You are on page 1of 5

GLOBALISASYON

Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling sabi, ginagawang magkakasama sa buong daigdig. Tungkol ito sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura.[1] Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang mga tao. Ang globalisasyon ay maaring ilarawan bilang proseso ng pag-igting ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa sa daigdig. Maraming manunuri ang nagsasabi na hindi bagong pangyayari ito sa mga bansa, gaya ng iniisip na karamihan. Ang totoo, maraming anyo ang globalisasyon katulad ng proseso ng pagkaka-ugnay ng ekonomiya ng mga bansa na nagsimula sa gitnang taon ng 1800 at nagwakas noong Unang Digmaang Pandaigdig. Nang panahong iyon, kakaunti pa ang mga di tuwirang hadlang sa kalakalan na nagbunga ng pagdaloy ng mga kalakal at kapital sa labas ng mga hangganan pati na ng malaking bilang ng mga taong pumupunta sa ibang bansa. Ang kasalukuyang proseso ng globalisasyon ay may limang pangunahing pangyayari: mabilis na paglago ng pandaigdigang transakyon sa panananalapi; mabilis na pag-unlad ng kalakalan lalo na sa mga Transnational Corporations (TNCs); paglaki ng foreign direct investments (FDIs), na dala ng TNCs ang pagkakaroon ng pandaigdigan palengke; at ang pagpapalaganap ng teknolohiya at ideya sa pamamagitan ng pandaigdigang transportasyon at komunikasyon. Ang kasalukuyang antas ng proseso ng globalisasyon ay may dalawang magkaibang kaganapan- ang globalisasyon ng produksyon at ang globalisasyon ng pananalapi.

KASABIHAN TUNGKOL SA GLOBALISASYON

1.Ang wika ay higit pa sa kanyang kahulugan bilang isang kasangkapan sa pagpapahayag ng mga saloobin at pagbabahagi ng karunungan sa kapwa. 2. Higit pa sa tunog na tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga titik na kapag pinagsama-sama sa tamang paghahanay ay nakalilikha ng mga salita. 3. Ang bawat bansa sa buong mundo ay may sariling wika ayon sa kanyang lahing pinagmulan at kasaysayang kinagisnan. Ito ang nagsisilbing pamantayan ng pagkakakilanlan ng mga lahi na sumasalamin sa damdamin at diwa nito. Larawan ito ng uri ng kanilang pamumuhay at pagkatao. Sa pamamagitan ng kanilang pananalita at pagtangkilik ng kanilang sariling wika ay nababanaagan din ang pagmamahal sa sariling bayan. 4.Susi sa globalisasyon, oo, ngunit hindi kailanman ng kolonyalismo. Sa diwa ng nasyonalismo, ito ay suliraning kinakaharap ng mga Pilipino ngayon. 5.Mabisa ito sa pakikipagsabayan ng mga Pilipino sa mabilis na takbo ng globalisasyon. Isang matibay na tulay ng mundo upang magkaunawaan at magkaisa ang mga puti, itim, at kayumanggi tungo sa malawakang pag-unlad.

