You are on page 1of 2

ESTUDYANTE BA KAMOOOO???

Halos Kayod-kalabaw na aang mga magulang natin para lamang matustusan ang ating pag-
aaral.Dugo’t pawis kanilang iniaalay upang makakita lamang ng salapi’t tayo’y mapapasok sa eswelahan.
Ngunit ,Ay! Heto ka naman,abay parang kung sinu-sino’t pabandying bandying lamang at hindi man lang
bigyang pansin o kaya nama’y kindatan manlang ang yong aklat na siyang sukli man lang sana ng
pagsasakripisyo ng iyong magulang.

Ibang iba na talaga ang mga tao ngayon,pati mga estudyante ay iba’t iba na rin ang uri.May mga
papogi,may mga paFamous,may mga pabebe,adik,feeling mayaman at kung ano’t ano pang ginagawa
niila,samantalang ang kanilang mga magulang ay nagkakandarapa maigapang lamang ang kanilang pang-
araw araw na gastusin.Minsan pa nga’y ika’y nasa plaza,akala mo naman kung sino ka kung
makaasta,inilabas mo pa ang iyong antipara para sa gayon ay magmuka kang artista at turista nang sa
katotohanan ang magulang mo andon at nakabilad sa araw.Aba’t abay parang manlilibre ka pa,pakain-
kain sa fast foods,mag-oorder ng marami at hindi naman uubusin,Hoy!andon ang magulang mo
kumakalam ang kanilang sikmura.

Pagdating niyo sa bahay niyo’y parang sino kang sinyorita na animo’y parang pagod na pagod
ka.PAgsisilbihan ka ng iyong magulang,ihahainan sa hapag kainan at kung may magawa silang di sakto sa
timpla mo ay ikaw pa tong magagalit at pagtataasan mo pa sila ng boses!at sila’y magpapakumbaba at
iintindihin ka,eto ka naman animo’y parang “genius” sa paaralan magdadabog at magwo-walk out sabay
sabing”ayoko nang mag-aral”.

Ang dapat gawin nating mga estudyante ay mag-aaral ng mabuti bago sa ating mga paandar na
di naman umaandar.Huwag nating sayangin an gating kinabukasan dahil sa mga walang kwentang bagay
na iyan,lahat ng bagay may may oras at pagkakataon,sabi nga ni lola Nidora”sa tamang panahon”

Haay..estudyante nga naman.Mahiya ka naman kung minsan!


TIMBANGAN

Ang mithiin ng bawat isa sa atin ay ang makamit ang isang napakatamis na tagumpay at ang
tagumpay na ito ay ang walang hanggang kasiyahan.

Sa panahon natin ngayon,aminin man nati’t hindi ay mayroon nang iba’t-ibang uri ng tao,iba’t
ibang uri na kailangan nating tanggapin at respetuhin.Andito na ang mga bakla ,tomboy ,bisexual,
transgender at kung ano-ano pa,bagong mga makukulay na kasarian na bagong sibol pa lamang.
Maaaring sila’y bagong sibol pa lamang ngunit tulad ng iba’y naghahanap din ng tunay na
kaligayan.Aminin nati’t hindi ay parte na rin sila ng sistema n gating pamumuhay,sila ay kasama na rin sa
umaapekto sa buhay natin,maaaring ito’y sang bentahe o di bentaheng bagay.Sila yung mga uri ng taong
masiyahin,palatawa ngunit may mga kinkimkim sa loob nila,isang mabigat na bagay na binubuhat ng
kanilang mga balikat.Tulad ng iba kailangan din nila ng pagkalinga,pagkalinga galing sa madla,isang
napakaliit na bagay para sa tanan ngunit para sa kanila isang napakalaking bagay na patuloy na umuusig
at nagbibigay pasakit. Isang pagkalinga na patuloy nating pinagkakait.

Di ba’t sabi nila’y tayo’y pantay pantay sa mata ng Diyos?sabi rin nila,tayo’y pantay pantay sa
ngipin ng batas ngunit bakit sa simpleng bagay lamang ay hindi natin alam obserbahin ang
pagkakapantay-pantay ng lahat?Nakakahiya mang isipin na tayo mismo na mga
magkakadugo,magkakadugong Pilipino ang siyang nagbibigay husga sa kanila,tayo ang siyang mismong
nagbibigay kahinaan sa kanila at tayo mismo ang siyang umuusig at umaalipusta sa kanila.

Kailangan nating maiintindihan na tayo’y nasa makabagong mundo na ,wala na tayo sa lumang
sistema na walang pagkapantay pantay at bulok na sistemang walang pagtangap,ang mga taong hindi
marunong tumanggap ay ang mga taong badoy at napagiwanan na.Kailangan nating tanggapin na ang
balon nga natutuyo,ang mga dahon naglalagas,ang panahon lumilipas,kasabay ng paglipas nito ang
siyang pag-iiba rin ng konsepto ng mundo.

Pagtanggap at pagkakapantay pantay lang naman ang kanilang pagsusumamo bat di pa natin ito
ibigay ng todo-todo.

You might also like