You are on page 1of 8

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

___________________________________________________ _______________________

Pangalan ng Guro: Petsa ng Pagpasa:


___________________________________________________ _______________________

I. SUSING KONSEPTO

TELENOBELA – ay ang pangalan na ibinigay sa isang serye na uri ng


telebisyon na nagsasabi ng isang melodramatic na
kuwento, halos palaging sa isang maligayang pagtatapos.
- Nagtuturo rin ng aral sa bawat manonood na
magpapamulat sakanila at maaaring maiugnay ang mga
pangyayari sa kasalukuyang panahon.

PAGHAHAMBING- ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng tao,


bagay, hayop, ideya at pangyayari.
- Ang paghahambing ng piling pangyayari sa telenobela sa
piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan ay
madaling maisasagawa sa pamamagitan ng pag-unawa
sa pangunahing kaisipang taglay nito.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

• Naihahambing mo ang ilang piling pangyayari sa napanood na


telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan. (F9PD-Ia-B-39)

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Panuto: Basahin at unawainang iskrip ng screenplay sa ibaba.
Bata, Bata… Paano ka Ginawa?
(Screenplay)
Lualhati Bautista
EKSENA 1: School ground day.
Magbubukas ang eksena sa isang choreographed dance number ng mga
batang babaing kasali sa miss kinder beauty contest. Ang tugtog. Butsiki.

Graduation day ito ng kindergarten class. Puno ang school ground. May
mga nanay pa na dala pati mga baby nila.

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 1


Habang ginaganap ang sayaw, kani-kaniyang hanap ng magandangpuwesto
ang mga magulang na may dalang camera para makuhanan angkanilang
mga anak. Kabilang na sa kanila si Lea. Syempre, nasakalipunan din ng
mga tao sina Ojie at Ding. Nakasampay sa kamay niOjie ang toga ni Maya,
isinusunod iyon kay Lea.

Ojie: Nanay, eto na ang toga.


Lea: Mamaya na iyan, hawakan mo sandali.
Ojie: Ang init-init na po, e! Ayoko nang grumadweyt! Gusto ko po bagsakna
lang ako!

Isang batang lalaking ga-graduate ang basta na lamang umihi sa


upuanniya. Nagpulasan ang mga tao. Tilian ang mga babae, Aaaayyy!
Aaaaayyy!

Isang batang nagkikislapan ang damit na kulay gold ang kinukurot ng


palihim ng kaniyang ina.
Ina ng batang kumikislap ang damit: Tahan ka na sabi dyan! Putris ka,
dalawang libo ang gastos ko sa baro mo!

Batay sa binasa/napanood mong bahagi ng telenobela, ihambing ang


ilang pangyayari dito sa kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

• Batay sa nabasang bahagi ng telenobela,maihahambing ang


pangyayaring ito sa kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan sa
bahagi na kung saan ay pinaghahandaan ng mga magulang ang
pagtatapos o graduation ng kanilang anak. Katulad na lamang sa
kasalukuyang panahon na kung saan ay handang gumastos ng malaki
ang mga magulang mabigyan lamang ng maayos na kasuotan ang
kanilang anak na magtatapos at pagpapatotoo ito na binibigyang pansin
ang Edukasyon sa lipunang Asyano.

EKSENA 3: School ground. Same day.


Makikita sa camera na halos natataranta ang mga ina sa pagbibihis ng
kanilang mga anak. From long gown to casual na kasi ang susunod na
eksena. Naghahabilin ang bawat isa. Nag-ooverlapping ang mga diyalogo.
Mother 1: Iyong lines mo, huwag mong kakalimutan ha (kakanta sabay
sayaw) “Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe. Matayog ang
pangarap ng matandang bingi!”
Lea: (Habang binibihisan si Maya) Huwag kang kakabahan. Basta‟t banat
lang nang banat, tapos! Katuwaan lang naman ‘to. Ang importante
kung ano ang laman ng utak at puso. Hindi ng mukha (itataas ng daliri
ang baba ng anak) Sige, ha? Pagbutihin mo!

