkayanig buong daigdig at nagdulot ng pagbagsak ng
ekonomiya at ito rin ang sanhi nag pagpapatigil sa edukasyon hindi lang sa ating bansa
kundi sa buong mundo. Dahil sa tuluyan at malawakang paglaganap na nakakahawang
sakit, agad agad nag kilusan ang mga magkakaratig na bansa upang gumawa ng hakbang
upang hindi maiwasan ang mabilis na pagkalat nito. Inanunsyo ang pandemya noong ika-
11 ng Marso 2020. Ang pandemya ay isang malawakang paglaganap ng isang sakit bukod
sa lokal ay maaari rin itong makarating sa iba’t ibang bansa. Ang Pilipinas ang isa sa mga
naapektuhang bansa at tuluyang idineklara ang lockdown sa bansa araw ng Lunes, ika-16
ng Marso 2020. Habang isinasagawa ang lockdown dahil sa pandemya ay nagdulot ng
malaking pagbabago sa tradisyunal na pagtuturo. Ang pandemya ay hindi hadlang sa
patuloy na pag-aaral ng mga estudyante sa lahat ng paaralan sa panahong ng pandemya,
kaya’t nakagawa parin ng alternatibong paraan ang Kagawaran ng Edukasyon at ang
paaralan na New Sinai School and Colleges Sta. Rosa, Inc. Ito ay nagsagawa ng pagtuturo
online o tinatawag na online class, ito ay bagong pamamaraan ng pagtuturo sa
kalagitnaang pandemya upang hindi maging hadlang ang lockdown. Ang ganitong klaseng
pagtuturo ay malaking kapanibaguhan sa mga guro, at mga estudyante sa pribadong
paaralan at lalong lalo na sa pampublikong paaralan sa buong bansa. Dulot ng
pagbabagong ito ng dahil sa pandemya, isang malaking hamon at responsibilidad ito para
sa ating mga guro, mag-aaral, at higit sa ating mga magulang. Ang edukasyon ang
pinakaimportante sa isang kabataan upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi
maipagkakaila na ang edukasyon ay malaking parte ng buhay na kailangan mong maabot
upang ika’y magpatuloy sa pagharap sa hamon ng buhay. Ang kagandahang pinagkaiba
nitong online sa class sa face-to-face class, mas maraming nakakatipid at nakakamenos sa
mga kani-kanilang gastusin para sa kanilang araw araw na buhay. Isa rin sa problema ng
karamihan ay ang pagkakaroon ng internet sa kani-kanilang tahanan, dahil hindi lahat ng
mag-aaral ay kayang magkaroon ng malakas na internet para sa kanilang pagaaral. Hindi
rin lahat ay may kagamitan para sa online class.
Isa ang pandemya sa mga problemang kinakaharap ng mga estudyante ng 1st year
college ng Medical Technology sa New Sinai and Colleges Sta. Rosa Inc. sa panahong ng
paglaganap ng Covid-19 at sa simula ng pandemya.

Ang pagsasaliksik na ito ay makakatulong sa pagkuha ng impormasyon


kinakailangan para malaman ang opinyon nga mga magaaral ukol sa ating kinakaharap
na pandemya, at maaaring magsilbing gabay at magkaroon ng aksyon o programa na nais
makatulong sa mga estudyante dahil sa dulot ng pandemya.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pagsasaliksik na ito ay nagbibigay ng sapat na impormasyon upang malaman


at masolusyunan ang negatibong epekto ng online class sa mga mag-aaral ng Medical
Technology sa panahon ng pandemya ng maaksyunan ng mas mabilis. Layunin din nito na
matuklasan ang epekto ng online class sa kanilang pagkatuto.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Isinagawa nag pag-aaral na ito ay upang malaman ang mga negatibon epekto ng
online class sa mga mag-aaral. Ang mga nabibigyan ng benepisyo nito ay ang mga
sumusunod:

Sa mga guro, ang mga titser sa paaralan ay nagkakaron ng ideyang nakabatay sa


mga posibilidad ng mga negatibong epekto ng online class sa kanilang mga estudyante na
maaaring magsilbing gabay sakanila upang masolusyunan at mabigyan ng gabay at mas
maging maayos ang kanilang pagtuturo sa mga estudyante.

Sa mga magulang, ang pag-aaral na ito may magbibigay linaw sa ating mga
magulang na kung ano talaga ang kakayahan ng mga estudyante at lagay ng kanilang mga
anak sa online class na maaari din nilang bigyan ng pansin para matulungan ang kani
kanilang mga anak sa pag aaral online na nararanasan ng bawat estudyante sa kabila ng
pag oonline class.
Saklaw at Limitasyon

Ang pagaaral na ito ay pagtutuunan ng pag-aaral sa Negatibong Epekto ng Online


Class sa mga Mag-aaral ng 1st year College ng Teknolohiyang Medical sa New Sinai School
and Colleges Sta. Rosa, Inc. sa Panahon ng Pandemiya.

Kahulugan ng mga Salita

Para maunawaan ng mga mambabasa ang ginagawang pag-aaral ay dapat ding


bigyan ng kahulugan ang ibang salitang nakalahad sa pananaliksik

PANDEMYA – ang pandemya ay malawakang paglaganap ng isang sakit na


nakakahawa at ito ay pandaigdigang paglaganap.

ONLINE CLASS – bagong estado ng pag-aaral dahil sa kabila ng pandemya na


ginagamit ng gadgets at internet.

Paglalahad ng Suliranin

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang makakuha ng mga solusyon o kasagutan


sa mga suliraning bumabalot sa gitna ng pandemya at sa katanungan na “Ang Negatibong
Epekto ng Online Class sa mga mag-aaral ng 1st year College nang Medical Technology sa
New Sinai School and Colleges Sta. Rosa Inc. sa Panahon ng Pandemya”.

 Ano ano ang mga naging problema sa estado ng online class?


 Ano ano ng naging negatibong epekto nito sa mag-aaral?
 Bakit naging epektibo ang online class?

You might also like