You are on page 1of 26

KABANATA 1

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang pakikipagrelasyon ay isang interaksyon sa ating kapwa na kung saan ipinadadama ng isang indibidwal ang kaniyang saloobin
na gusto nitong ipahayag.Sa pamamagitan nito nagkakaroon ng kaagapay at katulong sa mga suliranin at bagay-bagay sa buhay ng
isang tao.Ang isang relasyon ay binubuo ng dalawang indibidwal na nagmamahalan,maaring isang babae at isang lalake ngunit sa
panahon ngayon ang relasyong binubuo ng parehas na kasarian ay normal na sa pananingin ng karamihan.Ang pakikipagrelasyon ay
dapat na sa tamang oras at panahon sapagkat ito’y isang makabuluhang bagay.Ang pakikipagrelasyon ay hindi minamadali,hindi
hinahanap at hindi biro,pangunahing dahilan ng maagang pakikipagrelasyon ay dahil sa impluwensya ng media,kaibigan at kakulangan ng
gabay ng magulang.Casio,Kristine kate et,al.

Hindi maikakaila sa karamihan lalong –lalo na sa mga kabataan nagsissipag-aral pa na pumasok sa maagang pakikipag-
relasyon.Ayon kay Sizer-Webb et al.(1999) lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipag-sa kaniyang kapwa .Mahalaga na
may mapagsabihan ng mga problema ,mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag ng ating mga opinion.Marahil ang
pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan upang lubusan nilang makilala ang kanilang sarili at maipahayag ang sarili nilang
damdamin.

Ang pananaliksik na ito ay isinsasagawa upang matukoy ang iba’t-ibang pananaw ng mga mag-aaral sa Senior High School sa
kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa mga mag-aaral upang mas lalo nilang maintindihan kung ito ba ay mayroong maidudulot
na kabutihan o kasarinlan sa kanilang pag-aaral at sarili.Naglalayong ring malaman ng panananaliksik na ito kung ito ba ang naging
dahilan ng mga kabataan sa pagkakawala ng interes nila sa pag-aaral.Malaki ang papel ng kabataan sa .usaping ito at mas nararapat
lamang na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang mga saloobin at opinion patungkol dito.Sa pananaliksik na ito ay
malalaman,maunawaan,masagutan,at matugunan ang katarungan ukol sa maagang pakikipagrelasyon at sa epekto nito sa pagkawala ng
interes sa pag-aaral.
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid ang “Epekto ng Maagang Pakikipagrelasyon sa Kapwa Mag-aaral ng
Strand ng ABM at HUMSS ng Dolores National High School,Senior High School taong panuroan 2021-2022”.

Partikular ang layunin nito ay;

Malaman kung ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad at kasarian na pumapasok sa maagang
pakikipagrelasyon.
Matukoy kung ano-ano ang postibo at negatibong dulot nito sa Pag-aaral at Sarili .
Matugunan ang mga daing patungkol sa pakikipagrelsayon.
Matukoy ang mga salik ng mga mag-aaral na pumasok sa maagang pakikipagrelasyon.
Malaman ang benepisyo na nakukuha ng mga estudyante sa pagkakaroon ng maagang karelasyon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Nakakasiguro at naniniwala kaming mga mananaliksik na sa pamamgitan ng pananaliksik na ito gamit ang
integratibong pagsasanay ay matutukoy ang kahalagahan para sa mga sumusunod;

GURO-Inaasahang na makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga guro upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa
kanilang mag-aaral lalo na sa mga pumasok sa maagang pakikipagrelasyon.Nais din ng pag-aaral na ito na bigyan kaalaman
ang mga guro na sa kabila ng masasamang naidulot ng maagang pakikipagrelasyon ay mayroon parin mabuting dulot nito sa
pag-aaral at sarili ng kabataan.Ito rin ay magsisislbing patnubay sa mga guro upang gabayan at hubugin ang kanilang mga
mag-aaral sa kanikanilang pag-aaral at sarili.
MAG-AARAL-Makatutulong ang pag-aaral na ito upang mas maunawaan ng kabataan ang mga kalakip na kondisyon at
tungkulin ng pagkakaroon ng maagang pakikipagrelasyon sa kapwa mag-aaral habang sila’y nag-aaral pa.Magbibigay din ng
dagdag kaalaman ang pag-aaral na ito sa kabataan kung ano ang mga problema o ano ang maaring mangyari sa isang
estudyante na nasangkot sa maagang pakikipagrelasyon .

