You are on page 1of 12

Kabanata I

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa paglipas ng panahon, maraming kabataan ang nagiging mulat sa karahasan,


pananakit o pang-aabuso. Mula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga
napapanood sa pelikula, mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa
sariiling karanasan, ang bullying ay siguradong lingid sa kaalaman ng lahat.

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na bullying ang paulit-ulit na


pangungutya, pananakit ng pisikal o pagbitiw ng mapanirang salita sa isang indibidwal.
Ang pag uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakatatanda sa
kanila, mga nagaganap sa kaniyang sarili o sa kaniyang kapaligiran kadalasang biktima
ng “bullying” ang mga mag-aaral na nasa elementarya at sekondarya. Ang mga naaapi
nito ay mahihina, tahimik, mahiyain, may kapansanan, galing sa mahirap na pamilya at
hindi marunong lumaban sa mga bully. Dahil dito, maraming pwedeng ipintas ang mga
tao sa kanya. Minsan ay tinatawag sila sa kung ano-anong pangalan, kinukuha ang pera o
baon, o kaya naman ay sinasaktan ng pisikal.

Patuloy na mabubulas ang isang tao kung ipapawalang bahala lang niya ang mga
ginagawa sa kaniya. Sa pamamagitan ng pambubulas maaaring maapektuhan ang biktima
sa negatibong paraan tulad ng nakakagambala ito sa pag-aaral, nawawalan ng tiwala sa
sarili, nawawalan ng ganang makipagsalamuha o maging ang kaniyang pisikal,
emosyonal, sosyal, at moral na aspeto na kung saan maaari silang humatong sa matinding
depresyon at kung malala pa’y umabot ito sa kanilang kamatayan.

Sa panahon ngayon, masmaraming kabataan ang nabibitikma ng pambubulas pati


rin sa loob at labas ng paaralan ay may nagaganap na rin. May mga dahilan ang mga
nambubulas kung bakit nila ito ginagawa, dahil dito ang biktima ng pambubulas ay
nagkakaroon ng takot pumasok at nawawalan ng gana sa paaralan. Dapat ang ganitong
kaugalian o gawain ng mga estudyante ay dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno

1
Paglalahad ng Suliranin

Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, inaasahang masasagot ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga salik na nagtutulak sa isang bata na mambully?

2. Sa paanong paraan ito nakakaapekto sa kanilang pisikal, emosyonal, at mental na


aspeto ng kanilang buhay?

3. Paano maiiwasan ang pambubulas at mabulas?

Mga Layunin ng Pag aaral

Inilalahad ng pag-aaral na ito ang maiparating ang maaaring maidulot ng


pambubulas sa mga mag-aaral ng ika-11 (ABM) Accountancy Business and Management
ng Leyte National High School. Naniniwala ring magkakaroon ng solusyon upang
mabawasan o di kaya’y mawala na ang ugaling pangungutya o pambubully.

a. Makapagbigay ng ilang salik na nagtutulak sa mga kabataan ng pambubully

b. Matukoy kung ano ang mga nakakaapekto sa mga pisikal emosyonal at mental na
aspeto ng buhay ng indibidwal

c. Masulosyunan at maiwasan ang emosyonal at pisikal na pang-aabuso ng ilang kabataan


sa kanilang kapwa

Kaugnay na Literatura

2
Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na “ecological systems”,
isinasaad na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na
kinabibilangan ng kanyang grupo, pamilya, paaral,komunidad, at kultura. Nagkakaroon
ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal interaction” kung saan
maaaring maging salik ito ng pag-uugali ng isang indibidwal, partikular sa mga mag-
aaral bilang sentro ng lipunan. Bilang paglilinaw ang mga “social system” na nabanggit
ay kinabibilangan ng mga indibidwal na makaiimpluwensiya sa mga mag-aaral at lugar
na kung saan ang bata ay isang aktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba
pang mga kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.

Sinasaad naman sa teoryang “attraction” ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng


mga kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naakit sa ibang mga
kabataang nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal. Pagpapabaya,
pagka-agresibo, at pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naakit sa mga kabataang
nagtataglay ng mga katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o “childhood” (hal.
Pagkamasunurin). Ayon sa may-akda, naiimpluwensyahan ng mga “peer group” ang mga
kabataan sa pagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito. (Bukowski et. Al., 2013,
Moffitt,2010).

Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon sa kung saan mataas
ang bilang ng pambubulas. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng “dominance
theory”. Ayon sa teoryang ito, ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may
layuning makakuha at mapanatili ang “dominance” ng taong nambubulas (Pellegrini &
Bartini 2010). Ang “dominance” ay isang salik ng pakikipag ugnayan kung saan ang mga
indibidwal ay nakaayos sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayahan o kapangyarihan
(Dunbar 2011). Ayon pa sa teoryang ito ang mga kalalakihan na gumagawa ng
agresibong gawain na ito ay lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan
at mas “appealing” sa mg grupo ng kababaihan.

Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang pang aapi ay isang uri ng


pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase, emosyonal, makadiwa at pisikal.
Ngunit ito ay maaaring masangkot sa mahiwagang paraan ng pamimilit tulad ng
sikolohikal na pagmamanipula. Dagdag pa ng grupong ito, ang pang-aapi ay maaaring

3
mangyari sa anumang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa isa’t
isa. Kabilang na dito ang paaralan, simbahan, pinagtratrabahuan sa kapitbahay at maging
sa bahay. Ang pang-aapi ay maaaring umiiral sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng
mga bansa. Isa sa pinakamatibay na halimbawa ay ang nangyari noong panahon ng
pananakop ng mga kastila sa Pilipins. Ayon sa nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang mga kastila noon ay parating nang-aapi sa
mga Pilipino. Ang tingin nila sa Pilipino ay isang mababang uri na lahi at nararapat lang
na maging alila nila.

Mula naman sa isang literatura na may titulong “Bullying and Harassment at


Schools” kung saan isinaad na ang pambu-bully at karahasan ay hindi na bagong isyu
sa mga mag-aaral at paaralan. Ayon pa rito, dahil sa kaalaman ng lahat na ang
pambubulas ay kadalasang nagaganap sa mga paaralan, nagiging banta ito sa mga
mag-aaral at ang paniniwalang ang bullying ay isang “developmental stage” na kung
saan lahat ng mga kabataan ay pagdaraanan ito (Ross, 2013, p. 107).

Sa isang artikulo naman sa onlayn na pahayagan na “balita.net”, isang bata ang


naiulat na namatay dahil sa pambu-bully ng mga kamag-arala. Ayon dito, napikon
umano ang siyam na taong gulang na bata matapos itong asarin ng labindalawang
kamag-aral niya at nauwi ito sa matinding pag-aaway laban sa dalawang kamag-aral niya
sa bakuran ng paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur. Namaga umano ang braso
ng bata hanggang sa makaramdaman ito ng labis na sakit kung kaya’t dinala ito sa
pagamutan matapos ang tatlong araw at dito’y nasawi ang bata sa cardiac arrest
{Taboy,2013}

“Kaya’t nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Republic Act 10627
o ang Anti-bullying Act of 2013. Sa ilalim ng batas, lahat ng mga elementarya at
sekondaryang paaralan ay naatasang bumuo ng patakaran upang masugpo ang bullying
kung saan lahat ng mga magulang, guro at guardian ay mabibigyan ng kopya nito.
Dito mahigpit na ipagbabawal sa anumang uri ng pambu-bully sa loob ng paaralan, mga
school related function at maging sa pamamagitan ng information technology. Ang
sinumang mapapatunayang nambulas ay papatawan ng kaukulang parusa habang ang
nagsumbong ng pambubulas ay mananatiling confidential. Tiniyak din sa batas ang

4
proteksyon upang hindi makaganti ang nambubully sa nagsumbong o nabiktima” (Beth
Camia, 2013).

Ayon sa isang blog na pinamagatang “Kapamilya News Ngayon ni Ted Failon”


talamak na ang nagaganap na pangbubully sa loob ng Pilipinas. Ayon dito, maraming
dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao. Maaaring nabubully sila dahil
sa kakulangang pinansyal, pisikal na kaanyuan, at kapansanan.Sa nasabing blog,
maaaring nambully ang isang tao dahil sa inggit, galit o kaya’y impluwensya ng barkada
sa kanya. Karaniwang laman ito ng mga pahayagan at telebisyon.

Sa ilalim ng Republic act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, lahat ng mga


elementarya at secondary schools ay naatasang bubuo ng polisiya para masugpo ang
bullying kung saan lahat ng mga magulang, guro at guardians ay mabibigyan ng kopya.
Nakasaad sa batas ang pagbabawal sa anumang uri ng pam-bubully sa loob ng paaralan,
sa mga school-related functions at maging sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang
sinumang mapapatunayang nambully ay papatawan ng kaukulang parusa habang ang
nagsumbong ng pambu-bully ay mananatiling confidential. Tiniyak din sa batas ang
proteksyon p\/-0upang hindi makaganti ang nambu-bully sa nagsumbong o nabiktima.