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 2


Saang bahagi ng telenobela sa itaas ang maaaring ihambing sa piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan?

• Ang bahagi ng telenobela sa itaas na maaring ihambing sa piling


kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan ay ang pangyayari na
kung saan ay sinusuportahan ng ina ang kanilang anak sa mga
paligsahan na sinasalihan nito, patunay na lubos ang pag-aaruga ng
magulang sa kaniyang mga anak.

Magsisimula na ang graduation march. (Sa backstage) Nakaupo si Lea sa


harapan ng anak, mini-medyasan niya ito para sa sapatos na itim.
Ding: (kay Maya) Sana naman anak, iba nalang ang tula mo. Hindi
mananalo iyon.
Lea: Di bale, kahit hindi Manalo ‘no! Hindi naman ‘yan pagandahan.
Ding: Pambihira ka! E ba’t sumali ka pa sa beauty contest?
Maya: (Medyo magsimangot konti) Kuya, akin na ang toga ko. Maka-
graduate na. Kukunin na ni Lea ang toga. Hindi pa rin ibinababa ni
Ojie ang kamay niya. Sa isang banda, medyo pa-ismid na
binibihisan ng nanay ang batang nakagold na pahikbi-hikbi.
Ina: Wala na, natapos na ang Miss Kinder. Ang mahal-mahal pa naman ng
baro mo. Dalawang libo iyan. Aatungal na naman ang bata.

Pumili ng ilang bahagi sa pangyayari sa itaas at ihambing ito sa


pangyayari na nagaganap sa kasalukuyan sa lipunang Asyano.

• Ang pangyayari sa itaas na maaaring maihambing sa pangyayari na


nagaganap sa kasalukuyang lipunang Asyano ay ang bahagi na kung
saan ay ipinakita na ang bawat bata o indibidwal ay mayroong iba’t
ibang klase ng pag-uugali ng magulang. Ipinakita na kay Maya ay
laging nakasuporta ang kaniyang magulang samantalang sa batang
nakasuot ng baro na gold ay laging galit ang kanyang ina sapagkat
gumastos siya ng dalawang libo para lang sa kasuotan ng anak.

-Enrijo Willita A.et.al., Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral 8, 171-173.

Pagsasanay 1: Isagawa Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang akda. Pagkatapos ay isagawa ang kasunod


na gawain.

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 3


Mga Patak ng Luha
Halaw sa Taare Zameen Par (“Every Child is Special”) Bollywood Film_ India
Halaw at Isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera
(Bahagi Lamang)

