You are on page 1of 4

Walang Maruming

Kanal sa Taong
Pursigido Mag-aral
(Pananayam sa Filipino)

Ipinasa nina:
Allas, John Kenneth
Palabrica, Ian Emmanuel
Prado, Janna Yesha
Ylaya, Mary Grace

Ipinasa kay:
Gng. Maryann O. Preligera

Introduksiyon
Bawat tao sa mundong ating ginagalawan ay mayroong problemang kinakaharap
at pangarap na inaasam. Ang iba'y sumusuko at ang karamihan naman ay patuloy na
lumalaban sa hamon ng buhay. Hindi gano'n kadaling makamtan ang ating pangarap
na hinahangad, ngunit sa dulo ng ating tagumpay, maaasam natin ang ginhawa ng
buhay sa kabila ng paghihirap na ating kinagisnan. Halina't ating tunghayan ang kwento
ng isang taong nagbigay at patuloy na nagiging inspirasyon sa bawat estudyante ng
mataas na paaralan ng Sagad. Siya ang guro sa Araling Panlipunan at karaniwang
tagapayo ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng kaso. Ang taong ito ay nagngangalang
Gilbert Cagatin.

Tanong:
Ano ang pinaka mabigat na karanasan mo?

Ayon kay Ginoong Cagatin, ang pinakamahirap na pinagdaanan niya ay ang


makita ang kaniyang ina na subsob sa pagtatrabaho. Ang kaniyang ina ay naglalako ng
yakult sa umaga at nagtatahi naman sa hapon. Hindi niya ito matiis kaya naman bilang
anak, gumawa sya ng paraan upang makatulong. Siya ay nagtinda rin ng yakult at
dumiskarte sa kanilang eskwelahan. Sipag at tiyaga ang kaniyang puhunan na siyang
nagsilbing daan sa pag abot ng mainam na pamumuhay.

Tanong:
Sa kabila ng mga paghihirap na iyong naranasan, hindi mo ba naisipang sumuko?

Isinaad ng gurong tagapayo ng mataas na paaralan ng Sagad na si Ginoong


Gilbert Cagatin na ang salitang 'pagsuko' ay hindi pumasok sa kaniyang isipan. Ayon
sakaniya, bata pa lamang silang magkakapatid ay sinanay na sila sa mga gawain.
Gayunpaman, ang kanilang ina ang nagsilbing inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang
mga pangarap. Dagdag pa niya, nang nakita niyang naghihirap ang kaniyang ina sa
pagtatrabaho, unang pumasok sa kaniyang isipan ay ang tumulong at hindi ang
sumuko.

Tanong:
Ano ang naging inspirasyon mo para hindi sumuko sa buhay?

Ayon kay Mr. Cagatin ay isa sa pangunahing naging inspirasyon nya ay ang
kanilang katayuan sa buhay na kung saan kanyang ginamit upang gawing lakas para
harapin ang anumang pagsubok na kanyang haharapin. Ayon pa sa kanya ay hindi nya
ininda ang kahirapan bagkus ay ito ang nagbibigay sa kanya ng motibasyon para mag
pursige sa pag aaral. Kapag nakikita nya raw na nahihirapan ang kanyang ina ay naiisip
na lamang nya na tumigil ngunit kalaunan ay mapagtatanto nya na pano na lamang nya
matutulungan ang kanyang ina kung titigil sya sa pag aaral.

Tanong:
Bilang guro na napagdaanan ang ganoong hirap, ano ang puwede mong ibigay na
mensahe sa aming mga mag-aaral?

Ibinahagi niya saamin na maging masipag at matiyagang mag-aaral. Hanggat


ngayong nasa sekondarya palamang ay maging masinop at maagap na sa bawat
gawain upang pag dating sa kolehiyo ay hindi na ganoon kahirap gawin ang mga bagay
na pinapagawa. Gaano man kahirap ay dapat kayanin dahil balang araw tayo rin ang
makikinabang ng mga bagay na pinaghirapan nating makuha. Dagdag pa niya na
huwag kakalimutan ang mga magulang na laging nandiyan upang suportahan at
unawain ang kanilang mga anak.

Konklusyon
Ang buhay ay may kambal anak na sina hirap at ginhawa na kung saan
sinasabing bawat hirap sa mundo ang maglalapit sayo sa kaginhawaan kaya hindi
dapat sumuko, magpaapekto at lalong-lalo na ‘wag matakot makaranas ng hirap dahil
laging tandaan na kapatid ni hirap si ginhawa. Bilang isang may buhay ikaw ang
tinuturing na ina at ama ng nasabing dalawang elemento kaya ibig sabihin ay ang
buhay ng tao ay dumaranas ng hirap ngunit sa kabilang dako ay may kaginhawaang
naghihintay kaya wag susuko sa anumang pagsubok ng buhay.

Repleksiyon
Sa aming pamamahayag at pagtatanong na mula sa isang magiting na guro ng
mataas na paaralan ng Sagad na si Mr. Gilbert Cagatin, maraming aral ang aming
napulot at nakuha sa kaniya. Iilan rito ang pagiging masipag, madiskarte, matiyaga,
mapagmahal na anak sa kaniyang magulang at maging mapakisama na tao. Ang
pagiging masipag at madiskarte na tao ang magdadala sayo sa lugar at buhay na
maayos, maganda at matiwasay. Ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang at
pagtanaw sa kanila ng utang na loob ang magbibigay sa iyo ng inspirasyon at
magdudulot sa iyo ng mabuting benepisyo upang magtiyaga at magsumikap sa buhay.
Ang huli ngunit importante ang patuloy na makisama sa mga taong nasa paligid mo
dahil hindi mabubuhay ang tao na siya lang, kailangan niya parin ang tulong ng iba.
Hindi sa umasa ka sakanila subalit magbigayan sa bawat isa. Magtulungan umakyat
hindi maghilaan pababa. Ito ang mga aral na lubos naming naisapuso mula sa aming
magiting na guro.

Koneksiyon kay Basilio


Ang kaniyang pinagdaanan ay kinukumpara namin sa buhay ni Basilio sa
nobelang El Filibusterismo. Si Basilio na ulila sa kaniyang mga magulang at mahal sa
buhay ngunit nagpursigi at nagtiyaga upang magkaroon ng magandang buhay at
makamtan ang kaniyang pangarap. Ang aming guro na kinuhaan ng panayam at si
Basilio ay pagkakatulad sa kanilang naranasan. Dahil sa pareho nilang kalagayan na
dumaan sa hirap ay hindi nila ito ininda. Ang hirap na laging kinukumpara sa maruming
putik ay naging isang malinis na batis para sakanila. Hindi nila tinitingnan ang hirap ng
buhay bilang problema, tinitingnan nila ito na isang pagsubok na alam nilang kaya
nilang lagpasan.

Ebidensiya ng Pananayam

You might also like