You are on page 1of 1

Ang pandaigdigang pagsiklab ng COVID-19 pandemya ay nagdulot ng matinding

pangamba, kakaibang problema, hirap at abala sa mga tao. Isa sa mga lubhang
naapektuhan dito ay ang sektor ng edukasyon. Dahil sa pagsuspinde ng pagtuturo sa
loob ng paaralan, nagtatag ang ating gobyerno ng alternatibong solusyon na kung
saan ay tinawag itong distance learning.Hindi maipagkakailang malaki ang
naiaambag at naitutulong nito upang makapagpatuloy sa pag aaral dahil sa
kaginhawaan at katapiran. Subalit hindi rin maitanggi ang mga kahirapan o
desbentaha sa ibang mga estudyante sa ibat ibang mga kadahilanan na ang kanilang
sikolohikal na aspekto ay naaapektuhan

Ang distance learning ay pinatupad upang patuloy paring matuto ang mga
estudyante sa kabila ng banta ng Covid-19. Dahil dito hindi na kinakailangang
lumabas para pumuntang paaralan at hindi na rin kailangan ng ibang kagamitan
bukod sa laptop, cellphone at internet. Ngunit para sa karamihan, nagmistulang
pabigat lamang ito sa kanilang buhay sapagkat ang mga kinakilangan ay dati nang
nagdudulot sa kanila ng problema. Una, ang mga estudyante ay may iba’t ibang
pinanggalingang estado sa buhay, may mga mag-aaral na inaalala parin kung saan
sila makakakuha ng sapat na pera para sa pambili o pag renta ng laptop at wifi na
kinakailangan sa kanilang pag-aaral. Pangalawa, ay ang problema sa maayos na
internet konekyon. Ayon sa pagsusuri, ang ating bansa ang may pinakamabagal na
koneksyon ng internet kaya naman ito’y nagdudulot ng malaking problema sa pag-
aaral sa panahong ito. Dahil dito, ang karamihan sa mga estudyante ay hindi
nakakasabay at nahuhuli sa klase, na kung saan ito ang nagiging dahilan kung bakit
mas lalong nahihirapan ang mga estudyante sa pag-unawa sa kanilang mga leksiyon.
Pangatlo ay ang problema sa oras, dahil sa kadahilanang sa bahay ang bagong
paaralan ng mga estudyante ngayon, maraming balakid at istorbo ang kanilang
kinakaharap sapagkat bukod sa responsibilidad nila bilang estudyante, madadagdag
pa sa kanilang gagawin ang mga resposibilidad nila sa pagtulong sa gawaing bahay.
Dahil dito, nahihirapan silang balansehin ang kanilang oras at ito’y nagdudulot din sa
kanila ng karagdagang stress at problema na nakakaapekto sa kanilang mental o
emosyonal na kalusugan

Sa panahon ng pandemya, mahalagang malaman at pag-aralan ang aspeto ng


sikolohikal sapagkat ito ang magbibigay nang mas malalim na pagkaunawa sa
paguugali, pagganap, at pagpapatakbo ng kaisipan ng mga estudyante lalo na sa
patuloy na krisis ng pampublikong pangkalasugan dito sa bansa.Hangad lamang ng
pananaliksik na ito siyasatin at kilalanin ang mga epekto ng distance learning sa
kasagsagan ng pandemya sa sikolohikal na kalusugan ng mga mag-aaral ng University
of Saint Louis. Nais ng pananaliksik na ito ang pagtuklas sa mga epekto ng e-learning
sa sikolohikal na kalusugan ng mga mag-aaral.

You might also like