“Si Ishaan Nandkishore Awasthi, Isang batang nagpabago,


nagpapabago at magpapabago ng aking mundo… at marahil ng
pagpapahalaga…bilang isang guro.”
Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawiang
kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid ng isang mesang may katamtaman
ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga kakailanganing gamit
sa panonood. Hindi ko napigilan ang aking sarili isang gabing hindi ako
makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan ngunit wala
namang masabing may masamang namumuong panahon. Wala namang
mapakinggang anunsyo sa telebisyon o radio. Nakipagsabayan sa malakas
na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha habang
pinanonood ko si Ishaan.Siya ang bida sa aking puso… at si
titser…Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood kong pelikula. Dala
marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang
bawat eksena. Sa una’y mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama.
Isa akong guro… at isa rin akong magulang.
Isang batang maysakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan
ng kaniyang mga magulang… at ng kaniyang mga guro. Palagi siyang
nakatatanggap ng parusa. Pinapalo. Sinasabihan ng masasakit. Tamad.
Bobo. Tanga.Walang alam. Idiot.Wala siyang tanging masusulingan kundi
ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo. Itinira sa dormitoryo ng
paaralan. Kahit na matindi ang pagtutol ni Ishaan, wala siyang magawa.
Siya’y mahina pa. Hindi pa kaya ng kaniyang bagwis. Wala pa siyang sapat
na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng kaniyang ama. Maging ang
kaniyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng kaniyang ama, nagiging
sunod-sunuran rin siya.
May angking talino si Ishaan. Bagamat hindi siya nanguna sa klase,
dahil sa kinaugaliang hindi pakikinig o wala ang pansin sa pagaaral.
Sadyang mabagal ang kaniyang pag-unlad sa pagbabasa at pagsusulat. Mas
madalas na nagkakabaligtad ang b at d, mga salitang pareho ang bigkas
ngunit iba-iba ang baybay. Ang kaniyang mga bilang ay nagkakabaligtad
din at palaging wala sa ayos ang pagsusulat.
Buhat sa pagkakatalungko ko sa aking likmuan, habang marahil ay
namumugto na ang aking dalawang mata. Hinanap ko ang aking sarili sa
gurong aking pinanood. Kinapa ko ang aking puso. Pinakiramdaman ko ang
aking sarili. Larawan din ba ako ng gurong ito? Nakikita ko ba ang aking
sarili sa kaniya? Nahirapan akong sumagot. Nahihiya ako sa aking sarili.
Pinayapa ko ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking sarili na iyon ay isa
lamang panoorin. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw. Panoorin
DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 4
nga ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng tao. Hinayaan kong
umagos ang luha ko… at ng sumunod na mga sandali, sinagot ko rin ang
aking tanong… Ang guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan? Sa labas ng
silid? ang sagot. Oo sa ilang anggulo. Pero hindi sa maraming aspeto. Dahil
tayo ay may kaniya-kaniyang pagkabukod-tangi. Bawat bata ay may istilo
ng pagkatuto. May kaniya-kaniyang katangian at kakayahan. Isang bagay
lang ang nasisiguro ko. Number one si Ishaan sa puso ko, una sa lahat ang
mga estudyante ko.
-Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 239-241
Panuto: Pumili ng ilang pangyayari sa telenobela sa itaas at ihambing ito sa
mga kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan. Gawing
gabay ang nasa kahon.

Pangyayari sa Telenobela Kasalukuyang kaganapan


sa lipunang Asyano
Halimbawa: Nang dumating
ang guro ni Ishaan na si
Ram Shankar Nikumbh Sir Itinuturing na mga anak at
ay inunawa, tinutulungan ng mga guro
pinahalagahan, minahal at sa kasalukuyan ang mga
binahagihan nito ng mag-aaral lalo na ang mga
kaalaman si Ishaan mag-aaral na hirap sa
hanggang sa si siya ay pagbabasa at pagsulat.
natuto.

Pangyayari sa Telenobela Kasalukuyang kaganapan


sa lipunang Asyano
___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 5


Pagsasanay 2: Magpatuloy Ka!
Panuto: Mag-isip ng dalawang telenobela na napanood mo na at pumili ng
ilang bahagi nito. Pagkatapos ay ihambing ang pangyayari na
napili sa ilang piling pangyayari sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan. Ilagay ang pamagat ng telenobela.

Pamagat: __________________ Kasalukuyang kaganapan


sa lipunang Asyano
Pangyayari sa Telenobela
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_________________________
_________________________

Pamagat: __________________ Kasalukuyang kaganapan


sa lipunang Asyano
Pangyayari sa Telenobela
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_________________________
_________________________

Pagsasanay 3: Ihambing Mo!


Panuto: Basahin at unawain ang akda. Pagkatapos ay isagawa ang kasunod
na gawain.
Mga Patak ng Luha
Halaw sa Taare Zameen Par (“Every Child is Special”)
Bollywood Film_ India
Halaw at Isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera (Bahagi Lamang)

Salamat sa pagdating ng bagong guro. Si Ram Shankar Nikumbh Sir.