MAGULANG -Maaring makatulong ang pananaliksik na ito sa mga magulang sa pamamagitan ng pagakakaroon ng
kamalayan sa mga bagay patungkol sa maagang pakikipagrelasyon at sa kung ano ang mga magiging epekto nito sa
kasalukuyan sa mga anak. Ito’y naglalayo rin bigyan ang mga magulang ng ideya patungkol sa mga pakikipagrelasyon at
kung paano gagabayan ang kanilang mga anak.

SUSUNOD NA MANANALIKSIK-Ang pag-aaral na ito ay maaring magamit ng sususnod para mas masuri ang sikolohikal na
pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa maagang pakikipagrelasyon.

PAARALAN-Sa mga nakalap na mga impormasyon matutukoy ang talaan ng mga mag-aaral na pumasok sa maagang
pakikipagrelasyon,ito’y maaring makatulong sa pagkakaroon ng mga hakbang o aksyon na magpapaliwanag ng kaisipan ng
kabataan patungkol sa pakikipagrelasyon lalo na sa mga epekto nito at makakabuti ito sa pagpapabuti ng mga pampaaralan
na pagganap ng isang mag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang iba’t-ibang epekto ng maaagang pakikipagrelasyon ng mga
kabataan kasabay ng kanikanilang pag-aaral. Sasaklawin ng pananaliksik na ito ang mga piling mag-aaral ng Dolores
National High School (DNHS),Senior High School sa taong panuruan 2021-2022.
DEPINISYON AT MGA TERMINOLOHIYA

Upang sa ikadadali ng pagkaintindi ng mga mambabasa,minarapat ng pananaliksik na ito na bigyan depinisyon ang mga
sumususnod na mga salita batay sa kung paano ginagamit ang bawat salita sa pamanahong pananaliksik.

HUMSS-Humanities and Social Sciences Strand

ABM-Accountancy and Business Management Strand

STRAND-Isang konsepto na sakop ng programang K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon kung saan itoy pagpipilian ng isang
mag-aaral na angkop sa kanilang gustong pag-aralan at abilidad sa pagtungtung ng Senior High School.

SENIOR HIGH SCHOOL STUDENT-Mag-aaral na nasa mataas na level ng edukasyon o sakop sa kasalukuyang programa k-
12 .

KARELASYON O KASINTAHAN-Maaring iniibig o mangingibig. Binubuo ng dalawang taong nagmamahalan.

PAKIKIPAGRELASYON-Isang ugnayan upang magkaroon ng relasyon na pinagbuklod ng malalalim na damdamin.


PAG-AARAL-Gawain kung saan nagbibigay kaalaman at nagpapatalas ng kaispan patungkol sa mga bagay na maaring
mapakinabangan sa kinabukasan.

SARILI-Mahalang katangian ng isang tao na nagbubukod sa kaniya sa ibang tao. Isang payak na kahulugan ng imahe ng
isang tao.
KABANATA II

KAUGNAYAN NA LITERATURA

Ayon kay Kaye Manaig Malik,Mapapansin natin sa ating henerasyon ngayon na talamak na ang mga estudyante sa hayskul ang mayroon
ng kasintahan sa murang edad pa lamang. Bakit kaya ganito? Ano nga ba ang pakikipagrelasyon? “Ang pakikipagrelasyon ay hindi
minamadali, hindi hinahanap at hindi biro” Bakit nga ba sa panahon ngayon ay uso na ang pakikipagrelasyon ng maaga? Una, dahil ito
ang nauuso ngayon ang mga kabataan sa panahon ngayon ay nakikiuso na mapa-social media, mapa-salita, at sa mga bagay bagay, ay
ginagaya na nila. At isang malaking halimbawa nga nito ay ang pakikipagrelasyon ng maaga. Pangalawa, marahil ay nakikita nila ito sa
mga kaklase o mga kaibigan nila kaya nakikiuso sila makipagrelasyon. Pangatlo, ay ang problema. Marahil ay may dinadala sila. Kaya
minsan akala nila ang pakikipagrelasyon ang solusyon nito.At ang huli ay, naiinggit. Gusto nilang maranasan kung ano ang nauuso
ngayon. Gusto nilang maranasan kung paano magmahal. Ngunit ang hindi nila alam maraming epekto ang pakikipagrelasyon ng maaga.
Ang pagkakaroon ng maagang relasyon ng isang estudyante ay may nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay
masyadong nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-aaral.
Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol ang sarili sa kanilang karelasyon. Dahil sa pagkakaroon ng karelasyon,
madami tayong makukuhang epekto lalong lalo na sa pag-aaral. Isa na rito ay ang kanilang mga pera at baon, nauubos lamang sa kaka-
date sa kanilang karelasyon sapagkat yan ang dahilan kung bakit nagiging hadlang ang isang relasyon sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng
karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din.

