You are on page 1of 5

"Cyber-bullying"

Mark Dave N. Macatangay

Introduksyon:

Ang cyber bullying ay maaring panunukso, pang-lalait, pang-aasar o anumang


aksyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga
social networking sites tulad ng facebook, twitter, instagram at iba pa. Tinawag
itong "cyber bullying" dahil ito ay hindi angkop sa tamang pakikitungo o
pambubully kumbaga sa isang tao gamit ang makabagong teknolohiya ngayon.
Meron namang gumagawa ng mga fake accounts para maitago ang kanilang
pagkakakilanlan upang magawa nila ang kanilang pambubully na walang
nakakaalam kung sino sila. May iba ding gumagamit ng social networking sites
para hindi lang mambully kundi gamitin din ito para sa pananakot o ang
tinatawag nilang "black mailing" para bigyan ang kanilang biktima ng takot at
sobrang stress na kinalaunan ay maghahantong sa masamang mangyayari sa
biktima. Kahit sino ay maaaring maging biktima ng cyberbullying kahit ano pang
edad o estado sa buhay, maging ang mga artista at pulitiko ay nakakaranas ng
cyberbullying.

Mga Usapin tungkol dito:

Sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa eskuwelahan, hindi maiaalis ang


usapin sa paglaganap ng bullying sa klase. Ayon sa isang abogado, nakasaad sa Anti-
Bullying Act of 2013 ang mga tuntunin na dapat sundin ng tagapamahala ng mga
paaaralan at maging ng mga magulang upang maiwasan ang bullying sa eskuwelahan.
Maituturing na bullying ang ginagawa ng isang bata kung ito ay nanggugulo sa ibang
tao sa pamamagitan ng pagsusulat, pagsasalita o pisikal na pananakit. Ang nagiging
liable dito ay kapwa estudyante na nambu-bully o nangha-harass, nagbibigay ng
physical o verbal abuses sa kapwa estudyante. Itong batas na ito, ang kino-cover niya
elementary at secondary, so definitely menor de edad ang pinag-uusapan natin...wala
silang sinasabi na criminal liabilityDahil hindi pasok sa edad ng may criminal liability ang
kadalasang mga sangkot sa bullying, ang mga magulang ng mga ito ang mananagot sa
batas. Posibleng maharap ang mga magulang sa kaso at pagbayarin ng danyos para
sa perhuwisyo at pinsala na ginawa ng kanilang anak sa biktima.Kapag napatunayang
pinabayaan ng mga magulang ang kanilang anak, posible silang patawan ng kasong
child abuse.
Kapag nakita na ang mga magulang ay negligent, hindi tinuturuan ang mga anak nila
kahit na ilang beses nang pinagsabihan na ang anak mo ay ganito, they can be held
liable, Ang pamunuan ng mga pribado at pampublikong paaralan ay obligadong bumuo
ng panuntunan na nakabase sa mga salik ng batas para mabigyan ng impormasyon
ang mga estudyante kaugnay sa bullying.Kailangan din ay agaran ang aksyon ng
pamunuan sa mga naitatalang insidente ng bullying sa paaralan. Maaaring matanggal o
masuspende ang lisensya ng paaralan kapag nabigo sila na gawin ang mga ito.Posible
rin silang maharap sa kasong child abuse kung napatunayan na hindi tama ang
paghawak nila sa mga kaso ng bullying.

Bakit ito kailangang unawain?\

Citation:

