You are on page 1of 8

Mga Kaugnayang Literatura

Masamang Impluwensiya ng Barkada

Bahagi talaga ng buhay teenager ang “peer pressure.” Habang sinusubukan mong
magkaroon ng malinaw na pagkakakilala sa sarili at ang pangangailangan ng pagtanggap ng ibang
tao, tiyak na haharapin mo ang hamon ng pag-ayon ng mga grupong nakakasalamuha mo o nais
mong samahan. Subalit, hindi naman lahat ng iyong makakatagpo ay makatutulong sa iyong
paglago. Ang posibleng madalas mong tanong ay kung paano ka makatatanggi. Malinaw naman
na ayaw mong matawag na “weak” or “uncool.” Pero ang ibig sabihin ba nito, kailangan mong
pumayag sa kanilang mga maling gawain tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagiging
delingkwente o kaya naman ay pre-marital sex?

Kung ikaw ay isang teenager, huwag mong hayaang pilitin ka nilang gawin ang mga bagay na
alam mong hindi tama at hindi papayagan ng iyong mga magulang. Maaaring tuksuhin ka ng iba
o magalit sa sila sa iyo sa umpisa, pero pag tumagal matutunan nilang igalang ka dahil sa
paninindigan mo sa iyong pinaniniwalaan. Sa halip na ikaw ang maitulak ng iyong mga kaibigan,
maging halimbawa sa kanila kung paano mamuhay na nakalulugod sa Diyos.

Bilang isang magulang, paano mo matutulungan ang iyong anak na harapin ang peer pressure?
Hayaan mong malaman ng iyong mga anak kung ano ang iyong posisyon (at dapat nilang
posisyon) sa mga usapin tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, ipinagbabawal na gamot at sex.
Turuan mo sila tungkol sa pagkakaroon ng boundaries (tulad ng sa Aklat ng Kawikaan) at kung
paano nila harapin ang mga di-komportableng sitwasyon nang matatag at mahinahon. Ang
pagpapanatili ng isang tahanang makadiyos at mapagmahal ay makatutulong din na magkaroon
sila ng seguridad sa sarili, upang makayanan nilang makaiwas sa panlabas na impluwensiya.

Ang mga desisyon at aksyon sa kasalukuyan ay may panghambuhay na epekto. Kaya piliing
mabuti ang iyong mga kaibigan at maging matalino sa iyong mga desisyon. Sa tulong ng Diyos,
maiiwasan mo ang peer pressure at dahil sa iyong patotoo, ikaw ay magiging isang mabuting
impluwensiya sa ibang kabataan.
Impluwensya ng Barkada

Sa mga kabataan ngayon, malaki ang naiimpluwensya ngt barkada sa kanila. Kaya marami
ang mga kabataang nalululong ngayon sa droga, mga naninigarilyo, mga pre-marital sex. Lahat ng
ito ay dahil sa sulsol ng barkada. May mga kabataang dati ay matitino, ngunit kapag napasama sa
mga lasenggo at durugistang tambay, sa huli isa na rin siyang lasenggo at gumagamit ng droga.

Mayroon ding barkada na nakakaimpluwensya sa ibang paraan, katulad ng paglalaro ng mga on-
line games, tulad ng DOTA. Ang mga kabataang mahihilig magsipaglaro ng dota ay nahihikayat
ang kanilang barkadang walang hilig sa dota na maglaro nito. Kaya sa huli naadik na rin ito sa
paglalaro katulad nila. Mayroon ding hindi music lover, pero kapag napasama sa mga mahihilig
sa music, nagiging love na niya ang music.

Mayroon ding mga barkada na nakakaimpluwensya ng paglalaro ng mga ibat ibang sports,
pangongopya sa exams, pagbabasa ng ibat ibang magazines, pagtuklas sa mga out of this world at
kung anu-ano pa.

Barkada, Sagabal nga ba?