Kung minsan, ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil dito nagagawa mo ng husto ang pag-aaral. Kung ang
karelasyon mo ay masipag mag-aral, tiyak na ikaw ay sisipag rin sa pag-aaral. Hindi naman sa lahat ng oras ang isang karelasyon ay
nakakasama sa pag-aaral, sila din ang nagbibigay ng inspirasyon at determinasyon sa isang estudyante na galingan sa kanilang pag-
aaral. Nakakatulong din ang isang relasyon sa paraan na maibigay natin ang ating sarili ng motibo na maipabuti ang pag-aaral. Ang
pagkakaroon ng isang relasyon o wala habang ikaw ay nag-aaral ay hindi naman gaano nakakaapekto sa pag-aaral, depende na ito sa
estudyante kung paano niya pahalagahan ang kaniyang pag-aaral, may karelasyon man o wala. Ang importante ay mabalanse ang oras
ng pag-aaral sa iba pang gawain. Basta kaakibat lang ang pagiging determinado at masunurin sa pag-aaral ang isang estudyante, tiyak na
wala siyang problema sa pag-aaral kahit na may karelasyon.

Marami nang mga dalubhasa ang nag-aaral hinggil sa pakikipagrelasyon ng mgakabataan. Sa kabilang banda,marami parin ang hindi
nakakaunawa at nakakaintindi sa tunaynitong kahulugan at kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Marami din sa atinang
nagkakaroon ng miskonsepsyon sa pakikipagrelasyon.
Ayon kay Steinberg (2002), mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa pagitan ngsexuality at intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-
aaral ng adolescence at kapag ginagamit sasekswal at pisikal na aspeto. Samakatuwid, ang intimate na pakikipagrelasyon ay
isangemotional attachment sa pagitan ng dalawang tao na may pakialam sa isa’t isa; at ang pagkakaroon ng parehong interes at mga
paborito. Kung kaya,ang dalawang indibidwal aymaaaring magkaroon ng isang intimate relationship kahit na walang sekswal na ugnayan.
Sakabilang banda rin naman ay maaari silang magkaroon ng sekswal na ugnayan kahit na walangintimate relationship.

Ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyon ng isangestudyante ay may nakabitin na epekto sa pag-
aaral. Minsan kung ang kabataan ay masyadongnalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o minsan
nakakalimutan natalaga nila ang pag-aaral. Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol angsarili sa kanilang
karelasyon. Dahil sa pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong makukuhangepekto lalung lalo na sa pag-aaral.Ang pagkakaroon ng
karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din. Kungminsan, ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil dito
nagagawa mo nghusto ang iyong pag aaral. Kung ang karelasyon mo ay masipag mag-aral, tiyak na ikaw aysisipag rin sa pag-aaral. Hindi
naman sa lahat ng oras ang isang karelasyon ay nakakasama sa pag-aaral, sila din ang nagbibigay ng inspirasyon ay determinasyon sa
isang estudyante nagalingan sa kanilang pag-aaral. Nakakatulong din ang isang relasyon sa paraan na maibigay natinang ating sariling
motibo na maipabuti ang pag-aaral.Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999), lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon
sa kaniyang kapwa. Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga problema,mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag
ng sariling opinion. Marahil naang pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan para sa lubusan nilang makilala angkanyang sarili at
maipahayag ang sarili nilang damdamin.Ang pagkakaroon ng isang relasyon ay hindi naman gaano nakakaapekto sa pag-aaral,depende
na ito sa estudyante kung paano niya pahalagahan ang kaniyang pag-aaral,  may karelasyon man o wala. Ang importante ay
mabalanse ang oras ng pag-aaral sa iba pang gawain.Basta kaakibat lang ang pagiging determinado at masunurin sa pag-aaral ang isang
estudyante,tiyak na wala siyang problema sa pag-aaral kahit na may karelasyon.