Ang ilang mga katangian na likas sa mga online na teknolohiya ay maaari itong
samantalahin para gamitin sa mga di kaaya-ayang layunin. Hindi tulad ng pisikal na
pangbubuli, ang mga electronic bully ay mananatiling di kilala sa paggamit ng mga
pansamantalang email accounts, sagisag-panulat sa mga chat room, instant messaging
programs, cell phone text messaging at iba pang lugar sa Internet na maitatago nila ang
kanilang pagkakakilanlan, ito marahil ang nagbibigay sa kanila ng kalayaan sa
normatibo at mga panlipunang hadlang sa kanilang pag-uugali.
Bukod pa rito, ang mga electronic forum ay karaniwang walang gabay. Habang ang
mga chat host ay palagiang inoobserbahan ang ibang dayalogo sa mga chat room, sa
pagsisikap sa mga pag-uusap ng pulis at ng nakasakit na indibidwal, ang mga personal
na mensahe (e-mail o text message) ay maaari lamang mabasa ng nagpadala at
tumanggap, kaya’t ito ay labas sa abot ng regulasyon ng mga awtoridad. At kapag ang
mga tinedyer ay mas maraming nalalaman sa mga kompyuter at cell phone, kaya nilang
gamitin ito ng walang pahintulot sa kanilang mga magulang para hindi malaman ang
kanilang karanasan sa pangbubuli (siya man ay biktima o ang nakasakit).
Isang posibleng kabutihan naman sa mga biktima ng cyber-bullying kaysa sa
tradisyunal na pangbubuli ay maaari nilang iwasan ang chat room. Ang mga e-mail
address at numero ng telepono ay pwedeng palitan; at isa pa ay mayroon ng mga
serbisyo sa e-mail na salain ang mga mensahe bago pa ito makarating sa tatanggap.
Gayunpaman, hindi nito kayang iwasan ang lahat ng anyo ng cyber-bullying; ang
paghahayag ng mga mapanirang-puring materyal tungkol sa isang tao sa Internet ay
napakahirap iwasan lalo na kung ito’y nailathala na, milyun-milyong tao na ang
maaaring nakapagdownload nito bago pa ito matanggal. Ang mga gumagawa nito ay
maaaring makapagpost ng mga litrato ng biktima at ng mga inedit katulad ng
paglalagay ng mukha nila sa isang katawang nakahubad.
Ang mga bata ay nagsisimula ng maging malupit sa isa’t isa kapag nasa Internet sila,
kahit nasa ikalawang baitang pa lamang. Ayon sa pananaliksik, mas maagang
nagpakita nito ang mga batang lalaki kaysa sa mga batang babae. Ngunit pagtapak sa
kalagitnaang baitang, ang mga batang babae naman ang karaniwang gumagawa ng
pagmamaton. Mapa-lalaki man o babae ang maton (bully), ang layunin nila ay
intensiyonal na magpahiya, guluhin, mang-insulto at magbanta sa isa’t isa. Ang
pagbubuling ito ay nagaganap sa pamamagitan ng "Mabilisang pagmemensahe (hindi
pa naisusulat)" mabilisang pagmemensahe (texting), at ang pagpapaskil ng mga sulatin
sa mga blog at websayt.
Gayunpaman, hindi nito kayang iwasan ang lahat ng anyo ng cyber-bullying; ang
paghahayag ng mga mapanirang-puring materyal tungkol sa isang tao sa Internet ay
napakahirap iwasan lalo na kung ito’y nailathala na, milyun-milyong tao na ang
maaaring nakapagdownload nito bago pa ito matanggal. Ang mga gumagawa nito ay
maaaring makapagpost ng mga litrato ng biktima at ng mga inedit katulad ng
paglalagay ng mukha nila sa isang katawang nakahubad.
Pagmamaton sa Internet:
Ang pagmamaton sa Internet o "cyber-bullying" ay ang paggamit ng Internet at iba pang
kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil sa
patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga kabataan, nagsusulong na ng mga batas at
kampanya upang ito’y matigil na.Ang cyber bullying ay kapag gumamit n Internet, cell
phones o iba pang teknolohiya na ginagamit para mag bigay ng mensahe , mag post n
mga litrato para makasakit at mag pahiya ng ibang tao. Ang stopCyberbllying.org ay
pinag tutuunan ng pansin ang kadalasang biktima at mga nambibiktima ay inilalahad
ang sitwasyon na ang bata o kabataan ay kadalasang
pinapahirapan,tinatakot,sinasaktan, pinapahiya o kaya naman ay target ng ibang bata o
kabataan gamit ang text messaging,e-mail,instant messaging o iba pang klase ng
Digital Technology.Ngunit lahat ng deskripsyon ay naglalaman na tatlong elemento na
maaring ituring na cyberbullying: una,ang pag gamit ng nambibiktima ng modernong
impormasyon ang communication technology;pangalawa, para sa layong mang
gulo,manakit,o mamahiya;at pangatlo,ang mga biktimang dahilan ng edad,pisikal na
itsura,o kaya ay psychological make-up na madalas ay maramdamin ay nakaka apekto
rin.

