You are on page 1of 2

ANG AMING BAKASYON SA MANILA

Lahat ng tao dito sa mundo ay may mga pangyayari na hindi natin makalimutan.
Mga pangyayari na nagdudulot ng kasiyahan, pighati, kalungkutan at kabiguan. Habang
ang oras ay patuloy sa pag-ikot lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nag-iiwan ng
marka. Ako marami akong karanasan na hindi ko makalimutan tulad ng masasaya at
masasakit na alaala sa aking buhay at ngayon nais kong ibahagi sa inyo ang isa sa mga
pinakamasayang pangyayari sa aking buhay na Hindi ko makalimutan.

Noong Ika–18 ng desyembre 2018 pumunta kami sa maynila para puntahan ang
aking ama at doon din magdiwang ng kapaskohan at bagong taon. Sumakay kami ng bus
papunta sa manila, nung nagbyabyahe kami papunta sa manila maraming tanawin ang
aming nadadaanan at nung dumating na kami sa manila pumunta kami kaagad sa
Antipolo para puntahan ang aking ama kung saan siya nagtratrabaho. Isang araw niyaya
kami ni papa mamasyal sa luneta park at manila zoo, napakagandang tanawin ang
mayroon ang luneta park at doon matatagpuan ang munuminto ni Dr. Jose Rizal at
pumunta din kami sa manila zoo nakita namin ang iba't ibang uri ng hayop at sa
pangalawang araw namin sa manila niyaya kami ng aming tita na mag simba at
mamasyal sa mall, kumain kami sa Jollibee at ibinili ako ng mga magagandang damit.
Pumunta din kami nila papa sa Isang resort naligo kami ng mga kapatid ko sa swimming
pool at marami pang ibang lugar ang aming pinuntahan. Ito ang mga pangyayari na
hindi ko makalimutan.

SABANDEJA, KYLA G.
11–Calypso

You might also like