You are on page 1of 5

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________ Baitang/Pangkat: _______

Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa ng Pagpasa: _______

I. SUSING KONSEPTO

NOBELA
Ang Nobela gaya ng maikling kuwento ay kakikitaan ng tunggaliang
pumupukaw sa damdamin ng mambabasa. Ang nobela ay hindi nagkakaroon
ng buhay kung walang tunggalian. Ito ay isang elementong nakapaloob sa
banghay. Ito ay ang labanan sa pagitan ng magkasalungat na puwersa.
1. Pisikal (Tao laban sa Kalikasan)- ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa
tao laban sa mga element at puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring
ulan,init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at iba pa.
2. Panlipunan (Tao laban sa Kapuwa tao)- ang tao ay laban sa kapuwa tao
o tao laban sa lipunang kaniyang ginagalawan. Ibig sabihin, ang kaniyang
problema o kasawian ay dulot ng iba o bagay na may kaugnay sa lipunan
gaya ng diskriminasyon o iba pang bagay na tila di makatarungang
nagaganap sa lipunan.
3. Panloob o sikolohikal (Tao laban sa Sarili) - ito ay tunggalian ng tao
laban sa kanyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na
hangad o pananaw ng iisang tao.

II.KASANAYANG PAMPAGKATUTO

• Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang


nobela (F9PII-Ic-d-40)


III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Pagsasanay I
Panuto: Basahin ang bahagi ng nobela at unawaing mabuti
ang kuwento.

DO_ Filipino_Baitang 9_K1_LP7 Pahina 1


Mga Katulong sa Bahay
Isinulat ni Vei Trong Phung
Isinalin ni Florentino A. Iniego
Kabanata 6 – Ang Liwanag ng Kalunsuran
(Bahagi Lamang)

Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay kainan. Sa oras na ito, sa


halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan,
binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng
nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa
pagtulog. Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling
matulog dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang
babae upang magbayad ng upa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Tumuloy
lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa
kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang lagusan.
Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang
marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa kaitiman.
Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa banig.
Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog
gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan.
Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng
bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik
upang bumili ng pagkaing inihanda ng may -ari. At kung mayroon man silang
nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng
may-ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan.

-Amog, Maybel V. et.al., Kalinangan Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitik

Panuto: Batay sa binasang nobela, suriin ang mga pahayag at tukuyin kung
anong uri ng tunggalian ang lumitaw sa pahayag at ipaliwanag sa loob
ng tatlong pangungusap.

1. “Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog


dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang babae
upang magbayad ng upa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Tumuloy lang
akong parang walang narinig.”
Pahayag:__________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

DO_ Filipino_Baitang 9_K1_LP7 Pahina 2


2. “Samantala, ninais nilang tumigil dito. Hindi dahil sa mabait ang may-ari ng
bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik
upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari.”
Pahayag:______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. “at kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nkahanda ring bilhin ito ng
may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng
kawanggawa ang kaniyang tahanan.”
Pahayag:______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Pagsasanay II

Isang Libo’t Isang Gabi- (Thousand and One Nights)


Nobela- Saudi Arabia Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera

Isang babaing mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking


mahilig maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwanan nang matagal
ng kaniyang asawa. Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama
siya ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata
sa kaniya. Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang kaniyang lalaking
inibig. Gumawa siya ng paraan upang mapawalang bisa ang paratang dito at
mapalaya. Pinalabas niya na ang lalaking ito ay kaniyang kapatid at lubhang
mahal na mahal sa kaniya. Lima ang lalaking nahingian niya ng tulong. Ang
lima ring ito ay umibig sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at sa
maamo nitong mata habang nakikiusap. Matutulungan lamang siya kung
ibibigay at ipagkakaloob niya ang kaniyang sarili.
Sa takot na makulong nang habambuhay ang kaniyang lalaking iniibig, at
sa pananakot ng mga lalaking hiningian niya ng tulong, pumayag siya sa
gusto ng mga lalaking ito kapalit ng kalayaan ng iniibig. Nagtakda siya ng
iisang oras sa lahat ng lalaking umiibig sa kaniya. Sa sarili niyang bahay
magaganap ang hinihiling ng mga ito. Sunod-sunod na nagdatingan ang hepe
ng pulisya, si Cadi,si Vizier, ang hari at ang karpintero sa kaniyang bahay.
Isinagawa ng babae ang balak na gagawin sa mga nagsidating. Ano ang
gagawin ng babae para hindi magkita-kita at magkasakitan ang limang
lalaking ito na nais niyang pagbigyan kapalit ng kalayaan ng lalaking iniibig?
Paano niya patutunayan na ang paratang sa kaniya bilang masamang asawa
ay mali? Siya pala sa kabila ng lahat ng ito ay matapat at mabuting asawa?

- Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9, 240.

DO_ Filipino_Baitang 9_K1_LP7 Pahina 3


Panuto: Suriin ang mga bahagi ng akda kung anong uri ng tunggalian ang lumitaw sa
akda. Pumili lamang ng isa. Magbigay ng suportang detalye o paliwanag sa
pagsusuring gagawin.

Bahagi ng Nobela Patunay

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

Pasasanay I
1. Ito ay nagpapahayag ng tunggalian ng tao vs. sarili dahil sa kabila ng
pangbubulyaw sa tauhan na lang nakipagtalo ang tauhan sa halip ay
nagbingi-bingihan na lamang.
2. Ito ay nagpapahayag ng tunggalian ng tao vs. sarili dahil ang mga taong
nakikituloy rito ay napipilitan lamang dahil wala silang pagpipilian.
3. Ito ay nagpapahayag ng tunggalian ng tao vs. sarili dahil hindi
nagmumula sa bukal na kalooban ng may-ari ang pagpapatuloy niya sa
mga ito sa halip siya ay may pakinabang sa mga ito.
Pagsasanay II

Bahagi ng Nobela Patunay


Malimit siyang iniiwan nang matagal Ito ay nagpakita ng tunggaliang tao
ng kaniyang asawa. Dahil sa vs. sarili sapagkat ipinakita dito
katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, ang naging suliranin ng tauhan at
nakadama siya ng kalungkutan at naipakita rin kung paano niya
pagkabagot. Umibig siya sa isang nabigyan ng solusyon ang
lalaking mas bata sa kaniya. Sa di ipinakitang problema.
inaasahang pangyayari, nakulong ang
kaniyang lalaking iniibig. Gumawa
siya ng paraan upang mapawalang
bisa ang paratang dito at mapalaya.
Pinalabas niya na ang lalaking ito ay
kaniyang kapatid at lubhang mahal
na mahal sa kaniya.
DO_ Filipino_Baitang 9_K1_LP7 Pahina 4
V. REPLEKSIYON
Panuto: Ipaliwang ang pahayag sa ibaba sa loob ng tatlong
pangungusap sa iyong sagotang papel.

Kung ang iyong buhay ay magiging isang nobela, anong uri ng tunggalian ang
iyong nararanasan sa kasalukuyang estado ng iyong pamumuhay?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

VI. SANGGUNIAN

Aklat:

Phong Trong Vei (2019) Mga katulong sa buhay- isinalin ni Florentino A.Iniego
Kabanata 6 Ang Liwanag ng Kalusugan (Bahagi lamang) Amog, Maybel V.
et.al. Kalinganan Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan,
Ikatlong Edisyon. Pilipinas: Rex Bookstore

Rivera, Julieta U, (2014) isinalin Isang Libo isang Gabi- Thousand and One
nights Nobela Saudi Arabia,PeraltaRomulo N. et.al, PAnitikang Asyano 9,
Pilipinas: Sunshine Interlinks Publishing House,Inc.pahina 240.

Modyul:
Torres, Shiela May P. et.al “Filipino-Baitang 9 kwarter1 Modyul 9:Tunggaliang
Tao vs.Sarili, Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon V. Regional Center Site,
Rawi, Legazpi City 4500

Manunulat : Jeffrey V. Rios


Editor : Adrian B. Bulalacao
Tagasuri ng Nilalaman : Sonny A. Taugan

DO_ Filipino_Baitang 9_K1_LP7 Pahina 5

You might also like