Buod:

Ang cyber bullying ay maaring panunukso, panglalait, pang-aasar o anumang aksyon


na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking
sites tulad ng facebook, twitter, instagram at iba pa. Tinawag itong "cyber bullying" dahil
ito ay hindi angkop sa tamang pakikitungo o pambubully kumbaga sa isang tao gamit
ang makabagong teknolohiya ngayon. Meron namang gumagawa ng mga fake
accounts para maitago ang kanilang pagkakakilanlan upang magawa nila ang kanilang
pambubully na walang nakakaalam kung sino sila. May iba ding gumagamit ng social
networking sites para hindi lang mambully kundi gamitin din ito para sa pananakot o
ang tinatawag nilang "black mailing" para bigyan ang kanilang biktima ng takot at
sobrang stress na kinalaunan ay maghahantong sa masamang mangyayari sa biktima.
Kahit sino ay maaaring maging biktima ng cyberbullying kahit ano pang edad o estado
sa buhay, maging ang mga artista at pulitiko ay nakakaranas ng cyberbullying.
Cyberbullying Delubyo Sa Teknolohiya Ito'y Labanan Maging Bayaning Makamasa
May kasabihan ang mga pinoy na ang sobra ay hindi mabuti, dito nanggaling ang mga
salitang nakapaloob sa parirala na naibigay. “Delubyo” salitang tumutukoy sa matinding
pagkasira na isinama ng mga mag-aaral sa cyber bullying; ang sumisira sa reputasyon
ng teknolohiya na katulong sa halos lahat ng bagay. Kaya nasabi na isang delubyo
dahil ang sakit o pangmatagalan ang kailangang gamutan sa nakaranas nito. Maari ring
ituring na isang eipidemia ang cyber bullying dahil ang mga taong binubully ay maari na
ring maging isang sanhi ng pagkalat ng delubyong nasasabi sa pagdating ng panahon
at dahil dito dumarami ang mga nagawa ng cyber bullying.

kongklusyon:

Bilang isang mag-aaral, ang dapat nating gawin upang maiwasan at mapigilan ang
Cyber bullying ay, Huwag lumapit sa mga bully. Hangga’t posible, iwasan ang mga bully
at ang mga sitwasyon Kung saan puwede kang ma-bully. Huwag patulan ang mga
masasamang bagay na sinabi sa iyo sa internet. Huwag gumanti sa mga taong
nagsasagawa ng cyberbullying dahil lalo lang lalala ang away sa social media. Gawing
pribado ang settings ng iyong social media account, Huwag tumanggap ng mga friend
requests mula sa mga taong hindi mo kilala ng personal. May mga taong
nagpapanggap lamang sa mga social media sites kaya maging maingat sa pagtanggap
ng mga friend requests. Think Before you Post o think before you click, huwag
kalimutan I-log out ang iyong account. At ang pinaka importante ay maging bukas o
magkwento sa mga taong malalapit sa atin. Makakatulong na may nakakausap at
napagsasabihan ka ng iyong nararamdaman kung ikaw ay nabiktima ng cyberbullying.
Palaging tatandaan na hindi ka nag-iisa at may mga taong nais tumulong sa iyo.

Ang gusto kong iparating sa mga mambabasa ay hindi dapat tayo tumayo at manood
lang sa pag-aapi na nangyayari sa ating paligid.Kahit hindi ikaw ang target, ang pang-
aapi ay may negatibong epekto sa mundo at sa paligid mo at kailanagn itigil na ito
upang maiwasan ang sakit at pagdurusa sa mga taong hindi karapat-dapat na biktitma
nito. Bilang isang binatilyo,.Gayunpaman, kapag natutunan mo kung paano makilala
ang pang-aapi, kung paano ito nakakaapekto sa iyo, kahit na walang biktima, at kung
ano ang maaari mong gawin upang maging bayani at itigil ang pag-uugali, mas
madarama mo ang tiwala sa pagkuha ng mga tamang hakbang upang gawin ang
mundo ng mas maligayang lugar para sa lahat. Dapat natin tulungan ang ating kapwa
tao at ilayo natin sila ka kapahamakan dahil ang pagutlong ay isang napakagandang
gawain sa isang tao.

Sanggunian:

https://www.facebook.com/1372602432845246/posts/ano-nga-ba-ang-kahulugan-ng-
cyberbullyingang-cyber-bullying-ay-maaring-panunukso/1374887369283419/

https://sites.google.com/site/adbokasiyalabansacyberbullying/change-the-banner

https://philippineone.com/filipino-mob-culture-at-cyberbullying-ang-kahihinatnan-ng-
pagkahumaling-sa-social-media/

https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/tin-edyer/tanong/binu-bully/

https://prezi.com/e-qowt9gewzo/epekto-ng-cyberbullying-sa-isang-kabataan-sa-cou

https://www.coursehero.com/file/28466954/Transcript-of-Cyberbullyingdocx/

You might also like