Edukasyon para sa Kinabukasan
Talumpati ni Roselyn L. Guico
Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? at ano nga ba ang kaugnayan nito sa
ating kinabukasan? Maaaring ngayon di mo pa lubos na naiisip .Bilang isang
mag-aaral ano nga ba ang iyong pananaw.
Madalas sinasabing ang edukasyon ang daan patungo sa kaunlaran. Tama! Totoo
iyan! kahit mahirap kung sasamahan naman ng sikap tiyak iyong makakaya.
Marami dyan gustong mag-aral subalit wala naman pangtustos ang mga
magulang. Pero ikaw! kayo! Andyan kayo sa paaralan. Pinag-aaral! Iginagapang
ng mga magulang mapag-aral lang at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Alam nyo bang napaka-halaga talaga ng edukasyon sa ating buhay. Dahil dito
natuto tayong sumulat at [Link] tayo at hindi tayo kabilang sa
mga mangmang na nabubuhay sa ating digdig. Ang mga Guro na nagpupursige
para tayo’y matuto, pahalagahan natin! Makinig tayo! At buksan ang isipan dahil
ito’y para din sayo.
Kung ang bawat isa sa ating mamamayan ay mayroong edukasyon siguradong
uunlad ang ating bayan. Magkakaroon ng mga magagandang oportunidad at
trabaho ang bawat tao, wala ng magugutom! Wala ng maghihirap! Ngunit sa
reyalidad anong nangyayari sa ngayon? Naghihirap ang ating bansa at madalang
ang nakakapag tapos ng pag-aaral. Kaya pagbutihin ng mga estyudyanteng
nakakapag-aral. Imulat ang mga mata dahil ito ay para din sa ating ikauunlad.
Magsikap! Tandaan, Edukasyon: para sa kinabukasan.
Susi para sa sariling tagumpay
Talumpati ni Cady Lorenzana
“Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga
paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang
kailangang maangkin ng mga kabataan.”
Magandang hapon sa inyong lahat. Nandito ako sa inyong harapan upang
magtalumpati ukol sa kahalagahan ng edukasyon. Sa labing walong taon kong
pamumuhay sa mundo, labing apat doon ay madalas kong ginugugol sa pag-
aaral ko kaya hindi na bago sa akin ang salitang edukasyon. Ang edukasyon ay
ang pag-aaral sa isang kasanayan. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang mag-aral?
Bakit nga ba mahalaga ang edukasyon?
Marami ang nagsasabing napakahalaga ng edukasyon. Ito daw ang daan para sa
isang magandang kinabukasan. Ako mismo ay naniwala doon. Kapag tayo ay may
sapat na kaalaman at nakapagtapos ng pag-aaral, marami tayong mararating.
Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap. Karamihan sa atin ay pangarap na
makapagtapos ng pag-aaral o di kaya ay magkaroon ng isang magandang buhay
sa ating hinaharap. Sino nga ba naman ang pangarap na magtinda sa kanto ng
yelo? Sumigaw ng balot, balot, balot tuwing gabi? Umupo sa daan upang
mamalimos? Wala, `di ba? Ngunit kung hindi natin pagbubutihan ang pag-aaral,
maaring mapunta tayo sa lagay na iyon.
Mahirap ang daan upang makakuha ng isang kumikinang na diploma. Isa ako sa
maaring magpatunay sa mga iyan. Marami ang kailangang pagdaanan para
makamit natin ang ating pangarap. Nandiyan ang nakakahilong proyekto at mga
nakakadugo sa utak na eksamin. Ngunit palagi nating tandaan na hindi lahat ng
bagay ay nakukuha sa madaling paraan. Sa pag-aaral, kailangan natin ng
dalawang bagay na nagpasikat kay Manny Villar: Sipag at Tiyaga.
Ang edukasyon ay isang bagay na hindi mananakaw ninuman. Ito ang ating
magiging daan upang makamit natin ang ating mga pangarap. Kaya ikaw na nasa
upuan at nakikinig sa aking harapan, huwag nang tatamad-tamad kung gusto
mong magkaroon ng isang magandang kinabukasan. Mag-aral ng mabuti dahil
ang edukasyon ay ang susi para sa ating sariling tagumpay.
Unang Pag-Ibig
Talumpati ni PinayAko
Ang unang pag-ibig…
Hindi ibig sabihin nito’y una mong nakarelasyon o una mong nakatagpo. Ang
unang pag-ibig ay ang kauna-unahang tao na minahal mo ng lubos na higit pa
sa inaakala mo. Maaring siya ay ang pang-apat mong kasintahan o pang-pito. O
maari rin namang siya ang huli at iyong nakatuluyan.
