Professional Documents
Culture Documents
Ni
Gabriel Tadashi S. Eusantos
Kabanata I
Romansa sa Kabukiran
Mga Pangunahing Karakter
Delfin – Isang napakakisig na binatang pinapantasya ng mga kababaihan sa Sityo Dimasalang.
Cipriano – Isang mayamang mangingisda na may pagkasungit.
Teodora – Isang palaban na dalaga na wala pang sinagot ni isang manliligaw.
Josefa – Anak ng isang mangingisda na kalaban ng mga mangingisda ni Cipriano.
Scene 1: Harana
CUE INTRO MUSIC (fade to bed)
Delfin: (Papalapit kasama ang dalawang ekstra kung maari ay parehas lalaki; sa ibaba ng entablado) Ako
sana’y dungawin mo hirang kong pinakamamahal…
Teodora: (Nasa itaas ng entablado, magsusungit) Ay Diyos por Santos! Ano nanaman ba ito Delfin?!
Gabing gabi na!
Delfin: Nais ko lamang na iyong dinggin ang awiting sa puso ko tanging nanggaling.
Teodora: Hala sige! Ika’y papaunlakan kahit saglit lamang:
CUE: ARAW GABI by NOEL CABANGON
Araw Gabi by Noel Cabangon
(DELFIN)
Di biro ang sumulat ng awitin para sayo
Para akong isang sira ulo, hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano
Tikladoy pilit nilaro
Baka sakaling merong tono
Bigla na lang umusbong
Araw-gabi
Nasa isip ka
Napapanagip ka
Kahit san magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi
Nasa isip ka
Napapanaginip ka
Kahit san magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi tayong dalawa
Josefa: Hoy! Ikaw Tsoleng! Ano itong aking nababalitaan na ikaw daw ay hinarana ng makisig na si
Delfin?
Teodora: Paano mo nalaman iyan? Ngunit oo totoo nga ang iyong mga narinig
Josefa: Abay kalat na agad sa buong sityo! Ang mga kalalakihan ay nagpapalitan ng kuro kuro sa may
tindahan ni Aling Celing, ang ilang kababaihan naman ay mamamatay na sa inggit sapagkat ikaw lamang
ang nakabihag sa mata ng binatang Delfin.
Teodora: Hayy ewan ko ba, ako din ay nabigla sa mga pangyayari kagabi, ngunit may naramdaman
akong katakataka kagabi.
Josefa: Katakataka?
Teodora: Oo katakataka nga
Josefa: Anong katakataka ang ibig mong sabihin?
CUE: KATAKATAKA BY EVA EUGENIO
Katakataka by Eva Eugenio
Kataka-takang mahibang
ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula
ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako
ngunit 'yan ay di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo
(Repeat)
Alaala ka maging gabi't araw
Alipinin mo't walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo, hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay.
Josefa: Mukang ikaw nga’y napana na rin ng makulit na kupido, oh pano anon a ang balak mo, kalian mo
ibibigay ang matamis mong oo?
Teodora: Aba’y paghirapan niya, ako ata’y di mabilis makuha ng sino lamang
Josefa: Sus, sa umpisa lamang yan, pagkaraan ng ilang linggo’y magbabago din ang ihip ng hangin, Oh
siya sige, paalam na at baka ako’y maubusan ng isda sa merkado.
Teodora: Sige, ika’y magingat, isda ang layunin sa merkado ha, hindi ang mangingisdang si Cipriano ha,
Josefa: Ay ay talipandas kang dilag! Manahimik kundi ang dila’y aking tatapyasin.
(Dali daling lalabas ng eksena si Josefa at si Teodora’y palundag lundag na aalis)
Scene 3: Sa Merkado
Cipriano: Sige, kunin na iyan at ipasok sa may silid nang maipatimbang sa may ari ng merkado
Ekstrang mangingisda 1: Opo senyor, Tiyak na masisiyahan ang Cabeza de Barangay sa mga huli
nating dalagang bukid.
Cipriano: Tama na ang satsat Jose, Hector itali na ang mga Bangka at baka mamaya’y anurin nanaman
iyan
Ekstrang mangingisda 2: Masusunod Senyor, tayo po ba’y mangingisda muli mamayang hapon?
Cipriano: Hindi, balak kong pumalaot kasama ninyo bukas ng madaling araw
Ekstrang mangingisda 3 and 4: Senyor! Senyor! Andyan nanaman si Josefa ang mangingibig mong
baliw sa iyo!
Cipriano: Dali dali itago ninyo ako!
(Itatago nung apat si Cipriano sa gitna nila, so bale parang nasa loob si Cipriano)
Josefa: Cipriano? Giliw ko, ika’y magpakita sa akin… Nasaan ang aking iniirog?
Ekstrang mangingisda 1: Wala siya dito binibini
Ekstrang mangingisda 2: Tama wala siya dito binibini
Ekstrang mangingisda 3: Oo wala siya dito sa labas binibini
Ekstrang mangingisda 4: Yan ay totoo, wala siya sa labas, nandirito siya sa loob
Cipriano: SIMOOON!! ( Tapos itutulak ang mangingisda) Inutil! Ako nga ay nagtago ngunit isinuplong
mo nama---
Josefa: (Payakap kay Cipriano) Cipriano! Mahal Ko!! Ilanga raw narin tayong hindi nagkita
Cipriano: Ah eh marami kasi akong ginagawa, kaya ayoko ng sagabal sa aking hanap buhay
Josefa: Hihintayin kita kahit ano ang mangyari, mula lupa magpahanggang sa dagat pagibig ko sayo’y di
magtataksil
Cipriano: Isang kahibangan! Josefa maari bang pumili ka na lamang ng iba, sapagkat hindi ko kayang
maibalik ang pagibig na inaalay mo
Josefa: Hindi maari, ikaw ang ligaya ko
Cipriano: Ano? Ako ang alin?