MGA LARAWAN NG TANDA\SIMBOLO NG GLOBALISASYON

SARILING PANANAW TUNGKOL SA KAHALAGAHAN\EPEKTO NG GLOBALISASYON


Una sa lahat, mas pinili kong isulat ang blog na ito gamit ang sarili kong wika upang mas maipahayag ko ang mahahalagang kaisipang Pilipino na nabuo ko mula sa aking mga pananaliksik. Ang mga kaisipang ito ay mahirap na isulat sa wikang dayuhan sapagkat maaaring maiba ang pagkakaintindi ng mga ito. Nais kong ibahagi ngayon ang isa sa mga tago sa ating ulirat na epekto ng globalisasyon. Totoo na ang globalisasyon ay nagbukas ng isang daan para sa ating bansa na makaahon kahit papaano mula sa pagkakabaon ng ating ekonomiya lalo na noong panahon ni Marcos. Subalit marami itong hininging kapalit. Isa sa gusto kong bigyang pokus ay ang epekto ng globalisasyon sa sistemang industriyal at edukasyon na siyang bingiyang daan ng panukalang batas noon tungkol sa wika. Batid natin na ang bansa natin ay nabubuo ng mga dayuhang industriya at ang mga industriyang ito ay siyang isa sa mga pangunahing pinagkukunan natin n gating kabuhayan. At upang makapasok tayo o makakuha tayo ng ating trabaho sa mga kompanya o industriyang ito, kinakailangan nating umayon sa mga patakaran at makibagay sa galaw ng sistema nila. Isa sa pangunahing hinahanap nila ay ang mga mangagagawa na marunong magsalita ng inggles sapagkat ang mga amo nila ay pawang mga dayuhan. Kung kayat, may mga isinabatas noon sa administrasyong Arroyo na gawing medyum ng panturo ang wikang Inggles. Ano nga ba ang epekto nito sa atin? Tinalakay sa The Miseducation of the Filipinos ni Profesor Renato Constantino at Nanganganib na nga ba ang Sikolohiyang Pilipino dahil sa Wikang Inggles? ni Dr. Virgilio Enriquez. Katulad ng punto ni Prof. Lumbrer a, Ipinupunto ni Prof. Constantino at maging ni Dr. Enriquez sa kanilang mga sulatin na ang wika ay ginagamit upang baguhin ang ating kamalayan at itoy nagaganap at magaganap sa sistemang pang edukasyon ng mga tao.[1] Matapos ang pananakop ng mga Kastila sa ating wika, ang pananakop naman ng Amerikanoy paggamit ng kanilang wika sa edukasyon o pagkatuto ng mga Pilipino. Sinabi ni Constantino sa kanyang sulatin na, The molding of mens mind is the best means of conquest. Education, therefore, serves as a weapon in wars of colonial conquest. Ang pananaw ng mga Amerikanoy masasabi nating buhay pa rin sa ating sosyedad hanggang ngayon. Hindi pa rin nawawala dahil patuloy pa rin nating ginagamit bilang medyum ng pagtuturo sa kahit na saan mang paaralan. Mukha ngang nagkakatotoo ang mga nasabi ni Prof. Constantino gaya ng Young minds has to be shaped to conform to American ideas at Education served to attract the people to the new masters and at the same time to dilute their nationalism which had just succeeded in overthrowing a foreign power. Sinasabi rin ng mga Amerikano noon na ang ginawa nilang educational system ay upang palayain tayo sa katangahan at pagi ging ignorante. Gagamitin raw ang wikang ingles pangturo upang palayuin na tayo sa ating nakaraan. Ang nakaraan nga bang tinutukoy nila na dapat nating limutin ay ang nakaraan sa pananakop ng Espanya o nakaraan kung saan tayo ang namumuno sa ating sariling lupain at tayo ang mas nakakaalam sa kung ano ang dapat nating gawin upang mamuhay dahil tayo ay tao at likas sa ating umayon sa galaw at pangangailangan ng ating sosyedad? Sa konklusyon, nais ko pa ring gamitin ang sinabi ni prof. Constantino: As long a s feelings of resistance remain in the hearts of the vanquished, no conqueror is secure. Education must both be seen not as an aquisition of information but as the making of man so that he may function affectively and usefully within his own society. Ang wika natin ay proteksyon at kapangyarihan nating mga Pilipino. Dahil sa edukasyon nalaman natin ang problemang ito ng ating bayan. Obligasyon na nating ituwid ang mga binaluktot ng mga dayuhang mananakop dahil wala na sila. Masisimulan natin ito sa paggamit at pagiging hindi dayuhan sa ating sariling wika. Sana mula rin sa mga nalakap na mga pagaaral, naway kahit kultura na lang natin ang ating isagip sa mga panahon ngayon na nagpapaubaya tayo sa mga dayuhan pagdating sa pamamalakad ng ating ekonomiya.

QUIPAYO HIGH SCHOOL SAN ANTONIO QUIPAYO CALABANGA CAMARINES SUR

PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN


EDETTE C. PACTURANAN 3-3

You might also like