Ayon kay Ramon Carlos (2008) sa kanyang blog entry, naaapektuhan lamang ng pagiging “in a relationship” ng isang tao ang mga
mahahalagang bagay na lubos niyangkailangan sa pang-araw-araw bilang isang indibidwal. Tinukoy niya ang mga negatibong epektong
pagkakaroon ng love life sa buhay ng isang estudyante. Una sa lahat, maaapektuhan nangmalaki ang kanyang pag-aaral. Gaya nga ng
nabanggit ko kanina, imbes na ituon natin ang 100%na atensyon natin sa pag-aaral ay nalilihis tayo at mas napagtutuunan natin ng pansin
ang atingmga kasintahan. Imbes na mag-aral tayo nang mabuti at mailaan natin ang ating oras sa pag-aaral ay mahahati ito kung sakaling
may mga kasintahan tayong nangangailangan din ng atingatensyon. Dahil dito, mahahati ang ating oras at maguguluhan ang ating isipan
kung alin sadalawa ang uunahin.Malaki ang posibilidad na dahil dito, mawawalan tayo ng pokus at maaaring bumaba angating mga grado.
Pangalawa, maaapektuhan din ang ating mga bulsa. Ang ating allowance ay para sa ating pansariling gastos sa paaralan. Ang perang
ibinibigay sa atin ay galing sa dugo’t pawis ng ating mga magulang. Binibigyan nila tayo ng pera upang makabili ng mga pangangailangan
natin sa paaralan gaya ng mga school supplies at pagkain. Kung maykasintahan tayo, malaki ang posibilidad na mabubutas ang ating
mga bulsa lalong-lalo na para sa mga lalake. Paano? Alam naman natin na ang karaniwang paraan upang maipakita ng isanglalake ang
kanyang pagmamahal para sa isang babae ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mgamateryal na bagay gaya ng tsokolate, bulaklak,stuff
toy at iba pa. Kaya nga hindi biro ang pumasok sa isang relasyon kung alam naman natin na hindi pa handa ang ating mga bulsa.

Ang pakikipagrelasyon ay parang lesson plan: mayroong Objectives (may cognitive, psychomotor at affective), may Subject Matter,
may Procedure (preparation, review, motivation,discussion at generalization), may Evaluation at syempre, dapat may Agreement din.

Sa panahon ngayon ang paikipagrelasyon ay laganap na sa kabataan,ngunit hindi alam ng karamihan ang maraming epekto nito.
KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraan ng pananaliksik upang matugunan lahat ng mga pangangailangan
sa pag-aaral na ito,gayundin ang mga respondante ng pag-aaral,instrumenting ginamit at pamamaraan ng paglikom ng mga
datos at impormasyon.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Sa pananaliksisk na ito ay gumamit ng diskriptibong metodolohiya ng pananaliksik kung saan nagbigay ng mga
talatanungan (SURVEY FORM)upang mabatid ang epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa kapwa mag-aaral at upang
makalikom ng datos at impormasyon patungkol sa pag-aaral na ito na maaring makatulong upang mas bigyan pang linaw ang
pananaliksik na ito.

RESPONDANTE NG PANANLIKSIK

Ang mga sakot o kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Dolores National High School, Strand ng ABM AT
HUMSS taong panuruan 2021-2022.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng tlatanungan(SURVEY FORM ). Nakasaad sa


palatanungan ang mga katanungan na maaring makatulong sa paglikon ng mga datos. Ang bawat katanungan ay may
karampatang kasagutan na pipiliin ng respondante sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek(/) sa bawat patlang.

DOLORES NATIONAL HIGHSCHOOL

BUSSINES ACCOUNTANCY AND MANAGEMENT (ABM)

11-CAPRICORN

PANANALIKSIK TUNGKOL SA;

“EPEKTO NG MAAGANG PAKIKIPAGRELASYON SA KAPWA MAG-AARAL NG STRAND NG ABM NG DOLORES


NATIONAL HIGHSCHOOL (DNHS), SENIOR HIGH SCHOOL(SHS) SA TAONG PANURUANG 2021- 2022.”

PANGALAN : BAITANG AT SEKSYON: EDAD : KASARIAN: BABAE:

LALAKE:

PANUTO: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga patlang.Lagyan na lamang ng TSEK(/) ang mga kahon na
tumutugma sa iyong sagot.