CUE: IKAW ANG LIGAYA KO BY RIC MANRIQUE JR.
Ikaw ang Ligaya Ko by Ric Manrique Jr.
(JOSEFA)
Ikaw ang ligaya ko, panaligan mo, O giliw ko
Ngayon at kailan pa man
Ang aking pag ibig, di magbabago
Lahat ng hanap ko
Sa buhay
Sa'yo ay aking natagpuan
Kaya iyong paniwalaan
Na labis kitang minamahal
(BOTH)
Ikaw ang ligaya ko
At siyang lahat sa
Buhay ko
Kung nasa kandungan mo
Parang nasa langit
Ang sarili ko
At sa habang may buhay
Ang puso ko ay tanging sa 'yo
Sana ay panaligan mo
Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko
Sana ay panaligan mo
Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko.
Cipriano: Marahil ikaw nga ay isang perlas sa isang dagat na malalim, napakaganda ngunit napahirap
ding kunin. Kaya binibini kung iyong mamaraptin ay nais kong manligaw sa iyo.
Josefa: Sa unang pagpapakita ng buong buwan, iyon ay hudyat na maari kang dumaan sa bahay at
kausapin ang aking ama
Cipriano: Walang problema, asahan moa ng aking pagdating sinta.
CUE: SA KABUKIRAN BY SYLVIA LA TORRE (choir)
WAKAS NG KABANATA I
Kabanata II
Pagkalumbay ng mga Binata
Scene 4: Kila Teodora
Delfin: Tao po? Tao po? Teodora?
Ekstrang Nanay ni Teodora: Ayaw kang makita ng anak ko, at huwag na huwag kang babalik kung
hindi ka magiging tapat sa layunin mo. Manghaharana ka na nga lamang ay sa tatlong bahay pa.
Delfin: Hindi ko po magagawa iyon. Paniguradong isang manliligaw lamang po ang may gawa ng
istoryang iyan.
Ekstrang Nanay ni Teodora: Wala akong pakialam. Ayaw kang makita ng anak ko kaya umalis ka na
Delfin: Sige po masusunod po.
(Aalis ng scene yung nanay)
Delfin: Isang kalapastangan! Sinta ko iniirog kita ng buong puso ako sana’y pakinggan mo!
CUE: INDAY NG BUHAY KO BY VICTOR WOOD
Inday ng Buhay Ko by Victor Wood
Inday ng buhay ko
Ikaw ay nasaan
Bigla kang nagtampo
Ano ang dahilan
Larawan mo Inday
Hinahagkan-hagkan
Kinakausap ko't
Luha'y bumubukal
Nahan, nahan
Nahan ka o, Inday
(Inday ng buhay ko)
Delfin: Di ko nais na saktan ka, sana’y pakinggan moa ng nadarama
(Alis ng scene si Delfin, papasok si Cipriano kasama ang 4 na mangingisda)
Delfin: Iyon ba ng dahilan kung bakit wala pang nakakakamit ng matamis niyang oo?
Cipriano: Ganun na nga
Delfin: Bakit ganito ang mundo? Ang irog mo’y magmamadre, ang akin naman ay matagal na palang
nakatali sa iba… Paano kaya tayo makalilimot?
WAKAS NG KABANATA II
Notes:
Costume
Boys: Camison de Tsino at Pulang Panyo ( sa leeg nakatali), Native na sombrero ( For extrang
mangingisda)
Girls: Parang native na dress lang, may hawig sa saya
Settings
Scene 1: Bahay na may Bintana sa baba parang lawn
Scene 2: Kahit di detailed na setting basta may bulaklak
Scene 3: Parang lawa lang tas kailang may mga batsa sa paligid
Props
Scene 1: Gitara
Scene 2: Basket, Bulaklak
Scene 3: Pamingwit, batsa,
Music:
Scene 1: Intro: https://www.youtube.com/watch?v=vIPOLH4Kwk0
Araw Gabi: https://www.youtube.com/watch?v=9f2TC7UCT9g&pbjreload=10
Minus One: https://www.youtube.com/watch?v=Euqfv-2V8jg
Scene 2: Katakataka: https://www.youtube.com/watch?v=7kbUUUmNyFQ
Minus One: https://www.youtube.com/watch?v=44ZlJmGiIoM
Scene 3: Ikaw ang Ligaya ko: https://www.youtube.com/watch?v=vTEu43fsHvs
Minus One https://www.youtube.com/watch?v=meMw1HePHBk
Outro: Sa Kabukiran - https://www.youtube.com/watch?v=6jBoB6KDeDg
CAST
Delfin: ______________________-
Cipriano: ___________________________
Teodora:____________________________
Josefa:______________________________
Manghaharana 1_____________________
Manghaharana 2_____________________
Mangingida 1_______________________
Mangingida 2_______________________
Mangingida 3_______________________
Mangingida 4_______________________