You are on page 1of 1

FILIPINO 2

Bb. Rose Marie Tiongson


Ma. Regina Alexa E. Cuevas
11HA - 3

Ma, gagala lang po ako ah. Diyan lang po sa malapit na mall. Hindi pwede

Noong akoy hayskul pa, hindi ko naranasan na gumala kasama ang aking mga kaibigan dahil hindi
ako pinapayagan ng aking mga magulang, kuno baka food poisoning daw ang abutin ko at may
mangyaring masama sa akin. Alam ko na sila ay nag-aalala lang para sa akin kunin ito rin ay dahil
sila ay yung mahigpit na klase ng mga magulang. Oo, may dalawang klase ng mga magulang: yung
mahigpit at yung maluwag. Swerte mo kung maluwag ang mga magulang mo, pero kung katulad
mo ako, malas natin. Malas tayo dahil maraming bawal na gawin, dapat laging mataas ang marka, at
hindi pwedeng gumala. Dahil dito, nagiging masama ang imahe ng isang mahigpit ng magulang
dahil masyadong maraming mga patakaran ang kailangan sundin. Gayun pa man, may magandang
naidudulot ang pagiging istrikto ng mga magulang at ito ay: ang pagiging responsable, ang pagiging
independiente, at ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

Una, nagiging responsible ang isang anak na pinalaki ng mga istriktong mga magulang dahil
maraming inaasahan mula sa kanila. Ang kanilang mga anak ay napupuwersa na magsipag at
maging pinakamagaling sa lahat ng kanilang ginagawa kung kayat sila ay natututong maging
responsible sa murang edad pa lamang. Dahil dito, sila ay inaasahan na magawa lahat ng mga gawin
sa itinakdang oras at ang resulta ay hindi bara-bara kundi pinaglaanan talaga ng oras. Sila rin ay
inaasahang maging responsible sa kanilang mga desisyon dahil ito ang kanilang pinili at dapat na
maging handa sila sa kalalabsan nito, maganda man o hindi.

Ikalawa, nagiging independiente o ang hindi pag-asa sa iba ay natutunan ng isang anak na pinalaki
ng mga istriktong mga magulang dahil sila ay hinayaan ng kanilang mga magulang. Hinayaan sila
na magisip para sa kanilang mga sarili at solusyunan ang kanilang mga problema. Sila ay
natututong gawin ang kanilang mga gawain kahit hindi sila ginagabayan ng kanilang magulang. Sila
ay kadalasang hindi nahihiya sa ibang tao na magtanong dahil alam nilang wala namang gagawa
noon kundi ang sarili nila.

At ang ikatlo, nagkakaroon ng disiplina sa sarili ang isang anak na pinalaki ng istriktong mga
magulang dahil alam nila ang bawal at kung sumosobra na sila. Mula pa noong bata,
pinagbabawalan sila na pumunta dito at doon dahil makakasama raw iyon. Maraming bawal gawin
at puntahan na kinalaunan ay matutuhuan din ng mga anak na tama pala ang mga desisyon ng
kanilang mga magulang. Dahil dito, natututo ang mga bata na magkaroon din ng limitasyon sa lahat
ng gagawin. Ang resulta nito ay ang pagiging hindi mabilis matukso ng mga anak kapag kasama
nila ang kanilang mga kaibigan at inalok ng kung anu-ano.

Sa makatuwid, ang pagiging istrikto sa mga anak ang nakadudulot rin naman pala ng maganda sa
mga anak dahil lalaki itong responsable, may disiplina, at hindi umaasa sa iba. Kung kaya't matuwa
kayo kung ang inyong mga magulang ay istrikto, huwag kayong magalit sa kanila dahil sa huli'y
pasasalamatan niyo pa sila.

You might also like