You are on page 1of 8

DICHELLE L.

GALI

BSED-FILIPINO 1 ( BLOCK 3)

ESTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

TALUMPATING OKASYUNAL

Ang ating mga ina ang tanglaw at nagbibigay ng liwanag sa bawat tahanan ninuman. Mga nanay ng
tahanan na may busilak na puso at walang kondisyon kung magmahal hindi lamang sa kanilang mga
anak, hanggang sa kanilang kabiyak sa buhay. Ang pagiging ina ay walang hanggang responsibilidad
habang sila ay nabubuhay. Bukod tangi ang kanilang aruga at sakripisyo para sa kanilang mga pamilya.
Nagsisimula ang kalinga at pagmamahal sa atin ng ating mga ina habang tayo ay bitbit nila sa kanilang
mga sinapupunan ng siyam na buwan. Sa araw ng ating kapanganakan ay buwis buhay na
nakikipagsapalaran ang mga ina, masilayan lamang natin ang kagandahan ng daigdig. Walang oras na
hindi mulat ang mga mata ng isang ina masigurado lamang na walang kahit isang lamok o langaw na
dadapo sa kanyang sanggol habang ito ay himbing sa kaniyang pagtulog. Mula sa ating mga
kamusmusan, si nanay ang unang nagturo lahat ng kabutihang asal, maging ng simpleng abakada at
pagsulat. Ina ang ating unang guro. Ang pagtataguyod ni nanay sa atin ay tunay na hindi matatawaran at
hindi mapapantayan ng anumang halaga at ng sinumang tao sa mundong ito. Sa ating mga tagumpay
maging sa ating mga kasawian ang ating mga ina ang huli nating kanlungan. Sa kanilang pugad ng
pagmamahal doon ay napapawi ang bawat sakit na ating nadarama. Si nanay na minsan ay mistulang
matapang ngunit lingid sa kaalaman natin ay durog at wasak ang puso sa bawat sakit na nadarama ng
kanyang mga supling. Sana sa kanilang pagtanda ay atin silang kalingain at huwag pabayaan. Isipin na
lang natin noong tayo ay paslit pa lamang hindi sila nagsawa na umalalay sa atin hanggang sa ating
paglaki. Ngayong sila naman ay matatanda na at mahina na, atin namang ipamahagi ang lakas na minsan
ay ibinuhos nila para lang tayo maitaguyod, mapalaki at maging isang produktibo at mabuting tao.
DICHELLE L. GALI

BSED-FILIPINO 1(BLOCK 3)

ESTRAKTURA SA WIKANG FILIPINO

TALUMPATING OKASYUNAL SARILING GAWA:

Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Ngayong araw ay babanggitin ko sainyo ang isang talumpating
okasyunal. Ako nga pala si Bb. Dichelle Gali kasulukuyang kumukuha ng kusong pang edukasyon. Ang
bawat isa ay may kanya kanyang gampanin sa tahanan, ngunit alam mo ba na ang may pinakamabigat
na gampanin ay ang ating mga magulang? Ito ay isang talumpating pang okasyunal para saaking mga
magulang, isa kayo sa pinakamahalagang parte ng aking buhay, kayo ang aking kayamanan at buhay.
Salamat sainyo dahil sa panahong ako ay malungkot ay parati kayong nandiyan, marami mang pag subok
ang dumarating ay patuloy nating nilalabanang magkakasama. Hindi ko man maipapangako na maabot
ko ang kursong gusto ko, ngunit pagsisikapan kong makabawi sa lahat ng sakripisyong naibigay ninyo.
Nais ko lang ipabatid na ako'y pinagpala dahil kayo ang ibinigay sakin.
DICHELLE L. GALI

BSED-FILIPINO 1 ( BLOCK 3)

ESTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

TALUMPATING NANGHIHIKAYAT

Saliksik: Talumpati para sa bagong pasok na Grade -11 sa Senior High School Una po sa lahat binabati ko
ang ating kagalang-galang na panauhing pandangal Bb. Loralyn Dela Cruz at sa ating kapwa mag-aaral
lubos ko kayong binabati ng magandang umaga. Maraming mga bata na hindi nakakapag-aral at hindi
nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay at iilan lang ang mga masisipag na
lumasok. Heto ang aking masasabi sa mga bagong pasok na Grade 11 sa Srnior Highschool. Alam kong
tamad pa kayong pumasok dahil kakatapos lang ng summer vacatio at dahil umpisa pa lang ng pasukan,
normal lang na dika maagang magigising at hindi mo namamalayan na late kana palang pumasok dahil
umpisa pa lang ng klase, syempre magpapakilala ka sa harapan ng iyong bagong kaklase,
makakaramdam ka ng kaunting pagkaba. At sa unang klase niyo wala pang aral at makikipagkwentohan
ka muna sa iyong mga bagong kaklase kung ano yung mga pinaggagawa niyo nung summer vacation at
sa susunod na mga araw diyan na kayo maraming gagawin na ikaiinis mo at alam ko mayrong mga
subject na nahihirapan kayo isa na diyan ang math laging solving kahit mahirap sinasagutan mo pa rin
kahit di ka sigurado sa iyong sagotin. Alam kong gagawin mong lahat para matutunan ang isang subject
na hindi mo alam kahit nahihirapan kang pag-aralan ito. Lalo na kapag may pinapagawa ang inyong mga
guro na lalo mong ikinainis, isa na diyan ang paggawa ang takdang aralin, aktibidad, proyekto at iba pa.
Napapaisip ka tuloy na parang ayaw mo nang mag-aral at dahil wala kang magawa syempre gagawin mo
yong mga pinapagawa nila sa inyo kahit mahirap dahil nakasalalay din yon sa performance o dagdag sa
grade. Masasabi ko lang sa mga bagong pasok na Grade 11 sa Senior HighSchool, mag-aral kayo ng
mabuti at wag niyk dapat sayangin kung may pagkakataon na pag-aralin kayo balang araw ay kayo rin
ang makikinabang at magagamit niyo din niyan sa paghahanap ng inyong magandang mapapasukan na
trabaho. Normal lang yong mahirapan ka sa pag-aaral kahit papano may natutuklasan ka kaysa
nahihirapan ka na lumaki kana walang pinag-aralan at dahil pinagdaanan din namin yan mga ginagawa
niyo ngayon tulad ng pag gawa ng assignment,activity,project at iba pa at di kayo dapat mawalan ng
pag-asa dahil marami na kayong pinagdaanan mula kinder hanggang grade10 kailngan niyong magtiwala
lang sa inyong sarili kahit anumang hirap niyo sa pag-aaral anumang pagsubok na dumating sa ating
buhay ay kaya nating lampasan dahil kapag natapos niyo ang pag-aaral ng grade 11 at grade 12 ay
pwede na kayongmagtrabaho o puwede niyo pa ng ipagpatuloy ang inyong pag-aaral sa kolehiyo para
maabot niyo ang inyong mga pangarap sa buhay. Bakit ba kayo pinag aaral inyong mga magulang? para
lumaki kayo na mayroong pinag-aralang o may ipinagmamalaki sa inyong sarili o para di kayo lumaki ng
mahirap at para nadin sa inyong mga kinabukasan at para nadin sa kanila upang matulungan niyo sila
upang guminhawa ang inyong pamilya lagi niyong intindihin ang kanilang sinasabi at sila ang gawin
ninyong inspirasyon sa inyong pag-aaral. kahit sa pagtatapos natin sa pag-aaral kailangan parin nating
alalahani ang mga aral na itinuturo ng mga ating guro upang kapakipakinabang sa mamayan. At bilang
isang mag-aaral wag nating kalimutan na magpasalamat sa Panginoon na lagi tayong binabantayan,
minamahal at pinapatawad. At pasalamatan din natin ang mga taong nagmamahal sa atin lalo na ang
mga magulang natin na nagtulak sa atin na mag-aral at mga guro na magturo sa atin. At magpasalamat
tayo sa mga magulang natin dahil pinalaki tayo ng maayos at salamat sa walang sawang pag’gabay niyo
pag suporta at pagmamahal sa amin tuwing ramdam namin na hindi na namin kaya lagi kayong nandyan
at nagpapalakas ng loob sa amin para mag-aral kami ng mabuti.
DICHELLE L. GALI

BSED-FILIPINO 1 (BLOCK 3)

ESTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

TALUMPATING NANGHIHIKAYAT SALIRING GAWA:

