You are on page 1of 7

ANTAS 11

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
WEEK 2 | LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 2
TEKSTONG DESKRIPTIBO
MELC: 1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa; at
2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.

Pangalan: ________________________ Antas & Seksiyon: _____________ Petsa: ____________

SIMULAN

A. Dahil umuulan, nakisilong si B. Dahil umuulan, nakisukob si Dodoy


Dodoy sa ilalim ng makapal na sa ilalim ng payong ni Ningning na
berdeng payong ni Ningning na animo’y madahon ng punongkahoy
na pinalamutian ng mga pulang
pinalamutian ng mga pulang bunga. Abot-langit ang ngiti sa
beads. Ito na marahil ang kanyang mga labi sa pagkakataong
pinakamasayang sandali niya sa ito kasama ang nagpapatibok ng
piling ng kanyang kasintahan. kanyang puso.

- Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Phoenix, 2017

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Alin sa dalawang pahayag ang madaling unawain?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Alin sa dalawang pahayag ang pumukaw sa iyong pang-unawa at damdamin?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Alin sa dalawang paraan ng paglalarawan ang mas nanaisin mong gamitin?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

1 | PAHINA
SURIIN

Panuto: Gamit ang Venn diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga uri at
paraan ng paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa tekstong binasa.

A. B.

PAGKAKATULAD

TALAKAYIN

TEKSTONG DESKRIPTIBO

KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang
likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pandam-
a, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.

LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari
o kaya naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o
pangyayari.

MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)

1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng


pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Inilalahad sa
tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng
obserbasyon.

2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang makabuo


ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig,
ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan o pangyayari.

2 | PAHINA
PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG WIKA SA
MASINING NA PAGLALARAWAN
a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at
pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing,
kawangis, kapara, animo’y at katulad.
Halimbawa:

b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang


gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.
Halimbawa:

c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang


pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
Halimbawa:

d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong katotohanan at


hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.
Halimbawa:

3 | PAHINA
e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng
bagay na inilalarawan.
Halimbawa:

URI NG PAGLALARAWAN
1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan.
Halimbawa:

Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa


matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.

2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.


Halimbawa:

Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan


ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing
itong pinakaaktibong bulkan sa bansa.

- Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Phoenix, 2017

GAWIN

Basahin ang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo.

Ang Karanasang ‘Di Ko Malilimutan


Ni: Jheru Alselmo Mendoza
Lahat tayo ay may karanasang ‘di makakalimutang karanasan sa pag-ibig, sa
kaibigan, at sa pamilya. Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan?
Ano bang alaala ang lubos na nagdulot ng sakit sa atin? Kailan ba tayo naging masaya?
Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking naranasan, kulang pa yata ang isang
libro para maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko.
Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kaming
magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan.
Kinakaya namin anumang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng
aking mahal na ina noon, ayos lang daw maghirap kami at magdildil ng asin basta kompleto
at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kanyang
pamilya noon. Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap
daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na
ina sa buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon.
aming buhay na ganap na sumubok sa aming katatagan. Sampung taong gulang 4
pa|
PAHINA
lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may
Ang aking ama naman ay siyang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya
kahit minsan napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng alak.
Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit lingid sa aming
kaalaman, isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na sumubok sa
aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang,
nang malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa
nalaman naming balita. Gayunpaman, pinilit naming maging masaya para sa aming ama dahil
ayaw naming makita niyang nalulungkot kami para sa kaniya. Kahit paano ay mabawasan
ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa kakulangan
sa pera. Lumala nang lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating masigla niyang katawan
dahil nangayayat siya nang husto. Ikatatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang
kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa, kami lang ang nagdiwang
at nagsalu-salo. Ang ama ko ay masaya noong araw na iyon ngunit nararamdaman ko na
parang malungkot siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil gusto niyang maging masaya
kami sa araw na iyon.
Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang huling kaarawan
ng aking ama. Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang
aking ama. Napaluha na lang ako habang tinitingnan ko ang bangkay niya. Pero naalala ko
ang sabi niya sa akin noon; “Anak, huwag kang iiyak kapag nawala na ako, ha.” Kaya noong
libing niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya at hindi na siya
mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama.

