You are on page 1of 3

Pamagat: Himala Sinematograpiya: Sergio Lobo

Direksyon ni: Ishmael Bernal Musika: Winston Raval at Vic Macamay

Iskript: Ricky Lee Produksyon: Experimental Cinema of the Philippines

Pagganap ng Artista:

Nora Aunor Elsa Veronica Palileo Mrs. Alba

Spanky Manikan - Orly Ben Almeda - Baldo

Cris Daluz Igme Gigi Duenas - Nemia

Joel Lamangan Pari Vangie Labalan - Aling Saling

Pen Medina Pilo Ama Quiambao - Sepa

Laura Centeno Chayong

Pahiwatig ng pamagat:

Para sa akin, ang pahiwatig ng pamagat ay ang himala na magaganap sa istorya.


Ang mga nangyaring milagro, sumpa at kung anu-ano pang kababalaghan.

Paliwanag kung angkop ang pamagat:


Angkop ang pamagat sa pelikula dahil ang kwento ay umiikot lang sa mga
paghihimala. Iyo ay tumatalakay din sa paksang relihiyon.

Puna sa iskript ng pelikula:

Maayos ang pagkagawa ng iskript, kaso lamang may roong manga hindi-angkop na
salita para sa mga bata.

Makatotohanang paglalarawan / natural na pagkilos ng tauhan:

Makatotohanan ang paggawa ng mga artista na bida sa pelikulang ito. Talagang


aakalain mong nagyayari ito sa totoong buhay at hindi isang pelikula lamang. Natural na natural
ang kanilang pag-arte. (Hindi na ako nagtataka kung marami siyang nakuhang mga awards.)

Kalakasan at kahinaan ng tauhan:

Si Elsa at Chayong, ang kanilang kalakasan ay ang kanilang pananampalataya, samantalang


ang kahinaan nila ay ang karanasan nila noong sila ay magpunta sa burol at
napagsamantalahan ng dalawang lalaki. Si Nemia naman, ang kanyang kalakasan ay ang
kaniyang Ama na binalikan niya, at ang nagsilbi niyang kahinaan ay ang nangyari sa kanya sa
Maynila. Ang kalakasan ni Sepa, ay si Elsa, pero ang naging kahinaan niya ay noong namatay
ang kanyang dalawang anak dahil sa cholera.

Ang setting ng pelikula ay sa Cupang kung saan mainit at hindi umuulan. Ang paniwala ng mga
tao, ito ay isinumpa noong pinaalis nila ang isang taong maysakit. Gayunman, may isang
babaeng nagngangalang Elsa, na pinagkitaan umano ng Mahal na birhen. Pagkatapos noon,
nagkaroon siya ng kapangyarihan para manggamot ng mga taong maysakit. Simula nang
manggamot siya, maraming taong ginawang negosyo ang kanyang panggagamot at nagbenta
ng mga kunganu-ano (milagrong tubig, mga kandila, T-shirt). Maraming tao ang nagpapagamot
sa kanya.

Dumating ang kanyang dating kaibigan na si Nemia na binansagang kalapating mababa ang
lipad. May dumating din na isang direktor na laging sinusundan si Elsa. Dahil sa kakasunod
niya dito, nakunan niya ng kamera ang pang-aalipusta na ginawa kay Elsa at sa kanyang
kaibigan na si Chayong. Nagbigti si Chayong dahil hindi nakayanan ang kahihiyang sinapit niya.
Samantala, tumigil ng panggagamot si Elsa.

Noong nabuntis siya, binansagan siya ng mga tao na Immaculada Concepcion. Biglang
umulan sa Cupang at sinabi ng mga tao na nagbalik na ang himala at nawala na ang sumpa.
Pinatawag ni Elsa ang lahat ng tao sa burol.

Noong nasa burol, ay sinabi niya ang mga katagang "Walang himala! Ang himala ay nasa puso
ng tao...ang himala ay nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa, mga diyos,
Walang himala!" Nabaril siya ng isang lalaki habang naglalahad. Dahil doon, nagkagulo ang
lahat. Nagkaroon ng stampede. Namatay si Elsa pero sinubukan pa siyang isugod sa ospital.
Ang mga tao ay lumuhod papuntang burol habang dinadasal ang Aba Ginoong Maria.

Mensahe at Ideya:

Sabi ni Elsa sa pelikula, Walang himala, ang himala ay nasa puso ng bawat tao,
tayo ang gumagawa ng mga himala! Siguro ay kaya niya nasabi iyon dahil nawalan siya ng
tiwala sa Birhen noong binalewala ang kanyang tulong (dahil sa siya nangyari sa kanya sa
burol).

Tumatak din sa isip ko ang sinabi ng pari na hindi gagawa ng himala ang Diyos
dahil sa pagkukulang ng relihiyon ng tao.

Twist ng istorya:

Para sa akin, ang twist ng istorya ay noong ginahasa si Chayong at Elsa. Hindi ko
inaasahan na maaaring magyari sa kanya iyon sa pelikula. Sa tingin ko, dahil doon, nawalan
siya ng tiwala sa Itaas na siyang dahilan kaya hindi na siya nakapangamot ulit. Isa pang twist
ang nabaril siya sa storya. Dahil unang-una, wala naman siyang nakaaway at wala naming
taong galit sa kanya.

You might also like