Isang Mapagpalang Araw sa ating lahat. Binabati ko ng isang magandang araw ang bawat isa. Lahat tayo
ay may mga pangarap sa buhay, ang iba ay gustong maging guro, ang iba naman ay gustong maging pulis
at iba pa. Palaging sinasabi ng ating mga magulang na tayo raw ay mag aral nang mabuti sapagkat ito
lamang ang tanging kayamanan na maaari nilang maipamana. Ngunit sa kalagayan ngayon lalo na sa
kolehiyo ay nasabing wala na ang pondo ang Ched para sa mga mag aaral ng kolehiyo, maraming mga
studyante ang nalungkot dahil dito kaya’t ang iba ay nag dadalawang isip kung itutuloy ba ito o titigil
muna at mag trabaho. Ang ibang mag aaral ay nahihirapan sa pagdedesisyon kung pagsisikapan bang
abutin ang kani-kanilang mga pangarap o hihinto nalang at maghanap ng trabaho upang makatulong sa
kanilang pamilya. Ngunit alam niyo rin ba na ang isa sa pinakamasakit sa isang studyante ay ang hindi
masuklian ang mga sakripisyo ng kanilang mga magulang? Oras oras ay nag iisip sa isang sulok,
nagmumukmok at hindi alam ang gagawin, gaya ko, isa akong studyante na gustong maging isang
magaling na guro balang araw, gustong magpursigi sa pag aaral upang masuklian ang lahat ng paghihirap
na nagawa ng aking mga magulang. Ngunit, sa isang sandali ay nanghina ang aking loob, napanghinaan
dahil sa nalaman at hanggang ngayo’y naguguluhan sa maaaring kahinatnan. Alam nating iba’t iba tayo
ng estado sa buhay, kaya’t hindi natin masisisi ang bawat isa sa magiging desisyon. Ngunit, habang may
pag asa ay lumaban lang para sa pangarap. Maraming studyante ang naghahangad na maabot ang
kanilang mga pangarap ngunit dumarating tayo sa punto na mapapatanong sa ating sarili gaya ng kaya
pa ba natin ito? makakapagtapos ba tayo? Para sa mga ibang studyante na gustong magpatuloy,
magpatuloy kayo hangga’t kaya niyo. Ang lahat ng pag hihirap at sakripisyo ay may kapalit na biyaya.
Magtiwala sa sarili at wag kalimutan ang nasa itaas.

DICHELLE L. GALI
BSED-FILIPINO 1 (BLOCK 3)

ESTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

TALUMPATING NAGBIBIGAY NG IMPORMASYON Saliksik:

ISANG KARANASAN SA PANAHON NG BAGYO Sinulat ni : Ven Del Pilar Faundo San Jose, Hagonoy,
Bulacan, Philippines Toronto, Ontario, Canada Ako ay nanlulumo at lubos na nakikiramay sa sinapit ng
mga mamamayan ng gitnang Visayas sa kararaan lamang na super bagyo na may katutubong pangalang
Yolanda at Haiyan sa buong mundo. Mayroong 5.598 na tao and nasawi at mayroon pang 1750 ang
nawawala at hindi pa nababatid ang kinahinatnan. Maraming kabahayan ang nawasak ng rumarasang
tubig dagat, nasira ng hagupit ng nagpupuyos na hangin at napabagsak ng malakas at walang paknit na
pag-ulan. Ang mga tao ay wala ng makain. Wala na ring mabilhan ng pantawid gutom at uhaw, kaya
umaasa na lamang sa bigay ng pamahalaan ng Pilipinas, sa bayanihan ng mga kapuwa Pilipino at nang
lumaon , sa kagandahaang loob ng buong mundo. Samut saring karanasan ng mga mamamayan na
pinalad na mabuhay sa gitna ng panganib at kamatayan, ay ating nairinig at nakita sa radyo at television,
at nabasa sa mga pahayagan. Tinataya ng NDRRMC ( National Disaster Risk Reduction Council ) na may
16 na bilyong piso ang nawasak na infrastractura, at 12 bilyon naman ang nasira sa agricultura . may 29
libong familya ang nasalanta. Sa unang tingin, mahihirapang makabangon at makabalik sa dati ang mga
nabagyo ng Yolanda ngunit hindi natin matatawaran ang kakayahan at tibay ng loob ng ating mga
kababayang Bisaya. Babangon at babangon sila sa pag-usad ng panahon at manunumbalik ang dati
nilang galak at sigla. Ang aking karanasan sa panahon ng bagyo ay malayong malayo kung ihahambing sa
nakaraang bagyo Yolanda. Ito ay gakalingkingan lamang kung ihahalintulad ngunit hindi malilimutan ito
sapagkat nakatatak sa aking murang isipan. Nang dumaan ang bagyong Trix noong 1951, ang bayan ng
Hagonoy ay nadamay. Natatandaan ko pa na bago dumating ang bagyo, kami ng aking ama nagsusuhay
ng kawayan at nagbagting ng malalaking alambre upang huwag magiba ang lumang bahay na pawid. Ako
noon ay isa palang binatilyo at patulong tulong lamang sa aking ama. Sa kasagsagan ng bagyo ang mga
magulang ko at mga kapatid na babae ay lumikas sa aming kapit- bahay na may matibay na tirahan na
gawa sa bato. Ako at ang aking kaibigan si Tata Biting ay natulog sa aming bahay sa ilalim ng lamesa sa
gitna ng ugong ng hangin at langitngit ng bahay namin.. Naging okey naman kami hangaang sa humupa
ang bagyo. Wala namang nasawi at nasugatan. Kaunti lamang ang nasiraan sa aming lugar, maliban
nalamang sa mga mangingisda na inabutan ng unos sa dagat. Dalawang malayo kong pinsan na
nagsusulib sa gitna ng Manila Bay ay nalalad at hindi na natagpuan ang kanilang bangkay. Ang bagyong
Trix ay walang dinalang baha na hindi tulad ngayong panahong ito na laging kaakibat ang biglang
pagragasa ng baha. Siguro hindi pa uso noon ang global warming at climate change. Noon ay marami
pang punong kahoy sa kabundukan at hindi masiyadong nalulusaw ang iyelo sa North at South pole.
Hindi mapipigilan ang pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas sapagkat ang ating bansa ay nasa gitna ng typhoon
belt. Subalit kailangang maghanda ang lahat sa abot na makakaya ng bawat isa. Dapat magkaroon ng
makabuluhang paguugnayan ang pamahalaang lokal at pambansa at isantabi pansamantala ang
pagiiringan at pulitika. Dapat ding turuan ang mga mamamayan ng mga kaalaman sa panganib na dulot
ng bagyo. Kung maaari lamang ay turuan ang mga bata sa iskuela han para sila medyo maging handa.
Ihanda at tagurian ng pamahalaang lokal kung saan ang ligtas na lilikasan ng mga lokal na mamamayan
na mayroong aasahang pangunahing gamot, pagkain at tubig. Ang bagyo ay nalalaman kadalasan kahit
na malayo pala mang, at walang katuwiran na ang mga pangunahing at basic na panganagailangan ay
hindi mapaghandaan ng pamahalaan
DICHELLE L. GALI