Ayon kay Vicencio (2012) karaniwang nating nakikita ngayon na laman ng mga
balita ang mga pang-aapi bullying ng mga bata sa kapwa mag-aaral sa iba’t-ibang
paaralan pampubliko man o pribado na nagiging dahilan pa minsan ng pagkakasangkot
ng mga magulang.Walang magulang ang gustong masaktan o maapi ang kanilang mga
anak,susugurin nila ang nanakit para makaganti.Nais ng kagawaran na masolusyunan ang
ganitong uri ng problema upang hindi lumala ang away na nag-uumpisa lamang sa pang-
aapi ng mga bata sa kapwa mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa saloobin ng mga mag-aaral sa bullying.


Ang kinalabasan ng nasabing pananaliksik ay magiging makabuluhan sa mga taong

5
nagmamalasakit sa mga biktima. Bukod dito, ang resulta ng pananaliksik ay magsisilbing
gabay upang masugpo ang nambubulas at matulungan ang mga batang nakaranas nito.

Mahalaga rin ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Mga Guro - Nakakatulong sa mga guro ang kinalabasan ng pag-aaral na ito dahil
kapupulutan nila ng aral ang mga artikulo at malalaman kung ang kanilang estudyante ay
biktima naba ng bullying o silaba’y nambubully.

Mga Mag-aaral. Magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral sa magiging


resulta ng kanilang pambubully sa kapwa at maiiwasan na rin ang pagiging biktima nito.

Mga Magulang. Mabibigyang pansin ang kanilang mga anak at matulungan ito
upang malampasan ang nararanasang panlalait sa sarili.

Mga Mananaliksik. Inaasahan ng pananaliksik na ito na makakatulong ito sa


mga susunod pang mga mananaliksik na may kahawig na pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga saloobin ng mga mag-aaral


tungkol sa isyung bullying. Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang mga salik na nagtutulak
sa isang bata na mambulas, sa paanong paraan ito nakakaapekto sa isang bata at kung
paano ito maiiwasan. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong
upang magbago ang pakikitungo ng isang indibidwal sa mabuting paraan.

Ang pangangalap ng datos ay isasagawa sa mga mag-aaral ng Grade 11 (ABM)


Accountancy, Business and Management ng Leyte National High School. Sa kabilang
dako, ang pag-aaral na ito ay hindi sumasakop sa iba pang - antas at strand ng nasabing
paaralan. Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa limampung piling mag-aaral na
nasa ika-11 antas na kumuha ng strand na (ABM) Accountancy Business and
Management.

6
Kabanata II

METODOLOHIYA

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga paraan na ginamit ng mga mananaliksik sa


pag-aaral sa paksang “Higit pa sa Away-Bata: Saloobin ng mga Mag-aaral ng Grade 11-
(ABM) Accountancy Business and Management ng Leyte National High School Ukol sa
Isyung Bullying”. Matatagpuan dito ang paaralan o lugar, mga kasangkot ng pag-aaral,
mga instrumentong ginamit, at paglikom o pagkuha ng datos.

Paaralan o Lugar

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Leyte National High School na


matatagpuan sa Lino R. Gonzaga Ave. Tacloban City, Leyte.

Mga Sangkot ng Pag-aaral

Upang makuha ang impormasyon ng mga mananaliksik ukol sa paksang Higit


pa sa Away-Bata: Saloobin ng mga Mag-aaral ng Grade 11-(ABM) Accountancy
Business and Management ng Leyte National High School Ukol sa Isyung Bullying
ginagamit ang biglang pag pili ng kalahok o simple random sampling kung saan ang pag
pili ng respondante ay malaya mula sa kina bibilangan nitong grupo.

Ang napiling respondante sa pag-susuring ito ay ang mag-aaral na nasa ika-


labing isang (11) antas ng (ABM) Accountancy Business and Management ng Leyte
National High School. Malayang pumili ng mananaliksik ng limampung (50) mag-aaral
na maaaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

Mga Instrumentong Ginamit

Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng kakailanganing datos sa pag-aaral ay


interbyu. Tinanong namin ang limampung (50) respondanteng napili sa 11- ABM
(Accountancy Business and Management) tungkol sa paksang Higit pa sa Away-bata:
saloobin ng ng Grade 11- (ABM) Accountancy Business and Management ng Leyte
National High School ukol sa Isyung Bullying.

