You are on page 1of 5

EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MAG- AARAL

Ang katawagang "cyber-bullying" sa Ingles ay nilikha at binigyang


kahulugan ni Bill Besev bilang “paggamit ng teknolohiyang pang-
impormasyon at pangkomunikasyon para suportahan ang sinasadya at
paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo
upang makasakit ng tao.”
Kinalaunan, ang cyber-bullying ay tinuring na “kapag ginagamit
ang Internet, teleponong selular at iba pa sa paghahatid ng
mensahe o mga larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng
kapwa”. Ang ilan sa mga mananaliksik ay ginamit ang parehong
lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan.

Maraming epekto ang cyberbullying, isa rito ang mapahiya sila sa


ibang tao. Natural lamang na mapahiya o ayaw na pumasok dahil
takotmapahiya, mainsulto at iba pang negatibong epekto na
mararamdaman ng isang biktima ng CYBERBULLYING. 

Marami ang epekto ng Cyber Bullying sa isang tao tulad nalamang


ng "insecurities" sa sarili, pagkakababa ng "self-confidence",
pagiging malungkot at "negativity" sa sarili. Ang mga ito ay
dahilan ng mga pangaasar o pangungutya ng mga tao sa mga pictures
o videos na pinopost ng nabubully. Sa mga konting pangaasar
nagsisimula ang lahat. Hindiman natin ito sinasadya ngunit ito pa
rin ay may epekto sa nabubully. Sa konting iyon, kapag iyong
pinagsama-sama ay magiging malaking problema na ito. Ito ay
magsisimula sa pagiging "insecure" sa sarili, sa itsura, sa kilos
at galaw, at sa mga pinopost. Kapag lumaki pa ito, magreresulta
na ito sa pagkababa ng self-confidence. Nahihiya na lumabas o
makisalamuha sa ibang tao. Kinalaunan, puro mga negatibo lamang
ang naiisip nya tungkol sa sarili nya. Minsan sa sobrang
pagkalungkot at pagooverthink sa mga bagay ay naiisip na lamang
ng mga nabubully na magpakamatay na lamang upang di na maramdaman
ang sakit at kahihiyan.
MGA PORMAT

Cyberbullying,  ito ang tawag sa paggmit ” Internet “at iba pang


kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng
kapwa tao. Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga
kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y
matigil na. Sa kahulugan pa lamang nito ay masasabi nating ito ay
maaring magkaroon ng negatibong epekto sa ibang tao, lalo na sa
mga kabataan ngayon. Sa kasalukuyan, tayo ngayon ay nasa
“iGeneration”, ibigsabihin. Sa isang pindot lamang sa telepono
or kompyuter, maari mo na magawa ang lahat.

Ang pagmamaton sa Internet O “cyber bullying” ay ang patuloy na


pagpapadala ng mensahe sa isang tao na nagsasabing hindi nila
kilala kung sino ang nasa likod nito na may kasamang pagbabanta,
seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at
pagpapahatid ng mga maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng
kahihiyan ng isang tao.