BSED-FILIPINO 1 (BLOCK 3)

ESTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

TALUMPATING NAGBIBIGAY NG IMPORMASYON

Sariling Gawa: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat, ako nga pala si Bb. Dichelle Gali na
kasalukuyang kumukuha ng kursong pang edukasyon. Sa araw na ngayon ay magbibigay ako ng
talumpati patungkol sa bagyong naminsala sa ating buhay, kabuhayan at iba pa. Ano nga ba ang bagyo?
Malaki ba ang epekto nito saatin? Ano ano ang mga epekto ng bagyo sa buhay natin? Una, alam nating
lahat na ang bagyo ay isang mapaminsalang kalamidad na dumarating saating buhay bilang isang hamon
at pagsubok. Pangalawa, ang maisasagot ko riyan ay oo, malaki ang epekto ng bagyo saatin dahil sa
isang kalamidad na ito ay maaraming mawala ang ating mga ari arian, gaya ng pagkasira ng ating bahay
at iba pa. Pangatlo, ang epekto ng bagyo sa ating buhay at isang malungkot na karanasan, gaya na
lamang sa nagdaang mga bagyo, ang iba ay nawalan ng kanilang mahal sa buhay, walang natira at
naisalba, kaya’t masasabi kong isa ang bagyo sa napakahirap na hamon sa ating buhay. Tulad niyo ay
alam ko rin ang pakiramdam na mahagupit ng isang bagyo, lalo na’t noong kasagsagan nito ay mahirap
kumilos sa kadahilanang may bagyo. May mga araw din na naghihintay ka na lamang na tumigil ang
buhos ng ulan at umapaw ang tubig sa paligid. Sinasabi rin na ang isa sa dulot ng bagyo ay ang
pagpuputol ng mga puno. Tama ang narinig mo ang pagpuputol ng puno ay isang sanhi ng pagbaha at
pagguho ng mga lupa na maaari ring maging sanhi ng bagyo. Bilang tao o mamamayan, sikapin nating
makatulong sa ating kalikasan nang sagayon ay hindi tayo mapinsala ng malalakas na bagyo at
kalamidad. Ito rin ay para sa ating kapakanan, nang sa gayon ay walang buhay ang mawawala at
mapapanatiling nakatayo ang ating mga tahanan.

You might also like