7
Paglikom o Pagkuha ng Datos

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga tanong na sasagutan ng mga


respondante. Pagkatapos sagutan ng mga respondante kukunin at ililikom ito sa isang
grap kung saan pagsasama samahin ang mga sagot ng respondante. Magtatakda ng araw
sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga
impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad upang
matiyak ang kalidad ng ipepresentang datos.

8
KABANATA III

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

Pagsusuri ng Datos

`Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng resulta ng mga impormasyong


nakalap mula sa isinagawang interbyu ukol sa mga saloobin ng mga mag-aaral ng 11-
ABM (Accountancy Business and Management) tungkol sa isyung bullying at ang
interpretasyon ng mga datos.

SALIK NA NAGTUTULAK SA
ISANG BATA NA MAMBULLY

Sikolohikal Pamilya Paaralan Teknolohikal


Socio-Economic
(Phycological) (Family) (School) (Technological)

Pagbaliwala sa
Pagiging mga hindi
May sakit sa pag- Bayolente ng Kulang sa Bayolenteng laro
iisip magandang pag- pasensya sa internet
magulang uugali nito

Diskriminasyon
Pagmamataas at Maling Pagaaruga Impluwensya ng Impluwensya ng
laban sa mga
Pagmamayabang lipunan (hal. Social Media
mag-aaral
kapitbahay)

Nakaugalian ng
Magkakapatid Paguugali ng mga
Pagkaingit guro Kahirapan

Impuwensya ng
Paninibugo mga kaibigan

9
FIGURE 1: Mga salik na nagtutulak sa isang bata na mambully

Sa figure 1. Pinapakita nito ang mga salik na nagtutulak sa mga kabataan na mambulas.
Ang mga salik na ito ay ang sikolohial, pamilya, paaralan, lipunan, at teknolohiya. Sa
ilalim ng sikolohikal ang mga nakapaloob rito ay may sakit sa pag-iisip, pagmamataas at
pagmamayabang, pagkainggit at paninibugo. Ang ikalawang salik naman ay ang pamilya
nakapaloob rito ay ang pagiging bayolente ng magulang, maling pag –aaruga,
nakaugalian ng magkakapatid, at .Ang ikatlong salik naman ay ang paaralan na kung saan
marami ang nambubulas nakapaloob rito ay ang pagbalewala sa mga hindi maganang
pag- uugali nito, diskriminasyon laban sa mga mag-aaral, pag-uugali ng mga guro,
impluwensya ng mga kaibigan. Ang susunod na salik ay ang socio-economic nakapaloob
rito ay ang kulang sa pasensya, impluwensya ng lipunan (hal. Kapitbahay, kaibigan), at
kahirapan. At ang pang huling salik naman ay ang teknolohiya nakapaloob rito ang
bayolenteng laro sa internet at impluwensya ng social media ayon sa teorya ni Urie
Bronfenbrenne na “ecological systems”, isinasaad na ang isang mag-aaral ay nasa sentro
ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng kanyang grupo, pamilya,
paaral,komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa
pamamagitan ng “reciprocal interaction” kung saan maaaring maging salik ito ng pag-
uugali ng isang indibidwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng lipunan.

10
NAAAPEKTUHAN NG BULLYING SA
PISIKAL, EMOSYONAL AT MENTAL NA
ASPETO SA BUHAY NG BINUBULLY

Pisikal Emosyonal Mental


Hindi Gaganahang
Nalulungkot Depresyon
Kumain

Pagkabalisa

Hndi nakakatulog ng
maayos

Nababawasan ang
kompyensa sa sarili

FIGURE 2: Apekto ng Bullying sa pisikal, emosyonal, at mental


na aspekto sa buhay ng binubully

11
PARAAN PARA MAIWASAN
ANG…

Pam-bubulas Mabulas
Huwag pansinin ang bully at iwan
Idisiplina ang sarili ito

Maglaan ng oras sa skwelahan Pigilan ang galit

Huwag makipagsama sa mga Palakasin ang kompyansa sa sarili


taong may masamang epekto
sayo
Umiwas sa pisikalan
Makipag-usap sa guidance
councelor, magulang, o sa mga Hanapin ang tunay na kaibigan
iba pang propesyonal
Kausapin ang ibang taong may
authoridad

Huwag hayaan makialam ang iba


sa sariling buhay

FIGURE 3: Paraan para maiwasan ang Pam-bubulas at Mabulas

12

You might also like