You are on page 1of 1

FILIPINO 2

Bb. Rose Marie Tiongson

Ma. Regina Alexa E. Cuevas


11HA - 3

Noong ika-13 ng Mayo, nanuod ang aming klase ng isang dula na pinamagatang Salarin. Ang
dula na ito ay isinulat ni Wilfrido Ma. Guerrero at ito ay nasa direksyon ni Ginoong Arnold Felipe.
Umiikot ang istorya ng dula sa nalalabing oras ni Pablo. Bago siya mamatay ay nagkaroon siya ng
pagkakataon na makausap ang mga tao na humubog sa kanyang pagkatao.

Ang una kong napansin nang magsimula ang dula ay ang kawalan ng mic o lapel ang bawat
artista na nagsasalita sa entablado. Ito ay dahil hindi masyadong marinig ng mga tao sa likod ang mga
dyalogo ng mga artista. At dahil sa kawalang ng mic o lapel, ang salita na binibigkas ay hindi
masayadong maintindihan. Bukod rito, naging maganda na ang daloy ng dula.

Ako'y natuwa sa aktor na gumanap bilang si Cristina dahil naramdaman ko ang mga
damdamin na dapat maramdanan ng tagapanuod - ang pangugulila sa isang tao na iyong minamahal.
Ang damdamin ko'y napukaw nang siya ay tumangis. Isa siyang napakagaling na aktor at dahil doon,
saludo ako sa kanya.

Natuwa rin ako sa aktor na gumanap bilang isang pari sapagkat gayang gayan niya ang galaw
at tono ng isang pari. Para bang kapag ako'y nakapikit at marinig ko siya, unang kong maiisip ay ang
tinig ng isang pari. Ako rin ay natuwa sa Tiya ni Pablo sapagkat dahil meykup at kanyang galaw,
napagmukha niya sa tagaoanuod na siya ay matanda nga.

Nagustuhan ko rin ang mga galaw ng bawat aktor dahil tiniyak nilang makagalaw sa buong
entablado - ginamit nila ng maigi ang espasyong nakalaan para sa kanila. Ang mga tunog na ginamit
para sa dula ay maganda at akma sa eksena. Ang pagpatay at sindi ng ilaw ay akma rin dahil
nagpapakita ito may mangyayari kay Pablo. Sa huli, ang mabilis na pagpatay-sindi ng pulang ilaw ay
naging epektibo sa pagpaparating sa tagapanuod na si Pablo ay malapit ng mamatay.

Ukol naman sa kwento, maganda ang kwento ngunit mas mapapahalagahan ito kung ano
manunuod nito ay mga tao na interesado sa mga malalalim at medyo maitim na kwento. Hindi
magugustuhan ng isang tao mahilig sa magagandang wakas dahil ang mood ng dulang Salarin ay
medyo 'dark.'

Naging mahusay ang dula dahil lahat ng gumanap ay kakikitaan ng sobrang pageensayo dahil
sa kumpas at pagsasalita ng mga gumanap. Masasabi ko na maganda ang dula na aking napanuod
dahil ito kapupulutan ng aral at maganda ang daloy ng kwento.

Ang aking hatol: 4.5 out of 5 stars.

You might also like