Ang mga bata ay nagsisimula ng maging malupit sa isa’t isa kapag


nasa Internet sila, kahit nasa ikalawang baitang pa lamang. Ayon
sa pananaliksik, mas maagang nagpakita nito ang mga batang lalaki
kaysa sa mga batang babae. Ngunit pagtapak sa kalagitnaang
baitang, ang mga batang babae naman ang karaniwang gumagawa ng
pagmamaton. Mapa-lalaki man o babae ang maton (bully), ang
layunin nila ay intensiyonal na magpahiya, guluhin, mang-insulto
at magbanta sa isa’t isa. Ang pagbubuling ito ay nagaganap sa
pamamagitan ng elektronikong liham, mabilisang
pagmemensahe (texting), at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa
mga blog at websayt.
PAGKOKOMPARA
Ang ilang mga katangian na likas sa mga online na teknolohiya ay
maaari itong samantalahin para gamitin sa mga di kaaya-ayang
layunin. Hindi tulad ng pisikal na pangbubuli, ang
mga electronic bully ay mananatiling di kilala sa paggamit ng mga
pansamantalang email accounts, sagisag-panulat sa mga chat
room, instant messaging programs, cell phone text messaging at
iba pang lugar sa Internet na maitatago nila ang kanilang
pagkakakilanlan, ito marahil ang nagbibigay sa kanila ng kalayaan
sa normatibo at mga panlipunang hadlang sa kanilang pag-uugali.
Bukod pa rito, ang mga electronic forum ay karaniwang walang
gabay. Habang ang mga chat host ay palagiang inoobserbahan ang
ibang dayalogo sa mga chat room, sa pagsisikap sa mga pag-uusap
ng pulis at ng nakasakit na indibidwal, ang mga personal na
mensahe (e-mail o text message) ay maaari lamang mabasa ng
nagpadala at tumanggap, kaya’t ito ay labas sa abot ng regulasyon
ng mga awtoridad. At kapag ang mga tinedyer ay mas maraming
nalalaman sa mga kompyuter at cell phone, kaya nilang gamitin ito
ng walang pahintulot sa kanilang mga magulang para hindi malaman
ang kanilang karanasan sa pangbubuli (siya man ay biktima o ang
nakasakit).
Ang isa pang kadahilanan ay ang kawalan ng kayang paghiwalayin
ang isang cell phone mula sa may-ari nito, kaya nagagawang
patuloy na biktimahin ang isang tao. Ang mga gumagamit ay madalas
na kailangan i-on ang kanilang mga telepono para sa lehitimong
mga layunin, na kung saan ay nagbibigay ito ng pagkakataon para
sa mga may masamang intensiyon na patuloy na gumawa ng mga di
maganda tulad ng manggulo sa mga tawag sa telepono o manakot at
mang-insulto sa pamamagitan ng mga kakayahan ng cell phone text
messaging.
Bukod pa rito, ang mga buli ay kayang kayang pagtulungan ang
biktima sa electronic pages kaysa sa tradisyunal na pangbubuli
dahil wala namang limitadong bilang ng taong maaaring sumali at
suportahan ang mga pangbubuling pahayag.
Isang posibleng kabutihan naman sa mga biktima ng cyber-
bullying kaysa sa tradisyunal na pangbubuli ay maaari nilang
iwasan ang chat room. Ang mga e-mail address at numero ng
telepono ay pwedeng palitan; at isa pa ay mayroon ng mga serbisyo
sa e-mail na salain ang mga mensahe bago pa ito makarating sa
tatanggap. Gayunpaman, hindi nito kayang iwasan ang lahat ng anyo
ng cyber-bullying; ang paghahayag ng mga mapanirang-puring
materyal tungkol sa isang tao sa Internet ay napakahirap iwasan
lalo na kung ito’y nailathala na, milyun-milyong tao na ang
maaaring nakapagdownload nito bago pa ito matanggal. Ang mga
gumagawa nito ay maaaring makapagpost ng mga litrato ng biktima
at ng mga inedit katulad ng paglalagay ng mukha nila sa isang
katawang nakahubad.
MGA NAUNANG PAG- AARAL
Noong 2008, panahon ng tag-init, ang mga mananaliksik na sina
Sameer Hinduja (Florida Atlantic University) at Justin Patchin
(University of Wisconsin-Eau Claire) ay naglathala ng isang libro
na nagbubuod sa kasalukuyang estado ng mga pag-aaral tungkol
sa cyber-bullying. (Bullying Beyond the Schoolyard: Preventing
and Responding to Cyberbullying). Ang mga dokumento ng kanilang
pagsasaliksik ay nagpapakita ng pagtaas ng kaso ng cyber-
bullying sa mga nakaraang taon. Nag-ulat din sila sa kanilang mga
natuklasan mula sa pinakahuling pag-aaral ng cyber-bullying sa
mga estudyante ng kalagitnaang baitang. Gamit ang random sample
na mahigit kumulang 2,000 estudyante mula sa isang malaking
distrito ng paaralan sa Southern United States, halos 10% sa mga
tumugon ay sinabing naranasan nila ang cyber-bullying sa mga
nakaraang 30 araw, samantalang mahigit 17% ay nakaranas na minsan
sa kanilang buhay. Ang mga ito ay nagpakita ng bahagyang pagbaba
mula sa mga nakaraang pag-aaral. Ngunit ayon kina Hinduja at
Patchin, ang mga naunang pagsasaliksik ay isinagawa kung saan
marami ang nakatatanda. Kaya masasabing ang mga matanda ay mas
madalas gumamit ng Internet at mas maaaring makaranas ng cyber-
bullying kaysa sa mga bata.

You might also like