You are on page 1of 4

KABANATA 1

INTRODUKSYON

Nang dahil sa isang epidemya na tinatawag na Corona virus o Covid-19, ang kagawaran

ng Edukasyon ay naglunsad ng mga online na kurso upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang

kanilang pag-aaral nang walang virus o sakit na nakakaapekto sa kanilang kalusugan.

Sa pag-usbong ng ibat-ibang teknolohiya ay nabuksan din ang iba’t-ibang plataporma

tulad ng zoom meeting, google classroom, google meet kaya naman naging posible ang

panibagong sistema ng pag-aaral na kung saan tinatawag itong online class o online learning

mode. Nagagamit ito sa pakikipagpalitan ng mga impormasyon upang mapanatili ang mga

gawain ant mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pag-aaral. Maghaharap ang mga mag-aaral at

guro nila sa plataporma na ito para doon italakay ang mga aralin at ibigay ang mga gawain,

assignatura, proyekto at mga iba pang aktibidad na isusumite rin online. Ngayon, maraming

paaralan ang kumupkop sa pagbabagong ito isa na rito ang mga mag-aaral sa hayskul particular

na ang mga nasa Senior High School. Hindi maipagkaila na malaki ang naiiambag at naitulong

nito upag makapagpatuoy sa pag-aaral dahil sa kaginhawaan at katipiran sapagkat hidi na

kailangang gumastos ng pamasahe papuntang paaralan at mag-upa ng mga matitirhan na malapit

sa paaralang pinapasakukan bagkus kahit na nasa bahay lang ay maar kanang dumalo sa klase.

Subalit hindi rin maitatanggi ang mga kahirapan o desbentaha sa mga ibang estudyante sa iba’t-

ibang mga kadahilanan na ang kanilang mental na kalusugan ay naapektuhan.

Sa pamamaraan ng panibagong sistema ng pag-aaral o online class ay hindi na kailangan

ng mga ano-ano pang kagamitan bukod sa mga iba’t-ibang klase ng gadyets na maikokonek sa
internet ay maarai ka nang makibahagi sa talakayan sa mas mabilis na paraan ngunit may mga

bagay na sabagal sa pagpapalagan ng online class sa kadahilanan na alam naman natin ang

bansang pilipinas ay isa sa may pinakamabagal na koneksyon ng internet. Hindi rin lahat ng

mag-aaral ay may pribilehyong magkakaraoon ng maayos na koneksyon sa internet at gayundin

sa kawalan ngkagamitang teknolohiya para sa bagong modal ng pag-aaral. Gayunpaman, sa parte

ng mga mag-aaral nangangailan ng katatagan ng loob dahil sa mga maraming balakid at mga

bagay na nakakaistorbo sa kanilang pokus. Ayon sa studuco.com Dahil sa marami o patong-

patong na mga aktibidad na ipinapagawa ng ilang mga paaralan, malaki ang nagiging epekto nito

sa pisikal na kalusugan. Katulad na lamang ng pagbagsak ng timbang, hirap o wala na sa tamang

oras ang pagtulog, at pagkapagod ng mata. Bukod pa rito, ang online class din ay nakakaapekto

sa mental na kalusugan. Karamihan sa mga estudyante ay sinasabing nakauubos at nakatutuyot

ito ng utak at enerhiya, na nagiging resulta ng kawalan ng gana mag-aral at maaaring magdulot

ng isa sa mga sakit sa pag-iisip, o mas partikular, ang depresyon o pagkabalisaat maari din

magdulot nag karagdagang stress at iba pang nakakaepekto sa kanilang mental na kalusugan.

Kaya naman ang pag-aaral o pananalisik na ito ay pomupokus sa epekto ng panibagong

sistema ng pag-aaral sa mga mag-aaral ng Senior High School para makatulong at mabigyan ito

ng solusyon.
LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay may layuning tukuyin ang mga epekto ng panibagong sistema ng pag-

aaral sa mental na kalusugan ng mga mag-aaral ng Senior High School.

Ang pag-aaral na ito ay layuning tugunan ang mga sumusunod na suliranin;

1. Ano-ano ang epekto ng panibagong sistema ng pag-aaral sa mental kalusugan ng mga

mag- aaral ng Seniro High School?

2. Ano-ano ang mga bagay na nagiging sanhi sa mga nasabing epekto?

3. Ano ang pamamaraan o kaisipan ng mga mag-aaral upang matugunan ang epekto ng

panibagong sistema ng pag-aaral sa kanilang mental na kalusugan?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nagsilsilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral at

mambabsa na malaman ang mga negatibong epekto ng makabagong paraan ng pag-aaral sa

kanilang mental na kalusugan na kung saan maari nilang bigyan ng solusyon.

Sa mga Guro. Ang guro ay magkakaroon ng kalaman at ideya kung ano ano ag mga

epekto ng makabagong sistema ng pag-aaaral lalo na sa menthal health ng mga mag-aaral at

maari din nilang tugunan ang ilan sa mga suliranin nito.

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng gabay sa mga magulang

kung ano ang maaaring solusyon sa mga suliranin ng kanilang anak sa bagong sistema ng pag-

aaral.
Sa mga sumusunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay sa

mga sumusunod pang pananaliksik

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay pomupokus sa epekto ng panibagong sistema ng pag-aaral na

sumasaklaw sa nakakasamang epekto nito sa mental na kalusugan ng mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ng Senior High School ang nasisilbing respondante na taga- tugon sa

survey questionare na sumsaklaw sa kanilang mga opinyon, sariling karanasan o ideya kung ano

ang epekto ng bagong modal ng pag-aaral sa kanilang mental na kalusugan.

You might also like