1. Kailan ka nagsimulang makipagrelasyon?

( )ELEMENTARY ( )JUNIOR HIGHSCHOOL ( )SENIOR HIGHSCHOOL

2. Ilan ang bilang ng iyong naging karelasyon?

( )ISA ( )DALAWA ( )TATLO ( )APAT O HIGIT PA

3. Ilang oras ang gigugol niyo para sa isat-isa?


( )HINDI HIHIGIT SA DALAWANG ORAS
( )TATLONG ORAS
( )APAT HANGANG LIMANG ORAS
( ) HIGIT SA LIMANG ORAS

4. Ano sa palagay mo ang naidudulot na positibo ng pakikipagrelasyon sa iyong pag-aaral ?

( )KAAGAPAY SA PAG-AARAL
( )INSPIRASYON
( )MAS INTRESADONG MAG-ARAL
( )WALANG POSITIBONG NA IDUDULOT

5. Ano sa palagay mo ang naidudulot na positibo ng pakikipagrelasyon sa iyong sarili ?

( )KASIYAHAN
( )MAY KAAGAPAY SA PROBLEMA
( )WALANG POSITIBONG NAIDUDULOT

6. Ano sa palagay mo ang naidudulot na negaitibo ng pakikipagrelasyon sa iyong pag-aaral ?

( )DISTRAKSYON
( )KAKULANGAN NG ORAS SA PAG-AARAL
( )KAWAWALAN NG POKUS SA PAG-AARAL
( )WALANG NEGATIBONG EPEKTO

7. Ano sa palagay mo ang naidudulot na negatibo ng pakikipagrelasyon sa iyong sarili?

( )KALUNGKUTAN O SAKIT
( )KAWALAN NG ORAS SA SARILI
( )DAGDAG GASTOS
( )WALANG NEGATIBONG EPEKTO

8. Anong mga salik ang nag-udyok sa iyo upang pumasok sa pakikipagrelasyon?


( )PANLABAS NA KATANGIAN NG INIIBIG
( )PAGKAKAROON NG KARANASAN
( )UDYOK NG KAIBIGAN O BARKADA
( )PAGMAMAHAL NA TUNAY AT WAGAs
( )KAKULANGAN NG ATENSYON NG MGA MAGULANG

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTREPETASYON NG MGA DATOS

Inilalahad ng kabanatang ito ang mga ginawang pagsusuri at intrepetsayon ng mga nakalap na mga datos at
impormasyon patungkol sa pananliksik.

TALAHANAYAN 1:Propayl ng mga Respondante

PROFILE FREQUENCY PERCENTAGE%


KASARIAN
LALAKE 26 52%
BABAE 24 48%
EDAD
16 TAONG GULANG 4 8%
17 TAONG GUALNG 22 44%
18 TAONG GULANG 13 26%
19 TAONG GULANG 7 14%
20 TAONG GULANG 1 2%
SHS STRAND
ABM 25 50%
HUMSS 25 50%
BAITANG
GRADE-11 25 50%
GRAE-12 25 50%
KABUUAN: 50 100%

Sa tahanayang ito ay naglalahad ng mga datos patungkol sa pananaliksik na ito,nakasaad dito ang bilang,edad,baitang
at strand ng respondante. Sa limampung repondante ay may 26 na kalalakihan at 24 na kababaihan;may 4 na 16 taong
gulang,may 22 na 17 taong gulang ,may 13 bilang na 18 taong gulang,may 7 na bilang sa 19 taong gulang at 1 bilang para sa
20 taong gulang. Pantay na hinati ng mananaliksik baitang at strand ng mag-aaral kung saan pinili lamang ang mga mag-
aaral na merong nang karanasan sa pakikipagrelasyon kaya’t mayroong 25 na bilang ng baitang 11-12,strand ng ABM at
meron din 25 na bilang ang baitang 11-12,strand ng HUMSS.

TALAHANAYAN 2:PAGSISIMULANG MAKIPAGRELASYON

PAGSISIMULANG FREQUENCY PERCENTAGE%


MAKIPAGREALSYON
ELEMENTARY 19 38%
JUNIOR HIGH SCHOOL 17 34%
SENIOR HIGH SCHOOL 14 28%
KABUUAN 50 100%

Ipinaakita sa tahanayang ito kung kalian nagsimulang makipagrelasyon ang mga mag-aaral. May 19 na bilang ang
nagsimulang makipagrelasyon sa elementarya,17 na bilang ang nagsimulang makipagrelasyon sa junior high school at 14 na
bilang naman sa senior high school.

TALAHANAYAN 3:BILANG NG NAGING KASINTAHAN

BILANG NG NAGING KASINTAHAN FREQUENCY PERCENTAGE


ISA 20 40%
DALAWA 7 14%
TATLO 15 30%
APAT O HIGIT PA 8 16%
KABUUAN 50 100%

Naglalahad ang talahanayang ito ng mga datos ng bilang na naging karelasyon ng mga respondante. Lumabas sa
pag-aaral na ito ang 20 na bilang ng mag-aarl na nagkaroon ng 1 karelasyon ,7 bilang naman sa 2 karelasyon,15 bilang para
sa 3 karelasyon at 8 na bilang na nagkaroon ng 4 o higit pang karelasyon.
TALAHANAYAN 4:GINUGUGOL NA ORAS PARA SA ISA’T-ISA

ORAS FREQUENCY PERCENTAGE%


HINDI HIHIGIT SA DALAWANG 6 12%
ORAS
TATLONG ORAS 9 18%
APA’T HANGGANG LIMANG ORAS 25 50%
HIGIT SA LIMANG ORAS 10 20%
KABUUAN 50 100%

Naipakita sa talahanayang ito ang oras na ginugugol ng isang mag-aaral para sa karelasyon,nagkaroon na 6 na bilang
para sa hindi hihigit ng dalwang oras,9 na bilang para 3 oras,25 na bilang para 4 hanggang 5 oras at 10 bilang para higit sa 5
oras. Nagpakita ito na kayraming mag-aaral na may napakahabang oras na ginugugol para sa karelasyon.

