You are on page 1of 3

PILING

LARANG
Submitted to: Jasper A. Senense

Kyla Nicole Facun


12 ABM St. Ingrid
Kyla Nicole Facun
12 ABM St. Ingrid

“KAHIRAPANG AKING KINAGISNAN”

Habang ako’y nakaupo sa upuang ito, kaharap ang aking laptop at nagfe-
Facebook, bigla kong naisipan na umpisahan na ang aking takdang aralin na
repliktibong sanaysay sa Piling Larangan. Sinubukan kong mag-isip ng paksa para sa
aking sanaysay ngunit nahirapan akong magdesisyon. Hanggang sa sumagi sa aking
isipan ang isa sa aking mga karanasan noong ako’y pitong taon pa lamang.
Isa itong alaalang aking kinagisnan nong ako’y bata pa, karanasang hinding
hindi ko makakalimutan. Ako ay lumaki lamang sa hirap, apat kami magkakapatid at
ang tatay ko’y nagtatrabho sa isang constraction lamang at aking nanay naman ay
isang tindira lamang sa aming munting tindahan at minsa’y nagluluto naman siya ng
mga lutong pagkain na aking inilalako sa aming barangay. Elementarya pa lamang ako
nang kasa kasama na ako ng aking nanay sa kanyang pagtitinda, ako kasi nag iisang
babae sa amin magkakapatid at ako lamang ang kanyang maasahan pagdating sa
kusina. Pitong taong gulang palamang ako nag-aaral habang tumutulong sa aking mga
magulang maghanap buhay. Sa ganyan edad natutulungan ko na aking aking mga
magulang upang kumita ng pera na panggastos sa aming pang araw-araw na
pangangailang. Ngunit ngayo’y masasabi ko na lamang nanapaka swerte ko. Napaka
swerte ko sa aking mga magulang dahil kahit gaano pa kahirap ang aming sitwasyon ay
di kami/sila sumuko. Sabi nga ng iba pagsubok lamang ito at hindi habang buhay ganito
ang aming mararAnasan.
Masasabi kong tama nga sila, dahil walong taon na ang nakararaan at kami’y di
na katulad ng dati. Ang nanay ko ngayon ay isa ng OFW sa Hongkong at merong
mababait at mapagbigay na mga amo na sila’y tumutulong kay mama para
mapagtapos kaming magkakapatid. Ang aking tatay naman ay nag aalaga ng dalawang
nakababatang kapatid ko at siya rin ang tumutulong kay mama upang matapos na
aming ipinapagawang bahay sa Mindoro. Higit sa lahat ay nakapag aaral kaming mag
kakapatid sa maayos at magagandang mga paaralan. Ang kuya ko ay isang 2 nd year
college na kasalukuyang nag aaral ng kursong Political Science at isa rin siyang
deanslister.
“Gawin mong inspirasyon ang kahirapan, mag-aral kang mabuti para sa iyong
kinabukasan”. Kasabihang hinding hindi ko malilimutan at laging kong aalahanin, dahil
sa kasabihang ito, laging nakatatak sa utak kong mag-aaral akong mabuti para sa
aking kinabukasan at para saking mga magulang. Mahirap man ang buhay natin,
huwag pa rin tayong mawalan ng pag-asa at ipagpatuloy ang pag-abot sa mga
pangarap sa buhay. May mga panahong sobrang hirap na ng mga pagdadaanan natin
kaya dapat lang na manalig sa Diyos at maniwala sa sarili. Kung ano man ang ginawa
natin ay siyang magiging bunga ng ating hinaharap. Wala mang pera o hirap man sa
sitwasyon ay may kasaganahan din tayong makakamit basta’t magsikap lang. Ang mga
mayayaman nga hindi tumitigil kahit na may pera na, tayo pa kayang mga mahihirap.
Kyla Nicole Facun
12 ABM St. Ingrid

“KABATAAN”

Talumpati tungkol sa kabataan. “Kabataan ang pag-asa ng bayan” isa ito sa mga
nabanggit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan. Tayong mga kabataan ang siyang
magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin ito sa kahirapan
at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang
bandilang ating bayan patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga
dayuhan. Ito ay ilan lamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay
ng bawat kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan. At ngayon tumatayo ako sa dito
sa harapan ninyong lahat at marahil na maraming katanungan ang nasa ating mga
isipan. Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan? Kaya nga ba nating mapaunlad ang susunod
na henerasyon? Mapapa-angat nga ba natin ang Pilipinas o tayo pa ang
magpapabagsak dito? Paano na ang ating bayan? Teenage pregnancy, bullying, droga
at iba pa, yan lamang ang iilang mga problema ng kabataan ngayon.

Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan


at sa kaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang
paniniwalang ‘to. Masyado na yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa
paglipas nito at sa pagsilang ng bagong henerasyon ay marahil ang paglipas din ng
paniniwalang pag-asa ng bayan ang mga kabataan. Maraming kabataan sa panahon
ngayon ang maagang naliligaw ng landas. Mga kabataang gumagamit ng mga
ipinagbabawal na gamot na nagtutulak sa kanilang mga isipan na gumawa ng krimen
mga mararahas na nagdudulot sa kanila sa kapahamakan. Mga kabataang maagang
nagiging magulang dahil sa maling desisyon. Nakakalungkot isiping napakaraming
kabataan ngayon ang nasisira na ang mga buhay. May pag-asa pa kaya ang ating
bayan kung ganito na ang lahat ng kabataan? Kaya’t mapalad tayong mga kabataan na
nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.

Bilang isang kabataan, naninindigan ako na ang “Kabataan ay ang pag-asa ng


bayan”, dahil sa murang edad ay natuto na kaming matuto sa aming kamalian at ito’y
ituwid, na sa murang edad natuto na kaming magsakripisyo at magtiis, at sa murang
edad natuto na kaming maging isang responsableng tao. At, lahat ng iyon ay magiging
susi namin upang maging isang inspirasyon sa lahat, at isang mahalagang karanasan
upang patuloy kaming magsumikap at sumabay sa takbo ng buhay. Dahil, magmumula
sa amin ang isang magiging mabuting mamamayan, manggagawa, isang tapat na lider
ng bansa na aming sinilangan!

You might also like