Masarap umibig, masarap ibigin at lalong masarap ang tunany na pag-ibig. Sabi
ng iba, ang unang pag-ibig ay hindi kailanman nalilimot. Hindi kailanman
nawawala. Marahil totoo, sa aking pananaw, ang pag-ibig ay hindi nawawala,
hindi nauubos, hindi nalilimot. Nanatili ito sa pusong nagmamahal at sa puso ng
nagmahal. Ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw bagkus nahihigitan lamang ng
bagong pag-ibig ngunit ang ligaya at pait ay mananatili ngayon at kailanman.
Sa unang pag-ibig, marami kang maaalala, ang iba’y nanghihinayang, ang iba’y
nahihiya at ang iba’y hindi maka-move on. Iba’t ibang damdamin, iba’t ibang
paniniwala ngunit ang tamis ng unang pag-ibig ay mananatiling alaala. Alaala ng
kahapon, alaala ng mga bagay na nawala at lumipas, alaala ng araw na may mga
kakaiba kang nagawa’t napatunayan, alaala ng taong nagpangiti at nagpatibok sa
puso mong nananahimik. Ang pait at ligaya, ang araw at oras, ang kwentuhan at
iyakan, ang love song at tawagan, ang date at tagpuan, ang pangako at awayan,
ang pagsagot at paglisan… Ang lahat ng iyan ay mararanasan sa unang pag-ibig
na nakakatuwang balikan.
Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?
Talumpati ni Michael John Sabido
Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan.
Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa
ating bansa. Iaahon natin ito sa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad
nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang bandilang ating bayan patunay na
tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan. Ito ay ilan lamang sa
mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat kabataan para
sa ikauunlad ng ating bayan.
Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at
sa kaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang
paniniwalang ‘to. Masyado na yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa
paglipas nito at sa pagsilang ng bagong henerasyon ay marahil ang paglipas din
ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang mga kabataan.
Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan
ng makabagong henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang
inyong pag-iisip sa mga sandaling ito at alalahanin ninyo ang lahat ng mga
pinaggagawa ninyo. Ngayon, sagutin ninyo ang tanong ko: kayo ba’y pag-asa pa
rin ng bayan? Kung ako ang inyong tatanungin, hindi ako mahihiya at mag-
aatubiling sabihing “Oo!” Sapagkat lahat tayo ay pag-asa pa rin ng bayan.
Sakabila ng katotohanang may iilan sa atin na mga nagrerebelde, pasaway,
batugan at parang wala ng tamang nagawa sa buhay. Umaasa akong balang
araw maintindihan nila ang tunay nilang tungkulin at pananagutan.
Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan?
Aba simple lang naman! Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan,
pagkamakabayan, disiplina at pagmamahal. Ipamalas natin ang ating kasipagan
sa lahat ng bagay na nakakabuti o nakatutulong. Hindi ‘yong tipong upo lang ng
upo habang hawak ang cellphone at nanunuod ng tv maghapon. Katapatan –
maging matapat tayo sa lahat lalo na sa ating sarili. Pagkamakabayan – ang
pagtangkilik sa produktong sariling atin ay halimbawa ng gawaing makabayan.
Pagmamahal – sino ba naman ang di nakaranas ng pagmamahal? Lahat tayo ay
nagmahal at minahal. Kung disipina naman ang pag-uusapan, lahat ng nabanggit
ay may kaakibat na pagdisiplina. Lagi nating tatandaan na magtatapos din ang
ating pagiging kabataan ngunit tayo’y magiging magulang nagagabay at
magtuturo sa susunod na henerasyon ng kabataan.
Tayo mismo ang tagaguhit ng ating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi
nating isipin na magtatagumpay tayo kung ito’y ating nanaisin. Kapag tayo
naman ay nalugmok, ito ay dahil sa kagagawan din natin. Pagkatandaan na
importante ang oras. Huwag na nating ipagpabukas pa ang ating mga gawain
kung puwede naman nating gawin ngayon. Panahon na para tayo ay sumulong!
Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kalayaan. Tayo nga’y malaya ngunit ang
kalayaa’y hindiu pang gawin ang bawat naisin ngunit upang gawin ang tama at
nararapat. Tara na kapwa kabataan! Patunayan nating tayo’y pag-asa pa rin ng
Inang Bayan!