TALAHANAYAN 5:POSITIBONG DULOT NG PAKIKIPAGREALSYON SA PAG-AARAL

POSITIBONG DULOT FREQUENCY PERCENTAGE%


KAAGAPAY SA PAG-AARAL 15 30%
INSPIRASYON 20 40%
MAS-INTRESADONG MAG-ARAL 10 20%
WALANG POSITIBONG DULOT 5 10%
KABUUAN 50 100%

Sa talahanayang ito ay ipinapakita ang naging positibong dulot ng pakikikipagrelasyon sa pag-aaral. Nagkaroon ng
15 na bilang ang kaagapay ang karelasyon sa pag-aaral,20 na bilang para sa ito’y inspirasyon at 10 bilang para sa mas
naging intresadong mag-aral ang isang mag-aaral pag may karelsayon na kapwa mag-aaral at 5 bilang ang pakikipagrelasyon
sa kapwa mag-aaral ay walang positibong dulot.
TALAHANAYAN 6:POSITIBONG DULOT NG PAKIKIPAGRELASYON SA SARILI

POSITIBONG DULOT FREQUENCY PERCENTAGE%


KASIYAHAN 28 56%
MAY KAAGAPAY SA PROBLEMA 17 34%
WALANG POSITIBONG DULOT 5 10%
KABUUAN 50 100%

Pinapakita ng talahanayang ito ang positibong dulot ng pakikipagrelasyon sa sarili kung saan nagkaroon ng 28 na bilang
para sa kasiyahan,17 na bilang para sa kaagapay ang pakikipagrelasyon sa problema at 5 bilang ang nagsasabing walng
positibong dulot.

TALAHANAYANG 7:NEGATIBONG DULOT NG PAKIKIPAGREALSYON SAPAG-AARAL

NEGATIBONG DULOT FREQUENCY PERCENTAGE%


DISTRAKSYON 7 14%
KAKULANGAN NG ORAS SA PAG- 19 38%
AARAL
KAWALAN NG POKUS SA PAG- 16 32%
AARAL
WALANG NEGATIBONG DULOT 8 16%
KABUUAN 50 100%

Nagpapakita ang talahanayang ito ng mga datos patungkol sa negatibong dulot ng pakikipagrelasyon. May 7 na bilang
ang nagsasabing ito’y distraksyon,19 na bilang para sa kakulangan ng oras sa pag-aaral,16 na bilang para sa kawalan ng
pokus amg-aaral at 8 bilang para sa nag-sabing walang negatibong dulot ng pakikipagrelasyon sa kapwa mag-aaral.
TALAHANAYAN 8:NEGATIBONG DULOT NG PAKIKIPAGRELASYON SA SARILI

NEGATIBONG DULOT FREQUENCY PERCENTAGE%


KALUNKUTAN O SAKIT 9 18%
KAWALAN NG ORAS SA SARILI 22 44%
DAGDAG GASTOS 11 22%
WALANG NEGATIBONG EPEKTO 8 16%
KABUUAN 50 100%

Naglalahad ang talahanayang ito ng mga datos patungkol sa negatibong dulot ng maagang pakikipagrealsyon.
Nagkaroon 9 na bilang para sa kalungkutan o sakit ang danas ng pakikipagrelasyon,22 na bilang para kawalan ng oras sa
sarili,11 na bilang ang nagsabing dagdag lamang sa gatos at 8 na bilang para walang negatibong epekto ang maagang
pakikipagrelasyon.

TALAHANAYAN 9: SALIK NA NAG-UUDYOK SA MAAGANG PAKIKIPAGRELASYON

SALIK FREQUENCY PERCENTAGE%


PANLABAS NA KATANGIAN NG 10 20%
INIIBIG
PAGKAKAROON NG KARANASAN 15 30%
UDYOK NG KAIBIGAN O BARKADA 20 40%
PAGMAMAHAL NA TUNAY AT 5 10%
WAGAS
KAKULANGAN NG ATENSYON NG 0 0
MAGULANG
KABUUAN 50 100%

Naglalaman ang talahanayang ito ng datos tungkol sa salik na nag-uudyok sa maagang pakikipagrelasyon. May 10 bilang
para sa panlabas na katangian ng iniibig,15 na bilang para sa pagkakaroon ng karanasan,20 na bilang para sa udyok lamang
ng barkada,5 bilang para sa nagsabing ito’y pagmamahal na tunay at wagas at para sa kakulangan ng atensyon ng magulang
ay 0.
KABANATA V
LAGOM,KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay naglalahad ng paglalgom,konklusyon at rekomendasyon patungkol sa pananaliksik sa Epekto ng


Maagang Pakikipagrelasyon sa Kapwa Mag-aaral ng STRAND ng ABM at HUMSS ng Dolores National High School,Senior
High School taong panuruang 2021-2022.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-alam ng mga Epekto ng Maagang Pakikipagrelasyon ng mga kabataan.