Nakaunawa. Nagpahalaga. Nagmahal. Nagbahagi. Hanggang si Ishaan ay
natuto. Sadyang napakahusay ni Ishaan sa pagguhit. Siya ang itinanghal
na pinakamahusay na artist sa buong paaralan ng New Era High School. Ito
ang nagpabago ng kaniyang kapalaran. Nagpabago ng pagtingin ng
kaniyang mga magulang. Nagpabago ng sistema ng iba pang guro ...at
marahil...nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang isang guro. Iba-iba ang
mga ating tinuturuan. Lahat sila may iba’t ibang katangian at kakayahan.
Iba ang isa sa isa. bawat isa ay may pagkabukod-tangi. Ang katangian ng
isa ay hindi katangian ng isa. Ang kaya ng iba ay hindi kaya ng isa.
Hanapin lang natin kung ano ang mayroon sa kanila. Iyon ang ating
pagyamanin. At higit sa lahat, maramdaman nila na sila ay minamahal at
DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 6
inaalagaan upang makakampay para sa pag-abot ng kanilang mga
pangarap. -Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral Filipino 9,
239-241.

Panuto: Batay sa bahagi ng kuwento na nabasa o napanood, tukuyin ang


mga pangyayari na maaaring maihambing sa kasalukuyang
kaganapan sa lipunang Asyano o maaari rin sa iyong sariling
karanasan mo.
Bahagi ng nabasa o napanood na Telenobela:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Paghahambing sa lipunang Asyano sa Kasalukuyan:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

IV. SUSI SA PAGWAWASTO


Pagsasanay 1
Pamantayan Puntos
Maayos na napaghambing ang napanood na telenobela sa 10
kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano
Gumamit ng payak na salita at madaling maunawaan 5
Maayos na pagbabahagi ng impormasyon 5
KABUOAN 20 puntos

Pagsasanay 2
Pamantayan Puntos
Kalinawan ng mga ideya 5
Kaangkupan sa paksa 5
Napaghambing nang maayos ang mga pangyayari 10
KABUOAN 20 puntos

Pagsasanay 3
Pamantayan Puntos
Maayos at di maligoy ang paghahambing 10
Naibahagi ang mahahalagang impormasyon 5
Wasto at angkop ang gamit ng mga salita 5
KABUOAN 20 puntos

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 7


V. REPLEKSIYON
Ipaliwanag sa loob ng tatlong pangungusap at isulat sa sagotang papel.
Bilang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang paghahambing
ng mga ilang pangyayari sa telenobela sa ilang kaganapan sa
lipunang Asyano sa kasalukuyan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. SANGGUNIAN

Aklat:
(1) Enrijo, Willita A. et al., (2013) Panitikang Pilipino Modyul para sa
Mag-aaral 8, FEP Printing Corporation, pahina 171-173

(2) Peralta, Romulo N.et.al., (2014) Panitikang Asyano 9. Pilipinas:


Sunshine Interlinks Publishing House, Inc., pahina 239-241
Modyul:

(1)Ariola, Lovely C. “Filipino_Baitang 9 Kuwarter 1 Modyul 4: Telenobela


at Kaganapan”Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V- Regional
Center Site, Rawis Legazpi City 4500
Link mula sa internet:
(1) https://tl.encyclopedia-titanica.com/significdo-de-telenovela“Na-
accessed Agosto 24, 2021
(2) https://www. Tagaloglang.com/dalawang-uri-ng-
paghahambing/“Na-accessed Agosto 24, 2021
(3) https://www.google.com/search?q=daliring+nakaturo+icon&tbm=isc
h&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjg0syIz-
TyAhUUgpQKHePLBhcQ3VZ6BAgBEBE&biw=1124&bih=507#imgrc=
4RlWNsz1CVVzjM“Na-accessed Setyembre 4, 2021

Manunulat : Vivian Z. Propogo


Editor : Adrian B. Bulalacao
Tagasuri ng Nilalaman : Sonny A. Taugan

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP4 Pahina 8

You might also like