-Halaw mula sa https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan

A. Panuto: Batay sa tekstong binasa, tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang
ginamit sa mga siniping pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang letrang S kung ito ay
Subhektibo at O naman kung ito ay Obhektibo.

_____ 1. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay.

_____ 2. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, at kinakaya


namin ang anumang unos na dumating dahil lagi kaming magkakasama.

_____ 3. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi maayos
niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon.

_____ 4. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang
malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama.

_____ 5. Ikatatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. Nagluto
ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagsalu-salo.

5 | PAHINA
B. Panuto: Muling balikan ang tekstong binasa, sumipi ng bahagi ng sanaysay na sa
tingin mo ay Karaniwan o Malikhain ang paraan ng paglalarawan. Magbigay lamang
ng isang halimbawa na may 1-2 pangungusap lamang.

C.
KARANIWAN MALIKHAIN
________________________________ ________________________________
____
________________________________ ________________________________
____
____
________________________________ ____
________________________________
________________________________
____ ________________________________
____
________________________________
____ ____
________________________________
________________________________
____ ________________________________
____
________________________________
____ ________________________________
____
____ ____

C. Sumulat ng isang tekstong deskriptibo batay sa sumunod na sitwasyon.


Ikaw ay isang mahusay na manunulat ng isang Advertising Company. Naatasan ka ng
iyong boss na gumawa ng brochure na may kaugnayan sa Mga Kinahihiligan Mong
Gawain (Hobby). Layunin nitong maipahayag at maipakita ang natatanging talento ng
isang indibidwal. Ang output na brochure ay hiwalay na gagawin mula sa LAS na ito.
Maaari mong dikitan ng mga larawan o guhitan ng mga imahe upang mas maging
kawili-wili ang iyong brochure.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS


Batayan Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos
1. Angkop ang pagpili ng larawan sa nais
10
iparating na mensahe ng brochure.
2. Malinaw at masining ang paglalarawan sa mga
10
kalakip na larawan.
3. Napapanahon at kapaki-pakinabang ang
10
napiling paksa.
4. Malikhain at nakatatawag ng atensyon o
10
pansin ang kabuuan ng brochure.
5. Malinaw, may kaugnayan ang mga detalye at
10
mabisa ang paglalarawan.
Kabuoan: 50 puntos

6 | PAHINA
TAYAHIN

Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem. Pumili ng sagot mula sa kahon sa
ibaba at isulat ang katumbas na titik sa patlang bago ang bilang ng bawat aytem. Maaaring
ulitin ang sagot kung kinakailangan.
A. Deskriptibo B. Karaniwan C. Pang-uri D. Tama
E. Pang-abay F. Naratibo G. Malikhain H. Layunin
I. Obhektibo J. Subhektibo K. Impormatibo L. Mali

_____ 1. Ang tekstong ______ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung
saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan
ng larawan.
_____ 2. Ang _____ at pang-abay ay mga uri ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan.
_____ 3. Ang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o anumang paksa na
inilalarawan ang siyang pangunahing _____ ng tekstong deskriptibo.
_____ 4. Mga pang-uri at ______ ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan
ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais bigyang-buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring ____ o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng
teksto lalong-lalo na ng ____.
_____ 7. Ang talaarawan ay isang direktang halimbawa ng tekstong
deskriptibo. Tama o Mali?
_____ 8. Mahalagang mapukaw ang limang pandama sa paglalarawan. Tama o Mali?
_____ 9. Sa ____ paglalarawan, ginagamit ang mga matalinghagang mga salita.
_____10. Sa karaniwang paglalarawan, ____ uri ang paglalahad ng kongkretong katangian
ng nilalarawan.
_____11. Simpleng salita lang ang kailangan sa _____ paglalarawan.
_____12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama ang tekstong
_____.
_____13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng ____
paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng ____paglalarawan.
_____15. Ang ____ paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mga
mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa limang pandama.

7 | PAHINA

You might also like