Nais bigyang kasagutan ng pananliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan;

1.Ano ang propayl ng mga mag-aaral na pumasok sa maagang paikikipagrelasyon?

2.Ano ang positibong dulot nito sa;

2.1. Pag-aaral

2.2 . Sarili

3.Ano ang negatibong dulot nito sa;

3.1. Pag-aaral

3.2. Sarili

4.Ano ang mga salik na nag-uudyok nito sa mga kabataan?

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa paaralan ng Dolores National High School sa taong panuruang 2021-2022.
Binubuo ito ng mga respondante mula sa paaralang nabanggit na may 50 mga mag-aaral na tumugon para sa pananaliksik
na ito.

LAGOM:
Sa pananliksik na ito ay naglalarawan sa mga kaugalian ng mga mag-aaral sa pamantasan ng Dolores National High
School,patungkol sa epekto ng maagang pakiipagrealsyon sa kapwa mag-aaral.Batay sa nagawang interpretasyon ng mga
datos na aming nakalap galing sa mga piling mag-aaral mula sa strand ng ABM at HUMSS ,baitang 11 at 12.

Napag-alaman ng pananaliksik na ito; Na sa pagsapit pa lamang sa elementarya at sa murang edad ay natutunan na ng


kabataan makipagrelasyon. Karamihan ng kabataan ay naglalaan ng napakahabang oras para sa lambingan ng
magkarelasyon sa halip sa kanilang mga aklat.Tinuring nang inspirasyon na pangunahing mabuting dulot ng
pakikipagrelasyon ng kabataan sa kanilang pag-aaral at kasiyahan para sa kanilang sarili.

Sa kabila ng mgandang dulot nito ay may nakababahalang negatibong epekto nito sa pag-aaral na nagiging dahilan ng
kawalan ng oras at pokus sa pag-aaral at nagdudulot din ng kawalan ng oras nito sa sarili at pamilya ng isang mag-aaral.
Natuklasan ng pananliksik na ito na karamihan sa kabataan ang pangunahing dahilan na nag-uudyok na makipagrelasyon ay
udyok lamang ng barkda o kaibigan,pumangalawa na man ang nagnanais ng karanasan sa pakikipagrelasyon.

KONKLUSYON

Batay sa inilahad na mga datos pinatunayan ng pag-aaral na ito na nakikipagrelasyon lamang ang mga kabataan hindi
dahil sa tunay at wagas na pagmamahalan at ito’y dahil sa kagustuhan lamang sa pagkakaroon ng karanasan sa
pakikipagrelasyon. Nagdudulot ito ng positibo at negatibo sa kanilang pag-aaral at sarili na kung saan may napakalaking
epekto nitio sa kanilang pag-aaral at sarili,ang relasyon ay nakabase lamang sa isang magkarelasyon kung ito ba ay
magbibigay ng maganda o masamang dulot sa kanilang sarili at pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang
matugunan at malaman ang mga epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa kapwa mag-aaral. Ibinatay ng mananaliksik ang
konklusyon ayon sa mga nakalap na mga datos at impormasyon sa pamamagitan ng talatanungan.Masasabi naming
mananalisik na ang maagang pakikipagrelasyon sa kapwa mag-aaral ay magdudulot lamang ng kabutihan kung
pahahalagahan ang mga bagay na maaring makapagpatagumpay sa pangarap ng isang mag-aaral at kasarinlan kung ito’y
gagawing libangan at iwawala sa isipan ang mga bagay na dapat pahalagahan.

REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit,buong mapagkumbabang nirerekomenda ng mananaliksik ang sumusunod;

MAG-AARAL-kung nasa kasalukuyang relasyon ,maging maingat sa mga desisyon na gagawin. Maging mapagmatyag sa
karelasyong pipiliin,kung magdadala lamang ng kasarinlan sa iyong sarili ay wag ng palawakin at putulin ang koneksyon.
Pahalagahan ang pag-aaral, pokus mo’y ilaan sapagkat nakasalalay magandang kinabukasan. Pamilya’t sarili bigyan ng
pansin,maglaan ng oras sa kanila’y ilaan.

