You are on page 1of 6

EPEKTO NG CYBER BULLYING SA PAG AARAL NG MGA STUDYANTE NG

NOTRE DAME OF KIDAPAWAN COLLEGE

SHERRY MARIE GITO

RIESTY JAY GUEVARRA

GESSA MAE INDO

JEANIL JOSH JASO

FEBRUARY 2023
KABANATA I

PANIMULA

Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga bansang talamak ang

paggamit ng socials media sites lalong lalo na sa panahon na nagsimula ang

pandemya. Ayon sa pinakabagong istatistika at katotohanan ng social media,

kasalukuyang nasa 4.74 bilyong tao ang gumagamit ng social media sa buong

mundo at inaaccess ang kanilang sariling account araw araw. Ayon naman

kay Matt Alghren ang pinakasikat na social media platform ay Facebook, na

may mahigit 2.7 bilyong buwanang aktibong user, na sinusundan

ng YouTube na may 2 bilyong buwanang aktibong user at Instagram na may 1

bilyong buwanang aktibong user.

Dahil sa pandemya na kinakaharap ng mga Pilipino ngayon ang social

media ay naging daan upang maipahayag ang mga saloobin at opinion sa

mga makabagong ideya ngunit ang social media din ay naging isang mala

kathang isip na dimension at nagtaguyod ng mga negatibong emosyon dahil

naging bukas ito sa maling paggamit at pang aabuso. Nagtulak din ito sa mga

Pilipino na mapanghusga dahil sa laganap na pagpapakita ng mga Pilipino sa

social media ng halos perpekto at walang kastress stress na buhay at

humantong sa paglaganap ng cyber bullying.


Ayon kay Dinalene Babac, ang cyberbullying ay isang uri ng bullying na

nangyayari sa pamamagitan ng digital technology. Kabilang na dito ang mga

social media networks, text o instant messages, at emails. Nakararanas ng

harassment ang isang indibidwal o grupo gaya ng personal na pag-aakate,

paninira, o ibang bagay na hindi mabuti o nakasasama sa kaniyang pagkatao

at may kaakibat na krimen gamit ang computer o smart phones o anumang

gadget. Ang pagkakaiba sa pagitan ng cyberbullying at tradisyunal na

pananakot ay ang cyberbullying ay madals na nagpapatuloy kahit sa paaralan.

Paglalahad ng Suliranin

Kaugnay ng pananaliksik tungkol sa epekto ng cyber bullying sa pag

aaral ng mga studyante ng Notre Dame of Kidapawan College nais ng mga

mananaliksik na bigygang linaw ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga tagatugon ayon sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Antas ng taon

2. Antas ng paggamit ng social media sites ng mga mag aaral particular

sa:

2.1 Facebook

2.2 Tiktok

2.3 Twitter
3. Ano ano ang mga negatibong epekto ng Cyber bullying sa mag aaral

ng Notre Dame of Kidapawan College.

4. Paano nakakaapekto ang Cyber bullying sa pag aaral ng mga

studyante ng Notre Dame of Kidapawan College.

5. Ano ang paraan upang masolusyunan ang mga negatibong epekto ng

Cyber Bullying.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa kabataan:

Ang pag-aaral ng cyberbullying ay paraan upang maiwasan at masuri

ano ang ang dahilan sa likod ng pambubully.

Sa mga magulang:

Mahalagang matalakay ang cyberbullying upang malaman ng mga

magulang na ang cyberbullying ay laganap pa rin na problema ng mga

kabataan.

Sa komunidad:

Nakakatulong ito upang malaman ng komunidad na halos lahat ng

kabataan ay nakakaranas ng pambubully at upang mabigyan ng aksyon ang

ganitong uri ng pananakit sa kapwa.


Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapokos sa pagkaunawa ng mga mag-aaral

sa epekto ng bullying sa mga estudyante sumasaklaw lamang sa mga mag-

aaral mula sa Notre Dame of Kidapawan College sa ikalawang semester

taong pampaaralan.

Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay

sumasaklaw ng ilang mga indibidwal sa siyang magiging taga-tugon sa sarbey

kwestyuner, sa pamamagitan ng random sampling. Ang pag-aaral na ito ay

limitado lamang sa 50 mag-aaral sa Notre Dame of Kidapawan College sa

ikalawang semstre taong pampaaralan 2023-2024 sapagkat ang mga mag-

aaral na ito ay nakumpleto na ang alituntunin at Gawain sa antas ng kolehiyo.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas mapalawak pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, binigyan

ng kahulugan ang mga sumusunod na salita: 

Socia Media - ay ang pangalan ng mga teknolohiyang panlipunan na

kumikilos bilang paraan sa pagpapalitan, pamamahagi at paglikha ng

impormasyon, ideya, interes at iba pang anyo ng pagpapahayag sa digital

world, sa pamamagitan ng mga komunidad at bertuwal na network.

Pandemya – ay isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit o

tinatawag na virus na mabilis kumalat sa maraming tao sa buong mundo.


Halimbawa nito ay ang nayari nuong taong 2019 na tinatawag na Coronavirus

Disease 2019 o (COVID-19).

Cyber Bullying - ay ang gawa ng isang tao o grupo na gumagamit ng internet

upang kutyain, mang-harass o saktan ang iba. Ang panlipunan at emosyonal

na pinsala na dulot ng cyberbullies ay pinalala pa na humahantong sa

pananakot sa offline na mundo.

Stress - ay ang nararamdaman na kung saan ay nakakaranas ng pagkabalisa,

takot, gulat, pagkabigo at kung minsan ay nahuhulog pa sa depresyon na

kung hindi ginagamot, ay lubhang mapanganib para sa nagdurusa.

Digital Technology - ay mga elektronikong kasangkapan, sistema, at mga

mapagkukunan na bumubuo, nag-iimbak o nagpoproseso ng data. Kabilang

sa mga kilalang halimbawa ang social media, online games, multimedia at

mobile phone.

You might also like