Barkada, isang grupo ng magkakaibigan, karaniwang magkakasama sa katuwaan, nandyan


lagi tuwing may pangyayari. Ngunit barkada nga ba ay nakakasagabal sa pag-aaral ng isang
estudyante? Bisyo, gala, barkada, ay isa sa mga nakakaapekto sa pag-aaral na isang kabataan. Sa
panahon ngayon bihira na sa mga estudyante ang wala nong tinatawag nilng “barkada”. Bagamat
masasabi natin na iba-iba tayo ng pananaw sa salitang “barkada”, ay maaari din naman itong
kakitaan ng positibong lahulugan na “good influence para sa iba. Subalit nakakalungkot isipin na
karaniwan ngayon sa kabataang estudyante ay lubhang naapektuhan na ang pag-aaral sanhi ng
iba’t ibang salik dulot ng makabagong teknolohiya. Sa pasabay sa agos ng panahon, di nakaila na
halos lahat ng kabataan na tumutuntong sa kolehiyo ay natututo ng maraming bisyo. Isa na ay ang
pag-inom ng alak, paninigarilyo, at kung minsan ay nauuwi pa sa paggamit ng ipinagbabawal na
gamot. May ilang kabataan ang likas na inosente, bagamat naudyok lamang sa masasamang bisyo
ng barkadang kanyang kinabibilangan.
Impluwensya

Ano ba ang impluwensiya? Ayon sa isang kilalang diksyonaryo, ito ay ang kapangyarihan
o kapasidad na makaapekto sa mga paraang di tuwiran at di nahahawakan. At para sa akin, ang
impluwensiya, mabuti man o hindi, ay malaki ang maidudulot sa takbo ng buhay ng isang tao.

Sa mga kwentong inilalarawan at pinapakita sa pelikula, telebisyon, libro at iba pang babasahin ay
kalimitang mga magulang ang may karakterisasyon ng parehong mabuti at masamang
impluwensiya. Pag maganda ang ugali ng isang karakter, pinapakitang mapag-aruga at
mapagmahal ang mga magulang nila. Pag kontrabida naman, ganid at galit ang asal ng mga
magulang nila. Sa ganitong pag-aanalisa sinasabi na ang mga bata ay nagiging mabuti o masama
depende sa kinalalakihan nilang mga tao sa buhay. Aminin mo, malakas ang impluwensiya sa’yo
ng mga magulang mo lalo na kung araw-araw kayong nagkikita mula pa nung ikaw ay bata pa.

Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)

Karamihan sa ating buhay ay ginugol sa pakikipag-ugnayan sa iba. Ang isang istraktura ng


pagkakaibigan ay maaaring kumatawan ng tatlong konsentrikong lupon na maaaring ilarawan
bilang napakalapit, malapit, at hindi masyadong malapit ngunit ito pa rin ay makabuluhan na
personal na ugnayan. Ang isang kakilala ay nasa kategoryang 'hindi masyadong malapit', isang tao
na iyong nakapalitan ng maiksing usapan habang kayo ay nag-uusap tungkol sa iyong araw, mga
pananaw sa kalakalan sa online, o makipag-chat tungkol sa sports. Sila ay ang mga tao na regular
na nakakasalamuha natin tulad ng mga kasamahan sa trabaho, mga kaklase, at mga taong
nakakasabay natin sa gym.

Ang malapit na pagkakaibigan, sa kabilang banda, ay nagpapakita ng malakas na suporta at


pagmamahal. Ang isang malapit na kaibigan ay nagpupuno ng isang tungkulin na hindi maaring
mawala bilang isang mapagkakatiwalaan, isang taong nakikinig at nagbibigay ng atensyon sa iyo,
siya na handang tumulong sa iyo, at magmamalasakit. Ang isang malapit na kaibigan ay isang
taong iyong pinagkakatiwalaan na nagbibigay ng mas malalim na antas ng pag-unawa at
komunikasyon sa iyo; isang tao na maaari mong asahan, isang tao na maaari ka talagang
kumonekta, at isang taong iyong binibigyan ng iyong tiwala at katapatan. Walang presyo sa mundo
ang maaaring ilagay sa kanilang halaga at kung gaano sila kaimportante sa iyo. Ano ang
pagkakaiba ng isang malapit na kaibigan sa isang napakalapit na kaibigan? Ang sagot ay ang antas,
lawak at lalim na maaari mong ipagkatiwala.

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Angelie Quilantang, Iba-iba ang ugali ng bawat kabataan. Sa isang barkadahan,
mayroong natatngi sa lahat, may naiiba, nariyan ang makulit, pasaway, tahimik, masipag mag-aral
at kung anu-ano pa.