MAGULANG-kinakailangan ng iyong gabay kahit na sa wastong gulang ang iyong anak,bigyan kaalaman na
makapaghuhubog sa kanilang sarili upang maiwasan ang maling landas na tatahakin.

GURO-bigyan ng dunong ang mag-aaral patungkol sa bagay na ito upang mas tumibay ang kaisipan sa pagkokontrol sa
kanilang sarili para mas malinang ang kaalaman nila sa pagtahak ng landas na maaring makatulong sa kanila.

PAARALAN –maging mapagmasid sa pangagailangan ng mag-aaral upang maiwasan ang hindi matagumpay na
kinabukasan.
SUSUNOD NA MANANALISIK-lalong alamin ang mga kaugalian meron ng kabataaan patugkol sa maagang pakikipag
relasyon.

TALASANGGUNIAN

Ang Mga Kaugalian Ngayong Henerasyon. (2011,Marso 5)


Studymode.com:https://ww.studymode.com/essays/Ang-Mga-Kaugalian-Ng-Mga-Kabataan-609117.htn

Casio,K.K.(2015,Marso 11). Blogger,Retrieved from Blogspot:

http://aralingpanlipunan.blogspot.com/?m=1

Coursehero.com(2019).Retrieved from Course Hero.Inc;

http://www.coursehero.com/file/43417924/fil-thesisdocx /

France-Borja,D(2017).Pag-aaral muna bago pakikipagrelasyon.philstar.com.

Garbin,M.(2020 January)Kaugnay na Litiratura at Pag-aaaral.Retrieved from scribd.com:

http://www.scribd.com/document/44223145/KAUGNAY-NA-LITERATURA-AT-PAG-AARAL

Malik,K.M.Narra.Retrieved from wordpress com:

https://www.google.com/amp/s/wearebeaches.wordpress.com/2015/07/10/maaagang-pakikipagrelsayon-ng-kabataan /amp/

Respicio.(2015).Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Akadimikong Performans ng mga Mag-aaaral

https://www.aacdemia.edu/1634060/Epekto_ng_Pakikipagrelasyon_sa_Akademikong_Performans_ng_mga_Mag-aaral

Watchover.(2020).Maagang Pakikipagdate.Ano ba ang masama rito?JW.ORG.25-27

APENDIKS

PERSONAL NA EMPORMASYON

PANGALAN: JANRRY ALBERT M. DESALIN


BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SHOOL

EDAD: 17

ADDRESS: BRGY.DAMPIGAN DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: JAMAICA MARIZZE P. RIVERA

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 17

ADDRESS: BRGY HAPITAN,DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: JENELYN B. CELESTE

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 25

ADDRESS: BRGY.DAMPIGAN DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: RENALYN D.VELARDE

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICON

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 17

ADDRESS: BRGY.DAMPIGAN DOLORES EATERN SAMAR

PANGALAN: MARION RAFAEL ROBREDILLO

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL


EDAD: 17

ADDRESS: BRGY.1 DOLORES ESTERN SAMAR

PANGALAN: MIKE AMADO

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 20

ADDRESS: DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: DANRIE R.CIDRO

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 17

ADDRESS: BRGY.AROGANGA ,DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: JEAN RODELES

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CARICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 17

ADDRESS: BRGY 1.DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: RAYMOND JOHN LAZARRA

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL


EDAD: 17

ADDRESS: BRGY 13,DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: LYCA A. DULFO

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 17

ADDRESS: BRGY DAMPIGAN,DOLORES EASTERN SAMAR

PANGALAN: DARILENE ABELLA

BAITANG AT SEKSYON: 11-ABM CAPRICORN

PAARALAN: DOLORES NATIONAL HIGH SCHOOL

EDAD: 17

ADDRESS: BRGY. GAP-ANG,DOLORES EASTERN SAMAR

Epekto ng Maagang Pakikipagrelasyon sa Kapwa Mag-aaral ng Strand ng ABM at HUMSS ng


Dolores National High School,Senior High School taong panuroan 2021-2022.

Isang papel pananaliksik ang ipinasa kay


Ma’am Kissarane Mathy Arca-Pabilona

Guro sa Pananaliksik

Bilang pagtugon sa mga pangangailangan sa kurso ng Filipino 2

Ika-2 Semester ,S.Y. 2021-2022

Ipinasa nina;

Janrry Albert M. Desalin

Jamaica Marizze P. Rivera

Jenelyn B. Celeste

Marion Rafael Robredillo

Jean Rodeles

Renalyn Velarde

Lyca Dulfo

Danrie R. Cidro

Mike Amado

Raymond John Lazarra

Darilene Abella

You might also like