Sa barkada ko ngayon, masasabi kong malakas ang kanilang impluwensya sa akin. May mga
ginagawa sila na hindi ko naman ginagawa, pero sa impluwensya nila, natuto akong gawin yong
ginagawa nila. Pero hindi naman negative ang mga bagay na natutunan ko sa kanila.

Sa mga kabataan ngayon, malaki ang naiimpluwensya ngt barkada sa kanila. Kaya marami ang
mga kabataang nalululong ngayon sa droga, mga naninigarilyo, mga pre-marital sex. Lahat ng ito
ay dahil sa sulsol ng barkada. May mga kabataang dati ay matitino, ngunit kapag napasama sa mga
lasenggo at durugistang tambay, sa huli isa na rin siyang lasenggo at gumagamit ng droga.

Lokal na Literatura

Ayon kay Jillian Martinez, Tunay nga na ang pakikipagbarkada ay nakakapagpalawak ng mundo
ng isang mag-aaral. Maraming matututunan sa pangaraw-araw na pamumuhay na nakakaapektosa
gawa, salita at pag-iisip kung saan maaring sa mabute o sa kapahamakan sapagkatang barkada ay
may dalawa ring mukha. Minsa’y nagiging dahilan din ito kung bakit lalong nagiging masipag sa
pag-aaral ang isang mag-aaral. Sa kabilang banda, minsan ay di rin maiwasang mapasama sa mga
kaguluhanna minsan ay nagiging pagsubok sa bawat isa, nagkakatampuhan na minsa’y naaayos at
kung minsan ay nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak. Gayundin sa pag-aaral at tahanan,
minsa’y nagiging sagabal sa mga gawain sa paaralan at minsa’y nagiging dahilan ng pagsuway sa
magulang. Sa ganitong mga pagkakataon ay tila nagiging tutolang mga magulang sa mga ganoong
barkada at nagtatakda ng mga limitasyon.

Ayon naman kay Jellybee, Malaki ang naidudulot ng pag sama ng sobra sa tinatawag mong mga
grupo ng mga magkakaibigan o barkada. Naiimpluwensyahan nila ang iyong pisikal at ang pag-
uugali. Natuto ka na mag bulakbol sa iyong mga magulang, pagsagot-sagot, pagkawala ng respeto,
pagiging rebeldeng anak, pagiging marahas at magsinungaling dahil may lakad kayong mga
barkada., sapagkat malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo o gusto ng mga barkada mo dahil sa
malayang pinaggagawa niyo., dito na nagsisimula ang mga bibig niyong matatalas na kung anu-
ano na ang inyong pinagsasabi na masasamang salita at di kaaya ayang pakinggan na mga salita.
Balangkas Konseptuwal

Estudyante

Mga Kaibigan

Masamang Epekto Mabuting Epekto


Katuturan ng mga Salitang ginamit

Teenager- mga taong may edad labing tatlo hanggang labing siyam taong gulang.

Peers- kaibigan o grupo ng mga kaibigan.

Peer pressure- uri ng nararamdaman mo sa iyong mga kaibigan kapag may bagay na gusto silang
ipagawa sayo na gusto nila, kahit na ayaw mo.

Epekto- Bunga o resulta ng isang bagay na iyong ginawa o gagawin.

Impluwensya- Ugaling makukuha o masasabuhay mo mula sa iyong mga kaibigan o kapaligiran.


Mga Sanggunian:

http://www.usapangpamilya.com/main/tl/masamang-impluwensiya-ng-barkada/

https://xd14.wordpress.com/2009/10/14/impluwensya-ng-barkada/

http://dyanee.blogspot.com/2007/02/barkada-sagabal-nga-ba.html

https://alaminmokasi.wordpress.com/2012/05/18/impluwensiya/

https://www.newmuslims.com/tl/lessons/278/sino-ang-mabuting-kaibigan-bahagi-1-ng-2/

https://sole-jole.org/15224.pdf.

https://www.academia.edu/28468020/KABANATA_I_Ang_Suliranin_at_ang_Kaligiran_ng_Pag
-aaral

https://kupdf.net/download/masamang-epekto-ng-barkada-sa-mga-
kabataan_58bbb2e2e12e894332add379_pdf

You might also like